You are on page 1of 7

Pinagmulan ng terminong Asya

Pananaw ng mga Griyego


- Ang salitang Asia nangangahulugang isang maliit na lupain sa silangan na nakasasagabal sa paglalayag ng mga
Aegean patungo sa silangan.
- nagmula din sa terminong Phoenician na asu na ang ibig sabihin ay “silangan”
- habang nangangahulugan naman itong “sumisibol” para sa mga Akkadian .
- Kung pagbabatayan ang mga kaisipang nabanggit, ang terminong Asia ay nangangahulugang
“silangan” o “lupain kung saan sumisibol ang araw”.

Dalawang pananaw sa pag-aaral ng Asya


1. Eurosentrikong pananaw
- na nakaugat sa konsepto ng mga Europeo o mga Kanluranin.
- Naghahain ang pananaw na ito ng kaisipang superior o higit na mataas at maunlad ang kultura at kabihasnan ng
mga Europeo kumpara sa kultura at kabihasnang Asyano na itinuturing na inferior o mas mababa.
- tagatanggap lamang ang mga Asyano ng mayayaman at mauunlad na kultura ng mga kanluranin.
- na ang mga kabihasnang nabuo ng mga Asyano ay bunga lamang ng impluwensiya ng mga Kanluranin.
2. Asyasentrikong pananaw
-na mauugat sa nasyonalismong Asyano.
- na ito ang kaisipang may maunlad at mayaman nang kabihasnan ang mga Asyano bago pa man dumating at
sakupin ang Asya ng mga kanluranin.
- ang mga sinaunang kabihasnang sumibol na Asya tulad ng mga umusbong sa mga:
 lambak-ilog ng Tigris
 Euphrates sa Kanlurang Asya
 Huang Ho sa Silangang Asya
 Indus sa Timog Asya.

Ang mga rehiyon ng Asya batay sa dalawang pananaw


1. Pananaw ng mga Europeo.
- Ang naging batayan sa rehiyonal na pagkakahating ito ng Asya ay kung gaano kalayo o kalapit ang mga lupain o
bansa sa Asya mula sa Europa.
 Near East o Malapit na Silangan ang mga lupaing Asyano na malapit sa Europa partikular na ang ilang
mgalupain sa Hilagang Asya.
 Far East o Malayong Silangan ang mga lupain at bansa sa Silangan, Timog, at Timog-Silangang Asya
dahil sa layo ng mga ito sa Europa.
 Middle East o Gitnang Silangan ang kalakhang bahagi naman ng Kanlurang Asya dahil sa lokasyon
nitong pumapagitna sa Asya, Europa, at Africa.\
2. Maka-Asyanong pananaw
- higit na malinaw ang naging paghahati sa mga rehiyon ng Asya sapagkat nakabatay ang mga ito sa lokasyon ng
bawat bansa sa mapa.
 Silangang Asya, Timog Asya
 Kanlurang Asya
 Hilagang Asya
 TimogSilangang Asya

Mga pamprosesong tanong:


● Paano nagkakaiba ang kaisipang inihahain ng Eurosentriko at Asyasentrikong pananaw sa pag-aaral ng heograpiya, kabihasnan, at kasaysayan ng
Asya?
- Ang Eurosentrikong kaisipan ay umiikot sa pananaw na ang kanilang kabihasnan at kultura ay superior at higit na nakaa angat sa kultura
at kabihasnang Asyano; salungat naman sa pahayag ng Asyasentrikong pananaw na bago pa man dumating at manakop ang mga taga kanluran ay
may maunland at mayaman nang kabihasnan at kultura ang Asya.

