You are on page 1of 25

Aralin 1

Heograpiya

 Ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng mundo.


 Sa wikang Greek na geo o daigdig at graphia o paglalarawan.

Katuturan at Liwang Tema ng Heograpiya

Limang Tema ng Heograpiya

Lokasyon

 Ito ay nagsasaad sa mga lugar sa mundo.

Dalawang paraan upang malaman ang tamang kinalalagyan ng isang lugar sa mundo:

Relatibong Lokasyon (Landmarks)

 Ginagawang basehan ang mga nasa paligid ng isang lugar. Katulad ng mga anyong lupa,
anyong tubig, at mga estrukturang gawa ng tao.

Lokasyong Absolute (Coordinates)

 Ginagamit ang mga imahinasyong guhit tulad ng longitude at latitude lines na sumasaklaw sa
grid.

Mga halimbawa sa pagtutukoy:


1. ang istrakturang eiffel tower ay makikita sa paris,france. (relatibong lokasyon.)
2. Ang Singapore ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ silangang longhitud. (lokastyong
absolute)

Lugar

 Nagsasaad ito ng mga katagiang naaayon sa isang pook.


 Katangian ng kinalalagyan tulad ng klima, anyong lupa, anyong tubig, at likas na yaman.
 Katangian ng mga taong nananahanan tulad ng wika, relihiyon, densidad or dami ng tao,
kultura, at mga sistemang pulitikal.

Rehiyon

 Nagsasaad ito sa mga bahagi ng daigdig na pinag-iisa dahil sa pakakapareho ng mga


katangiang pisikal at kultural.

Interaksiyon ng Tao

 Ito ay nagsasaad sa kaugnayan ng tao sa pisikal at katangian na may angkin ng kaniyang


kinaroroonan
 Ang kapaligiran ang isang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao gayon din ang
pakikigabay ng tao sa mga pagbabagong nangyayari sa kaniyang ginagalawan

Paggalaw

Nagsasaad ito ng pag-alis ng tao mula sa kinalakihang lugar papunta sa ibang lugar: kasama rin dito
ang paglipat ng bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan
Ang daigidig ay may apat na hating-globo (Hemisphere):

 Ang Northern Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng Equator,


 at ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian.

Istruktura ng Daigdig
Ang daigdig ay isa sa walong planetang umiikot sa isang malaking bituin, ang araw. Sumasaklaw sa
katawagan na solar system ang mga ito. Ang lahat ng may buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao
ay gumagamit ng enerhiya mula sa araw. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing sanhi ng
eksaktong posisyon nito sa solar system, na siyang basehan ng pag-ikot nito sa sariling aksis at ng
paglalakbay paikot sa araw bawat taon.

Ang mundo ay binubuo ng crust, mantle at core.


Aralin 2

Heograpiyang Pantao (Human Geography)

Ay tungkol sa pag aaral ng wika, relihiyon, lahi at pangkat etniko sa ibat ibang daigdig.

Wika

 Ay itinuturing bilang kaluluwa at salamin ng isang kultura


 Ito ay nagbibigay pagkakakilanlan sa mga taong kabilang sa isang pangkat
 Ito ay ipinagkaloob ng diyos sa atin at ipinamana sa mga sinaunang to sa mundo at ito ang
ginagamit natin upang magkaunawaan at magkaintindihan ang bawat tao sa mundo
 tinatayag may 7,105 buhay a wika sa mundo mula sa aklat “Kasaysayan ng Daigdig”

Ang mga pamilya ng wikang ito ay nag sasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa ibat ibang
bahagi ng daigdig

 may 136 language family sa buong daigdig

Katangian ng Wika

1. Dinamiko
 Nagbabago ito kasabay ng pagbabago ng panahon at pandaigdigan na pagbabago
2. May sariling kakanyahan
 Hindi mahahanap sa ibang wika ang mga katangiang ng isang wika

3. Kaugnay ng wika ang kultura ng isang bansa


 Ang sining, panitikan, karunungan, kaugalian, kinagawian, at paniniwala ng mga
mamamayan ang bumubuo ng kultura.

