You are on page 1of 6

Don Vicente Rama Memorial National High School

Basak, Cebu City

ARALING PANLIPUNAN VII


Yunit 1: Heograpiya ng Asya: Noon at Ngayon
Kabanata 1: Katangiang Pisikal ng Asya (Rehiyon at mga Bansang Asyano)
Modyul 1: Konsepto ng Asya

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo. Saklaw nito ang ikatlong bahagi o 30% (33%) ng kalupaan
sa mundo.
Dahil sa lawak ng Asya, ito ay hinati sa 5 rehiyon – ang
Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya, at Hilaga o Gitnang Asya.

Taglay ng mga rehiyong ito ang iba’t-ibang uri ng vegetation cover at likas na yaman.
Hinati ang Asya sa mga rehiyon upang mas madaling mapag-aralan at maunawaan ang mga katangian nito
bilang isang kontinente.

Batayan ng Paghahating Heograpiko ng Asya


Ibinatay ang paghahating heograpiko ng Asya sa:
- lokasyon ng mga bansa
- pagkakatulad ng kultura at kasaysayan nito.

Sa pagkakahati ng Asya sa limang rehiyon, ipinakikita ang Asian-centric na pananaw. Pinangkat-pangkat ng


mga heograpo ang mga bansa sa mga rehiyon batay sa lokasyon nito sa kontinente, kultura at kasaysayan ng
mga bansang Asyano sa pagkakahati ng kontinente sa mga rehiyon.

Rehiyon Mga Bansa


Silangang Asya China, Mongolia, North Korea, South Korea, Japan, at Taiwan(China)
Timog Silangang Asya Myanmar, Thailand, Cambodia, Laos, Vietnam, Malaysia, Singapore, Indonesia,
Brunei, East Timor (Timor Leste) at Pilipinas.
Timog Asya India, Bangladesh, Pakistan, Sri Lanka, Maldives, Nepal, at Bhutan
Kanlurang Asya Afghanistan, Iran, Iraq, Turkey, Cyprus, Syria, Lebanon, Israel, Jordan, Saudi
Arabia, Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, Bahrain, at Kuwait
Hilaga o Gitnang Asya Russian Asia (bahagi ng Russia na nasa silangan ng Ural Mountains), Kazakhstan,
Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan, at Uzbekistan.

Sa kasalukuyan, ang Asya ay may 49 na bansa, kabilang dito ang Taiwan at Russia. Gayunpaman, ang Taiwan
ay hindi kinikilala ng nakararaming bansa sa mundo bilang malaya at nagsasariling bansa. Sa halip, ito ay
itinuturing na bahagi ng China sa ilalim ng One China Policy.

Ang Russia naman ay itinuturing na bansang bicontinental o bansa na nahahati sa dalawang kontinente. Ang
ikatlong bahagi ng Russia ay nasa Asya. Ang bahagi ng Russia na nasa Asya ay ang Siberia. Gayunpaman, ang
malaking bahagi ng populasyon ng Russia ay nasa bahagi ng Europe.

1. HILAGANG ASYA
- may sukat na 4, 180, 500 km2.
- binubuo ng mga bansang dating kabilang sa Soviet Union o Union Soviet Socialist Republics (USSR).

Nang mabuwag (humiwalay ang mga naturang lugar-8) ang USSR noong (naging malalayang bansa) 1991 ay
nagsarili ang mga dating Soviet Republic.

- ang hulapi na “stan” ay mapapansin na nakadugtong sa pangalan ng mga bansa sa rehiyon, na


nangangahulugang “lupain ng”.

- Ang rehiyon ay nagging daanan ng mga tao, produkto at mga ideya sa pagitan ng Europe at Asya.
- ang rehiyong ito ang may pinakamahabang panahon ng taglamig at napakaikling panahon ng tag-init, dahil dito
hindi kayang tumubo sa kalakhang bahagi nito ang anumang punongkahoy.

Sa ilang mga bahagi ng rehiyong ito ay may malalawak na damuhan na may iba’t-ibang anyo (steppe, prairie, at
savanna), at may kaunting bahagi na boreal forest o taiga na may kagubatang coniferous dulot ng malamig na
klima.

Ang Mga Vegetation Cover ng Asya

Vegetation – uri o dami ng mga halaman sa isang lugar; uri ng kapaligiran batay sa tumutubong halaman

1. steppe 3. savanna 5. tundra


2. prairie 4. boreal forest o taiga 6. tropical rainforest

Kazakhstan – may pinakamalaki at pinakamodernong bansa sa Gitnang Asya

Malaking bahagi ng bansa ay kinabibilangan ng mga disyerto at malalawak na kapatagan na tinatawag na


steppe.

DAGDAG KAALAMAN!

