You are on page 1of 7

7

AralingPanlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Konsepto ng Kabihasnan at mga
Katangian Nito
ST. MARY’S ACADEMY
9014, GINGOOG CITY
S.Y: 2023-2024
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 7
Ika-28 at 29 ng Nobyembre, 2023
Pangalan:________________________________________Iskor:___________

Aralin Konsepto ng Kabihasnan


at mga Katangian Nito
Ang kabihasnan ay nakatutulong sa pagkakakilanlan ng isang bansa. Marahil ay
maraming tanong sa ating isipan tungkol sa mga pangyayaring nagbigay- daan
sa pagsibol ng Kabihasnan sa Asya.
Bago natin ipagpatuloy ang susunod na aralin, balikan muna ang iyong mga
natutunan sa nakaraang modyul.
Sagutin: Bakit kailangan mong matutong bumasa at sumulat?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Gawain 1: GAMIT NILA NOON, GAMIT KO NGAYON, LEVEL UP!
Panuto: Hanapin ang katumbas na kapakinabangan ng mga kagamitan na nasa
unang kolum. Paano ito ginagamit noon at paano napaunlad ang paggamit nito
ngayon? Isulat ang titik ng tamang sagot. Gawing gabay ang nasa halimbawa.
Hal. 1. Dahon = A = I

MGA KAGAMITAN NOON NGAYON


1. A. F.
Dahon

2. B. G.
Puno

C. H.
3.
Clay o luwad

D. I.
4.

Balat ng hayop

E. J.
5.

Buto ng hayop

F. K.
6.
2.
Bato

Puno
3.
4.
5.
6.

Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Asya at Daigdig


Ayon sa mga arkeologo, ang mga nahukay na fossils at artifacts sa iba’t
ibang bahagi ng mundo ang siyang ginamit na pangunahing ebidensya sa pag-
aaral sa ebolusyon ng tao. Ang fossils ay ang anumang tumigas na labi ng mga
halaman, hayop at tao samantalang ang artifacts ay anumang mga
kasangkapang ginagamit ng tao. Gayunpaman, mayroon ding dalawang
aspektong pinagbatayan ang pinagmulan ng unang tao – ang bayolohikal at
kultural. Ayon sa ebolusyong bayolohikal, ang pagbabago sa pisikal ng tao
tulad ng paglaki ng bungo at maging ang paglalakad at posisyon ng katawan ay
ang pangunahing ginamit na batayan sa pag- unlad. Batay sa ebolusyong
kultural, ang mga kasangkapang ginamit ng mga sinaunang tao ay ang
pinagbatayan sa pag-unlad ng pamumuhay ng tao.

Fossils

Iginuhit ni: Keren Danielle B. Avelino

Ang kuwento ng pinagmulan ng tao ay nagsimula sa Teorya ng


Artifacts Ebolusyon ng Tao ng isang French naturalist na si Jean Baptiste
Lamarck (1809) subalit kulang ang kanyang mga makaagham na
pagpapaliwanag hanggang sa nagpalabas ng isa pang teorya sina Charles
Darwin at A.R. Wallace noong 1858. Pinag- ibayo ni Darwin ang
pagpapaliwanang sa kanyang aklat na Origin of Species noong 1859. Ayon sa
teoryang ito, tila isang hagdanan (ladder) ang pinagdaanang ebolusyon ng tao,
kung saan ang nagsilbing pundasyon ay ang ninunong malabakulaw (apelike
ancestors) at ang mga modernong tao (Homo sapiens) ang nasa pinakatuktok.
Tinawag na Hominid ang mga kabilang sa pamilya (Hominidae) ng
bipedal primate mammal na kinabibilangan ng pinakamodernong tao. Ang
silangang bahagi ng Africa ay pinaninirahan ng iba’t ibang uri ng mga Hominid.
Ang mga ito ay hinati ng mga dalubhasa sa tatlong pangkat- ang Ardipithecus
ramidus, Australopithecine at Homo.
Ang Ardipithecus ramidus ay hango sa wika ng Afar, Ethiopia na ardi na
nangangahulugang ground floor at ramid na ang ibig sabihin ay root. Tinatayang
sila ay may taglay na katangian ng chimpanzee (dahil sa ngipin) at tao (dahil sa
pagiging bipedal). Ardipithecus Ramidus
Iginuhit ni: Eden Grace A. Paluca
Ang Australopithecine ay hango
sa wikang Latin na nangangahulugang Southern Ape. Ito ay
nagtataglay ng magkaparehong katangiang tao at bakulaw.
Sila ang sinasabing mga ninuno ng makabagong tao.

Australopithecine
Gayunpaman, ang Homo naman ay nagmula sa salitang Latin na
nangangahulugang “tao”. Sila ay may mas malalaking utak at may kakayahang
makalikha ng mga kagamitan.

Ang Homo ay nahahati sa tatlong species, Homo Habilis (handy man),


Homo
Homo Erectus (upright man), at Homo Sapiens (wise man). Ang mga Homo
Erectus ay ang unang pangkat na lumabas sa kontinenteng Africa at nagpunta
sa iba’t ibang kontinente kasama na ang Asya.