Pamilya ng Wika (5)

Pinaka malaking Pamilya ng Wika

Relihiyon
 Ay nag mula sa salitang religare na nangangahulugang “pagsasama-sama o pagkakabuklod-
buklod” ito ay kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng tao
 Bawat relihiyon ay may kaniya-kaniyang kinikilalang Diyos na sinasamba
 Sa kasalukuyan ay organisado at may doktrinang sinusunod
Lahi at Pangkat Etniko

Pangkat-Etniko

 Ang mga tao sa daigdig ay naghahati saibat ibat pangkat, isa sa mga batayan ay ang pangkat-
etniko na kaniyang kinabibilangan
 Ang salitang etniko ay nagmula sasalitang Greek na ethnos na nangangahulugang
“mamamayan”
 ! Tinatawag din na pangkat etnolingguwistiko ang mga pangkat-etniko dahil karamihan sa mga
ito ay gumagamit ng iisang wika.
 Ang Han Chinese na may tinatantiyang populasyon na 1.4 bilyon ang pinakamalaking
pangkat-etniko sa buong daigdig. Ito ay sinundan ng mga Arabs na may populasyong 450
milyon at pangatlo ay ang Bengalis na may popylasyon na 230 milyon

Lahi o Race

 Ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat.


 May ibat ibang klasipikasyon ng tao sa daigdig na nagdulot ng kontrobersiya sapagkay
maaaring magpakita ng ibat ibang uri ng diskriminasyon

Grupong Etnolingguwistiko

Ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura


Dalawang Batayan ng Paghahating Etnolingguwistiko

1. Wika
 Sumasalamin sa pangunaging pagkakakilanlan ng isang pangkat.

2. Etnisidad
 Ang pagkakapareho ng isang pangkat batay sa wika, tradisyon,paniniwala,kaugalian, lahi at
saloobin

Aralin 3

Panahong Prehistoriko

 Ito ay ibinase sa teknolohiya at kagamitan nakadalasang ginagamit sa bawat panahot ang


pagkakabitak sa kaganapangprehistoriko.
 Ang Paleolitiko,Mesolitiko at Neolitiko ay ang mga panahong nakitaan na karamihan sa mga
tao ay gumamit ng bato bilang kasangkapan. Habang kinabibilangan naman ng panahong
copper, bronze, at bakal ang panahon ng Metal.

Talaguhitan: (BCE Before Common Era o Bago ang Kasalukuyang Panahon)

I. Panahon ng Bato
A. Unang Yugto (Panahon ng Paleolitiko)

 Ibig sabihin ay panahon ng Lumang Bato. (Paleos o matanda; lithos o bato)


 Nag-umpisang gumamit ng mga kasangkapan na yari sa magaspang na bato.

- Natuklasan ang kahalagahan ng apoy.


- Maaninag sa mga tato at pagguhit sa bato ang pagkamasining.
- Mayroon nang pamayanan na karaniwang makikita sa mga lambak sa anyong
campsite.

B. Ikalawang Yugto (Pabahon ng Mesolitiko)

 Nangangahulugang Gitnang panahon ng Bato.


 Nakagawa ng mga kasangkapan ang mga sinaunang tao na yari sa mga makikinis na bato.

- Sa pagkatunaw ng mga glacier o malalaking tipak ng yelo noong 1000 hanggang 4500
BCE ay nagsimula ang pag-usbong o paglagongmgagubat.
- Nakaranas ng tagtuyot ng lupa ang sinaunang tao dahil sa matindinginit ng panahon.
- Naninirahan sa mga pampang ng ilog at dagat upang mabuhay.
- Nagsimulang mag-alaga ng hayop ang tao.
- Paggawa ng microlith (Ito ay maliit at patusok na mga kasangkapangbatong nagsisilbing
kutsilyo at talim ng mga pana at sibat)
- Paggawa ng mga palayok na gawa sa luwad.

