You are on page 1of 4

Don Vicente Rama Memorial National High School

Basak, Cebu City


ARALING PANLIPUNAN 7

Yunit II: Ang Asya sa Iba’t-ibang Panahon


Sinaunang Kabihasnan sa Asya Hanggang sa Ika-16 na Siglo

Aralin 2: Ebolusyong Kultural ng Tao at Kahulugan ng Kabihasnan

PAG-ISIPAN MO
A. Pagsunod-sunurin ang mga mahahalagang pagbabago sa cultural na pamumuhay ng mga prehistorikong tao. Isulat ang bilagn 1-6 sa loob ng
kahon.

Ang mga kaalaman na nakikita mo sa mga larawan ay unti-untng natutuhan ng mga sinaunang tao sa bawat yugto ng pag-unlad
ng kanilang kultural na pamumuhay

Sa iyong palagay, alin sa mga pagbabago sa kultural na pamumuhay ng mga prehistorikong tao ang naging pinakamahalaga?
Bakit?

B. Pag-aralan ang larawan. Batay dito, ano ang masasabi mo sa pamumuhay ng mga tao sa panahong ito? Sagutin ang mga
tanong na may kaugnayan sa larawan at isulat ang sagot sa mga patlang.

Ano ang paraan ng pagkuha ng pagkain?

Saan naninirahan ang mga tao?

Ano ang malaking hamon sa kanilang pamumuhay?

Ang mga kaalaman na nakikita mo sa mga larawan ay unti-unting natutuhan ng mga sinaunang tao sa bawat yugto ng
pag-unlad ng kanilang kultural na pamumuhay

Prehistory

Ito ay panahon sa kasaysayan kung saan ay hindi pa naiimbento ang pagsulat. Kabilang sa mahahalagang naganap sa panahong
ito ay ang paglinang sa kultura.

Kultura

Ito ay paraan ng pamumuhay ng isang pangkat na naipapasa sa bawat henerasyon o paraan ng pamumuhay na
nakagawian na ng tao. Kabilang sa kultura ang pag-uugali, mga materyal na bagay, ideya, institusyon, wika, sining, panitikan,
imbensiyon, at mga paniniwala. Kasama rin ang paninirahan, pananamit, kaugalian, tradisyon, at mga pagpapahalagang moral ng
matugunan ang mga pangangailangan at nagawa
isang pangkat ng tao. Nagawa ng taong gamitin ang kapaligiran upang
nilang ipasa ang kanilang kaalaman sa susunod na henerasyon.
Natutuhan ang kultura. Hindi ito katulad ng likas na katangian na maaaring manahin sa mga magulang. Nakakamit ng
tao ang kultura sa pamamagitan ng pagmamasid at paggaya sa mga gawi ng mga taong nakapaligid sa kanya. Dahil dito,
naibabahagi ang mga gawi, pamumuhay, at tradisyon ng lipunang kinabibilangan niya.

Sa pag-aaral ng mga arkeologo sa kultura ng sinaunang tao sa panahong prehistoriko, nagawa nilang matuklasan ang
mga kagamitang gawa sa bato. Kaugnay nito, tinawag nila ang bahagi na ito sa kasaysayan na Stone Age (Panahon ng
Bato). Ang Stone Age ay tumutukoy sa panahon ng pag-unlad ng tao kung saan bato ang ginamit upang makabuo ng mga
kagamitan. Ang Stone Age na bahagi ng prehistory ay nahati sa dalawang yugto, ang Paleolithic Age (Old Stone Age/Panahon
ng Lumang Bato) kung saan ang mga tao ay nangalap ng pagkain at nangaso, at ang Neolithic Age (New Stone Age/Panahon ng
Bagong Bato) kung saan nagsimula at lumaganap ang agrikultura.

PAG-UNLAD NG TAO AYON SA KAGAMITAN NITO

Ayon sa mga Paleontologist, nagsimulang mamuhay ang tao 2 milyong taon na ang nakalilipas. Natutuhan nilang
gumawa ng mga kasangkapan at sandata upang mapagaan ang kanilang pamumuhay. At sa pagdaan ng panahon, kinakitaan ng
pag-unlad ang aspektong kultural ng tao na pinatutunayan ng mga artifact na yari sa bato, kahoy, at metal na nahukay sa
maraming lugar sa mundo.

Ang pag-unlad ng kultura ng tao ay batay sa mga kasangkapan at sandata na ginamit ng mga sinaunang tao. Dahil dito, hinati
ang kasaysayan ng mundo sa apat na panahon. Ang panahon ng Lumang Bato o Paleolitiko, Bagong Bato o Neolitiko,
mesolitiko, at Panahon ng Metal. Ibinatay ito sa pag-unlad ng pamumuhay o kultura ng tao.

