You are on page 1of 4

7

Araling Panlipunan
QUARTER 1 – WEEK 3.2
ANG UGNAYAN NG TAO AT
KAPALIGIRAN SA PAGHUBOG NG
KABIHASNANG ASYANO

12
KATANGIANG PISIKAL NG MGA REHIYON SA ASYA

Alamin

Ang pangunahing layunin sa bahaging ito ay upang matutuhan at


maunawaan ang mahahalagang impormasyon at kasipan tungkol sa mga
KATANGIANG PISIKAL NG MGA REHIYON NG ASYA . Mahalaga ang pag -aaral sa
katangiang pisikal ng mga rehiyon ng Asya sapagkat nakakatulong ito upang
malaman ang mga yaman, ang uri ng klima, at maging ang kabuuan nito bilang
isang bahagi ng kontinente.
4
KARAGDAGANG KALAMAN

Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo. Dahil sa


sobrang lawak nito, hinati ang kontinente sa limang rehiyon:
Dulot na rin ng pagkakaroon ng malawak na teritoryo, ang bawat rehiyon
ng Asya ay may kani -kaniyang pisikal na katangiang pangkapaligiran. Ang
kinaroroonan, hugis, sukat, at anyo ng rehiyon ay may kaugnayan sa
klima ng nararanasan at vegetative cover na matatagpuan sa bawat
rehiyon ng Asya.
• Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng mundo.
• Ang kabuuang lawak nito ay may sukat na 44,579,000 kilometro
kuwadrado.
Ang kontinete ng Asya a y walang tiyak na hugis at any o
• Ito ay mayaman sa iba't ibang likas na yaman.
• Ang Asya ay sagana sa iba't iba ng anyong lupa at anyong tubig.
• Malaki ang papel na ginagampanan ng mga anyong lupa at anyong
tubig sa paghubog ng uri ng pamumuhay at ekonomiya ng mga bansa sa
Asya.
Heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyon ng Asya sapagkat
isinasaalang- alang sa paghahating ito ang pisikal, historical, at kultural na
aspeto.

KARAGDAGANG IMPORMASYON

Nahahati ang kontinente sa limang bahagi, ito ay ang sumusunod:


Hilagang Asya - Ang bahaging ito ng kontinente ay matatagpuan sa
kalagitnaan kung kaya't ito ay tinatawag rin na Central o Inner Asia. Ang mga
bansang kabilang rito ay ang mga bansang kabilang noon sa Soviet Central
Asia.
Kanlurang Asya - Ito ang dulong bahagi ng Asya at nagsisilbing hanggangan
sa mga kontinenteng Aprika At Europa. Nakilala ang mga bansang kabilang
rito bilang bansa ng mga Arabo. Sa kasalukuyang panahon, tinatawag rin
itong Middle- East.
Timog Asya - Ang mga bansang kabilang rito ay pinaniniwalaang bansa ng
mga Muslim.
Timog-Silangang Asya - Kabilang sa bahaging ito ng Asya ang bansang
Pilipinas. Nakilala ang bahaging ito dahil sa mga kulturang ipinamana ng mga
dayuhang bansang nag -iwan ng impluwensya rito.
Silangang Asya - Binubuo lamang ito ng a nim na bansa.

You might also like