C. Ikatlong Yugto (Panahon ng Neolitiko)

 Ibig sabihin ay panahon ng Bagong Bato (Neos – bago; lithos – bato)


 Nakagawa ang mga sinaunang tao ng kasangkapan na yari sa matutulis na bato
- Kinasangkapan sa arkeolohiya at antropolohiya ang katawagang Neolitiko para mailaan ang
isang uri ng pagbabagong kultibasyonokaparaanan sa buhay at teknolohiya
- Batid ang yugtong ito sa makintab na kagamitang bato, pamamalagi sakomunidad, pagsasaka,
pagpapalayukan, at paghahabi - May sistema na ng pagtatanim
- Nasustentuhan na ang pang-araw-araw na pagkain
- Ang pag-asikaso sa mga sakahan ang nagsilbing dahilanngpamamalagi sa isang pook
- Sa mismong tahanan nila ibinaon ang mga namatay
- May mga hiyas ng nilikha, salamin, at patalim

II. PANAHON NG METAL

A. Panahon ng Tanso

- Daglian ang kaunlaran ng tao ngunit walang tigil pa ring pinakinabanganang mga
kasangkapang bato.
- Pagdating ng 4000 BCE, nag-umpisa ang paggamit ng kasangkapannayari sa tanso sa ilang
mga pook sa Asia, Europe at Egypt.
- Napahusay ang paglikha at pagyari ng mga kasangkapangmulasatanso.

B. Panahon ng Bronse

- Nadiskubre sa panahonh ito ang panibagong proseso sa pagpapatibayng bronse bilang


kasangkapan na labis na pinakinabangan ng mga sinaunang tao.

- Para makalikha ng lampas pa sa inaasahang matibay na gamit, angtanso at lata (tin) ay pinagsama.

- Ang mga nalikhang kasangkapan at sandata na galing sa tanso ay samu’t-sari gaya ng espada,
palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat.

- Marunong nang makipagpalitan ng produkto ang mga sinaunang tao sa karatig na lugar.

C. Panahon ng Bakal

- Isang grupo ng tao na nakatira sa Kanlurang Asya na kinilalabilang Hittite ang naka diskubre ng
bakal.

- Marunong na silang magpalambot at magpanday ng bakal.

- Ang pagpapalambot at pagpapanday ng bakal ay mahabang panahon nilang itinago at isinekreto.

- Hindi nagtagal, ang pagkasangkapan ng bakal ay kumalat sa iba pang lupain.


Aralin 4

Mesopotamia: Kabihasnan sa Kanlurang Asya

Ang Mesopotamia

 ay galing sa mga salitang Griyego na meso o pagitan at potamos o ilog.


 Samakatuwid, ang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog”
(Tigris at Euphrates) na pinaniniwalaang lunduyan ng unang kabihasnan.
 ito ang kapatagang alluvial na matatagpuan sa pagitan ng mga ilog ng Tigris at Euphrates,
binubuo ng mga bahagi ng Iraq at Syria.

Fertile Crescent (Sa rehiyong ito matatagpuan ang Mesopotamia)

 Ang paarkong matabang lupain na nagsisimula sa Persian Gulf patungo sa silangang


dalampasigan ng Meditterranean Sea.
 Makikita sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia ang maraming maliliit na pamayanang sakahan
na pinagdugtong-dugtong ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan pagdating ng taong
5500 BCE.

Indus: Kabihasnan sa Timog Asya

 Taong 1920, natuklasan ang bakas ng mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng
Indus na kasabay halos ng pagsisimula ng Sumer noong 3000 BCE. Sakop nito ang malaking
bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India at ang kinalalagyan ngayon ng bansang
Pakistan.
 Sa paligid ng Ilog Indus nagumpisa ang kabihasnan sa India. Ang tubig na umaagos sa Ilog
Indus ay may habang 2,900 km. (1800 milya). Ito ay nanggaling sa natutunaw na malalaking
yelo sa ibabaw ng kabundukang Himalayas at dinaanan nito ang Kashmir hanggang ang
kapatagan ng Pakistan.
 Ang pag-apaw ng ilog ay nag-iiwan ng banlik na nagpabuti sa paglinang ng lupain. Ito ay taunang
nagaganap sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo at Setyembre. Pagdating ng 3000 BCE, marami
na ang naninirahan sa lambak ng Indus at kadalasan ay mga maliliit na komunidad na may
tanggulan at maayos na kalsada. Sa sumunod pang mga siglo, nakapagpatayo rin ng mga kanal
pang-irigasyon at mga istrukturang pangkontrol sa pag-apaw ng ilog.
Ang Kabihasnan sa Mesoamerica

Ang pangalang Mesoamerica o Central America ay galing sa salitang meso na ang ibig sabihin ay
gitna. Naging sentro ito ng mga unang sumibol na kabihasnan sa Amerika.

