You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
City Schools Division of Tacurong
VIRGINIA F. GRIÑO NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Griño, Tacurong City

Banghay – Aralin
Araling Panlipunan 7 (Araling Asyano)

I. Layunin

1. Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya.


2. Nailalarawan ang katangian ng iba’t ibang panahon (panahong paleolitiko,
panahong mesolitiko, panahong neolitiko at panahon ng metal).
3. Makakagawa ng mapa ng konsepto tungkol sa pamumuhay ng mga Asyano sa iba’t ibang
panahon.

II. Nilalaman
1. Paksa: Mga Sinaunang Kabihasnan at Pamumuhay sa Asya
2. Sanggunian: Araling Panlipunan 7 – Araling Asyano, AP 7 Quarter 2, Module 1
3. Mga kagamitan: Laptop

III. Pamamaraan
A. Mga panimulang Gawain
a) Panalangin
b) Pagbati
c) Pagtatala ng liban
d) Mga Panuntunan sa klase:

Mga Panuntunan sa klase


1. Umuupo nang maayos.
2. Panatilihing nakaupo sa inyong sariling upuan.
3. Iwasan makipag-usap sa katabi habang may nagsasalita sa harapan.
4. Itaas ang kanang kamay kung gustong sumagot o may paglilinaw.
5. Kung may nasasalita makinig bilang pag respeto.
6. Mag Take note ng mahahalagang impormasyon mula sa aralin.
7. Silent mode ang inyong Cellphone.

1. Balik – Aral
Sabay-sabay na sagutin ng mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan.
1. Ito ay tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar/bansa. Populasyon
2. Ito ay ang bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat. Literacy Rate
3. Ito ay ang bahagdan ng populasyong walang hanapbuhay o pinagkakakitaan. Unemployment Rate
4. Ito ay ang bahagdan ng bilis na pagdami ng tao sa isang bansa bawat taon. Population Growth
Rate
5. Ito ay ang bilang ng taong namamatay taon-taon sa bawat 1000 katao. Death Rate
2. Pagganyak
Pagpangkat-pangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa sampung grupo. Magbibigay ang guro
ng palaisipan ng salita at maghahanap ng mga salita ang mga mag-aaral mula rito.
PALAISIPAN NG SALITA
Panuto: Tignang maigi ang word puzzle, hanapin at bilugan ang mga
salitang iyong nakikita dito.

D P B S N J U I O L
K A B I H A S N A N
S L A B A T O V S A
F E G I T N A D Y A
A O O L S E V E A T
A L R I U S N S M L
W I T S A M E T A L
C T B A T S A M R W
S I T S Y A D S A Y
N K A Y S T B H D K
W O R O H J K U P A
W E T N D J G E T Q

Sibilisasyon
Kabihasnan
Paleolitiko
bago
luma
gitna
bato
metal
Asya

3. Panimulang Gawain

A. Paglalahad
Panahong Paleolitiko
 Ang panahong Paleolitoko (Paleolithic Period) o ng Panahon ng Lumang Bato (Old Stone
Age)ang pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao.
 Ang terminong ito ay mula sa mga katagang Greek na paleos o “matanda” at lithos o “bato”.
Kaalinsabay nito ang napakalawak na panahong heolohikal na Pleistocene. Ito ang
pinakamaagang bahagi ng Panahong Bato (Stone Age) at pinakamahabang yugto sa
kasaysayan ng sangkatauhan.
 Ang mga matatalinong taong lumikha ng Kulturang Paleolitiko ay ang mga Homo Sapiens
Sapiens at Homo Erectus noong 400,000-8,500 B.C.E.
 Kahalagahan ng bato sa mga taong paleolitiko

 BATO ang madalas nilang gamitin bilang pang protekta ng kanilang sarili sa anumang
mabangis na hayop at ginagamit sa pangangaso.
 Ginagamit din nila ito sa paggawa ng apoy.
 Dito rin nila pinapakita ang kanilang pagiging malikhain at ang pagkakaroon ng mataas na
antas ng epiritwalidad.

