You are on page 1of 16

8

Department of Education
National Capital Region
SC HOO LS DIVISIO N OFFICE
MARIK INA C ITY

Araling Panlipunan
Kasaysayan ng Daigdig
Unang Markahan – Modyul 3
Yugto ng Pag-unlad ng Kultura
sa Panahong Prehistoriko

Manunulat: Hazel H. Carpio

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Yugto ng Pag-unlad ng Kultura
Aralin sa Panahong Prehistoriko
1

Alamin

Matapos ang pagtalakay sa heograpiya ng daigdig sa nakaraang mga aralin


ay susuriin mo naman sa modyul na ito ang pag-unlad ng kultura ng tao sa iba’t-ibang
yugto ng pre-historikong panahon.

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ikaw ay:


nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong
prehistoriko;
1. nalalaman ang kondisyong heograpikal sa panahon ng mga
unang tao sa daigdig;
2. naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao
sa daigdig sa panahong prehistoriko.

Subukin
Gawain 1: Ano ang nakikita mo?
Tingnan at suriin ang larawan sa ibaba.

Pinagkunan ng larawan: wikimedia commons,Oliver Randii

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE •
Sumulat ng tatlong pangungusap tungkol sa larawan. Bigyang pansin ang kanilang
kapaligiran, pisikal na anyo, at pang-araw-araw na gawain.
1.

2.

3.

Maglista ng tatlong tanong tungkol sa larawan na nais mo pang malaman.


1.
2.
3. _

Balikan

Gawain 2. Hanap-salita!
Hanapin sa loob ng word puzzle (sa lahat ng direksyon) ang mga salitang sa iyong
palagay ay may kaugnayan sa paksang Panahong Prehistoriko. Humanap ng 10 lamang
at ilista sa ibaba.

S N E I P A S O M O H O R N A
G P H O L I E B O L U S Y O N
P A G S A S A K A B Z L D M E
A L A P A N G A N G A S O A O
L E C R D J R O E K Y I H D L
A O B N T K A T A D N A S I I
Y L R A B I O B S Y C F W K T
O I D K R Q F B I D I V C O I
K T K T O G P A G I I M B A K
M I S P N W A T C F C E Y L O
E K V N S L P O R T A N S O R
H O M O E R E C T U S D N W A

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE •
Mga salitang may kaugnayan sa panahong prehistoriko

Gawain: Dugtungan ang mga pangungusap sa ibaba.


1. Pinili ko ang sampung salita sa word puzzle sapagkat

2. Sa mga salitang ito ang tungkol sa prehistorikong panahon, pinaka interesado


akong malaman ang tungkol sa sapagkat

3. Sa aking palagay, umunlad ang pamumuhay ng tao noong sinaunang panahon


dahil

Tuklasin

Paksa: Prehistorikong Panahon


Ang prehistorikong panahon ay tumutukoy sa yugto ng panahon na walang
naiwang mga nakasulat na tala o written records ang tao ngunit nag-iwan sila ng mga
ebidensya ng kanilang pamumuhay gaya ng artifacts (mga naiwang sandata, kagamitan
ng sinaunang tao) at ilang mga sining /pinta ng mga hayop sa dingding ng mga
kuweba. Nakatulong din ang mga fossils – mga buto o remains ng sinaunang tao,
hayop, at halaman na nahukay at sinuri ng mga archaeologists sa paglalarawan ng
paraan ng pamumuhay ng mga prehistorikong tao.
Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang mga ninuno
ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang homo species (homo na
nangangahulugang tao) nagtagumpay makiayon sa kanilang kapaligiran at nagawang
harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang panahon.

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE •
May tatlong pangkat ng homo species na nabuhay sa daigdig at naging mga ninuno
ng mga kasalukuyang tao. Pag-aralan ang diyagram tungkol sa Teorya ng Ebolusyon ng
tao mula sa pagiging ape hanggang sa paglitaw ng mga homo sapiens.
Ape – sinasabing pinagmulan ng tao Australopithecine – tinatayang ninuno ng makabagong tao; Ape na may kakayahang tumayo na
Chimpanzee – pinapalagay na pinakamalapit na kaanak Homo habilis, Homo
Lucy-isang uri ngngAustralophitecus
tao, ayon sa mga siyentista
Afarensis
erectus, at Homo sapiens
– mga pangkat ng homo
species

Ang Panahong Prehistoriko ay nahati sa iba’t ibang yugto batay sa pag-unlad


ng sandata at kagamitan natutunang gawin ng tao at ang paraan ng kanilang
pamumuhay sa paglitaw ng mga Homo Species. Ang Panahong Paleolitiko, ang unang
yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao.