Matatagpuan ang lupaing ito sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa sentro ng Mexico at Gulf of
Fonseca sa katimugan(southern) ng El Salvador.

Ang ilog ng Panuco at Santiago ay makikita sa hilagang dulo nito. Matatagpuan naman ang katimugang
hangganan mula sa dalampasigan ng Honduras sa Atlantic patungo sa gulod o slope ng Nicaragua sa
Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa River.

Tsino: Kabihasnan sa Silangang Asya

Hinahangad na ng mga Tsino sa mga nakalipas na panahon ang pagiging magaling sa pamamahala at lalo
pang pinalakas ang kabihasnan dahil sa pagyakap ng pamahalaan sa ideololohiyang Confucianismo at
Taoismo.

 Ang kabihasnan sa China ay nagsimula sa gilid ng Yellow River o Huang Ho.


 Ang kahabaan ng ilog ay tinatayang 3,000 milya na nanggaling pa sa kabundukan ng kanlurang
China na umaagos hanggang Yellow Sea.

North China Plain

 Sa loob ng mahabang panahon, maraming beses na nagpaiba-iba ang daluyan ng ilog hanggang sa
nakalikha ito ng isang malapad na kapatagan.

Kabihasnang Ehipto

 Sa parteng hilagang-silangan ng Africa makikita ang lambak ng Ilog Nile na naging lunduyan ng
kabihasnang Ehipto. Pagdating ng 3100 BCE, ang sinaunang Ehipto ay naging ganap na estado at
nagpatuloy sa loob ng tatlong milenyo.
The Gift of the Nile

 Ang rehiyon ay lubos na sanang maging disyerto kung wala ang ilog na ito, kaya dati pa man
tinagurian na bilang ang Ehipto. Pinagbuklod ng ilog na ito ang parteng hilagang-silangan ng
disyerto ng Africa
 Nanggaling sa katimugan hanggang hilaga ang pag-agos ng Ilog Nile na may kahabaang 6,694
kilometro (4,160 milya).

Aralin 5 (Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig)

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

• Kung matatandaan ang mga sinaunang kabihasnan ay nagmula sa mga lambak-ilog o river
valley.

• Ang kabihasnang Mesopotamia ay unang umusbong sa pagitan ng dalawang ilog. Ang


dalawang Ilog Tigris at Ilog Euphrates na siyang pinagmulan ng kabihasnang ito. Kaya
tinatawag itong Mesopotamia na mula sa salitang Griyego na meso o “pagitan”at potamos o
“ilog.” Sa madaling salita ang kahulugan ng salitang Mesopotamia ay lupain sa “Pagitan ng
dalawang Ilog”. Maraming mga pangkat ng mga taong naninirahan sa Mesopotamia.

• Kadalasan ang bawat pangkat ay may maraming naiambag na siyang nagpapatibay at nagbigay
ng mga impluwensiya sa susunod pang mga pangkat.

• Binubuo ang Mesopotamia ng mga kabihasnang Sumer, imperyong Akkad, Babylonia,


Assyria, at Chaldea

Mga Pangkat na Naninirahan sa Mesopotamia:

Sumerian:

 Isang nomadikong pangkat na unang namalagi sa ilog-lambak ng Mesopotamia. Ang mga pari
at hari ang pinakamataas sa hirarkiya ng lipunan.
 Kasunod dito ang mga mayayamang mangangalakal at ang mga ordinaryong taong nagsasaka.
Pinakamababang antas sa lipunang Sumer ay ang mga alipin.
 Naniniwala sila sa maraming diyos at diyosa na anthropomorphic o may katangian at pag-
uugaling tao. Tinatayang mayroong 3,000 diyos at diyosa ang mga Sumer.
 Nakaimbento sila ng sistema ng pagsusulat na tinatawag na Cuneiform.
Sibilisasyon Sumerian (3500-2340 BCE)

Akkadian:

 Ang mga Akkadian ang nagpabagsak sa Kabihasnang Sumer sa pamumuno ni Sargon I (2334-
2279 BCE). Nakapagpatayo siya ng kauna-unahang imperyo na nakasentro sa lungsod-estado ng
Ur. Bumagsak ang Dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa
loob ng sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa katimugan, partikular ang Isin at
Larsa, ay nagtunggalian upang makontrol ang rehiyon.