 Pamumuhay
 Ang mga tao sa Paleolitiko ay mga Nomadiko o walang permanenteng tirahan.
 Ang mga lalaki ay nangangaso
 Ang mga babae ang nangangalap ng pagkain sa kapaligiran at ang nagbabantay ng apoy.
 Ang mga taong paleolitik o ay umasa nang malaki sa kanilang kapaligiran.

 Mahalagang natuklasan ng mga taong paleolitiko


 Apoy ang mahalag ang tuklas sa panahong ito.
 Apoy Ginagamit sa pagluluto. Nagsisilbing proteksyon sa mababangis na hayop at nagbibigay
ng init.
Panahong mesolitiko
 Naganap ang Panahong Mesolitiko mula 10,000 hanggang 4500 B.C.E.
 Sa panahong ito naganap ang isang malaking pagbabagong pangkapaligiran – ang
pagkatunaw ng mga glacier o malalaking tipak ng yelo.
 Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan sa paglago ng mga puno at halaman sa mga
kagubatan.

 Pamumuhay
 Patuloy pa ring nangaso at nangalap ng pagkain ang mga sinaunang tao.
 Subalit hindi tulad noong Panahong Paleolitiko, naging mahirap para sa mga sinaunang tao sa
Panahong Mesolitiko ang mangalap ng pagkain mula sa kapaligiran.
 Natutuhan nila sa panahong ito ang pagpapaamo ng mga aso, nakatulong ito sa kanilang
panga-ngaso ng mababangis na hayop.

 Pag gamit ng kagamitang bato


 Mas mahusay rin ang mga nabuong kagamitang bato sa panahong ito bagama’t hindi pa rin
gaanong Pulido o maayos ang pagkakagawa.

 Tirahan
 Noong Panahong Mesolitiko rin nagsimulang manirahan ang mga sinaunang tao malapit sa
mga pampang ng ilog at dagat.
 Bunga nito, nadagdagan ng mga lamang-ilog at lamang-dagat ang uri ng kanilang pagkain.
 Maituturing na pinakamahalagang ambag ng mga sinaunang tao.
 Sa panahong ito ang sasakyang pandagat na tinatawag na dugout o canoe.
 Ginamit nila ito sa pangingisda sa mga ilog at sa mababaw na bahagi ng dagat
Panahong neolitiko
 Ito ang huling bahagi ng Panahon ng Bato.
 Tinatawag ding Panahon ng bagong bato.
 Mula sa salitang Griyego na “neos” o bago at “lithos” o bato.

 Katangian ng Panahong Neolitiko


 Paggamit sa iba’t ibang kasangkapang bato na higit na pulido at pino.
 Pananatili ng mga tao sa mga pamayanan.

 Pamumuhay
 Ito ay isang rebolusyong agrikultural sapagkat natustusan na ang pangangailangan sa
pagkain.
 Ito ang nagbigay daan sa permanenteng paninirahan sa isang lugar upang alagaan ang
mga pananim.
 Pagkalat ngPanahongNeolitiko
 Sa pagitan ng 6000 B.C.E. at 2000 B.C.E., ang kulturang Neolitiko ay kumalat sa
Europa, at sa mga lambak- ilog ng Nile sa Egypt, Indus sa India, at Huang Ho sa China.
 Pagtatapos ngPanahong Neolitiko
 Ang pagtatapos ng Panahong Neolitiko ay itinatakda simula sa pagkakaroon ng
malalaki at mahahalagang pagbabago sa pamumuhay ng mga tao.

