You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education – Region III Central Luzon


DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO

Self-Instructional Packets (SIPacks)


Araling Panlipunan Grade 7
Quarter 2 – WEEK 7

A. Pamantayang Pangnilalaman(Content Standards):


Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano,
pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya
at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano

B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards):


Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at
relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo
ng pagkakilanlang Asyano

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/ Most Essential Learning Competencies


MELC No. 12- Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula
sa sinaunang kabihasnan hanggang ikalabing anim na siglo

Layunin (Objectives):
1. Nasusuri ang bahaging ginampanan ng kababaihan sa pagtataguyod at
pagpapanatali ng mga pagpapahalagang Asyano;
2. Naipaliliwanag ang kapangyarihan ng mga diyosa sa Asya;
3. Nasusuri ang mga probisyon na may kinalaman sa kababaihan sa Code of
Hammurabi at Code of Manu;
4. Napaghahambing ang kalagayan ng kababaihan sa mga relihiyon at pilosopiya
sa Asya; at
5. Naibibigay ang sariling pananaw tungkol sa isyung may kinalaman sa kababaihan
I. NILALAMAN(Content):
Kababaihan sa Sinaunang Panahon
Kagamitang Panturo (Learning Resources)
A. Sanggunian (References)
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro (TGs):
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs):
3. Mga pahina sa Teksbuk (Other references): Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan
pah. 250-255
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource:
5. Iba pang pinagkuhanang sources:
https://www.google.com/search?q=inanna&client=ms-google-
coop&cx=partner-pub-
6502295309683159:4vef4zrqqzk&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahU
KEwi-
juKmn8nqAhUMBZQKHRjqDA0Q_AUoAXoECBQQAw&biw=1745&bih=807#i
mgrc=lcjJS6XC9NoMmM
https://www.google.com/search?q=indra+god&client=ms-google-
coop&cx=partner-pub-
6502295309683159:4vef4zrqqzk&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahU
KEwjF68KToMnqAhVGzIsBHRGmA8YQ_AUoAXoECA4QAw&biw=1745&bih
=807

B. Iba pang Kagamitang Panturo:mga larawan, sagutang notebook

Page 1 of 10
II. PAMAMARAAN(Procedures):
UNANG ARAW
A. . Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin):
..
Bago ka magsimula sa pagbabasa ng araling ito, subukin mong sagutan ang panimulang
t. t y m s k t k k m t k s .

Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo.
Maaari mo nang simulan ang pagsagot sa mga tanong at ilagay mo sa iyong sagutang papel
ang iyong mga kasagutan.

Gawain 1: Talasalitaan. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon. Sagutin ang mga sumusunod
ng pasalita. Huwag ng isulat ang sagot sa sagutang papel.
Dote Footbinding Sati o suttee Diyosa Code

1. Isang kaugaliang Hindu na kung saan isinasama ang asawang babae sa nasusunog na
bangkay ng asawang lalaki.
2. Ito ay ang sadyang pagbabali sa arko ng paa ng batang babaeng Tsino upang hindi ito
lumaki ng normal.
3. Ang babaing dinidiyos na may superior na kagalingan at kabigha-bighani.
4. Katipunan ng mga tuntunin o batas
5. Pera o pag-aaring ipinagkakaloob sa mapapangasawa.
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa mga Kababaihan
noong sinaunang panahon.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)


Gawain 2. Four Pics in One Word
Gawing batayan ang mga pamprosesong tanong. Sagutin ito ng pasalita. Huwag ng
isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pamprosesong Tanong:
Anong salita na may limang letra na
nagsisimula sa letrang B ang tinutukoy
ng apat na larawan?
May kakilala ka bang Asyanong
ganito?
Magsulat ng dalawang katangian o
pagkakakilalan niya bilang Asyano.