Tinawag na Former Soviet Republics ang mga dating estadong Soviet na bahagi ng Union of Soviet Socialist
Republics. Ito ay binubuo ng 15 estado na nagkawatak-watak noong 1991. Ang mga former Soviet Republics
na nasa Asya ay ang Armenia, Azerbaijan, Georgia, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan, at
Uzbekistan.

Turkmenistan – pangalawa sa pinakamalaking bansa sa rehiyon na halos natatakpan ng mga kapatagang


damuhan at disyerto.

DAGDAG KAALAMAN!

Ang Azerbaijan, Russia, at Turkey ay mga bansa na parehong bahagi ng Asya at Europe

May bahagi sa Siberia na natatakpan ng permafrost o lupa na natatakpan ng yelo sa buong taon.
Dahil sa matinding lamig, mayroon lamang kakaunting bilang ng tao ang naninirahan dito.
Gayunpaman, mayaman ang Siberia sa mga likas na yaman at buhay ilang kaya’t tinawag itong Russia’s
Cupboard.
Matatagpuan sa Siberia ang malaking deposito ng ginto, langis, at gas.

Russia – ang pinakamalaking bansa sa mundo


- matatagpuan dito ang isa sa pinakamalawak na kagubatan sa mundo na tinaguriang “lungs of Europe”

Mahahalagang Anyong Tubig at Anyong Lupa

Caspian Sea – hangganan ng Azerbaijan, Kazakhstan, at Turkmenistan


Aral Sea – nasa pagitan ng Kazakhstan at Uzbekistan, unti-unting kumikipot ang lawang ito.
Ang tubig mula sa dalawang ilog na dapat ay dumadaloy patungong Aral Sea ay ginamit sa irigasyon
kung kaya’t ang bahagi nito ay unti-unting natutuyo.

Bering Strait – ang nag-uugnay sa Hilagang Asya at Alaska


Kara Kum – isa sa pinakamalaking disyerto sa daigdig, saklaw nito ang malaking bahagi ng Turkmenistan
Mt. Pamir/Pamir- matatagpuan sa Tajikistan
Mt. Ural – ang humahati sa mga kontinente ng Europe at Asia

2. SILANGANG ASYA
- binubuo ng 6 (5) na bansa, na may kabuuang sukat na 11, 525,000 km2.
- itinuturing na ikalawa sa pinakamataong rehiyon sa mundo

Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay sakop ng rehiyon, partikular na ang China na sumasakop sa 20% sukat
ng kontinente.

Ang mga bansang Japan at Korea ay halos 5% ng lupain ng Silangang Asya.

Kabilang din ang China at Japan na kabilang sa may pinakamalaking ekonomiya sa mundo, batay sa GDP at
purchase power parity-ay pagsukat ng kita ng isang bansa sa pamamagitan ng yunit ng pananalapi na kailangan
upang bilhin ang parehong dami ng produkto at serbisyo.

China – isang malaking bansa na may pinakamalaking populasyon sa mundo/pinakamalaking bansang Asyano o
pinakamataong bansa sa buong daigdig-1.33 bilyon 2010

Taiwan - ay ipinahayag na hindi isang hiwalay na bansa, kung hindi ito ay bahagi ng kalakhang China ayon sa One
Child Policy.
- kinikilala lamang ng 25 bansa bilang isang hiwalay na bansa ng China

Mongolia - isang bansa na napaliligiran ng lupa o landlocked na bansa. Ito ay nangangahulugan na ang lahat ng
mga hangganan nito ay lupa.
Ito ay mayroon lamang kakaunting behetasyon at maram itong mga salt lakes o mga lawa na tubig alat.
Ito ay lumaya sa mula sa China noong 1921.

Korean Peninsula - ay nakadugtong sa kalakhang Asya na binubuo ng North Korea at South Korea, na bagamat may
iisang lahi ay patuloy na nahahati dahil sa magkaibang ideolohiya at uri ng pamahalaan.

Japan- nakahiwalay sa ibang rehiyon at binubuo ng apat na malalaking isla at 3,900 na maliit na isla.
Ito ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire kung saan madalas ang paglindol at pagputok ng bulkan - isang
industriyalisadong bansa

The four main islands of Japan are:

Hokkaido[1]
Honshu,[2] the largest island, on which the capital, Tokyo, is located.
Shikoku[2]
Kyushu[3]

Mahahalagang Anyong Tubig at Anyong Lupa na Nagsisilbing Hangganan

Gobi Desert at Mongolian at Tibetan Plateaus


Pacific Ocean - silangan
Sea of Japan at Korean Strait
- naghihiwalay sa Japan sa pangkontinenteng Asya o lupain ng Silangang Asya
Ang Japan ay binubuo ng apat na malalaking isla:
1. Kyushu 2. Shikouku 3. Honshu 4. Hokkaido