Paleontologist - taong dalubhasa sa pag-aaral ng sinaunang kasaysayan gamit ang mga nakuhang
fossil o labi ng mga species.

Artifact - kasangkapan o sandata na gawa ng mga sinaunang tao

PALEOLITHIC AGE o Panahon ng Lumang Bato (2.5 milyong BCE-8000 BCE)

Ang terminong Paleolithic ay hango sa wikang Greek na palaios at lithos na nangangahulugang “sinauna” at
“bato.” Nagsimula ang Paleolithic Age o Old Stone Age nang matutunan ng prehistorikong tao ang paggamit ng mga primitibong
kagamitang bato o bato ang karaniwang gamit at kasangkapan ng sinaunang tao. Ang Paleolithic Age ang pinakaunang yugto
sa pag-unlad sa pamumuhay ng tao at ang pinakamahabang yugto o panahon sa kasaysayan ng tao na hinati sa tatlo pang
bahagi - ang Lower Paleolithic, Middle Paleolithic, at Upper Paleolithic.

Lower Paleolithic

Sumibol sa yugtong ito ang iba’t-ibang species ng Homo kung saan mayroong pagbabago sa laki ng utak at
pangangatawan. Nagsimula sa Lower Paleolithic ang ebolusyon ng unang species ng tao, ang Homo Habilis at nagwakas sa
ebolusyon ng Homo sapiens na may malaking pagkakatulad sa kasalukuyang tao. Ginamit ang apoy sa panahong Lower
Paleolithic subalit naging laganap ang paggamit nito sa Middle Paleolithic. Nagbigay ang apoy ng proteksyon sa mga prehistorikong
tao laban sa mga mababangis na hayop. Ginamit din ito sa pagluluto ng pagkain at pagbibigay ng init sa katawan lalo na sa
panahon ng taglamig. Ang klima sa panahon ng Paleolithic ay pabago-bago sa pagitan ng mainit at malamig na temperatura.

Middle Paleolithic

Natutuhan ng mga tao na mamuhay sa maliliit na pangkat upang magtulungan sa paghahanap ng pagkain at
pangangaso. Naging mas maunlad ang paggawa sa mga kagamitang bato. Nakagawa ang mga prehistorikong tao ng mga
matutulis na bato gaya ng talim sa sibat. Nakatulong ang mga bagong kagamitan upang makakuha ng karagdagang pagkain.

Upper Paleolithic

Sa panahong ito ay laganap na ang pangangaso na magkakasama at malawakang pangingisda. Ang mga prehistorikong tao ay
pagala-gala at paminsan-minsan ay pansamantalang nanatili sa isang lugar batay sa suplay ng pagkain. Gumawa rin ng mga
pansamantalang tirahan na tinawag na pit houses. Natutuhan ang paggamit ng mga salita sa pakikipagtalastasan, at pagkakaroon
ng mga ritwal.
Nakagawa rin sila ng mga ambag sa larangan ng sining gaya ng mga sandata at kagamitan na may dekorasyon, mga pigurin at
ipinintang larawan sa loob ng kweba. Nakagawa rin sila ng mga palamuti sa katawan na gawa sa sungay, buto at ivory.

May 1.5 milyong taon na ang nakalilipasay naganap ang Ice Age. Sa panahong ito, tinatayang nasa ikatlong bahagi
ng mundo ay natatakpan ng mga glacier (slow moving ice). Malaking bahagi ng tubig sa dagat ay naging yelo kaya’t
bumaba ang lebel ng tubig sa dagat. Maraming lupain na dati ay nasa ilalim ng tubig ang lumitaw, kabilang na dito ang mga
tulay na lupa na nag-uugnay sa mga kontinente at isla.

Ang pinakamahalagang kaganapan sa Paleolithic Age ay ang ebolusyong ng species ng tao. Unti-unting
naganap ang ebolusyon ng mga kasapi ng genus na Homo upang maging modernong tao. Ang unang species ng tao
ay ang Homo habilis na nabuhay sa Africa noong 2-500,000 B.C.E. Ang Homo habilis ang unang gumawa ng mga
kagamitan na mula sa bato. Ang kakayahang ito ang nagpasimula sa Panahon ng Bato (Stone Age).

Ang sining ang maituturing na unang anyo ng kasaysayan dahil ito ay paraan ng pagtatala ng mga bagay na
mahalaga sa buhay. Ang mga tanyag na akda ng sining sa Stone Age ay ang painting sa loob ng kweba sa France at
Spain na makikita hanggang sa kasalukuyan. Ginamit ng mga sinaunang tao sa pagguhit ng mga imahe ng hayop ay
uling, putik, katas ng halaman, at dugo.