● Bilang isang Asyano, alin sa dalawang pananaw ang nararapat mong gamitin sa pagaaral ng heograpiya, kabihasnan, at kasaysayan ng Asya?
- Bilang Asyano at bilang mag-aaral, nanaisin ko pong pag-aralanang dalawang pananaw. Ang mga paksang ito po ay bahagi na ng
kasaysayan at nais kong makita at maunawaan ang mga dahilan at perspektibo ng bawat pananaw at kung saan sila kumukuha ng punto,
pagpapaliwanag at basehan sa kanilang mga kaisipan.
1
Mga salik sa paghahating rehiyon ng Asya
1. Lokasyon - tumutukoy ito sa kinaroroonan ng isang lugar.
- Karaniwang pinagsasamasama sa iisang rehiyon lamang ang mga bansang magkakalapit na
maaaring nasa kanluran, silangan, timog, at hilagang bahagi ng malawak na lupalop ng Asya.

2. Klima - tumutukoy ito sa kalagayan ng panahon sa isang partikular na lugar sa loob ng mahabang
panahon.
- Karaniwang nasa iisang rehiyon lamang ang mga bansang may magkakatulad at magkakaugnay
na klima.

3. Topograpiya - tumutukoy ito sa hugis at pisikal na katangian ng kalupaan ng isang lugar katulad ng mga
anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan dito.
- Pinagsasamasama sa iisang rehiyon ang mga bansang magkakabahagi, magkakatulad, at
magkakarugtong ang mga anyong lupa at anyong tubig.

4. Kultura - tumutukoy ito sa sistema ng pamumuhay tulad ng


● Wika ● relihiyon ● paniniwala ● tradisyon
● kaugalian ● pamahalaan ● edukasyon ● kabuhayan
-Karaniwang mapapansin na ang mga bansang Asyano na may magkakaugnay at magkakatulad
na kultura ay nasa iisang rehiyon lamang.

5. Kasaysayan at lahi - ang mga bansang Asyano na may magkakaugnay at magkakabahaging kasaysayan.
- Isa ring salik sa paghahating rehiyon ang lahi kung saan mapapansin na ang mga bansang
Asyano na may magkakatulad at magkakaparehong pinagmulang lahi at etnisidad ay
karaniwang nasa iisang rehiyon lamang.

Kabuuang sukat at hangganan ng Asya


 Ang kabuuang lawak ng Asya ay tinatayang 44,579,000 kilometro kwadrado.
 Matatagpuan ang Asya sa silangang bahagi ng Eurasian supercontinent
 Nasa kanluran naman nito ang Europa.
 Karaniwang itinatakda ng mga heograpo ang hangganan ng Asya sa kanluran sa pamamagitan ng
di-tiyak na linyang bumabagtas sa Ural Mountains, Caspian Sea at Black Sea.
 Nagsisilbing hangganan ng Asya sa hilaga ang Arctic Ocean, Pacific Ocean sa silangan, Indian
Ocean sa timog, Red Sea sa timog-kanluran, at Europa sa kanluran.
 Nakahiwalay ang Asya sa North America sa hilagang-silangan sa pamamagitan ng Bering Strait at
sa Australia sa timog-silangan sa pamamagitan ng mga dagat at kipot (strait) na nagdurugtong sa
Indian at Pacific Ocean.
 Pinagdurugtong naman ng Isthmus of Suez ang Asya sa Africa kung saan kinikilalang hangganan
ng dalawang kontinente ang Suez Canal.
 Samantala, ang dalawang makikitid na kipot ng Bosporus at Dardanelles ang naghihiwalay sa
Anatolia at Balkan Peninsula.

Mga bansang bumubuo sa limang rehiyon ng Asya


Sa isang maka-Asyanong pananaw, ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon batay sa mga nabanggit na salik ng
paghahati.
● Silangang Asya ● Timog Asya ● TimogSilangang Asya
● Kanlurang Asya ● Hilagang Asya.