Page 2 of 10
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Gawain 3. I-R-F Chart


Maglahad ng dalawang pangungusap na iyong inisyal na kaalaman tungkol sa mga
kababaihan sa sinaunang panahon? Sagutin ito ng pasalita. Huwag ng isulat ang sagot sa sagutang
papel.

IKALAWANG ARAW

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1(Paglinang/ Alamin


Mo/Paunlarin)

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon
naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na
inihanda upang maging batayan mo ng mga impormasyon.

Mga Diyosa sa Asya


(Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan pah. 250-251)

Tiamat (sa relihiyon ng sinaunang Babylonia) ay


isang primordial na diyosa ng dagat ng asin, na
may kasamang Abzû, ang diyos ng sariwang
tubig, upang makabuo ng mas batang mgadiyos.
Siya ay tinukoy bilang isang babae at inilarawan
bilang isang nagliliyab. Pinaniniwalaan ng mga

taga Babylonia sa Kanlurang Asya na siya ang


pinagmulan ng lahat.
Marduk ay ang diyos ng patron ng Babylonia,
ang hari ng Babylonia na mga diyos, na namuno
sa hustisya, pakikiramay, pagpapagaling,
pagbabagong-buhay, mahika, at pagiging patas,
bagaman kung minsan ay tinukoy din siya bilang
isang diyos ng bagyo at diyos ng agrikultura

Page 3 of 10
Nammu sa mitolohiya ng Sumerian siya ay kilala rin bilang
Namma ay isang pangunahing diyosa, na nauugnay kay
Tiamat sa mitolohiya ng Babylonia.

Si Nammu ay ang diyosa ng Diyos (Engur) na nagsilang


kay An (langit) at Ki (lupa) at mga unang diyos, na
kumakatawan sa Apsu, ang sariwang tubig na
pinaniniwalaan ng mga Sumerians na nasa ilalim ng lupa,
ang mapagkukunan ng nagbibigay-buhay na tubig at
pagkamayabong sa isang bansa na halos walang pag-
ulan.

Inanna ay ang sinaunang diyosa ng Sumerian ng pag-


ibig, pagkamalikhain, pagkamayabong, pagbubuhay, at
ng digmaan. Kalaunan ay nakilala siya ng mga
Akkadians at Asyrian bilang diyosa na si Ishtar, at
kinilala ng mga Hittite bilang Sauska, ng mga
Phoenician bilang Astarte at ang mga Greek bilang
Aphrodite, at marami pang iba. Nakilala rin siya bilang
maliwanag na bituin ng umaga at gabi, si Venus, na
diyosa ng Roma.

Indra ay isang sinaunang diyos na Vedic sa Hinduism,


isang diyos ng tagapag-alaga () sa Budismo,at ang hari ng
kataas-taasang langit na tinawag na Saudharmakalpa sa
Jainism.

Sa Vedas, si Indra ay ang hari ng Svarga (Langit) kasama


ang kanyang kabisera na si Amaravati at ang Devas. Siya
ang diyos ng langit, kidlat, kulog, bagyo, ulan, daloy ng ilog,
at digmaan.

Amaterasu Omikami ('ang dakilang diyos na nag-iilaw sa


langit') ay ang diyosa ng araw ng Japan, ang pinakamahalagang
diyos ng relihiyon ng Shinto at tagapamahala ng Takama no
Hara (ang Mataas na Celestial Plain), ang domain ng kami o mga
espiritu.

Kilala rin bilang Oho-hir-me-no-muchi o Amaterasu-oho-hiru-


me, si Amaterasu ay anak na babae nina Izanami at Izanagi na
gumawa ng kanilang anak na babae na pinuno ng kalangitan.
Nang tumakas ang kanyang amang si Izanagi mula sa kanyang
pagbisita sa underworld ay kailangan niyang magsagawa ng
isang paglilinis na ritwal sa ilog Woto at ito ay, mula sa kaliwang
mata ng diyos, si Amaterasu ay ipinanganak

Page 4 of 10
 Ang Kababaihan sa Batas ni Hammurabi at Code of
Manu
(Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan pah. 251-252)

Batas ni Hammurabi
(Kanlurang Asya)
-makikita ang mababang pagturing sa mga kababaihan:

 Ang babae ay itinuturing na bagay na maaaring ikalakal.