NEOLITHIC AGE o PANAHON NG BAGONG BATO (8000 BCE- 3000 BCE)

Ang terminong Neolithic ay hango sa wikang Greek na “neos” at “lithos” na nangangahulugang “bago” at “lithos”
na nangangahulugang “bato”`. Ang Neolithic Age ay tinawag din na “Agricultural Revolution” na tinatayang unang sumibol sa
Kanlurang Asya. Nang magsimula ang agrikultura, nagkaroon ng surplus na pagkain at binago nito ang paraan ng pamumuhay ng
tao. Ang mga magsasaka ay permanenteng nanirahan sa isang lokasyon o lugar at nakagawa rin sila ng mga bagong kasangkapan
at kagamitan.

Natutuhan ang pag-aalaga ng hayop gaya ng aso, tupa, kambing, kabayo, cattle, baboy at iba pa. Upang magkaroon ng
imbakan ang mga butil at pagkain, nakagawa ang mga magsasaka ng mga palayok, at iba pang sisidlan. Ang iba pang surplus na
ani ay ginamit sa pakikipagkalakalan na sa simula ay nasa anyong barter. Nakagawa rin ang mga magsasaka ng mga bagong uri
ng tahanan na gawa sa bato, kahoy o ladrilyo. Ang pagkakaroon ng surplus na pagkain ang nagpasimula sa pagsibol ng mga
pamayanan gaya ng Jericho, isang pamayanan sa Palestina tinatayang may 2,000 katao ang nanirahan at ang Catal Huyuk sa
Turkey na tinatayang may 3,000-6,000 katao ang nanirahan.

Isa sa mga naitatag na bayan sa Neolithic Age may 8,000 taon na ang nakalilipas ay ang Catal Huyuk na
natuklasan ng mga arkeologo nong 1961. Ang bayan na ito ay tinatayang tumagal ng 2,000 taon at inabandona noong
5600 BCE sa hindi pa natutukoy na dahilan. Natuklasan ng mga arkeologo sa Catal Huyuk ang mga kagamitan , larawang
naipinta sa pader at iba pang bagay na nagbigay ng ideya sa kasalukuyan kung paano nabuhay ang mga tao sa bayang ito.
Batay sa mga natagpuang artifact (mga kagamitan naiwan ng mga sinaunang tao), nalaman ng mga arkeologo na ang
kabuhayan ng mga tao rito ay pagsasaka, pangangaso at pag-aalaga ng hayop. Marunong din silang maghabi. Ang mga
bahay ay gawa sa mga ladrilyo na pinatuyo sa araw. Napansin ng mga arkeologo na walang pintuan ang mga
bahay at upang makapasok sa loob ay kinakailangan umakyat sa itaas ng bubong upang dumaan sa butas na
nagsilbing daanan papasok ng bahay. Ang bubong ng bahay ay gawa sa mga damo at putik,. Mahihirap ang pamumuhay
ng mga tao sa Catal Huyuk. Maikli lamang ang inaasahang haba ng buhay ng bawat tao na tinatayang nasa 30 taon. Ang
mga patay ay inilibing sa loob ng kanilang mga bahay.

`Ang mga unang pananim na itinanim sa Kanlurang Asya at India ay ang wheat (trigo) at barley habang sa China
naman ay bigas at millet. Kumuha ang mga tao ng butil ng mga pananim at ibinaon sa lupa. Natutuhan din ng mga tao na
alagaan ang mga tupa, kambing at baboy upang hindi na nila kailanganin pa na mangaso upang makakain ng karne.

Sa paglago ng mga komunidad, hinarap ng mga tao ang hamon ng pakikitungo sa isa’t-isa at iba mahalagang bagay gaya ng
pakikipagkalakalan, pag-aari ng lupain at pananim pati na rin ang paggawa sa mga proyektong pangkomunidad tulad ng paggawa
ng mga irigasyon at pagtatayo ng templo. Bunga nito, sumibol ang pangkat na nagsasagawa ng mga pagpapasya para sa
nakararami upang maayos na makapamuhay ang lahat sa komunidad. Ang ganitong sitwasyon ang nagpasimula sa pagkakaroon
ng dibisyon sa mga antas ng tao sa lipunan.

Nagkaroon pa ng iba pang mga mahalagang pagbabago gaya ng dibisyon at espesyalisasyon sa paggawa, pagsibol
ng mga lipi ng artisano o mga manggagawang may espesyalisasyon, pagkakaroon ng mga pribadong ari-arian,
pagkakaroon ng mga politikal at panlipunang institusyon. Samakatuwid, ang pamumuhay na nalinang ng mga
prehistorikong tao sa Neolithic Age ay mahalga sa pagsisimula ng urbanisasyon, pagsibol ng mga lungsod at sibilisasyon.
PANAHON NG METAL

Unit-unting napalitan ang kagamitang bato ng mga kagamitan na gawa sa metal. Nagsimula ang kaalaman ng paggawa
ng metal sa Kanlurang Asya at unti-unting lumaganap sa iba;t ibang panig ng mundo.