Panahong Paleolitiko (Old Stone Age)


dakong 2,500,000 – 10,000 B.C.E.
● Nagmula ang Paleolitiko sa mga katagang paleos o matanda
at lithos o bato
● Pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan
●Maiuugat sa pagsisimula ng paggamit ng kasangkapang
bato ng mga hominid at unang gumamit ng apoy at nangaso
ang mga sinaunang tao
Lower Paleolithic Period
●Nagwakas dakong 120,000 taon na ang nakararaan
● Pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig
● Ang homo habilis ay nangangahulugang able man o handy
man dahil sila ang unang species ng hominid na marunong
gumawa ng kagamitang bato.
● Sinundan ng mga homo erectus na higit na may kakayahan
sa paggawa ng kagamitang bato
Middle Paleolithic Period
Dakong 120,000 – 40,000 taon ang nakararaan
Paglitaw ng makabagong tao noong 100,000 taon ang
nakalilipas
Nabuhay ang taong Neanderthal na natuklasan sa Germany
ang mga labi
Upper Paleolithic Period
Dakong 40,000 – 8500 taon ang nakararaan
Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyong mga
campsite na kadalasang matatagpuan sa mga lambak
Ang mga Taong Neanderthal ay nawala sa panahong ito at
napalitan ng mga Taong CroMagnon. Lumitaw ang mga
komplikadong pagpapangkat sa lipunan

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE •
Mga Tanyag na Prehistorikong Tao
Ang Homo Sapiens ang pinakahuling species sa ebolusyon ng tao, ang Homo sapiens Neanderthalensis (c

Ang mahabang panahong paleolitiko na kaalinsabay ng Pleistocene Epoch (Ice


age) ay may klimang maituturing na glacial o nagyeyelo at interglacial o kung saan
nagpapalit-palit ang klima mula malamig at katamtamang temperatura kaya ang mga
prehistorikong tao ay namuhay nang umaasa at nakikibagay sa kanilang kapaligiran.
Nomadiko silang maituturing na hindi nagtatagal sa isang lugar sa halip ay palipat-lipat
upang maghanap ng pagkain gamit ang mga sandatang bato na kanilang nilikha.
(ancient.eu, Paleolithic)

Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong tao sa


pangangaso at pangangalap ng pagkain. Dakong 12,000 taon nang matutunan ng mga
sinaunang tao ang pagtatanim. Tuluyan ding umunlad ang kanilang mga kasangkapan
sa paggamit ng mas makinis na bato. Ito ang nagpasimula sa Panahong Neolitiko.

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE •
Panahong Neolitiko (New Stone Age) dakong 10, 000 – 4000 B.C.E.

🖝Ang huling bahagi ng Panahong Bato ay tinatawag na Panahong


Neolitiko o Panahon ng Bagong Bato (New Stone Age) na hango sa mga
salitang Greek na neos o “bago” at lithos o “bato.”
🖝Ang terminong neolitiko ay ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya
upang italaga ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan o
pagbabago sa pamumuhay at teknolohiya.
🖝Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang
bato, permanenteng paninirahan sa pamayanan, pagtatanim, paggawa
ng palayok at paghahabi.
🖝Naganap sa panahong ito ang Rebolusyong Neolitiko o sistematikong
pagtatanim.
🖝Isa itong rebolusyong agrikultural sapagkat natustusan na ang
pangangailangan sa pagkain.
🖝Ito rin ang nagbigay-daan sa permanenteng paninirahan sa isang
lugar upang alagaan ang mga pananim.
🖝Catal Huyuk – Isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa
kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia (Turkey ngayon) Isang
pamayanang sakahan.May populasyong mula 3000 – 6000 katao.
🖝Magkakadikit ang mga dingding ng kabahayan at ang tanging
pasukan ng isang bahay ay mula sa bubungan pababa sa
hagdan.Inililibing ang mga yumao sa loob ng kanilang bahay.May
paghahabi, paggawa ng mga alahas, salamin, at kutsilyo.

Ang Panahong Neolitiko na tinatawag ding panahon ng Rebolusyong Agrikultural


na nagsimula mga 10,000 libong taon na ang nakaraan ay sumabay sa pagkatunaw ng
mga yelo sa daigdig sa pagtatapos ng panahong Pleistocene (Ice Age) at pagsisimula ng
Holocene Epoch - na mailalarawan sa pagkakaroon ng katamtamang init at
temperatura ng mundo na siyang angkop sa pagtatanim at pagprodyus ng sariling
pagkain.( britannica.com/event, Neolithic)

Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang tao nang


matutunan nila ang paggamit ng mga kasangkapan at sandatang yari sa metal.
Naganap ito dakong 4000 B.C.E. Inilalarawan sa susunod na diyagram – ang Panahon
ng Metal.