 Ang pag-aasawa ay isang transaksyong pananalapi.
 Ipinagkakasundo ang anak na babae kapalit ang dote at pera.Kahit bata
pa ang babae ay ipinagkakasundo na hanggang umabot sa sapat na
gulang.
 Ang babaeng hindi naging tapat sa kanyang asawa ay papatawan ng
parusang kamatayan.
 Ipinagbabawal ang paglahok ng mga babae sa kalakalan

Code of Manu
(Timog Asya)
 Ayon sa batas na ito, ang babae na nakipag-relasyon sa mataas na uring
lalaki sa lipunan, gaya ng Brahmin ay pupunta sa impiyerno.
 Ipinag kakaloob ang dote sa pamilya ng babae at hindi sa kanya
 Ang huwarang agwat ng edad ng magpapakasal ay 3 beses ang tanda ng
lalaki sa asawang babae
 Hindi rin dapat tumutol ang ama na ipagkasundo ang anak na babae na
ipakasal, dahil ito ay katumbas ng kasalanang pagpapalaglag ng sanggol.

Page 5 of 10
IKATLONG ARAW

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin)

 Ang Babae sa mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya


(Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan pah. 252-253)

 Binigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan na maging


mongha na magbabahagi ng mga turo ng Budismo ngunit
sila ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga monghe.
Gawain 7. Biswal ba Pagsus  Mas mataas ang pagkilala sa mga lalaki kumpara sa mga
babae.
Suriin ang mga larawa  Hindi pinayagan na makamit ng mga kababaihan ang
mga panahonhg Peleolitioko, nirvana ang tanging pag-asa niya ay muling maisilang
(2 puntos bawat tamang sag bilang isang lalaki upang matamo ang nirvana.

 Ang pagpapahalaga ng Confucianismo sa mga anak


na lalaki ay makikita sa kinikilalang Limang Ugnayan o
Relasyon na kung saan nakasaad mula sa pananaw ng
lalaki..
 Higit na sinasang-ayunan ng Confucianismo ang mga
anak na lalaki kaysa sa mga anak na babae dahil ang
mga babae ang nagbibigay ng dote at ang mga lalaki
ang itinuturing na tagapagpatuloy ng pangalan ng
pamilya.
 Ang kahalagahan ng babae ay ibinabatay sa
kakayahan niyang magkaroon ng anak at kung hindi
man ay maaari siyang idiborsyo ng kanyang asawa.

 Ang Tradisyunal na Papel ng Babae


(Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan pah. 253-255)

IIsa lamang ang maaaring tunguhin ng babae sa tradisyunal na Asya- ito ay ang
maging isang asawa at maging ina.

Sa Lipunang India

 Sati o Suttee- isang kaugaliang Hindu na pagsama ng


asawang babae sa nasusunog na bangkay ng
asawang lalaki. Ayon sa kanilang paniniwala ,ito ay
bahagi ng paglilinis ng kasalanan ng mag-asawa at
makakamtan nila ang kaluwalhatian sa kabilang
buhay.
 Bilang paggalang sa mga asawang lalaki, ang
asawang babae ay kakain lamang pagkataposkumain
ng kayang asawa.

Page 6 of 10
Sa Lipunang Tsina

 Foot Binding- sadyang pag babali sa arko ng


paa ng batang babaeng Tsino upang hindi ito
lumaki ng normal na tinatawag na lotus feet o
lily feet.
 Ito ay isang pamantayan ng kagandahan
para sa mga sinaunang Tsino. Ito rin ang
hinahanap ng lalaking Tsino upang maging
asawa.
 Isa rin itong pagpapatuany na ang
asawang babae sa lipunang Tsino ay hindi
nagtatrabaho at nasa bahay lamang.
 Concubinage- pagkakaroon ng ibang babae
ng lalaking Tsino maliban sa kanyang legal na
asawa.
 Ang kawalang kakayahan ng asawang babae
na bigyan ng supling ang kanyang asawa ay
maaring idiborsyo ng asawang lalaki.