2
Silangang Asya
- Ang mga bansang bumubuo sa Asya ay ang
● China ● Japan ● Mongolia
● North Korea ● South Korea ●Taiwan.
- Pinakamalaking bansa sa Silangang Asya ang China. Nasa mainland (bahaging kontinental) ang China at
Mongolia
- ang North Korea at South Korea ay nasa tangway (peninsula);
- habang ang Taiwan at Japan ay binubuo ng mga isla.
- Karaniwang temperate o katamtaman ang kategorya ng pangkalahatang klimang nararanasan sa Silangang Asya.
- Nangangahulugan ito na hindi gaanong mainit at hindi rin gaanong malamig ang kabuuang temperatura.
- Nakararanas sa rehiyong ito ng apat na panahon o season,
● tag-init (summer) ● taglamig (winter)
● taglagas (fall/autum) ● tagsibol (spring)

Timog Asya - “Land of Mysticism”


- dahil sa katangian ng mga pilosopiya, paniniwala, at relihiyong umusbong dito.
- Binubuo ng ● Bangladesh ● Bhutan, ● India
● Maldives ● Nepal ● Pakistan
● Afghanistan ● Sri Lanka
- Pinakamalaking bansa sa Indian subcontinent ang India.
- Tinatawag namang mga bansang Himalayan ang Nepal at Bhutan sapagkat nakalatag ang teritoryo ng mga ito sa
kabundukan ng Himalayas;
- at mga bansang Insular naman ang Maldives at Sri Lanka sapagkat nakahiwalay ang mga ito sa kontinente at
binubuo ng mga isla.
- Malamig ang klima sa kabundukang bahagi ng rehiyon na may kasamang niyebe sa buong taon
- sa mabababang bahagi naman nito ay karaniwang mainit lalong-lalo na sa bahaging humid subtropical zone.
- Semi-arid o mataas ang temperatura at kaunti lamang ang nararanasang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Indo-
Gangetic Plain at ilang bahagi ng Deccan Plateau.
- Dahil dito, may mga bahaging disyerto sa mga lugar na ito.
- Samantala, tropical (basa at tuyo) naman ang kanluran at silangang baybayin ng Timog Asya.

Kanlurang Asya - “Arid Asia”


● Saudi Arabia ● United Arab Emirates (UAE) ● Qatar ● Jordan
● Iran ● Iraq ● Syria ● Israel
● Cyprus ● Lebanon ● Kuwait ● Georgia
● Armenia ● Azerbaijan ● Bahrain ● Yemen
● Oman ● bahaging Asya ng Turkey
- Ang pangkalahatang klima ng kanlurang Asya bilang arid climate sapagkat malaking bahagi ng rehiyon ay
nakararanas ng mataas na temperatura.
- Dahil sa mainit na kalagayan, malaking bahagi ng rehiyon ay nababalutan ng disyerto katulad ng Rub’al Khali
desert.
- Karaniwang naninirahan ang mga mamamayan sa mga oasis o bahagi ng disyerto na may suplay ng tubig at
mataba ang lupa.

3
Timog-Silangang Asya –“ Monsoon Asia”
- “Little China” at “Farther India” dahil sa lawak ng impluwensiya ng kulturang Tsino at Indian sa kabihasnang
nabuo sa rehiyon.
- Nahahati sa dalawang subrehiyon ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya batay sa katangiang heograpikal
● Mainland Southeast Asia - Ang Mainland Southeast Asia ay mga bansa sa rehiyon na nasa bahaging
kontinental.
● Myanmar
● Thailand
● at mga bansang tradisyonal na tinatawag na French Indochina: (dahil minsan silang
napasailalim sa kontrol ng mga French habang makikita naman sa kanilang kultura ang
malaking impluwensiya ng mga Indian at Tsino :
● Cambodia ● Laos ● Vietnam
● Insular Southeast Asia - na binubuo ng kapuluan.
● Philippines
● Indonesia
● Malaysia
● Singapore
● Brunei
● Darussalam
● East Timor
- Karaniwang tropikal (basa at tuyo) ang kategorya ng klima ng mga bansa sa TimogSilangang Asya.
- Ang basa at tuyong klimang ito ay naiimpluwensiyahan ng hanging amihan (northeast monsoon) na may tuyo at
malamig na hangin at
- hanging habagat (southwest monsoon) na may hanging mainit ngunit may dalang mabibigat na pag-ulan.

