You are on page 1of 9

Masusing Banghay Aralin

Araling Panlipunan Baitang

Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano,
pilosopiya at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa
Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.

Pamantayan sa Pagganap
 Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya
at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.

Mga Kasanayan sa Pampagkatuto


 Napapahalagahan ang kahalagahanng mga ambag ng Sinaunang
Kabihasnan ng Asya.

Mga Layunin:
Sa pamamagitan ng mga naihandang gawain, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
1.Napapahalagahan ang mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnang sa Asya at sa pagbuo
ng pagkakilanlang Asyano.
2.Nasusuri ang paghubog, pagunlad at kalikasan ng mga mga pamayanan at
estado.
3.Nakakabuo ng mga kongklusyon hinggil sa kalagayan, pamumuhay at
development ng mga sinaunang pamayanan.
4.Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng kabihasnan at nailalahad ang mga
katangian nito.

Paksang-aralin, Kasanayan & Pagpapapahalaga, Mga Kagamitang Pampagtuturo

A) Paksang-Aralin:
Mga Sinaunang Kabihasnan ng Asya

B) Mga Sanggunian:
 Araling Panlipunan Leaning Packet, Ikalawang Markahan.

C) Mga Kasanayan at Pagpapahalaga:


Kasanayan: nakapagsasaayos ng tamang pagkakasunud-sunod ng mga
kabihasnan ng asya.
Pagpapahalaga: nakagugunita ng mga ambag ng mga kabihasnan sa
kasalukuyang lipunan sa pamamagitan ng pagguhit ng mga bagay na
umusbong bunsod ng mga kabihasnan noon.
D) Mga Kagamitang Pampagtuturo:
1) Learning packet ukol sa mga Kabihasnan ng Asya
2) PPT Presentation ng mga Kabihasnan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

I. Panimulang Gawain
1. Babatiin ng guro ang mga mag-
aaral. (Magandang hapon sa inyong lahat! 1. “Magandang hapon din mga
Kamusta ang umaga ninyo?) guro!
2. Tatawag ang guro ng isa o dalawang 2. “Ma’am ako po”
mag-aaral para magbigay ng bible verse. 3. Makikikanta sa maipiplay na
3. I-play ang music video bilang music video.
doxology at aanyayahan ang mga bata na
makiawit dito. [Song: 10 000 Reasons by
Matt Redman]
4. Paupuhin ang mga bata at itsek ang
attendance.
II. Panlinang na Gawain

A. Introduksyon “Ma’aam ang napag-usapan po natin


1) Pagbabalik-Aral kahapon ay ukol sa mga gawain
namin sa naunang learning packet”
1.Tumawag ng mag-aaral para bigkasin
ang mga naging punto ng huling aralin o “Ma’am naglocate po kami ng mga
pagkikita. bansa na nasa Asya gamit ang
2. Magbigay ng karagdagang impormasyon mapa.”
na mula din sa huling aralin.
3.Pahapyaw na tanungin ang mga bata "Ma'am ayon po sa nabasa ko, ang
ukol sa Epic of Gilgamesh at sa mga ilog epic of Gilgamesh ay”
na Tigris at Euphrates bilang pag uugnay
sa paksang tatalakayin. “Ma'am ayon sa pagkaka alam ko,
4.Ipresenta ang susunod na paksa. ang Tigris at Euphrates ay …"

2) Pagganyak

Bago magsimula sa talakayan,


magkakaroon ng laro ang mga mag-aaral
sa pamamagitan ng boluntaryong
pagsagot sa bawat “scrambled words” na Mga Sagot
maipapakita sa harapan.
1. MESOPOTAMIA
1. AOMEAISTOPM 2. SUMERIAN
2. ENSAUIRM 3. CHALDEAN
3. NCAHADLE 4. AKKADIAN
4. ANAKDAIK 5. SIBILISASYON
5. LISBAYISSIONS 6. NEOLITIKO
6. ILITNOKEO 7. KABIHASNAN
7. SHANABINAK 8. METAL
8. TELAM 9. PALEOLITIKO
9. ITAKIELOPLO 10. ASSYRIAN
10. SAINRSYA 11. MESOLITIKO
11. OMKEISOTIL 12. BABYLONIAN
12. LANIBYNOBA
B. Talakayan

● Kabihasnan ay nakatutulong sa
pagkakakilanlan ng isang nasyon.
● Panahong Paleolitiko
 Nomadiko ang ganitong
Teacher: Anong mga kagamitan ang
pamumuhay. Kahit ganito pa man ang
nagagawa nila gamit ang bato?
kanilang sistema nalinang ang kasanayan
nila sa paggawa ng mga kasangkapang Student: Maam kutsilyo po
yari sa matutulis na bato at kalaunan ay
nagamit sa pangangaso. Teacher: Tama
Pinakamahalagang ambag nila ay ang
pagkakatuklas ng apoy.
● Panahong Mesolitiko, natutong mag
paamo ng hayop, gumawa ng mga damit
na galing sa mga balat ng hayop bilang
proteksyon sa kanilang katawan.
● Panahong Neolitiko
 Rebolusyong Neolithic natutong Teacher: Anong hayop kaya ang
magtanim at mag-alaga ng mga hayop ang inaalagaan nila?
mga tao
Student: Maam aso, tupa at manok
 pananatili sa isang lugar po.