Panahong metal
 Panahong Metal
 Panahon ng Tanso
 Tanso ang kauna-unahang natuklasang uri ng metal na nakuhang nakahalo sa
buhangin sa Ilog Tigris.
 Higit na matigas ang tanso kaysa ginto at nahuhulma sa iba’t-ibang hugis na nais ng
tao.
 Nalinang nang mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang gawa sa
tanso.
 Unang ginamit sa mga lugar sa Asia, Europe at Egypt.
 Panahon ng Bakal
 Natuklasan ng mga Hetite ang pagtunaw ng bakal Lumaganap sa buong Africa ,Asia ,at
Europe ang pagamit ng bakal.
 Sa panahon ng rebuloston industriyal, higit na napadali ang produksyon ng tao dahil sa
mga makinang gawa sa bakal.
 Ang pagamit ng bakal ang naghatid sa kabihasnan mula sa sinauna, gitna hanggang
modernong panahon.
 Panahong Bronse
 Pinaghalo rin nila ang metal na tanso at metal na tin at ang nabuong metal ay tinawag
na bronze.
 Ito ay mas matibay pa sa tanso.Sa Panahon ng Bronse(5,000-1,200 B.C.E.), nakalikha
sila ng mga kagamitang pansaka at mga kagamitang pandigma na may matatalim na
bahagi.
 Sa China, gumawa sila ng mga gamit na pang-alay sa mga diyos mula sa bronse,
gayundin ng mga bariles na gawa rin dito.
 Ang iron o bakal ay higit na matibay kesa bronse at tanso.
 Nadiskubre ng mga Hittite sa Kanlurang Asya ang paggawa nito noong 1000
B.C.E..Dahil dito, nakagawa sila ng mas matitibay na kagamitang pansaka at panlaban
sa mababangis na hayop.
 Pamumuhay
 Asya ay mayaman sa likas na yaman, kabilang ang mga yaman na nauugnay sa metal.
Ito ay nagbigay daan sa pag-unlad ng mga kabihasnan at kalakaran sa rehiyon.
 Ang paggamit ng metal sa pangangalakal, agrikultura, at gawain sa gubat ay nagdala
ng mas mataas na produksyon at nagtaguyod ng ekonomikong pag-unlad.
 Sa pangkalahatan, ang panahon ng metal sa Asya ay nagdala ng mas mataas na antas
ng sibilisasyon at nagbukas ng mga pintuan para sa mas malawakang kalakalan at
pakikipag-ugnayan sa iba't ibang kultura. Gayundin, ito ay nag-ambag sa pagbuo ng
mga imperyo at pag-usbong ng mga sistema ng pamahalaan.

B. Gawain

Pagpangkat-pangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa apat na grupo. Magbibigay ang guro ng apat
na sobre na mayroong litrato nang iba’t ibang panahon (panahong paleolitiko, panahong mesolitiko,
panahong neolitiko at panahon ng metal). Bawat lider ng apat na grupo ay bubunot ng tig’ iisang
sobre at sila ay magbibigay ng kanilang ideya hingil sa mabubunot nilang topiko.

4. Paglalahat
Hatiin ang klase sa apat na grupo. Gumawa ng mapa ng konsepto na nagpapakita ng pag-unlad ng
pamumuhay mula sa Paleolitiko hanggang Metal. Bigyan ng oras (10-15 minuto) ang bawat grupo na
mag-collaborate at bumuo ng kanilang mapa.

5. Paglalapat
Paghahambingin ang iba’t ibang panahon (panahong paleolitiko, panahong mesolitiko,
panahong neolitiko at panahon ng metal). Ipaliwanag kung Ano Ang kaibahan ng Panahong
Paleolitiko sa Panahong Mesolitiko, at kung ano Ang kaibahan ng Panahong Neolitiko sa
Panahong Metal.
6. Pagtataya
Ibigay ang limang uri ng panahon sa Sinaunang Kabihasnan at Pamumuhay sa Asya.
7. Takdang Aralin
- Magsaliksik tungkol sa kabihasnang Sumer Indus at Shang. Isulat sa inyong kwaderno ang
kahulugan ng tatlong kabihasnang ito.

PREPARED BY:

JENNY ROSE S. VILLAFLOR


Pre- Service Teacher
CHECKED BY:

VIVIEN F. TUBERA
Teacher 1

You might also like