Tatlong Pinakamahalagang Ilog sa pamumuhay ng mga Tsino dahil sa nagpapataba ito ng lupain at
ginagamit na ruta para sa pakikipagkalakalan.
1. Huang Ho 2. Yangtze 3. Xi Jiang

Taiwan Strait - Taiwan at China


Bashi Channel -Taiwan at Pilipinas
Himalayas - ang pumapagitan sa Silangang Asya at Timog Asya
Taklamakan Desert - matatagpuan sa kanlurang bahagi ng China
Mt. Tian Shan - hilagang-kanlurang bahagi

3. TIMOG SILANGANG ASYA

- binubuo ng 11 bansa kabilang ang Pilipinas. Ito ay may kabuuang sukat na 4,360,000mkm2
- ito ay makikita sa timog ng China at Japan

Klimang Tropikal – klima ng Timog Silangan Asya dahil malapit ito sa equator

Dahil sa kaaya-ayang klima nito, magubat na kabundukan ang nasa hilaga ng rehiyon at mga lambak-ilog naman sa
timog.
May matabang lupa ang mga kapatagan habang ang ibang lugar naman ay karaniwang latian at matubig.

Timor Leste - ang huling naging ganap na estado sa rehiyon, nakamit nito ang kalayaan mula sa Indonesia o naging
bansa noong Mayo 20, 2002

HEOGRAPIKAL NA HANGGAN
Hilaga: China at Taiwan Kanluran: Bay of Bengal at Indian subcontinent
Timog: Indian Ocean at Australia Silangan: Pacific Ocean at Papua New Guinea

DALAWANG HEOGRAPIKAL NA REHIYON


Nauuri sa dalawa ang Timog-Silangang Asya:

1. Pangkontinenteng Timog-Silangang Asya o Mainland South-East Asya


- isang tangway na nasa pagitan ng ng South China Sea at Indian Ocean
- bahagi ng Indochina Peninsula na binubuo ng Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, at Vietnam

2. Ang Pangkapuluang Timog-Silangang Asya o Insular/Maritime South East Asia


- ay binubuo ng mga isla o archipelago na kinabibilangan ng Brunei, East Timor, Indonesia, Malaysia, Pilipinas at
Singapore.

Matatagpuan sa rehiyong ito ang mga makakapal na kagubatan, malalakas na agos ng ilog,at matatabang kapatagan.

Laos - isa sa mga bansa na may malawak na kagubatan sa rehiyon na binigyan rin ng katawagang “Land of One
Million Elephants.”

Malaking papel ang ginagampanan ng dagat sa heograpiya ng rehiyon. Nakalatag sa dagat ang mga isla na bumubuo
sa Indonesia.

Indonesia.
- ang pinakamalaking archipelago sa mundo na tinatayang binubuo ng 17,000 isla kaya’t tinawag itong “Land of
Islands.”

Ang Malaysia naman ay nahahati sa dalawang bahagi:


1) Malay Peninsula
2) Kalahati ng isla ng Borneo - bahagi nito ang maliit na bansa ng Brunei

Singapore - matatagpuan sa dulo ng ng Malay Peninsula na naging malaya sa Malaysia noong 1965.

Ito ay isang maliit subalit modern at maunlad na bansa. Taglay nito ang pinakamahusay na Sistema sa pampublikong
trasportasyon. Nagpapatupad din ito ngmahigpit na patakaran sa pagtatapon ng basura kaya’t maituturing ito na isa sa
pinakamalinis at pinakaligtas na bansa. Isa rin ito sa mga bansa sa Asya na pinupuntahan ng maraming turista.

Naypyitaw o Nay Pyi Taw (“Tahanan ng mga Hari”)


- ang bagong kabisera ng Myanmar na ipinahayag noong Nobyembre 6, 2005, ito sa hilaga ng ng Yangon (Rangoon).

4. TIMOG ASYA

- 7 bansa ang sumasakop sa rehiyong ito na may kabuuang sukat na 4, 489,240 km kw, at sumasakop sa halos 10%
ng kalupaan ng Asya. May anyong hugis tatsulok.
- pinakamataong rehiyon sa mundo at ito rin ang may pinakamataas na densidad ng populasyon

DAGDAG KAALAMAN!

Batay sa klasipikasyon ng United Nations, kasama sa Timog Asya ang Afghanistan at Iran.
Gayunpaman, inilahad din ng United Nations na ang kanilang pagtatalaga sa mga bansa sa
isang tiyak na pangkat ay para sa estatistikal na dahilan at wala itong kaugnayan sa
teritoryo o ugnayang political ng mga bansa.

