You are on page 1of 11

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan-Modyul 1
Konsepto at Katangian ng
Kabihasnang Asyano

ii
7
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan-Modyul 1
Konsepto at Katangian ng
Kabihasnang Asya

Alamin

PANIMULA
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Ito ay binubuo ng iba’t
ibang rehiyon na nagtataglay ng iba’t ibang wika, konsepto, pilosopiya at relihiyon na
nagbunsod ng pagkakakilanlang Asyano.
Pinaniniwalaan na ang sinaunang kabihasnan ay nagsimula sa mga lambak ng tabing ilog
. Handa ka na bang malaman ang mga ito? Halina at ating alamin ang tungkol sa konsepto at
katangian ng kabihasnang Asyano.

iii
Sa modyul na ito, malaman mo na may higit na pagkakahawig ang dalawang salita, ang
KABIHASNAAN at SIBILISASYON. Kamangha-mangha ang mga katangian at ito ay
nagdudulot ng pag-unlad sa kabihasnan at nag-iwan ng maraming kontribusyon. Handa ka na
ba?

Mga Aralin at Saklaw


Aralin 1 – Konsepto ng kabihasnan at katangian nito
Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa mga konsepto/ kaisipang
Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbibigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa
Asya at pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.

Pamantayan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga konsepto/Kaisipang
Asyano,pilosopiya at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya
at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at ang mga katangian nito. (MELC-2, APKSA-
IIb-1.3)

Subukin

Paunang Pagtataya

Sa bahaging ito ay aalamin ang iyong pang--unang kaalaman, kakayahan


at pang -unawa tungkol sa kabihasnang Asyano. Isulat ang titik na naglalaman
ng wastong sagot sa inyong sagotang papel.

1. Ano ang kambal na ilog na higit na pinaniniwalaan na nagsimula sa lambak na ito


ang kabihasnan sa Kanlurang bahagi ng Asya?
A.Tigris at Euprates C. Huangho at Yangtze
B. Ilog Nile D. Harappa at Mohenjo Daro
2. Ito ay kinikilalang pinagmulan o sinilangan ng sibilisasyon. Ito ngayon ay bahagi ng
Iraq.
A. Everest B. Fertile Crescent C. Ziggurat D. Babylonia
3. Ano ang tawag sa anyong lupa na nasa pagitan ng dalawang ilog sa Kanlurang Asya?
A. Tigris at Euprates C. Ilog Nile
B. Fertile Crescent D. Lambak ng Irrawady
4. Ano grupo ng tao ang unang namumuhay sa Mesopotamia?
A. Babylonian B. Chaldean C. Persian D. Sumerian
5. Ano ang pinakamatandang lungsod-estado sa Fertile Crescent?
A. Ur B. Baal C. Ziggurat D. Hammurabi
6. Ano ang tawag sa paniniwala ng maraming diyos?
A. Ziggurat B. Polytheist C. Monotheist D. Nineveh
7. Ano ang salitang ugat na pinanggalingan ng salitang kabihasnan?
A. Civitas B. Fertility C. Bihasa D. Hammurabi
8. Sino ang nagtatag ng kauna-unahang imperyo sa kasaysayan?
A. Alexander the Great B. Cyrus C. Darius D. Sargon II
9. Sino ang lumikha ng kauna-unang kodigo ng batas sa daigdig?
A. Hammurabi B. Anu C. Sargon II D. Cyrus

iv
10. Sino ang nagssasagawa ng mga ritwal at dasal upang ialay nila sa kanilang diyos at
diyosa?
A. Artisano B. Pari C. Hari D. Magsasaka

