Professional Documents
Culture Documents
PANIMULANG IMPORMASYON
Ang salitang “Asya” ay hindi tiyak ang pinagmulan. Maaaring nagmula ito sa salitang Aegean na
Asu na nangangahulugang “bukang liwayway” o bilang “lugar na sinisikatan ng araw.”
Samantala, ang pagtukoy ng mga Aegean sa Europa bilang Ereb ay nangangahulugang
“paglubog ng araw” na kabaligtaran ng pagtukoy sa Asya.
Ang Aegean
ay isang rehiyon sa bahaging timog ng Greece na malapit sa Dagat Mediterranean. Ang wikang
gamit ng mga taong naninirahan dito ay Aegean din.
Unang lumitaw ang terminong Asya sa mga akdang Greek. Ang Asya ay tumutukoy lamang sa
Anatolia o Asia Minor (bahagi ngayon ng Turkey) at ang mga lupaing lampas dito o Asia Major
at hindi ang buong kontinente na alam natin ngayon.
Sa epikong Iliad ng dakilang manunulat na si Homer, inilalarawan niya ang Asya bilang lugar na
humahadlang sa mga Aegean sa kanilang paglalakbay patungo sa Silangan. Gayundin si
Herodotus, dakilang historyador at tinaguriang “Ama ng Kasaysayan” upang mahiwalay ang
nasabing mga lugar mula sa Greece at sa Egypt noong panahong iyon. Tinawag din ang Asya
na orient o silangan dahil ito ay nasa gawing silangan ng Europa at ang huli naman bilang
occident o kanluran na unang ginamit noong ika-14 na siglo.
Hanggang sa ngayon, tanggap ng mga iskolar na ang salitang Asya ay hindi nagmula sa
alinman sa mga katutubong wika sa kontinente bago ito gamitin ng mga Greek. Hindi katutubo
sa alinmang wika ng mga Asyano ang salitang Asya. Ang Ashiya ng mga Tsino at Ajiya ng mga
Hapones bilang pagtukoy sa Asya ay pinaniniwalaang direkta at literal na pagsasalin lamang ng
salitang Aegean para sa Asya. Pinaniniwalaan din na ang salitang Asya ay dinala lamang ng
misyonerong Italyanong si Matteo Ricci sa China at una lamang ginamit noong ika-17 siglo sa
mga literaturang Tsino.
Mapapansin na ang salitang Asya at ang taguri sa kontinente bilang orient ay batay sa pananaw
na Eurocentric o Eurocentrism. Ito ay isang paraan ng pagtingin sa daigdig mula sa pananaw
ng mga Europeo. Sa pananaw na ito, ipinapalagay na ang Europe ang sentro daigdig, at ang
lahing Europeo ang nakahihigit kaysa sa iba. Sa pananaw ding ito, ang batayan ng lahat ng
bagay ay nakatuon nang ayon sa pag-unawa ng mga Europeo.
Nararapat ba o hindi na manatili ang pangalang Asya sa kontinente o rehiyon kung ito ay
nagmula pala sa mga Europeo? May maimumungkahi ka bang ibang pangalan sa Asya?
Bagama’t ang pagtawag at pagtukoy sa Asya ay nagmula sa mga Aegean at mga Europeo,
inangkin nating sarili.
TANDAAN:
• Ang Asya ay nagmula sa salitang Aegean na Asu na nangangahulugang “bukang liwayway” o
“lugar na sinisikatan ng araw.”
• Ang Eurocentrism ay pananaw ng mga Europeo na ang Europe ang sentro daigdig at ang
lahing Europeo ang nakahihigit kaysa sa iba.
• Sa pananaw Asiacentrism binibigyang pansin at ginagamit ang mga konseptong Asyano
upang pahalagahan ang mga bagay na may kaugnayan sa Asya at sa mga Asyano.
• Mahalagang gamitin ang pananaw na Asiancentric o Asiacentrism bilang pagkilala at
pagmamalalaki sa mga dakilang nagawa at ambag ng mga Asyano mula pa noong sinaunang
panahon, mapatutunayang nararapat ipagkaloob sa mga Asyano ang pantay na pagpapahalaga
at pagkakakilanlan bilang mga kasapi ng pandaigdigang pamayanan.
Ang rehiyon ay isang lugar na may isa o higit pang magkakatulad na katangian nagbibigay rito
ng kaibahan sa ibang mga lugar na nakapiligid dito. Paano nabubuo ang isang rehiyon?
Lahat ng rehiyon ay may hangganan (boundary). Ang hanggahan ay ang bahagi kung saan ang
mga katangian ng rehiyon ay nakaugnay sa katangian ng iba pang rehiyon. May mga
hangganan tulad ng dalampasigan o hangganan ng mga bansa ay mas madaling matukoy sa
pamamagitan lamang ng guhit sa mapa. Mayroon din namang mga rehiyon na mahirap makita
ang hangganan sa ibang mga rehiyon.
Magkakaiba ang laki ng rehiyon. Maaaring ang mga rehiyon ay mahati din sa mas maliit pang
rehiyon na tinatawag na subrehiyon. Halimbawa, ang Asya ay isa sa mga pangunahing rehiyon
sa mundo. Kabilang naman sa mga subrehiyon ng Asya ang Hilagang Asya/Gitnang Asya,
Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya, at Kanlurang Asya.