Babylonian

 Ang mga Babylonians ay mga lagalag na Amorites, isang semitikong pangkat na naninirahan sa
Mesopotamia. Kalaunan, ginawang kabisera ng mga Amorites ang lungsod ng Babylonia at
nagtatag ng imperyo sa pamumuno ni Hammurabi. Sa panahon ng kaniyang paghahari, nasakop
ni Hammurabi ang mga kaharian sa hilaga, kabilang ang kahariang Ashur
 Nagtakda si Hammurabi ng batas at tinawag itong Hammurabi Code.
Ito ay batas na naniniwala sa prinsipiyo ng paghihiganti na kung tawagin ay lex taliones o “mata
sa mata, ngipin sa ngipin.” Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng
Babylonia. (1792-1595 BCE)

Assyrian

 Ang mga Assyrian ay mga malulupit at mababagsik na pangkat na naninirahan sa


bulubunduking rehiyon sa hilaga ng Babylon. Sakop ng rehiyong ito ang hilagang bahagi ng
Ilog Tigris hanggang sa mataas na kabundukan ng Armenia. Noong ika-9 na siglo BCE,
nagpadala sila ng mga ekspedisyong militar pakanluran upang mapasakamay ang mahahalagang
rutang pangkalakalan at makatanggap ng tributo.
 Isa si Ashurbanipal (circa 668-627 BCE) sa mga haring kinakitaan ng maayos na
pamamahala sa kaniyang panahon.
 Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa

Chaldean

 Ang Chaldean ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Babylonia at silangang pampang ng


Ilog Euphrates.

 Nebuchadnezzar II - ang pinuno ng imperyo nang natamo nito ang rurok ng kadakilaan. Siya
rin ang nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kaniyang asawa. Kinilala ito ng
mga Greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.

 Noong 539 BCE, ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni Cyrus the Great ng Persia hanggang
tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian ang Mesopotamia

 Persian
Sa ilalim ng pamumuno ni Cyrus The Great (559-530 BCE) – nagsimulang manakop ang mga
Persian. Napasailalim nila ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at Asia Minor
(kasalukuyang Turkey).

 Ang pamumuno ni Darius The Great (521-486 BCE) ay umabot hanggang India.

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

 Ang Kabihasnang Indus ay sumibol sa pagitan ng mga lambak-ilog ng Mohenjo-Daro at


Harappa na matatagpuan sa sinaunang India sa rehiyon ng Timog Asya. Sinasabing mahirap
na lubusang mabatid ang sinaunang kasaysayan ng India. Nakahukay nga ang mga arkeologo ng
mga kasangkapang ginamit ng mga ninuno subalit hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin
nauunawaan ng mga iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat ng sinaunang kabihasnan ng
India.
 Unang naninirahan sa mga lungsod na ito ang mga Dravidian. Mailalarawan ang mga
Dravidian bilang mga maiitim na tao na naninirahan sa isang maliit na pamayanan.
Malinaw ang pagpapangkat-pangkat ng mga tao sa lipunang Indus. Ang mga naghaharing-uri
tulad ng mga mangangalakal ay nakatira sa bahagi ng moog. May mga bahay na gawa sa tatlong
palapag na katibayan sa pagkakahati-hati ng lipunan sa iba’t ibang uri ng tao.
 Nakagawa sila ng mga irigasyon para sa kanilang pagsasaka. Nag-alaga rin sila ng mga hayop.
Nagtatag rin sila ng mga daungan patunay lamang na sila ay naglalakbay at nakikpagkalakalan rin
sa mga karatig pook.

 Samantala ang mga Aryan naman ay naninirahan din sa Indus. Sila ay inilarawan bilang
matatangkad at mapuputing tao. Dumating ang mga Aryan sa panahong mahina na ang
kabihasnang Indus. Napapaloob sa kanilang Vedas ang tinipong akda ng mga himnong pandigma,
mga sagradong ritwal, mga sawikain at mga salaysay.
 Hindi tiyak ng mga mananaliksik ang mga paliwanag ukol sa pagtatapos ng kabihasnang Indus.
May mga haka-haka na maaaring naglaho ito dahil sa pagsabog ng bulkan, pananalakay ng ibang
pangkat, at labis na pagbaha.