 nagsimulang nabuo pamayanan


● Panahong Metal ang mga
kasangkapang yari sa bato ay napalitan
ng metal at paglaon ay napalitan ng tanso.
 Sa mga ilog, lambak nagsimula ang
mga kauna-unahang kabihasnan ng
Asya. Mga lupaing naangkop sa pagsasaka
upang makapagtanim at maging
permanenteng panirahan. Sa
Mesopotamia na nasa pagitan ng Tigris at
Euprates, namuhay ang mga Sumerians,
Huang Ho na nasa China umunlad ang
pamayanang Shang at sa mga baybayin ng
Ilog Indus nagsimulang bumuo ng
permanenteng panirahan ang mga Indus.
Nalinang ang mga kasanayan sa iba’t Student: Bakit po kaya nagsimula
ibang larangan na nagpaunlad sa kanilang ito sa ilog at lambak?
pamumuhay.
Teacher: Nagsimula ang mga
● SUMERIAN (3500 BCE) sinaunang kabihasnan sa mga ilog
at lambak dahil nagsisilbi itong
Cuneiform - Unang nabuong sistema ng kuhanan nila ng pagkain at
panulat. Isa itong uri ng pictograph na pangangailangan. Dito rin mas
naglalarawan ng mga bagay na mataba ang lupa na mainam sa
ginagamitan ng may 600 pananda sa pagtatanim na siyang nagsisilbi
pagbuo ng mga salita o ideya. nilang kabuhayan.

 Gulong - sa pagkakatuklas nito


nagawa nila ang unang karuwahe.
 Gumamit ng sistemang panukat ng
timbang at haba.
 Unang nagtatag ng
organisadong puwersa sa pagtatayo ng
mga dike.
 Pangunahing dahilan ng paghina ng
mga Sumerian ay ang madalas na
labanan at kawalan ng pagkakaisa ng
mga lungsod estado nito. Madalas na
pinagtatalunan ang patubig at hangganan
ng mga lupain.
• IMPERYONG AKKADIAN (Circa
2700-2230 BCE)
 Si Haring Sargon, isang
mananalakbay buhat sa Akkad ay
nagtatag ng syudad estado para
magkaisa ang mga mamamayan.
Pinalawak niya ang teritoryo ng Akkad
bilang pinuno sa pamamagitan ng
pagsakop sa mga digmaan. Pinaunlad niya
ang sistema ng pagsusulat. Maraming
literatura ang nasalin at umusbong.
 Naging mahina ang
kanilang sistema ng
pagtatatanggol sa kanilang teritoryo
kaya madali silang nasalakay ng mga
mananakop. Kasunod nito ang kawalan ng
tiwala sa mga namumuno kaya ninais ng
ilang mamamayan na lumikas sa lugar.
• IMPERYONG BABYLONIAN (Circa
1790-1595 BCE)
 Si Hammurabi ang ika-anim na
Haring Amorite. Pinalawak niya ang
kanyang kaharian na umabot sa Gulpo ng
Persia. Ang katipunan ng mga Batas ni
Hammurabi, na mas kilala bilang Code of
Hammurabi o Batas ni Hammurabi, ay
isa sa pinakamahalagang ambag ng mga
sinaunang tao sa kabihasnan. Ang Kodigo
ni Hammurabi ay binubuo ng 282 batas
na nagsisilbing pamantayan ng
kabihasnang Babylonian, sakop nito ang
mga itinuturing na paglabag sa karapatan
ng mga mamamayan at mga ari-arian nito.
 Simula ng pumanaw si Hammurabi
naganap ang pagatake ng iba't ibang
grupo at nagsimula na silang magtatag ng
mga pamayanan ang mga Hittite sa
Babylonia.
• IMPERYONG ASSYRIAN (Circa 745-
612 BCE)
 Gamit ang dahas at bakal lumakas
ang puwersa at estratehiya ng
mga Assyrian. Ilan sa mga nagawa nila
ang mga sumusunod:
 Pinakaunang pangkat ng tao na
nakabuo ng epektibong sistema ng
pamumuno sa imperyo.
 Epektibong serbisyo postal, maayos
at magandang kalsada.
 Dahilan sa kalupitan ng
pamumuno nagkaisa ang mga Chaldean,
Medes at Persian noong 612 BCE
upang pagtulungan itaboy ang mga
Assyrian. Ang paglusob ni
Alexander the Great pagkalipas ng 300
taon at halos walang iniwang
karangyaan ng Assyria.
• IMPERYONG CHALDEAN (612-539
BCE)
 Ang Hanging Garden of
Babylons ang isa sa
pinakanakakahangang tanawin sa
sinaunang panahon umabot sa 75 na
talampakan ang taas, pinagawa ni
Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa
na si Amytis.
 Nalinang ang konsepto ng zodiac at
horoscope.
 Nagawa ang Ziggurat na umabot sa
halos 300 talampakan na pinangalanang
Etemenanki. Itinuturingna ito ang tore ni
Babel sa Bibliya
IMPERYONG PHOENICIAN (Circa 1200-
800 BCE)
 Ito ay galing sa salitang latin na
phoenice at Greek na phoinekes na Teacher: Ano ang pagkakaiba ng
nangangahulugang ‘lupain ng lila’. Ito ay Barko sa Bangka?
nakasaad sa baybayin ng Mediterranean
Sysria at Lebanon, kung kayat kilala sila Student: Ang barko po ay mas
sa konsepto ng kolonya, isang istasyon o malaki kesa sa bangka. Ginagamit
bagsakan ito ng kalakal hindi kolonyang ang barko sa pangingisda, barkong
politikal. Isang mahalagang konstribusyon pangdigma at transportasyon.
ay ang alpabeto, dito nakabatay ang
kasalukuyang alpabeto at paggawa ng
mga naglalakihang sasakyang pandagat
na tinatawag na barko sa kasalukuyan.
 Ang dahilan ng pagbagsak nito ay
ang hindi napagtuunan ang pagtatag sa
pamahalaan at sandatang lakas.