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE •
Panahon ng Metal dakong 4000 B.C.E. - kasalukuyan

Panahon ng Tanso
🖝Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso subalit patuloy
pa rin ang paggamit sa kagamitang yari sa bato.
🖝Nagsimulang gamitin ang tanso noong 4000 B.C. sa ilang lugar sa
Asya, at 2000 B.C.E. sa Europe at 1500 B.C.E. naman sa Egypt.
🖝Nalinang nang mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga
kagamitang yari sa tanso.
Panahon ng Bronse
🖝Naging malawakan na noon ang paggamit ng tanso nang matuklasan
ang panibagong paraan ng pagpapatigas dito
🖝Pinaghalo ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na
matigas na bagay ang bronze.
🖝Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagagawa mula sa bronse tulad
ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat
🖝Sa panahong ito natutong makipagkalakalan ang mga tao sa mga
karatig-pook
Panahon ng Bakal

🖝Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang pangkat ng IndoEuropeo


na nanirahan sa Kanlurang Asya dakong 1500 B.C.E.Natutunan nilang
magtunaw at magpanday ng bakal at matagal nilang pinanatiling lihim
ang natuklasan nilang paraan. Nang lumaon, lumaganap ang paggamit
ng bakal sa iba pang kaharian.

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE •
Suriin

Gawain 3. Yugto ng Pag-unlad Timeline


Mula sa mga konseptong natutunan mo ay susubukin mong gumawa ng timeline
upang mas masuri mo ang mga pag-unlad na naganap sa bawat yugto ng panahong
prehistoriko.

Sandata/kagamitan/tuklas Sandata/kagamitan/tuklas Sandata/kagamitan/tuklas

Panahong Paleolitiko Panahong Neolitiko Panahong Metal

Paraan ng pamumuhay Paraan ng pamumuhay Paraan ng pamumuhay

Pamprosesong tanong:
Sagutin ang mga tanong ayon sa iyong naunawaan sa binasang teksto.
1. Paano mo ilalarawan ang katangiang heograpikal ng mundo sa panahong
Paleolitiko na nakaapekto sa naging paraan ng pamumuhay ng Paleolitikong tao?

2. Anong malaking pagbabago sa katangiang heograpikal ng mundo ang nagbunsod


sa pagpasok ng panahong Neolitiko?

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE •
3. Paano nagdulot ng pag-unlad ng kultura at pamumuhay ng tao ang Rebolusyong
Agrikultural?

4. Ano sa iyong palagay ang pinakamahalagang naging bunga ng pagkakatuklas ng


paggamit ng tao ng metal na gaya ng bakal?

Pagyamanin

Gawain 4. Tuklas nila noon, mahalaga sa kabihasnan ngayon!


Ang mga prehistorikong tao ay sunod-sunod na nakatuklas ng mga gawaing
nagpapatunay ng kanilang kakayahan na makibagay sa kanilang kapaligiran na batay
rin sa kanilang mga pangangailangan. Ang mga natutunan nilang gawin noong
sinaunang panahon ay nagdulot ng pag-unlad sa pamumuhay, kultura at sa kalaunan
ay pagbuo ng mga kabihasnan. Upang mas higit na mapatibay ang iyong natutunan sa
araling ito, isulat mo sa loob ng kahon ang kahalagahan sa kasalukuyan ng mga
natuklasang gawin ng sinaunang tao.

Natutunang gawin Kahalagahan sa kabihasnan

Paggamit ng Apoy

Pagsasaka

Pagpapastol ng hayop

Pag-iimbak ng labis na pagkain

Paggamit ng mga kasangkapang metal

Pagtatayo ng permanenteng tirahan

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE •
Isaisip
Gawain 5: Bilib ako sa sinaunang tao!
Isulat mo sa loob ng bahay ang ideyang nabuo mo tungkol sa pag-unlad ng tao
sa ibat ibang aspekto sa panahong prehistoriko. Halimbawa ay pag-unlad sa
teknolohiya ng paggawa ng sandata, paraan ng paghahanap ng pagkain, sa kanilang
tirahan, pananamit at iba pang natutunang gawin sa pang-araw-araw nilang
pamumuhay at pangangailangan.

Paano umunlad ang pamumuhay ng tao noong sinaunang panahon?