1. COPPER AGE (Panahon ng Tanso)

Ito ay panahong transisyunal sa pagitan ng panahong Neolithic at simula ng Bronze Age (Panahon ng Bronze). Ang unang
metal na ginamit ng mga tao ay ang copper (tanso). Ang tanso ay malambot na uri ng metal at hindi ito mainam gamaitin sa mga
sandata. Nang lumaon, natuklasang pagsamahin ang copper (tanso) at tin (lata) upang mabuo ang mas matigas na uri ng metal,
ang bronze.

2. BRONZE AGE (Panahon ng Bronze)

Ang Bronze Age ay tumutukoy sa panahon na nasimulan ang paggamit ng bronze para sa mga praktikal na kagamitan. Sa
panahong ito ay nagsimula rin ang pagkakaroon ng mga ruta at sentro ng kalakalan. Nagkaroon din ng pagbabago sa klima ng
mundo. Sa panahong ito, nakagawa ang mga tao nang higit na mas epektibong paraan sa pagsasaka at pag-aalaga ng
mga hayop. Ang mga tao ay nagsimulang bumuo ng mga lungsod-estado at nagsimula rin ang pakikipagkalakalan sa
pagitan ng mga komunidad gayundin ang paggamit ng primitibong pera.

3. Iron Age (Panahon ng Metal)

Ang Iron Age ay panahon kung saan nagsimula ang pagmimina, pagpapanday, at pagbuo ng mga kagamitang bakal at
asero. Nagsimula ang panahong ito sa Kanlurang Asya kung saan napaunlad ang teknik na ginagamit sa pagpapanday. Dahil
malaki ang suplay ng bakal sa rehiyon, nagsimula ang malawakang produksyon ng mga kagamitan at sandata na gawa sa bakal.
Naghatid ito ng rebolusyon sa larangan ng agrikultura at pakikidigma. Sa panahong ito ang lipunan ay unti-unting naging
organisado at nagkakaroon ng malalaking lungsod. Lumikha ang mga tao ng pamahalaan upang pamunuan ang isang rehiyon.

SIMULA NG SIBILISASYON

Sa pagwawakas ng Neolithic Age umusbong na ang mga sibilisasyon. Nagkaroon ng sibilisasyon dahil sa Urban
Revolution na nagsimula nang matutuhan ng tao na manirahan sa mga bayan at pamayanan. Naniniwala ang mga histoyador na
nagsimula ang sibilisasyon dahil sa magandang heograpikal na lokasyon, surplus na pagkain, pagtaas ng populasyon at
kultural na salik gaya ng pagkakaroon ng kaalaman na matugunan ang mga hamon ng kapaligiran. Bunga ng mga
salik na ito nagawa ng mga tao na maimbento ang sibilisasyon. Nagmula ang salitang sibilisasyon sa salitang Latin na “civis” na
nangangahulugang “mamamayan.” Minsan ang katagang sibilisasyon ay payak na tumutukoy sa “paninirahan sa mga
lungsod.” Sa kasalukuyan ang salitang sibilisasyon ay tumutukoy sa kabuuang pag-unlad ng sangkatauhan.

Ang sibilisasyon ay mayroon mga naitayong panahanan na tinitirhan ng maraming tao na nahahati sa iba’t ibang antas.
Mayroon itong namumunong lipi o pangkat. Nahahati ang populasyon sa pook urban at rural. Ang mga tao ay mayroong iba’t ibang
gawain o hanapbuhay sa larangan ng agrikultura, pagmimina, at kalakalan. Gayunpaman, lahat ng sibilisasyon ay nakabatay sa
agrikultura. Ang agrikultura ay nagresulta sa pagkakaroon ng labis o surplus na pagkain. Ang pagkakaroon ng surplus na pagkain
ay nagbigay-daan naman upang makagawa ang mga tao ng iba pang hanapbuhay. Samakatuwid, ang surplus ng pagkain ay
naghatid sa pagkakaroon ng dibisyon sa paggawa at pagkakaiba sa gawain ng mga tao. Sa tulong ng dibisyon sa paggawa at
sentralisadong pagpaplano, nalinang sa mga sibilisasyon ang iba pang katangiang kultural gaya ng relihiyon, sining at mga pag-
unlad sa larangan ng agham at teknolohiya.

Sa pangkalahatan, ang bawat sibilisasyon ay may kanya-kanyang katangian, kabilang dito ay malaking sentrong urban,
mataas na antas ng teknolohiya, mga katangi-tanging estilo sa arkitektura at sining, nakasulat na wika, sistema ng pamamahala,
dibisyon at espesyalisasyon sa paggawa, mga panlipunan at pang-ekonomikong institusyon, at pagkakaroon ng mga lipi o antas ng
tao sa lipunan.

You might also like