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

 Ang kabihasnang Tsino ay umusbong malapit sa tabing-ilog ng Yellow River o Huang Ho. Ang
ilog na ito ay dumadaloy patungo sa Yellow Sea.
 Itinuturing itong isa sa pinakamatandang kabihasnang sa buong mundo gaya ng sa
Kabihasnang Mesopotamia at Kabihasnang Indus. Kapag umaapaw ang Huang Ho, ito ay nag-
iiwan ng banlik na nagsisilbing pataba sa lupa. Ito ang dahilan kung bakit nakapamumuhay ang
mga sinaunang Tsino bilang mga magsasaka na siyang sanhi ng kanilang pamamalagi na nagdulot
ng pagkakatatag ng unang dinastiya ng Xia.

Mga Dinastiya sa Sinaunang Tsina

Xia (2000- 1570 BCE)

• Sinasabi na ito ang kauna-unahang Dinastiyang umusbong sa Huang Ho.

• Hindi pa ito lubusang napatutunayan dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiyang arkeolohiya.

Shang (1570 - 1045 BCE)

• Ang dinastiyang ito ay gumagamit na ng bronse. Ayon sa mga mananaliksik, may naiwang
pinakalumang kasulatan na nakaukit sa mga Oracle Bones.
• Kadalasang isinagawa ang pagsasakripisyo ng mga tao lalo na sa tuwing namamatay ang
kanilang pinuno. Pinatalsik ang Shang ng mga Chou noong 1045 BCE.

Zhou o Chou (1045 -221 BCE)

• Ang mga tao sa panahon ng dinastiyang ito ay naniwala sa Mandate of Heaven o “Basbas ng
Kalangitan.”

• Ayon sa kanilang paniniwala ang sinumang maging emperador ay pinahintulutan ng langit.

• Pinili siya dahil puno siya ng kabutihan. Kapag siya ay naging masama at mapangabuso, ay
babawiin ng kalangitan sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste o digmaan.

Umusbong sa panahong ito ang mga mahalagang kaisipang pilosopikal na humubog sa kamalayang Tsino
tulad ng:

Confucianismo - Layuning magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng


pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan.

Taoismo - Hangad ang balanse ng kalikasan at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan.

Legalismo – ang pilosopiya na naniniwala na ang tao ay ipinanganak na masama at makasarili.


Subalit sila ay maaaring mapasunod sa pamamagitan ng mahigpit na batas at marahas na
kaparusahan.

Q’in o Ch’in (221 - 206 BCE)

• Napatalsik ang Zhou ng Dinastiyang Q’ín o Ch’in na siyang nagtuguyod ng unang imperyo sa
Tsina (221- 210 BCE).

• Sa ilalim ng kanilang pamamahala, sa pamumuno ni Emperador Shih Huang Ti, ipinatayo ang
Great Wall of China upang magsilbing-tanggulan laban sa mga mananalakay na tribong
nomadiko na nakatira sa hilaga.

• Humina ang dinastiya nang mamatay si Emperador Shih Huang Ti at napalitan ng Dinastiyang
Han.
Han (202 -200 CE)

• Ang Dinastiyang Han ang kauna-unahang yumakap ng Confucianismo.

• Sa panahon ng kanilang pamamahala naitatag ang mga aklatan na naglalayon na mag-imbak ng


mga mahahalagang kasulatan tungkol sa kasaysayan ng Tsina.

Sui (589 - 618 CE)

• Ang mga Sui ay nagpabuklod sa mga watak-watak na mga teritoryo ng Tsina

• Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall na napabayaan sa mahabang panahon.

• Ginawa rin ang Grand Canal na naglalayong mapagdugtong ang Huang Ho at Yangtze upang
mapabilis ang transportasyon at mapasigla ang kalakalan ng mga karatig po

Tang (618 - 907 CE)

• Sa panahon ng Dinastiyang Tang, masagana ang lupain at mabilis ang mga pagbabago sa larangan
ng sining at teknolohiya.

• Malawakang tinangkilik ang relihiyong Budhismo ng mga dugong bughaw at mga karaniwang
tao.