Sa Lipunang Muslim

Paglagay ng purdah- belo sa salitang Persian.


 Pagsuot ng Burka- isang damit na maluwang
na may kasamang belo na may layunin
ipaalala na ang asawang lalaki lamang ay may
karapatang makakita sa katawan ng asawang
babae.
 Nagtataguyod ng
polygamy- maaaring mag- asawa ang lalaki
ng higit sa isa batay sa kanyang

Page 7 of 10
Sa Lipunang Hapon

 Bago umiral ang piyudalismo, may


karapatan ang parehong anak na babae at
lalaki na magmana ng ari-arian ng kanilang
mga magulang ngunit ito ay naglaho sa
panahon ng Kamakura at Ashikaga
Shogunato
 Pinaniniwalaan na may limang kahinaan
ang babae
1. Hindi masunurin
2. Madaling magalit
3. nag bibig
4. Madaling magselos
5. Mahina ang ulo

Gawain 4. Pagbuo ng matrix. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Sagutin ito ng pasalita. Huwag
ng isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ihayag sa loob ng isang pangungusap ang mga naging kalagayan ng kababaihan sa


sumusunod na lipunan:

Kababaihan sa sumusunod na lipunan Kalagayan

India

China

Muslim

Japan

IKAAPAT NA ARAW

F. Paglinang sa Kabihasnan( Gawin Mo/ Pagyamanin)

Gawain 5. ACROSTIC
Gumawa ng acrostic tungkol sa bahaging ginampanan ng kababaihan sa pagtataguyod at
pagpapanatali ng mga pagpapahalagang Asyano. Gamitin ang salitang BABAE. Sagutin ito ng
pasalita. Huwag ng isulat ang sagot sa sagutang papel.
B-
A-
B-
A-
E–
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Gawin Mo/ Pagyamanin)

Gawain 6. Voice Thread o Collage


Bumuo ng voice thread (gamit ang isang voice recorder) o gumawa ng collage na maaaring ginupit o
ginuhit na mga larawan na may kinalaman sa kahalagahan ng kababaihan sa lipunan.
Rubriks
Kailangan pang
Pamantayan Napakahusay (4) Mahusay (3) Katamtaman (2) Magsanay (1)
Nakakitaan ng Walang
Nagpakita ng lubos Nagpakita ng mahinang naipakitang pag-
na pag-unawa sa pag-unawa sa pagkaunawa sa unawa sa mga
Pag-unawa sa
mga datos na mga datos na mga datos na datos na napag-
datos
napag-aralan napag-aralan napag-aralan aralan
May ilang datos
Pagkaayon sa Nakaayon ng lubos Nakaayon sa ang hindi Hindi nakaayon
itinakdang sa layunin ang layunin ang nakaayon sa sa layunin ang
layunin gawain gawain layunin gawain
Pagiging Napapanahon ang Napapanahon
napapanahon lahat ng inihayag ang marami sa Kakaunti ang Walang
ng mga datos, na datos, inihayag na napapanahong napapanahong
ebidensya at ebidensya at datos, ebidensya datos, ebidensya datos, ebidensya
kasanayan kasanayan at kasanayan at kasanayan at kasanayan
Napakamalikhaing Malikhaing Di-gaanong Walang bahid ng
Malikhaing naihayag ang naihayag ang naging malikhain pagkamalikhain
Mensahe mensahe ng mensahe ng ang mensahe ng ang mensahe ng
gawain gawain gawain gawain
Hindi gaanong Hindi masining
Napakasining ng Masining ang masining ang ang
pagkakagawa ng pagkakagawa ng pagkakagawa ng pagkakagawa ng
Pagkamasining
gawain gawain gawain gawain