Tandaan, ang konsepto ng rehiyon ay likha lamang ng tao. Isang pamamaraan lang ito ng mga
heograpo (geographer) sa paghahati ng mga lugar sa mundo sa iba’t ibang rehiyon. Sa
pamamagitan ng konsepto ng rehiyon, pinadadali nito ang pag-aaral ng ating
napakakomplikadong mundo.
Malawak ang Asya na sumasakop sa halos 33% ng kabuoang kalupaan ng mundo. Dahil dito,
hinati ang Asya sa mga rehiyon/subrehiyon upang mas madaling maunawaan ang mga
katangian nito bilang isang rehiyon/kontinente.
May limang (5) rehiyong paghahating heograpikal ang Asya. Kabilang dito ang:
• Hilagang Asya/ Gitnang Asya
• Silangang Asya
• Timog-Silangang Asya
• Timog Asya
• Kanlurang Asya
SILANGANG ASYA
Nasa Silangang Asya ang pinakamalaking
bansang Asyano, ang China. Tahanan ang rehiyong ito ng 40% ng kubuoang populasyon ng
Asya at 22% ng kabuoang populasyon ng daigdig. Ang China din ang itinuturing na
pinakamataong bansa sa buong mundo. Progresibo din ang rehiyon
sa larangan ng teknolihiya at komersiyo.
Sa araling ito, ating ilalarawan ang kapaligirang pisikal ng mga rehiyon sa Asya. Ang
kapaligirang pisikal ng mga rehiyon/subrehiyon ng Asya ay mailalarawan sa kinaroroonan,
hugis, sukat, anyo (na binubuo ng iba’t ibang kalupaan at katubigan), uri ng klima at behetasyon
(vegetation cover) nito.
Pagkilos at Pakikipag-ugnayan ng mga Asyano sa Kanilang Kapaligiran:
Noon at magpasa hanggang ngayon, ang kapaligiran ay may malaking kaugnayan sa paghubog
at pag-unlad ng buhay ng mga mamamayang Asyano. Iba’t iba ang impluwensiyang dulot ng
kapaligirang pisikal sa aspekto ng pamumuhay ng mga mamamayang Asyano katulad sa
agrikultura, ekonomiya, panahanan, at kultura.
Sa taglay na kalupaan at katubigan ng Asya, halos lahat ng uri ng mga anyong-lupa at anyong-
tubig ay matatagpuan dito. Nagsilbing tagapaghati ang mga kalupaan at katubigang ito katulad
ng mga kabundukan, disyerto, at karagatan upang mahati ang Asya sa iba’t ibang mga
rehiyon/subrehiyon. Nagbigay-daan din sa natatanging pagkakilanlang kultural ang mga
nakaharang o nakapaligid na kabundukan, disyerto, dagat, at karagatan ang mga pamayanang
matatagpuan dito.
Ang matatayog na bundok, kabundukan, at disyerto ay nagsilbing tagapaghati sa magkaibang
uri ng pamumuhay at kultura ng mga taong naninirahan sa paligid nito.
Gayundin naman ang mga pulo at kapuluan sa pagkakapaligid ng mga katubigan tulad ng dagat
at karagatan. Pangingisada ang karaniwang ikinabubuhay ng mga taong naninirahan malapit sa
mga katawang tubig katulad ng mga naninirahan sa mga pulo at kapuluan ng Asya. Ang mga
katawang tubig na ito ay nagsilbing daanan din para komunikasyon at transportasyon upang
makapaghubog ng isang natatanging pamumuhay at kultura ng mga mamamayang Asyano. Ito
ang dahilan para sa pagkakaroon ng ugnayan sa pakikipagkalakalan ng mga mamamayang
Asyano sa isa’t isa. Ilang halimbawa ng mga katawang tubig na ito ay ang Manila Bay, Persian
Gulf, Strait of Malacca, South China Sea, at Karagatang Indian. Hanggang sa ngayon, malaki
ang kapakinabangan ng iba’t ibang mga katawang tubig na ito hindi lamang para sa kabuhayan
na nakabase sa pangingisda kundi maging sa transportasyon ng mga produkto at kalakal ng
mga bansa at rehiyon sa Asya.
Ang iba’t ibang klima na nararanasan ng mga rehiyon sa Asya ay nakaaapekto din sa uri ng
kabuhayan at panirahan ng mga mamamayang Asyano. Kailangan ang mga bahay na gawa sa
malalaking puno sa malalamig na lupain, adobe at bato sa mahangin at tuyong lupain, at sa
mga lugar na may mainit at basang klima. Nakararanas din ng klimang monsoon ang ilang mga
bansa at rehiyon sa Asya. Ang Pilipinas, halimbawa ay nakararanas ng klimang monsoon na
hilagang-silangang monsoon o amihan at timog-kanlurang monsoon o habagat. Ang timog-
kanlurang monsoon, partikular sa mga buwan ng Mayo at Hunyo ay hudyat ng pagsisimula ng
panahon ng pagtatanim. Subalit ang hanging ito na nagdadala ng pag-ulan ay naging sanhi din
ng madalas na mga pagbabaha sa mga kapatagan at mababang lugar sa bansa.