Malaking bahagi ng rehiyon ay nasa tangway na may pagkakahawig sa hugis ng diyamante, o may anyong hugis
tatsulok

Katatagpuan sa rehiyong ito ang mga kagubatan, lambak, disyerto, at malalawak na damuhan.

India – tinagurian bilang “subcontinent ng Asya.”

Pinaniniwalaan na ito ay dating masa ng lupa na nakahiwalay sa kalakhang Asya. Dahil sa patuloy na paggalaw ng
mga lupain, unti-unting itong dumikit sa Asya hanggang sa tuluyang bumangga sa kontinente.

Nasa Indian subcontinent ang India, Bangladesh, Bhutan, Nepal, at Pakistan

Sri Lanka at Maldives (kapuluan) – ay matatagpuan sa timog ng Indian subcontinent

ALAM MO BA?

Ang Bangladesh ay dating tinawag na East Pakistan hanggang 1971 bago nito nakamtan ang kasarinlan mula sa
Pakistan. Samantala, ang India naman ang itinuturing na
“World’s Largest Democracy” dahil sa loon ng 100, 000 taon ay wala pa itong
sinasakop na bansa o teritoryo. Nakilala ang India sa mga bansa sa mundo na may
mabilis na pag-unlad sa larangan ng Information Technology.

Mahahalagang Anyong Tubig at Anyong Lupa na Nagsisilbing Hangganan


Napaliligiran ang rehiyon ng tatlong anyong tubig:

1. Bay of Bengal 2. Indian Ocean-timog 3. Arabian Sea

Hilaga - Himalayas – pinakamataas na hanay ng kabundukan sa mundo


- nagsisilbing hangganan ng Timog Asya sa hilaga at silangang bahagi ng kontinente

Hindu Kush – ikatlo sa pinakamataas na hanay ng kabundukan sa mundo


- matatagpuan dito ang kilalang landas ng Khyber Pass
- nakalatag naman sa katimugan nito ang Indo-Gangentic Plain-kung saan matatagpuan sa kanlurang
bahagi nito ang Thar Desert at ang Deccan Plateau sa timog

Ghats Mt – ay matatagpuan sa kanluran at silangang bahagi ng Deccan Plateau


Western Ghats-Arabian Sea
Eastern Ghats-Bay of Bengal
3 malalaking ilog sa mundo

1. Indus River 2. Ganges River 3. Brahmaputra River

5. KANLURANG ASYA

- karamihan sa mga bansa dito ay itinuturing na kabilang sa Middle East o Gitnang Silangan, ito ay isang rehiyon na
kinabibilangan din ng Egypt na matatagpuan sa silangang bahagi ng Europe at hilagang bahagi ng Africa
- naging tahanan ng mga unang sibilisasyon na sumibol sa mundo at dito rin nagmula ang mga pangunahing relihiyon
sa mundo:
- Judaism, Kristiyanismo, at Islam

- ang may pinakamaraming bansang kabilang (16) sa Asya na may kabuuang sukat na 6,645,878 km2

Saudi Arabia at Iran - ang pinakamalaking bansa sa rehiyon

- ito ay nakalatag sa pangkontinental na bahagi ng Asya at sa hilagang silangang bahagi ng Africa


- mabuhangin at mabato ang karaniwang lugar, madalas ang pagkatuyo ng mga ilog at lawa dahil sa sobrang init at
walang masyadong ulan ang nararanasan dito

- may maraming disyerto sa bahaging ito ng Asya at mainit ang klimat rito, may taglay na yamang langis ang rehiyon
kung kaya’t maraming bansa rito ang maunlad

Malalawak na disyerto sa Kanlurang Asya

1. Arabian Desert 2. Syrian Desert 3. Negev Desert

Nahahati ito sa tatlong rehiyong pisikal:

1. Northern Tier - lupain ng kabundukan at talampas

Anatolian Plateau - matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Northern Tier ay may matabang lupa dahil ito Ay naliligiran
ng tatlong dagat na nagsisilbing hangganan:
Mediterranean Sea, Aegean Sea, at Black Sea

Iranian Plateau - matatagpuan sa silangang bahagi nito ay may lupaing tuyo

2. Arabian Peninsula – isang malawak na tangway na pinaliligiran ng iba’t-ibang anyong tubig ngunit ang loob na
bahagi ay salat sa tubig dahil disyerto ang malaking bahagi nito; pinakamalaking tangway na napaliligiran ng:

Red Sea – kanluran Persian Gulf – silangan Gulf of Aden at Arabian Sea – timog

3. Fertile Crescent – nagnagtataglay ng matabang lupa at saganang suplay ng tubig

Reference:
Sulyap ng Kasaysayan ng Asya
ELIZA D. BUSTAMANTE
Fredie V. Avendaño

You might also like