You are on page 1of 2

Nahahati sa tatlong yugto ang Panahon ng Bato:

1. Paleolitiko – na tinatantsang naganap 2.5 milion years na ang nakaraan hanggang 10,000 BCE.
2. Mesolitiko – na tinatantsang naganap noong 10,000 hanggang 8,000 BCE
3. Neolitiko – na tinatantsang naganap noong 8,000 hanggang 4,000 BCE

Panahon ng Paleolitiko

Na nagmula sa salitang “Paleos” – na ang ibig sabihin ay matanda o luma. At “Lithos” na ang ibig sabihin ay bato.
Kung pagsasamahin, ito ay nangangahulugang “Panahon ng Lumang Bato”.

Ito ang pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan. Sa panahong ito naganap ang mga sumusunod:

1. Bagamat hindi pa laganap, nagumpisa ng gumamit ng mga kasangkapang gawa sa magagaspang mga bato ang
mga Hominid o mga primate na mala-tao na naglalakad ng tuwid.
2. Natuklasan ang paggamit ng apoy at nangaso na ang mga sinaunang tao.
3. Namuhay ang mga Homo Habilis – na ang ibig sabihin naman ay “handyman”, “able man”, o “man of skill” dahil
sila ang unang species ng Hominid na gumamit ng mga kagamitang bato.
4. Sunod naman sa mga Homo Habilis, namuhay ang mga Homo Erectus – na ang ibig sabihin naman ay “Upright
Man” dahil nakakatayo na sila ng tuwid at mas may kakayahan gumawa ng mga kasangkapan at marunong
mangaso kaysa sa mga Homo Habilis.
5. Umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao dahil natutuhan nila ang pagpipinta sa kanilang katawan at
pagguhit sa mga dingding ng mga kuweba.

Halimbawa:
Tassili n’aJer, Algeria
Cuevas de las Manos, Argentina
Lascaux Cave, France
6. Nabuhay din sa panahong ito, ang mga “Homo Sapiens” – na ang ibig sabihin ay “Wise Man”. Sa species na ito
nanggaling ang modern man tulad ng Taong Neanderthal tulad ng natuklasan sa Germany. Nawala din ang mga
Taong Neanderthal at napalitan ng Taong Cro-Magnon.
7. Nagkaroon narin ng pamayanan na karaniwang makikita sa mga lambak sa anyo ng campsite sa panahong ito.
8. Lumitaw ang mga komplikadong pagpapangkat sa lipunan sa panahong ito.

Panahon ng Mesolitiko

Ito ay nangangahulugang Gitnang Panahon ng Bato.

Sa panahong ito, naganap ang mga sumusunod:

1. Nakagawa ng mga kasangkapan ang mga sinaunang tao na yari sa mga makikinis na bato.
2. Umusbong ang mga kagubatan dahil sa pagkatunaw ng mga glaciers o malalaking tipak ng yelo.
3. Nakaranas ng tagtuyot ng lupa ang mga sinaunang tao dahil sa matinding init ng panahon.
4. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa mga pampang ng ilog at dagat upang mabuhay.
5. Nagsimula naring mag-alaga ng mga hayop ang mga tao.
6. Nakagawa narin sila ng “microlith” – isang maliit at patusok na kasangkapang bato na nagsisilbing kutsilyo at
talim ng mga pana at sibat.
7. Nakagawa rin sila ng palayok na gawa sa putik o luwad na ginagamit sa pagluluto noon at hanggang sa ngayon.
8. Nagsimula narin silang magpaamo ng mga hayop o tinatawag na “animal domestication”.
Panahon ng Neolitiko

Ito ay nagmula sa salitang Neos na ang ibig sabihin ay bago at Lithos na bato. Kaya ibig sabihin nito ay Panahon ng
Bagong Bato.

Sa panahong ito naganap ang mga sumusunod

1. Nakagawa ang mga sinaunang tao ng kasangkapan na yari sa makikinis at matutulis na bato.
2. Kilala ang yugto na ito sa maraming pagbabagong may kinalaman sa mga imbensyon para gumaan ang
pamumuhay.
3. Kilala ang panahong ito sa pagtira ng mga tao sa mga komunidad, pagsasaka, paggawa ng palayok, at paghahabi.
4. Nilibing narin nila sa kanilang tahanan ang mga namatay na kamag-anak.
5. Sa panahong ito, nakaimbento sila ng salamin, patalim na gawa sa bato, at mga hiyas o alahas na ginamit noon
hanggang sa ngayon bilang palamuti sa katawan na may kahulugan.
6. Nagmula sa pahanong ito ang Neolithic Revolution o ang tinatawag ding Agricultural Revolution dahil may
sistema narin sila ng pagtatanim kaya nasustentohan na nila ang kanilang pag-araw-araw na pagkain dahil sa
pag-aasikaso ng mga sakahan na dapat bantayan. Tuluyang naging permanente o pirmihan ang paninirahan ng
tao sa isang lugar. Salamat sa mga butil na ginamit noon hanggang sa ngayon upang maparami ang mga ani.

Mula sa pangangaso, tuluyang nagbago ang pamumuhay tungo sa pagtatanim at nagkaroon ng permanenteng
paninirahan hindi kalaunan sunod na kumalat at umunlad ang pagtatanim sa iba’t-ibang panig ng mundo noong Panahon
ng Neolitiko.

 Ang Nile River sa Africa ang naging sentro ng agrikultura, kung saan naparami trigo at barley.
 Walong libong taon na ang nakaraan nagtanim naman ng millet ang mga magsasaka na malapit sa Huang Ho o
Yellow River sa China.
 At isang libong taon naman ang nakalipas, nagtanim naman ng wild grass o bigas ang mga magsasaka sa Yangtze
River Delta.
 Sa Mexico at Central America naman, nagtanim ang mga katutubo ng mais, beans, at calabasa.
 Ang mga magsasaka naman sa Central Andes, Peru ang unang nagtanim ng kamatis, kamote, at patatas.
 At tuluyan na ngang kumalat ang agrikultura sa iba pang panig ng daigdig.

You might also like