• IMPERYONG LYDIAN (680-547


BCE)
 Kilala sila sa paggamit ng coins sa
pakikipagkalakal na siyang nagpadali sa
barter system o ang pakikipagpalitan ng
product.

• IMPERYONG HEBREO (Circa 1000- Student: Ano po ang pagkakaiba ng


722 BCE) relihiyong Judaism at Kristyanismo?

 Dito nabuo ang Torah na binubuo Teacher: Sa Judaism ginagamit nila


ng unang limang aklat ng Lumang Tipan ang Torah o lumang Tipan at ang
ng Bibliya. Ito ang naging pundasyon ng sampung utos ng Diyos, Sa
pananampalatayang Judaism at Kristyanismo naman ay sumusunod
Kristyanismo, pinakamahalagang pamana. sa Bagong tipan. Pero pareho itong
naniniwala sa iisang Diyos.
 Ayon sa lumang tipan ang dahilan
ng pagbagsak ng kaharian ay nag
pagkakaroon ng iba’tibang diyos ng Israel
na dala ng maraming asawa ni haring
Solomon.

• IMPERYONG PERSIANO (Circa 550-


350)
Madami ang napaunlad ng Imperyong
Persiano, ito ay ang mga sumusunod:
 Pagpagawa ng isang mahabang
kalsada na nagdudugtong sa mga lungsod
ng Persia mula Susa hanggang Ephesus
sa Asia Minor na umabot sa 2,400 km.
 Paggamit ng pilak at gintong barya
sa pakikipagkalakalan.
 Nagdagdag ng mga satrapy sa
imperyo. Bawat lalawigan ay
pinamumunuan ng satrap na nagsilbi
bilang tainga at mata.
 Nagpatayo ng mga magagarang
palasyo at gusali tulad ng Persepolis.

Teacher: Ano anu ang mga


• IMPERYONG HITTITE (Circa 1600- kagamitang bakal na ginagamit sa
12 BCE) pananakop?

Ang kanilang mga imbensyon ay: Student: Maam pana, baril, espada
at kalsag.
 pagmimina ng iron core
 paggawa ng iba’t ibang kagamitang
bakal; dahil dito naging madali at mabilis
sa kanila ang pananakop ng iba’t ibang
imperyo.

C. Pagpapahalaga

“Maaari ba ninyong ibahagi ang mga Student: Maam sa kasalukuyan ang


naging kahalagahan ng mga umusbong na ang mga imbensiyon noon ay
imbensiyon sa mga nasabing ginagamit parin natin hanggang
Kabihasnan?” ngayon kagaya ng gulong, barko, at
kagamitang bakal. Sa ngayon
pinaunlad lang nila ang disenyo,
makina at pinalawig ang paggamit
sa mga ito.
D. Paglalahat

1.Tanungin kung may hindi naintindihan


o katanungang nais mabigyang linaw ang
mga mag-aaral.

2.Ang guro ay magbibigay ng


pangkalahatang buod mula sa natalakay.
III. Panghuling Gawain
A. Pagtataya

Sa isang papel ang bawat mag-aaral ay


sasagutin ang tanong na:
“Ano ang iyong natutunan sa ating
talakayan?”

IV. Takdang-Aralin

• Advance reading ukol sa susunod


na talakayan.
• Magrepaso (review) para sa
sususnod na pagkikita at magkakaroon ng
maikling pagsusulit ukol sa mga naging
talakayan.

You might also like