Aralin
Konsepto at Katangian ng
1 Kabihasnan
Ang mga larawang ito ay bunga ng mga naitatag na mga kabihasnan sa Asya na
sumisibol sa mga lambak ng tabing ilog, Kabihasnan ang Sumer, Kabihasnang Indus at
Kabihasnang Shang.
Ang Kabihasnan ay mula sa salitang-ugat na bihasa na ang ibig sabihin ay eksperto o
magaling. Ito ay pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao kasama
rito ang wika, kaugalian, paniniwala, relihiyon, organisadong lipuna, at sining.
Mas malawak ang saklaw ng salitang kabihasnan dahil maaaring tawaging kabihasnan ang
pamumuhay batay sa lungsod at maging ang hindi batay sa lungsod.
Kabihasnan ang pamumuhay ng mga nomadikong pastoral sa damuhan ng Gitnang Asya
at sa disyerto ng Arabia. Kabihasnan din ang pamumuhay ng mga mangingisda sa karagatang
malapit sa mga isla ng Timog-Silangang Asya.
Tuklasin
Gawain 1: Pinoy Tuklasin Natin Ang Iyong Galing!

Panuto: Sa pamamagitan ng mga larawang nakikita sa kahon, Ayusin ang mga


titik sa ibaba upang mabuo ang angkop na salita at isulat sa iyong papel ang nabuong salita.

1. T I E L E R F SERCTNEC 2. H N G S A

_______________________________________ ______________________________

3. D S U N I 4. M R E U S
________________________ _____________________

v
5. NKAANBISAH
_____________________________

6. C N I O M U F E R
________________________

Mahusay! Nalampasan mo ang iyong unang pagsubok. Mas higit


nating pagyayamanin ang iyong kaalaman sa mga susunod na gawain.

Suriin
Basahin at Unawain

Basahin at unawain mo ang tekstong ito tungkol sa konsepto ng kabihasnan at


mga katangian nito upang makapagbibigay sa iyo ng impormasyon na higit mong kakailanganin
sa pagtamo ng kaalaman, upang matutunan ang konsepto at makapagbigay ka ng mga katangian
nito.
Kabihasnan ay mula sa salitang-ugat na bihasa na ang ibig sabihin ay expert o
magaling. Ito ay pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng mga tao,
kasama rito ang wika, kaugalian, paniniwala, at sining. Mas malawak ang saklaw ng salitang
kabihasnan dahil maaring tawaging kabihasnan ang pamumuhay batay sa lungsod at maging
ang hindi batay sa lungsod.
Kabihasnan ang pamumuhay ng mga nomadikong pastoral sa damuhan ng Gitnang Asya
at sa disyerto ng Arabia. Kabihasnan din ang pamumuhay ng mga mangingisda sa karagatang
malapit sa mga isla ng Timog-Silangang Asya.
Ang sibilisasyon at kabihasnan ay umiiral kapag ang tao ay marunong nang bumasa at
sumulat pati na ang kakayahan at talino sa pagtatala ng kasaysayan ng kanilang pamumuhay.
Nakakamit ito dahil sa pag-unlad ng kanilang pagkatao. Ang sama-samang kakayahan ang
pinanggalingan ng sibilisasyon.

Ang lambak-ilog ng Tigris at Euphrates ay kilala sa pangalang Mesopotamia (Iraq). Dito


na umusbong ang unang kabihasnan, ang kabihasnang Sumer. Ang pinakamalaking gusali sa
Sumer ay ang templo na tinatawag na Ziggurat. Naniniwala sa maraming diyos at diyosa ang
mga Sumerian at ito ay tinawag na Polytheist. Si Anu ay diyos na kumakatawan sa kalangitan.
Ang mga Sumerian ay may mga espesyalisasyon sa trabaho na nagbigay-daan sa pag-usbong ng
mga uring panlipunan. Naging ambag ng mga Sumerian ay ang sistema ng pagsulat na tinawag

vi
na Cuneiform. Ang paninirahan sa mga lungsod at hindi lungsod ay parehong kabihasnan
sapagkat ang parehong pamumuhay ay tumutugon sa hamon na hinaharap sa kapaligiran.
MGA KATANGIAN NG KABIHASNAN