Hilagang Asya – “Arctic Asia”


- Mga bansang bumubuo:
● Kazakhstan ● Kyrgyzstan
● Tajikistan ● Turkmenistan
● Uzbekistan ● at ang rehiyong Siberia na bahaging Asya ng Russia.
- Historikal na tinatawag ang Hilagang Asya bilang Soviet Asia sapagkat ang mga bansang bumubuo rito ay
naging bahagi ng dating Union Soviet Socialist Republics (USSR).
- malapit ito sa Arctic Ocean kung kaya’t malamig ang pangkalahatang klima rito.
- Matatagpuan sa Hilagang Asya ang mga biome (panirahan ng mga halaman at hayop na nakabatay sa klima ) na
tanging sa rehiyong Arctic lamang makikita.
- Pangunahing katangiang pisikal ng lugar ang taiga biome o lugar na nababalutan ng kagubatang koniper (boreal
forest) at nasa hilagang bahagi naman nito ang tundra biome kung saan nahahadlangan ng matinding lamig ang
paglago at paglaki ng mga halaman dahil sa permanenteng nagyeyelong lupa (permafrost).
- Samantala, may dalawang pangunahing uri ng damuhang makikita sa Hilagang Asya-
● steppe biome na malalawak na damuhang may mabababaw na ugat
● prairie biome na may matataas na damuhang may malalalim na ugat.

Isaisip
1. May dalawang pananaw sa pag-aaral ng heograpiya, kabihasnan, at kasaysayan ng Asya- ang Eurosentriko at Asyasentrikong pananaw.
2. Ang mga salik sa paghahating rehiyon ng Asya ay ang lokasyon, klima, topograpiya, kultura, kasaysayan at lahi.
3. Nagsisilbing hangganan ng Asya sa hilaga ang Arctic Ocean, Pacific Ocean sa silangan, Indian Ocean sa timog, Red Sea sa timog-kanluran, at
Europe sa kanluran.
4. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon: Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya, Timog-Silangang Asya, at Hilagang Asya.
5. Ang mga bansang bumubuo sa Silangang Asya ay ang China, Japan, Mongolia, North Korea, South Korea, at Taiwan.
6. Binubuo ng Bangladesh, Bhutan, India, Maldives, Nepal, Pakistan, Afghanistan, at Sri Lanka ang Timog Asya.
7. Ang Kanlurang Asya ay binubuo ng bansang Saudi Arabia, United Arab Emirates (UAE), Qatar, Jordan, Iran, Iraq, Syria, Israel, Cyprus, Lebanon,
Kuwait, Georgia, Armenia, Azerbaijan, Bahrain, Yemen, Oman, at bahaging Asya ng Turkey.
8. Ang Timog-Silangang Asya ay binubuo ng bansang Myanmar, Thailand, Cambodia, Laos, Vietnam, Philippines, Indonesia, Malaysia, Singapore,
Brunei Darussalam, at East Timor.

4
9. Ang Hilagang Asya ay binubuo ng bansang Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan, Uzbekistan, at ang rehiyong Siberia na bahaging
Asya ng Russia.

Subukin Paunang Pagtataya:


Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Salik sa paghahating rehiyon ng Asya na tumutukoy sa hugis at pisikal na katangian ng kalupaan ng isang lugar katulad
ng mga anyong lupa at anyong tubig.
a. topograpiya b. klima c.lokasyon d. kultura

2. Pananaw sa pag-aaral ng heograpiya, kabihasnan, at kasaysayan ng Asya na nakabatay sa pananaw ng mga Kanluranin.
a. Heliosentriko b. Geosentriko c.Asyasentriko d. Eurosentriko

3. Tradisyonal na panrehiyong katawagan ng mga Europeo sa mga bansa sa Timog, Silangan, at Timog-Silangang Asya
dahil sa layo ng mga ito sa Europa.
a. Near East b. Middle East c. Far East d. Central Asia