• Pinagtibay ang civil service examination system na naging mahalaga sa pagpili ng opisyal ng
pamahalaan. Ang pagsusulit na ito ay unang ginamit sa panahong Han subalit pinagbuti pa sa
panahong Tang.

• Bumagsak ang dinastiya dahil sa pag-aalsa ng kanilang nasasakupan.

Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa

 Hindi kailan man nagpaiwan ang Africa kung ang sinaunang kabihasnan ang pag-uusapan. Unang
umusbong ang kabihasnan ng Africa sa Ehipto. Kagaya sa Mesopotamia, Indus at Tsina,
umusbong din ang Kabihasnang Ehipto sa may Ilog Nile.
 Ang Ilog Nile ay itinuturing na pinakamahabang ilog sa buong mundo. Batay sa mga
natuklasang ebidensiya ng mga arkeologo, inilarawan nilang naging matatag ang kabihasnang
yumabong sa Ehipto.
 Katulad ng naunang mga kabihasnan mahalaga ang papel na ginampanan ng lambak–ilog ng
Nile. Ang taunang pagbaha ng bawat taon ay nagdala ng matabang lupa na naging daan upang
manatili ang mga taong nanirahan sa pamayanan. Dahil mataba ang kanilang lupa,
nakapagtanim ang mga magsasaka ng iba’t ibang panamin.
 Napatunayan rin na gumawa sila ng mga imbakan ng tubig at irigasyon upang mapaayos ang
pagdaloy ng tubig patungo sa kanilang pananim.
 Ang Ilog Nile ay nagsisilbing ruta sa paglalayag na nag-uugnay sa mga pamayanang malapit sa
ilog at pampang. Namuhay silang payapa at sagana sa mahabang panahon.

Kabihasnang Ehipto

 Napakalaki ng papel na ginampanan ng mga paraon (pharaoh) sa sinaunang Ehipto. Itinuturing


silang diyos ng kanyang mga nasasakupan. Para sa mga paraon, sila ang tagapagtanggol at
kontrolado nila ang pamumuhay ng mga tao.
 Kabilang sa kanyang mga tungkulin ang pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa kalakalan,
pagpapatupad ng batas at pagtiyak sa kaayusan ng pamayanan.
 Ayon sa mga historyador, ang kasaysayan ng Ehipto ay nahahati sa iba’t ibang panahon. Ito ay
makikita sa talahanayan na nasa ibaba.

Aralin 6

Kontribusyon ng Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Ziggurat

 Ang Ziggurat ay isang estruktura na naging sentro ng pamayanan sa Mesopotamia.


 Dito ginaganap ang pagpaparangal at pagsamba sa diyos o patron ng mga sinaunang tao.

Code of Hammurabi

 Ang Code of Hammurabi ay naglalaman ng 282 na mga batas na pumapaksa sa pang


araw-araw na pamumuhay ng mga sinaunang tao o sinaunang Babylonia.

Cuneiform

 Ang Cuneiform ay isang sistema ng pagsulat na nilinang ng mga Sumerians na unang nakatira
sa Mesopotamia.

Epic of Gilgamesh

 Ang Epic of Gilgamesh ay itinuturing na kauna unahang akdang pampanitikan sa larangang


ng literatura sa buong daigdig. Ito ay kuwento ni Haring Gilgamesh ng lungsod-estado ng
Uruk sa Sumeria noong ikatlong siglo BCE na kahalintulad sa kuwento ng The Great Flood ng
Bibliya.
 Ang ibang kontribusyon na nakatulong sa mga Sumerian ay ang water clock, paggawa ng
unang mapa, sexagesimal system o pagbilang na nakabatay sa 60 at astronomiya.

Kabihasnang Indus

Sewerage System

 Ang sewerage system ay unang naimbento ng mga Dravidian na nakatira sa Mohenjo-Daro na


nagtaguyod ng Kabihasnang Indus.
 Ipinapakita nito ang kakayahan ng mga sinaunang tao sa larangan ng urban city planning kung
saan nakaayos na parang nagsasalubong na guhit o grid pattern ang mga kalsada dito.