May mga batayang-salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. Kabilang dito ang pagkakaroon ng


organisado at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na relihiyon, espesyalisasyon sa gawaing
pang-ekonomiya at uring panlipunan, mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining at
arkitektura, at sistema ng pagsulat. Ang Sumer, Indus, at Shang ay may mga lungsod,
samakatwid umusbong din ang sibilisasyon.
Kadalasan, ang lungsod noong sinaunang panahon ay may mataas na antas ng populasyon na
hindi bababa sa limang libo at napalilibutan ng pader. Agrikultura ang pangunahing gawaing
pang-ekonomiya nito at malapit sa matabang lambak-ilog. Dahil sa paggawa ng irigasyon
kontrolado ang pag-apaw ng ilog. Umaani ito ng pagkain na kayang suportahan ang malaking
populasyon.
Sa simula, ang namumuno sa mga lungsod ay matataas na pari. Nagsimula ang kanilang
kapangyarihan sa kanilang kaalaman at kakayahan sa pakikipag-usap sa mga diyos at diyosa.
Nang lumaon, napalitan sila ng pinunong militar bilang hari ng lungsod. Gayunpaman, nanatiling
makapangyarihan ang pari sa larangang ispiritwal. Politismo o paniniwala sa maraming diyos
ang uri ng kanilang relihiyon. Nagsasagawa ng iba’t ibang seremonya, dasal, at ritwal ang pari
para sa mga diyos. Ang mga templo at dambana ng diyos ang sentro at pinakamalaki sa lungsod.
Maliban sa mga magsasaka, nagkaroon ng ibang espesyalisasyon sa trabaho ang mga
mamamayan. May pinunong pulitikal-militar(ang hari), at pinunong panrelihiyon (ang pari),
artisano, mangangalakal, at sundalo. Ang uri ng trabaho ang batayan sa pagbubuo ng uring
panlipunan. Nasa taas ng lipunan ang hari at pari. Kasunod ang ilang mababang opisyal ng
palasyo at templo, mangangalakal, sundalo, artisano at magsasaka. Pinakamababang uring
panlipunan ang mga alipin.
Makikita ang antas ng teknolohiya sa paggawa ng maraming uri ng kagamitan sa pagsasaka
at iba pang gawain. Matutuklasan ang paggamit ng iba’t ibang uri ng metal. Naiimbento ang
gulong at iba pang sasakyang pandagat at panlupa para sa kalakalan. Sa sining at arkitektura,
gagawa ang mga artisan ng iba’t ibang palamuti sa katawan at nagtatayo ng mga malalaking
monumento bilang templo. Dahil sa pangangailangan na itala ang mga bagay na naipasok sa
imbakan ng templo, naimbento ng mga pari ang ilang simbolo na siyang batayan ng sistema ng
pagsulat.

Marami ka bang natutunan sa iyong binasa? Sa susunod na gawain ay


pagyayamanin mo ang iyong kaisipan sa mga kaalamang nakuha sa tekstong
iyong binasa.

Ang pag-unlad ng agrikultura ay nagtakda ng malaking pagbabago sa buhay ng


sinaunang tao. Napagtanto ng mga sinaunang tao ang kahalagaan ng maayos at organisadong
pamayanan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Sila ay bumuo ng pamunuan
na hindi naglaon ay naging isang organisadong pamahalaan. Ito ang nagpasimula ng mga
lungsod-estado na pinag- usbungan naman ng mga kondisyong higit na masalimuot na buhay na
kung tawagin ay kabihasnan. “Paninirahan sa lungsod “ang orihinal na kahulugan ng kabihasnan
o sibilisasyon. Ang kabihasnan ay tumutukoy sa isang maunlad na kalagayang nalinang ng mga
taong naninirahan ng pirmehan sa isang lugar sa loob ng nakatakdang panahon. Ang kabihasnan
ay ang unang nalinang sa mga ilog-lambak. Ang mga Asyano sa mga ilog-lambak ng tigris at
Euphrates, Huang at Indus ay nagsimula nang mamuhay nang pirmihan at nalinang ang kanilang
kabihasnan. Ang mga tao ay nagsimulang mamuhay nang pangkat- pangkat sa maraming lupain
sa daigdig.