4. Alin sa mga sumusunod na bansa ang kabilang sa Mainland Southeast Asia?


a. Thailand b. Pilipinas c. Indonesia d.East Timor

5. Dalawang bansa sa Timog Asya na bahagi ng kabundukan ng Himalayas ang kanilang teritoryo kung kaya’t tinatawag
ang mga ito bilang mga bansang Himalayan.
a. India at Pakistan c. Sri Lanka at Maldives
b. Nepal at Bhutan d. India at Bangladesh

6. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng mga bansa ang nasa Kanlurang Asya?
a. Georgia, Pakistan, Uzbekistan, Syria, Iran, Iraq, Vietnam, Kyrgysztan
b. UAE, Bahrain, Cambodia, Oman, Brunei Darussalam, Malaysia, Maldives
c. Qatar, Jordan, Israel, Cyprus, Lebanon, Kuwait, Georgia, Armenia, Saudi Arabia
d. Azerbaijan, Afghanistan, Yemen, Turkey, East Timor, Mongolia, Russia, Indonesia

7. Aling pares ng mga bansa ang matatagpuan sa Silangang Asya?


a. Maldives at Taiwan c. Japan at Vietnam
b. North Korea at Qatar d. South Korea at China

8. Anong karagatan ang nagsisilbing hangganan ng Asya sa silangan?


a. Pacific Ocean c. Arctic Ocean
b. Indian Ocean d. Atlantic Ocean

9. Kabundukang nagsisilbing hangganan ng Asya at Europa.


a. Kabundukan ng Himalayas c. Tien Shan Mountains
b. Kabundukan ng Ural d. Karakoram Range

10. Rehiyon ng Asya na tinatawag na “Land of Mysticism” dahil sa katangian ng mga relihiyon at paniniwalang nabuo at
nagmula rito.
a. Timog Asya b. Hilagang Asya c. Silangang Asya d. Kanlurang Asya

11. Rehiyon ng Asya na tinaguriang “Little China” at “Farther India” dahil sa malaking impluwensiya ng kabihasnang
Tsino at Indian sa kultura at kabihasnan nito.
a. Hilagang Asya b.Silangang Asya c. Timog Asya d. Timog-Silangang Asya

12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng pangunahing kaisipan ng Eurosentrikong pananaw sa pag-aaral
ng heograpiya, kabihasnan, at kasaysayan ng Asya?
a. nalinang ang kabihasnang Asyano dahil sa kahusayan ng mga Asyano
b. tagatanggap lamang ng maunlad at mayamang kultura ng Europa ang Asya

5
c. superyor ang kabihasnang nalinang ng mga Asyano kumpara sa mga Europeo
d. maunlad na ang kabihasnan ng mga Asyano bago pa dumating ang mga Europeo
13. Bakit tinawag ang Hilagang Asya bilang Arctic Asia?
a. malamig ang klima dito sa buong taon dahil sa lapit nito sa Arctic Ocean
b. tuyo at mainit ang klima rito kung kaya’t nagtataglay ito ng mga disyerto
c. walang anumang halaman ang nabubuhay sa rehiyon dahil sa kawalan ng ulan
d. malaki ang impluwensiya ng monsoon sa pamumuhay ng mga mamamayan dito

14. Paano nakaapekto ang katangiang pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano sa Kanlurang Asya?
a. pagtotroso sa mga kagubatang tropikal ang ikinabubuhay ng mga mamamayan
b. nagpapastol ang maraming mamamayan sa malalawak na damuhan ng rehiyon
c. naninirahan ang mga mamamayan sa mga oasis kung saan may suplay ng tubig
d. nangingibang bansa ang karamihan ng mga mamamayan dahil sa mainit na klima

15. Bakit mahalaga para sa ating mga Asyano na gamitin ang Asyasentrikong pananaw sa pag-aaral ng heograpiya,
kabihasnan, at kasaysayan ng Asya?
a. upang mabura sa kasaysayang Asyano ang pananakop ng mga Europeo sa Asya
b. upang mapatunayang superyor ang kabihasnang Asyano kumpara sa mga Europeo
c. upang mapagtanto ng mga Europeo na mayayaman at matatalino ang mga Asyano
d. upang mapahalagahan ang papel ng mga Asyano sa pag-unlad ng ating kabihasnan