Arthasastra

 Ang Arthasastra ay kauna-unahang akda o treatise tungkol sa pamahalaan at ekonomiya. Isinulat


ito ni Kautilya, noong ikatlong siglo B.C.E. na siyang tagapayo sa tagapagtatag ng imperyong
Maurya na si Chandragupta Maurya.
Ayurveda

 Ang Ayurveda o “Agham ay binibigyang diin ang mahalagang kaisipang pangmedisina sa India.
Ito ang nagpanatili ng kalusugan at kaligtasan ng mga tao.

Ramayana at Mahabharata

 Ang Ramayana at Mahabharata ayepikong pamana sa larangan ng panitikansa India. Ang


salaysay ng Mahabharata ay umiikot sa dalawang magkakamag-anak na pamilyang Pandava na
kumakatawan sa kasamaan at kaguluhan. Samantala ang Ramayana ay umiikot sa buhay pag-ibig
nina Prinsipe Rama at Prinsesa Sita.

Iba Pang Kontribusyon

Ilan pa sa mga kontribusyon na tumatak:

- Decimal System
- Halaga ng pi (3.1416)
- Pamantayan ng bigat at sukat
- Paggamot at pagbubunot ng ngipin
- Pinagmulan ng mga relihiyon (Buddhism, Jainism, Hinduism at Sikhism)
- Taj Mahal

Kabihasnang Tsino

Great Wall of China

Ang Great Wall of China ay naitayo sa panahon ni Shih Huang Ti ng dinastiyang Qin o Ch’in bilang
proteksyon sa pag-atake ng mga kalaban.
I Ching at Bing Fa

 Ang I Ching at Bing Fa ay isinulat ni Sun Zi o Sun Tzu noong 510 B.C.E.
 Inilalahad sa I Ching ang perspektiba at pamamaraan ng prediksyon sa buhay ng tao ukol
sa iba’t ibang bagay at sitwasyon. Samantala, ang Bing Fa ay itinuturing na kauna-unahan
at pinakatanyag na aklat ukol sa estratehiyang militar. Ang dalawang aklat na ito ay ilan
sa mga mahalagang ambag ng Tsina sa aspekto ng panitikan at literatura.

Feng Shui

 Nagmula sa China ang Feng Shui o geomancy. Nakapaloob dito ang paniniwala ukol sa tamang
pagbalanse ng yin at yang upang makapagdulot ng magandang hinaharap sa buhay.

Yin – malambot at kalmado sumisimbolo sa kababaihan.

Yang – matigas at masigla sumisimbolo sa kalalakihan.

Iba pang kontribusyon

Ang iba pang tumatak na mga kontribusyon ng Tsina sa daigdig:

- Abacus
- Chopsticks
- Magnetic compass
- Seismograph
- Star map
- Sundial
- Water clock
- Wheel barrow
- Kalendaryo
- Paggamit ng silk o seda
- Pamaypay at Payong
Kabihasnang Egypt

Piramide

 Ang pyramid o piramide ay libingan ng mga Pharaoh na hitik sa mga simbolismong relihiyoso at
kapangyarihan ng mga namumuno.
 Makikita sa piramide ang lahat ng kayamanan, karangyaan, paghahanda sa kabilang buhay,
paniniwala sa buhay matapos ang kamatayan.

Mummification

 Ang Mummification ay unang isinagawa ng mga Egyptian kung saan ang katawan ng isang
yumao ay isinasailalim sa isang preserbasyon na gumagamit ng kemikal upang patuyuin ang
bangkay bago tuluyang ilibing.
 Pagkatapos pinipintahan, binabalutan ng telang linen, pinapalamutian ng alahas ang isang
mummy o embalsamadong bangkay.

Hieroglyphics

 Ang Hieroglyphics ay isang sistema ng pagsusulat ng mga Egyptian na naging mahalaga sa


pagtatala at kalakalan.
 Ang mga rolyo ng pergamin o paper scroll ay mula sa malatambong halaman na tinatawag na
papyrus. Nakaguhit ang isang larawan na sumasagisag ng isang kaisipan, nakasulat sa mga papel,
nakaukit sa mga pampublikong gusali at nakapinta sa luwad o kahoy.

Iba Pang Kontribusyon

Ang iba pang tumatak na mga kontribusyon:

- Geometry
- Kalendaryo na may 365 na araw
- Medisina sa pagsasaayos ng nabaling buto
- Pagdiriwang na sagrado

You might also like