You are on page 1of 3

ACTIVITY SHEET #3

ARALING PANLIPUNAN 7
QUARTER 2-Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng mga Imperyo

Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)- Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga


kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya
at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)- Kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano,
pilosopiya, at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.
TIyak na Kasayanan- Napahahalagahan ang mga kaisipang Asyano na nagbigay-daan sa paghubog ng
sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano (AP7-KSA-11d-1.5
Layunin: a. Natutukoy ang mga kaisipang pinagbatayan sa pagkilala sa sinaunang kabihasnan;
b. Naipapaliwanag ang kahalagahan at mga katangian ng pagiging isang mabuting pinuno; at
c. Nabibigyang halaga ang pagiging mabuting pinuno at ang mga kaisipang Asyano sa pagbuo ng
imperyo.

Ang China bilang Gitnang Kaharian


Ipinagmamalaki ng mga Tsino ang kanilang nasyon. Nag-uugat ito sa katotohanang ang
kabihasnan nila’y umusbong sa Huang Ho - isa sa mga ilog ng sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Noong sinaunang panahon, tinawag ng mga Tsino ang kanilang imperyo na Zhongguo na
nangangahulugang “Middle Kingdom o Gitnang Kaharian”. Ibig sabihin nito, naniniwala sila na ang kanilang
imperyo ay sentro ng daigdig at mga kaganapan. Pinaniniwalaan din nila ang pagiging superyor at natatangi
ng kanilang kultura at kabihasnan na tinaguriang Sinocentrismo. Parte ng paniniwalang ito ay ang
paniniwalang ang kanilang emperador ay “anak ng langit” o son of Heaven at namumuno siya sa
kapahintulutan o basbas ng kalangitan (mandate of heaven).

Ang Banal na Pinagmulan ng Emperador ng Japan


Bagama’t humiram ng kultura ang Japan sa China, may sarili rin itong kultura at paniniwala kung
sino sila at kung ano ang kanilang katayuan sa daigdig. Pinaniniwalaan ng mga Hapones na ang mga isla nila
ay lupa ng mga diyos sa dahilang nabuo at isinilang dito si Amaterasu, ang diyosa ng araw. Pinaniniwalaan
din ng mga Hapones na ang kanilang unang emperador na si Jimmu Tenno ay nagmula kay
Amaterasu.Banal ang pinagmulan ng emperador ng Japan.Ang alahas, espada at salamin ang kinikilalang
banal na sagisag ng emperador hanggang sa ngayon.Noon at ngayon simbolo ng pagkakaisa ng mga
Hapones ang kanilang emperador.

Ang Banal na Pinagmulan ng Emperador ng Korea


Ang mga Korean ay naniniwala rin sa banal na pinagmulan ng kanilang emperador. Ayon sa
kanilang alamat at mito, nagmula ang kanilang pinuno kay Prinsipe Hwanung, na anak ng Diyos ng
kalangitan na si Hwanin.

Mito ng Pinagmulan at Sinaunang Kaisipan sa Timog Silangang Asya


Para sa mga taga Timog Silangang Asya, may malakas na ugnayan ang kanilang mga pinuno sa
kanilang mga diyos. Ang katutubong relihiyon ng mga taga Timog Silangang Asya ay animismo kung saan
naniniwala sila na ang kapaligiran ay pinamamahayan ng mga espiritu o diyos. Sa paniniwala ng mga Mon
sa Myanmar, ang kanilang hari ay nangunguna sa ritwal para sa ikasisiya ng kanilang diyos.
Pinaniniwalaang ang sagradong tahanan ng mga diyos o espiritu ay nasa matataas na lugar tulad
ng bundok. Halimbawa, sa Myanmar ay ang Mount Popa at ang Ba Phnom sa Cambodia. Maging sa
Pilipinas, maraming Pilipino noon at ngayon ang naniniwala na ang mga bundok Apo, Banahaw, Arayat at
Pulag ay tahanan ng diyos at espiritu.
Sa pagpili ng mga pinuno o hari sila ay dapat na natatanging mga lalaki. Ayon kay O.W. Wolters,
isang pangunahing historyador ng Timog Silangang Asya, ang mga sinaunang pinuno ay tinaguriang men of
prowess o mga lalaking nagtataglay ng kakaibang galing, tapang o katalinuhan. Ang kanilang superyor na
katangian ay makikita sa kanyang kakayahang magkaloob ng ritwal at papuri sa mga diyos.
Maaaring ikategorya ang mga sinaunang datu ng Pilipinas bilang men of prowess sa dahilang pinili
sila sa kanilang barangay bunga ng kanilang katapangan, katalinuhan o kagalingan.