Gawain 2: Fact o Bluff

vii
Suriin ang sumusunod na pangungusap kung ito ba ay TAMA o MALI. Isulat
ang FACT kung ang pahayag ay TAMA, at BLUFF kung ang pahayag ay
MALI. Isulat sa inyong sagutang papel.

1. Ang salitang kabihasnan ay galing sa salitang-ugat na bihasa na ang ibig sabihin ay


eksperto o magaling.
2. Ang mataas na pinunong panrelihiyon ay ang hari.
3. Ang Polytheist o politismo ang kanilang karaniwang relihiyon.
4. Kadalasang ang lungsod ay may mataas na populasyon na hindi bababa sa
limang libo at napalibutan ng pader.
5. Ang Kabihasnang Sumer, Indus at Shang ay nagtataglay ng mga salik ng
kabihasnan gaya ng organisado at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na
relihiyon, espesyalisasyon sa trabaho, at iba pa. Samakatuwid, sibilisasyon din sila.
6. Ang mataas na pinunong panlipunan ay ang pari.
7. Ang pinakamababang uri ng tao sa lipunan ay ang alipin.
8. Ang pinakamataas na uri ng tao sa lipunan ay ang hari at pari.
9. Nagkaroon ng espesyalisasyon sa trabaho o pagpakakadalubhasa(expert)sa
gawaing pang-ekonomiya.
10. Ginamit ang mga simbolo sa pag-iimbak sa templo o gusali na naging batayan sa sistema
ng pagsulat.

Binabati kita dahil matagumpay mong nasagutan at naisagawa ang mga


gawaing inihanda para sa iyo. Malugod ang aking pagbati sa galing at husay mo.
Magpatuloy ka!

Isagawa

Gawain 4: KILALANIN MO AKO!


Panuto: Sa gawaing ito, lagyan mo ng ekis kung ang larawan ay hindi patunay ng
kabihasnan at tsek kung ito ay patunay ng kabihasnan.

1. ________________ 2. __________________

viii
3. __________________________

4. ________________________

Napakahusay! Matagumpay mong naisagawa at natapos ang mga


gawain. Binabati kita sa iyong galing at husay! Taglay mo na ngayon ang mga
kaalaman na magagamit mo sa susunod na modyul na iyong sasagutan.

Tayahin

Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin mo at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.

1. Ang pagsamba nila ng maraming diyos at diyosa ay nagpapatunay na umiiral sa kanilang


pamayanan ang ___________.
A. Monotismo B. Politismo C. Nomadic D. Eksperto
2. Ang Agrikultura ang pangunahing pamumuhay ng kabihasnan at taglay ng mga
mamamayan ang kaugaliang pagiging masipag at pagkarelihiyoso. Anong estruktura ang
nagsilbing templo at imbakan ng kanilang mga pagkain?
A. Ziggurat B. Hanging Garden C. Great Bath D. Great Wall
3. Umiiral ang teknolohiya sa kanilang panahon. Ano ang tanda na nagpapatunay nito?
A. Sumasamba sila ng diyos at diyosa B. sa uri ng mga gawain nila
C. Sa uri ng mga kagamitan nila D. Madasalin sila
4. Natuklasan ang metal sa yaong panahon at ito’y napatunayan sa pamamagitan ng