Isagawa
Gawain 6: Catal Huyuk Artifact Analysis (pagsusuri at paghahambing sa
kasalukuyan)
Ihambing ang paraan ng pamumuhay ng mga taga-Catal Hȕyȕk sa kasalukuyang
panahon gamit ang sumusunod na aspekto:
a.paggawa ng tirahan c.sining
b.paraan ng paglilibing d.sandata at pang-araw-araw na
kagamitan

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE •
Kaligirang Impormasyon- Ang Catal Hȕyȕk sa kasalukuyan ay isang lugar sa Turkey.
Sinasabing umunlad ang sinaunang pamayanan na ito 9000 taon na ang nakararaan.
Ang lugar na ito ay may lawak na 32 acres o halos 24 football fields. Malapit ang Catal
Hȕyȕk sa pampang ng Ilog Carsamba. Magkakadikit ang mga dingding ng kabahayan at
ang tanging pasukan ng isang bahay ay mula sa bubungan pababa sa hagdan. Gawa sa
pinatuyong putik o mudbrick ang mga kabahayan. Ang mga taga Catal Huyuk ay
naglilibing ng kanilang yumao sa loob mismo ng kanilang bahay gaya ng nahukay na
fossil na ito ng isang katamtamang edad na babae na nakaayos ng fetal position.

( Blando, 2014)

Rubrik sa pagmamarka ng Catal Huyuk Artifact Analysis

Pamantayan Deskripsyon Puntos


Pagkakaiba sa kasalukuyan Mahusay na naipakita ang pagkakaiba ng 10
artifact sa kasalukuyang panahon

Pagkakapareho sa Mahusay na naipakita ang pagkakapareho ng 10


kasalukuyan artifact sa kasalukuyang panahon

Konklusyon nabuo mula sa Mahusay na nakabuo ng sariling konklusyon 10


ginawang paghahambing kung ano ang maaaring pinapatunayan ng
artifact

Kabuuang puntos 30

Anong konklusyon ang mabubuo mo tungkol sa mga tao sa Neolitikong pamayanan ng Catal Huyuk?
Napatunayan ko sa aking pagsusuri at paghahambing ng mga artifacts mula sa Catal Huyuk na sila ay

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE •
Tayahin

I. Basahing mabuti ang pangungusap at isulat ang kung tama ang


konseptong isinasaad sa bawat numero at isulat ang kung mali ang
sinasaad nito.

1. Ang taong Neanderthal na nahukay ang mga labi sa Germany ay tinawag na


able man o handy man.

2. Ang mga tao sa Panahong Paleolitiko ay nomadiko o palipat-lipat ng tirahan


dahil sa paghahanap ng pagkain.
3. Ang Rebolusyong Agrikultural ay nagbunsod sa pagkakatatag ng mga
permanenteng tirahan noong Panahong Neolitiko.

4. Ang pamayanang Neolitiko ng Catal Huyuk ay matatagpuan sa kasalukuyan


sa bansang Iraq.
5. Higit na umunlad ang pamumuhay ng tao dahil sa paggamit ng metal.

II. Piliin ang letra ng pinakatamang sagot at isulat sa loob ng

1. Ang tawag sa eksperto sa paghuhukay at pagsusuri ng mga prehistorikong


fossil at artifacts.
A. Anthropologo B. Arkeologo C. Geologo D. Sosyologo

2. Kadalasang ipinipinta ng mga taga Catal Huyuk sa kanilang dingding.


. A. halaman B. hayop C. kabundukan D. kalangitan

3. Ang unang metal na natuklasan at pinanday ng mga sinaunang tao.


A. Aluminum B. Bakal C. Bronse D. Tanso

4. Pangkat ng tao na sinasabing nakatuklas ng bakal at pinanatiling lihim


ito.
A. Assyrian B. Babylonian C. Hittite D. Sumerian
5. Alin ang hindi naganap sa panahong Neolitiko?
A. Natutong gumawa ng palayok C. Natutong magsaka o magtanim
B. Natutong magpanday ng bakal D. Nagtayo ng permanenteng
tirahan
.

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE •
Sanggunian

Rosemarie C. Blando etal. Kasaysayan ng Daigdig. ph. 40-51


Araling Panlipunan – Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014, ISBN: 978-971-9601-
67-8

Website
Prehistory, Oliver Randii, wikimediacommons,
image Paleolithic, n.d. ancient eu
Neolithic, 2019,britannica.com
australopithecus-afarensis, n.d.,nationalgeographic, image
Homo_erectus, en.wikipedia.org, image
Paleolithic,arrowhead, en.wikipedia.org, image
Catalhuyuk, planetware.com, image
Bioarchaelogy of NeolithicCatalHuyok,2019, pnas.org, image
Catalhuyuk in Turkey,mfuller, users.stlcc.edu, image

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE •
Susi ng Pagwawasto

14
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE •
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mga Tagasuri: Hazel H. Carpio ( Guro, MHS) Gemma P. Soneja ( Guro, PHS) Mita A. Aberg
Ma. Gwendelene J. Corañez (Guro, NES) Ma. Gwendelene J. Corañez (Guro
Tagaguhit: Tagalapat:

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph
191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE •

You might also like