Yugto ng Pag-unlad ng Pamumuhay ng mga Unang Asyano


Ang Panahon ng Bato ay ang panahon ng paglilinang ng tao na nahahati
sa tatlo: Paleolitiko (Lumang Bato), Neolitiko
(Bagong Bato) at Metal.
A. Panahong Paleolitiko ang mga tao ay:
 Nomadiko (walang permanenteng tirahan)
 nangangaso at namumulot ng pagkain
 gumagamit na ng kamay di kagaya ng
hayop
 nakapagsalita at nakatanggap ng
Panahong Paleolitiko
anumang impormasyon
 mas malaki ang utak bunga ng pagiging
mas matalino sa mga hayop
 nakalalakad na nang maayos at may pisikal
na katangian
 mga gamit na yari sa matatalim na bato at graba
 gumagamit ng apoy
B. Panahong Neolitiko ang mga tao ay:
 napag-aralang gumamit ng matalas,
makinis at matulis na kasangkapang yari sa
bato
 natutong magsaka at mag-alaga ng hayop
 namuhay sa permanenteng lugar
 naging malikhain gaya ng paghahabi ng Panahong Neolitiko
tela, paggawa
ng lutuan, basket, palayok at gamit sa bahay
 namuhay na magkasama na naging sanhi sa pagkabuo ng isang
pamayanan, pagkaroon ng lider, at pagtatag ng organisadong
pamahalaan

C. Panahon ng Metal ang mga tao ay:


 gumamit ng mga bagay na yari sa metal (tanso o copper)
 gumawa ng mga mamahaling bagay gaya ng alahas at kagamitang
pandigma
 nakaimbento ng bronse, pinaghalong metal na
tanso at metal na tin Panahon ng Metal
 nakalikha ng mga kagamitang pansaka
at kagamitang panlaban o mga armas
na may matatalim na bahagi
 sa China, gumawa sila ng mga gamit na pang- alay sa mga diyos at mga
bariles na mula sa bronse
 nadiskubre din ang iron o bakal
 gumawa ng kagamitang yari sa bakal na siyang panlaban sa mababangis
na hayop
 natutong maghabi at mag-ukit sa mga kahoy
 natutong mangalakal gamit ang sistemang barter at barya
 gumawa ng mga sasakyang pandagat para sa kanilang kalakalan
Konsepto ng Kabihasnan at Sibilisasyon
Nang dumating ang mga sinaunang tao mula sa Kontinenteng Africa sa
Asya ay nabuo ang mga uri ng pamayanan na kalaunan ay tinawag na
“SIBILISASYON”. Ang salitang ito ay nanggaling sa salitang Latin na “civitas” na
ang ibig sabihin ay “siyudad” at “civilis” na nangangahulugang “ng mga
mamamayan”. Kung gayon, ang sibilisasyon ay ang masalimuot na pamumuhay
sa lungsod.
Sa kabilang banda, ang “KABIHASNAN” naman ay isang terminolohiya
ng mga Pilipino sa higit na mataas na antas ng pamumuhay. Batay ito sa
salitang ugat na “bihasa” na ang kahulugan ay eksperto o magaling. Kung gayon
ang kabihasnan ay pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat
ng tao. Sakop nito ang mga pamumuhay batay sa lungsod at maging hindi batay
sa lungsod. Maliban sa pamumuhay, kasama rito ang wika, kaugalian,
paniniwala at sining.
May batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. Ito ay ang
pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na
relihiyon, espesyalisasyon sa gawaing pang- ekonomiya at uring panlipunan,
mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sistema ng pagsusulat, sining at
arkitektura.
Saan nabuo ang mga unang kabihasnan?
Ang mga unang panirahan sa daigdig at maging sa Asya ay nagsimula sa
mga mataas na lambak na nasa tabi ng pinagmumulan ng mga anyong tubig
gaya ng ilog.
Ilan sa mga unang nabuo na mga lungsod estado gaya ng Uruk, Catal Huyuk,
Jericho, Ur, Lagash at Umma ay matatagpuan sa lugar ng Sumer o
Mesopotamia sa Asya na tinatawag na Iraq sa kasalukuyan.
Gawain 2: PICK IT UP!
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salita na angkop sa bawat yugto ng
pag-unlad at pamumuhay ng sinaunang tao. Ilagay ito sa angkop na hanay.

apoy
nomadiko kweba magaspang na bato

organisadong barya pangangaso


barter
pamahalaan

pagsasaka kariton alahas permanenteng


tirahan
PANAHONG PALEOLITIKO PANAHONG NEOLITIKO PANAHONG METAL

1. 6. 11.
2. 7. 12.
3. 8. 13.
4. 9. 14.
5. 10. 15.

Panuto: Kumpletuhin ang mga sumusunod na pahayag.


1. Ang ________ at ________ ay ang ginamit na pangunahing ebidensya
sa pinagdaanang ebolusyon ng tao.
2. Ang pinagbatayan ng pinagmulan ng unang tao ay ang Teorya ng
_____________ ng biologist na si Charles Darwin.
3. __________ang pangkalahatang katawagang ibinigay ng mga siyentipiko
sa mga unang tao at iba pang nilalang na malatao na naglalakad ng tuwid
noong panahong prehistoriko.
4. Ang Homo species ay binubuo ng tatlong pangkat, ang mga ito ay ang
______, ______ at ______.
5. Ang _______ ay nag-ugat sa salitang Pilipino na hasa, samantalang ang
sibilisasyon ay nag-ugat sa salitang Latin na _______ at ______.
Gawain 3: POSTERPanuto: Gumawa ng poster na naglalarawan sa iyong
naunawaan tungkol sa pagkakaiba ng kabihasnan at sibilisasyon. Ikolum ito at
ilagay sa isang long bondpaper.

You might also like