Ang Devaraja at Cakravartin sa India


Ayon sa alamat ng India, ang unang hari nila ay si Manu na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-
sama ng mga bahagi na sinisimbolo ng iba’t ibang diyos. Ito ay ang buwan, apoy, araw, hangin, tubig,
kayamanan at kamatayan. Dahil nagmula siya sa mga diyos, hindi lang niya sinisimbolo ang isang diyos
kundi taglay niya ang iba’t ibang diyos. Tinitingala siya na mataas at walang kapantay. Tinatawag siyang
devaraja, ang deva ay nangangahulugang diyos at ang raja naman ay hari.
Sa relihiyong Hinduism at Buddhism, ang tahanan ng mga diyos ay ang Mount Meru, ang aksis ng
isang bilog na mundo. Ang tuktok ng Mount Meru ay tahanan ni Indra, ang diyos ng digmaan at
responsable sa panahon. Samantala, ang hari ay nakaupo sa trono at kinikilalang cakravartin o hari ng
buong daigdig.
Ang Islamikong Kaisipan Ukol sa Pamumuno sa Kanlurang Asya
Tulad ng ibang bahagi ng Asya, mahalaga ang papel ng Islam sa mga nabuong islamikong pamahalaan sa
Kanlurang Asya. Ang tagapagtatag ng relihiyon na si Muhammad ay pinaniniwalaang Seal of the Prophets o
huling propeta na magpapahayag ng mensahe ni Allah sa sanlibutan. Maliban sa pagiging pinunong
panrelihiyon, kinilala si Muhammad bilang punong pulitikal ng mga Muslim.
Namatay si Muhammad na walang naatasang kapalit. Ang kanyang tagapayo ay nagpasya na
iluklok si Abu Bakr bilang kanyang kapalit na pinuno ng mga Muslim. Dahil si Muhammad ang pinakahuling
propeta, si Abu Bakr at ang iba pang sumusunod na pinuno ay ginawaran ng titulong caliph na
nangangahulugang sila ang kinatawan o kahalili ni Muhammad sa kalupaan. Tinawag na Caliphate ang
sistema ng pamahalaan na naitatag ng mga pinunong ito.
Pinunong panrelihiyon at pampamahalaan ang caliph. Maliban sa pagiging pinunong pulitikal ng
lahat ng pamayanang Muslim, ang caliph din ang pangunahing hukom, pinuno ng hukbong sandatahan at
pinunong panrelihiyon. Sa pangunguna ng Caliph, nanakop ang mga Muslim ng mga lupain sa iba’t ibang
panig ng daigdig at pinalaganap ang relihiyong Islam.
Ang mahalagang katungkulan ng Caliph ay nakasaad sa Qur’an o Koran ang banal na aklat ng
Islam. Hindi lamang siya kahalili ni Muhammad. Ang atas upang siya ay mamuno ay nagmula kay Allah.
Pinaniniwalaang ang caliph at ang kinalaunang pamalit dito na titulo ng lider, ang sultan, ay “Mga Anino ni
Allah sa Kalupaan” (Shadows of Allah on Earth). Dahil inatasan sila ni Allah, sila ay dapat sundin ng lahat ng
Muslim. Ayon sa Koran, kapag ang Caliph o Sultan ay makatwiran, bibiyayaan ito ni Allah at ang mga
nasasakupan ay dapat magpasalamat.

ACTIVITY 1
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga kaisipang pinagbatayan sa pagkilala sa sinaunang kabihasnan na
tinutukoy ng mga konsepto na nasa Hanay A. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong
kuwadernong pang-aktibiti.

HANAY A HANAY B
1. Paniniwala ng mga Hapones at Korean a. Mga lalaking nagtataglay ng kakaibang galing,
sa kanilang emperador. tapang o katalinuhan
2. Pagkilala ng mga Tsino sa kanilang b. emperador
emperador.
c. Caliphate
3. Kinikilalang tahanan ng Diyos sa Timog
d. Hwaning
Silangang Asya.
e. May banal na pinagmulan
4. Huling propeta na nagpapahayag ng
mensahe ni Allah. f. Amaterasu
5. Isa sa pinakamalawak at g. Bundok
ACTIVITY 2 PERFORMANCE TASK
Panuto: Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa pagiging isang mabuting pinuno. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

RUBRICS SA PAGBUO NG SANAYSAY


PAMANTAYAN 10 8 6 4 Kabuoan
Nilalaman Kompleto at Wasto ang mga May ilang Maraming
wasto ang lahat detalye nakasaad detalye na hindi kakulangan
ng detalye sa talata. dapat isama sa sa nilalaman 10
nakasaad sa talata ng talata.
talata.
Presentasyon Organisado at
Maayos ng Hindi gaanong Hindi gaanong
sinuring mabuti pagpagkakalahad maayos ang maunawaan
ang ng mga detalye. nialahad na ang
pagkakasunod- talata. Hindi nilalamanng 10
sunod ng mga gaanong talata.
ideya o kaisipan maunawaan ang
nilalaman.
Wastong Baybay Tama ang Tama ang Tama ang mga Hindi wasto
at bantas pagkakabaybay at baybay ngunit bantas ngunit ang gamit ng
paggamit ng mga may ilan na hindi may ilang baybay at
10
bantas. nagamit ng kamaliansa gamit ng mga
wasto ang mga baybay. bantas.
bantas.
30

You might also like