H. Paglalahat ng Aralin(Tandaan Mo/ Pagyamanin at Isaisip)

Gawain 7: I-R-F Chart


Matapos mong natutuhan ang mga konsepto tungkol sa mga Sinaunang Kababaihan. Maglahad
ng dalawang pangungusap na iyong Final na kaalaman o paglalahat tungkol sa natutuhan sa paksa.
Sagutin ito ng pasalita. Huwag ng isulat ang sagot sa sagutang papel.
IKALIMANG ARAW

I. Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/ Isagawa)

Binabati kita! Matagumpay mong nagawa ang lahat ng mga gawain. Patunay ito na handa ka na sa
maikling pagsusulit na iyong gagawin.

Fact o Bluff. Isulat ang salitang FACT kung tama at BLUFF kung mali ang inihahayag ng bawat
pangungusap. Gawin ito sa iyong sagutang papel. (1 puntos bawat bilang)

1. Para sa taga-Babylonia ng Silangang Asya, ang lahat ay nagsimula sa pamamagitan ng diyosa na si


Tiamat.
2. Si Amaterasu-Omikami ay ang diyosa ng araw ng mga Tsino.
3. Ipinagbabawal ang paglahok ng mga babae sa kalakalan batay sa batas ni Hammurabi.
4. Ang lalaki ay itinuturing na bagay na maaaring ikalakal na nakasulat sa batas ni Hammurabi.
5. Ayon sa Code of Manu, ang babae na nakipag-relasyon sa mataas na uri ng lalaki sa lipunan, gaya
ng Brahmin ay pupunta sa impiyerno.
6. Ang huwarang agwat ng edad ng magpapakasal ay 3 beses ang tanda ng lalaki sa asawang babae
batay sa Code of Manu.
7. Sa relihiyong Budismo, ang mga kababaihan ay pinayagang matamo ang nirvana.
8. Sinang-ayunan ng Confucianismo ang pagpapahalaga sa mga anak na babae.
9. Sa China, ang asawang babae ay kakain lamang pagkatapos kumain ng asawang lalaki bilang
paggalang.
10.Sa India, may isang kaugaliang ng pagsama ng asawang babae sa nasusunog na bangkay ng
asawang lalaki na bahagi ng paglilinis ng kasalanan ng mag-asawa at makakamtan nila ang
kaluwalhatian sa kabilang buhay.
11.Ang mga babaeng Tsino ay sumasailalim sa proseso ng footbinding upang hindi lumaki ng normal
ang kanilang paa na tinatawag na candy feet.
12.Ang Burka ay isang damit na maluwang na may kasamang belo na may layunin ipaalala na ang
asawang lalaki lamang ang may karapatang makakita sa katawan ng asawang babae sa lipunang
Muslim.
13.Ang purdah ay isang mahabang damit.
14.Sa panahon ng Kamakura at Ashikaga Shogunate may karapatan ang parehong anak na babae at
lalaki na magmana ng ari-arian ng kanilang mga magulang.
15.Sa lipunang Hapon, pinaniniwalaan na may anim na kahinaan ang babae.
J. Karagdagang Gawain at Remediation
Gawain 8: Paghahayag ng Opinyon
Sagutin ng tig-dalawang pangungusap ang mga katanungan na nasa ibaba. Sagutin ito
ng pasalita. Huwag ng isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sa iyong palagay, naging mahalaga ba ang papel na ginampanan ng kababaihan sa


tradisyunal na pamayanang Asyano? Ipaliwanag ang sagot.
Nagbago ba ang pagtingin sa katayuan ng kababaihang Asyano sa kasalukuyan?
Patunayan ang sagot sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa.

Mahusay! Natapos mo na ang mga gawain para sa linggong ito.

You might also like