ix
paggamit ng gulong at _____________?
A. Sasakyang pandagat B. Paninirahan ng permanente
C. Pagsamba sa diyos at diyosa D. Pagkaroon ng estilo ng pagsulat
5. Ang pag-aaral ng kabihasnan ay mahalaga. Saan nakasentro ang pag-aaral ng nito?
A. Sa kapaligiran B. Sa pamumuhay ng mga tao
C. Sa imbensyon D. Sa relihiyon
6. Ang kapaligiran ay mahalaga sa paglinang ng kabihasnan. Saan kadalasang nagsisimula ang
mga kabihasnan?
A. Lambak ng mga ilog B. tuktok ng bundok
C. Talampas D. tabing-dagat
7. Nagsasagawa ang mga pari ng mga seremonya, dasal at ritwal dahil__________.
A. nakagawian nila ito
B. sumasamba sila sa maraming diyos
C. Bahagi ito ng kanilang buhay ayon sa hari
D. mga pamana nila nito
8. Ang Cuneiform ay isa sa mga ambag ng kabihasnan. Paano ito nagsimula?
A. Nang gumamit sila ng istilo para sa pag-iimbak
B. Nang nangangaso sila
C. Nang naembinto ang luwad
D. Nang gumamit sila ng gulong at sasakyang pandagat
9. Naisagawa ng mga Sumerian ang gusali o estruktura na imbakan at sentro ng mga
pananampalataya, Ano ang tawag sa gusali o estrukturang ito?
A. Great Wall C. Ziggurat
B. Great Bath D. Hanging Garden
10. Ang pamumuhay ng mga tao sa kabihasnan ay naibatay sa lungsod at maging sa hindi
lungsod. Ano ang higit na pagkakahawig sa kanilang pamumuhay?
A. Naniniwala ng diyos at diyosa
B. Paladigma sila na uri ng tao
C. Nangangalap ng pagkain kapag naubos na
D. Walang sistema ang pamumuhay

SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagtataya
1. A
2. B
3. C Balikan
4. D 1. Kabihasnang Shang
5. A 2. Kabihasnang Sumer
6. B 3. Kabihasnang Indus
7. C 4. Fertile Crescent
8. D
9. A
10. B

Tuklasin
1. Fertile Crescent Isagawa
2. Shang 1. √
3. Indus 2. √
x
4. Sumer 3. √
5. Kabihasnan 4. √
Panghuling Pagtataya
1. B
2. A
3. C
4. A
5. D
6. A
7. D FACT OR BLUFF
8. B 1. Fact 6. bluff
9. B 2. Bluff 7. Fact
10. B 3. Fact 8. Fact
4. Fact 9. Fact
5. Fact 10. Fact

References:
A. Aklat
Blando, Rosemarie. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul ng Magaaral),
ph.16-17.

B. Modyul
Project EASE-Araling Panlipunan II Modyul 1-Heograpiya ng Asya-pahina 2

C. Larawan
Anyong Tubig, Larawang Kuha ni Pedro J. Dandal Jr., Pahina 5
Likas Yaman, Larawang Kuha ni Pedro J. Dandal Jr., Pahina 6
Anyong Lupa, Larawang Kuha ni Pedro J. Dandal Jr., Pahina 6
Klima at Panahon, Larawang Kuha ni Pedro J. Dandal Jr., Pahina 7

Sanggunian: K -12 Learners Module pp.111-113;

Batayang Aklat: Asya Pag-usbong ng Kabihasnan- Mateo et.al, Vibal Publishing House,
Quezon City, Philippines 2008; pp128-130

SOURCE:https://www.slideshare.net/SMAPHope/aralin-6-kahulugankonsepto-at-
katangian-ng-kabihasnan

SANGGUNIAN:
1. Aklat
 ASYA;Pag-usbong ng Kabihasnan pahina 128-130
EDITOR:Grace Estela C. Mateo Ph.D. et al
Vibal Publishing House Inc.

xi
 Kayamanan II pahina 169-174
EDITOR:Maria Carmelita B. Samson et al

2. Learning Material- Dep Ed K-12 Modyul para sa mga Mag-aaral


Pahina 111-113

3. Mga Larawan- GOOGLE search


SOURCE:https://www.slideshare.net/SMAPHope/aralin-6-kahulugankonsepto-at-
katangian-ng-kabihasnan

xii

You might also like