Tayahin
Maramihang Pagpili: Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Salik sa paghahating rehiyon ng Asya na tumutukoy sa hugis at pisikal na katangian ng kalupaan ng isang
lugar o bansa katulad ng mga anyong lupa at anyong tubig.
a. topograpiya b. klima c. lokasyon d. kultura

2. Pananaw sa pag-aaral ng heograpiya, kabihasnan, at kasaysayan ng Asya na nakabatay sa pananaw ng mga


Asyano.
a. Heliosentriko b. Geosentriko c. Asyasentriko d. Eurosentriko

3. Tradisyunal na panrehiyong katawagan ng mga Europeo sa mga bansa sa Kanlurang Asya dahil pumapagitna
ang mga ito sa kontinente ng Asya, Europa, at Africa.
a. Near East b. Middle East c. Far East d. Central Asia

4. Alin sa mga sumusunod na bansa ang kabilang sa Insular Southeast Asia?


a. Thailand b. Pilipinas c. Vietnam d. Cambodia

5. Dalawang bansa sa Timog Asya na tinatawag na mga bansang insular dahil nakahiwalay ang mga ito sa
kontinente at binubuo ng mga isla.
a. India at Pakistan c. Sri Lanka at Maldives
b. Nepal at Bhutan d. India at Bangladesh
6. Aling pares ng mga bansa ang matatagpuan sa Silangang Asya?
a. China at India c. Israel at Bangladesh
b. Japan at North Korea d. Vietnam at Laos

7. Anong karagatan ang nagsisilbing hangganan ng Asya sa bahaging timog nito?


a. Pacific Ocean c. Arctic Ocean
b. Indian Ocean d. Atlantic Ocean

6
8. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng mga bansa ang nasa Kanlurang Asya?
a. UAE, Bahrain, Cambodia, Oman, South Korea, Malaysia, Maldives
b. Georgia, Pakistan, Uzbekistan, Syria, Iran, Iraq, Vietnam, Kyrgysztan
c. Indonesia, Afghanistan, Yemen, Turkey, East Timor. Mongolia, Russia
d. Jordan, Israel, Cyprus, Lebanon, Kuwait, Georgia, Armenia, Saudi Arabia

9. Pinaghihiwalay ng kabundukang ito ang Asya at Europa.


a.Karakoram Range c. Kabundukan ng Ural
b.Tien Shan Mountains d. Kabundukan ng Himalayas

10. Panrehiyong katawagan sa Timog Asya dahil sa katangian ng mga relihiyon at paniniwalang nabuo at
nagmula rito.
a. Monsoon Asia b. Soviet Asia c. Land of Extremes d. Land of Mysticism

11. Bakit tinaguriang “Little China” at “Farther India” ang Timog-Silangang Asya?
a. malaki ang impluwensiya ng China at India sa kultura ng mga bansa rito
b. kahugis ng Timog-Silangang Asya ang China at India ngunit mas maliit ito
c. kawangis ng mga mamamayan dito ang mga mamamayan ng China at India
d. minsang naging sakop ng China at India ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya

12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng pangunahing kaisipan ng Asyasentrikong pananaw sa
pag-aaral ng kabihasnan at kasaysayan ng Asya?
a. nalinang ang kabihasnang Asyano dahil sa kahusayan ng mga Europeo
b. tagatanggap lamang ng maunlad at mayamang kultura ng Europa ang Asya
c. superyor ang kabihasnang nalinang ng mga Europeo kumpara sa mga Asyano
d. maunlad na ang kabihasnan ng mga Asyano bago pa dumating ang mga Europeo

13. Bakit tinawag ang Hilagang Asya bilang Soviet Asia?


a. malamig ang klima dito sa buong taon dahil sa lapit nito sa Arctic Ocean
b. tuyo at mainit ang klima rito kung kaya’t nagtataglay ito ng mga disyerto
c. naging bahagi ng dating Union Soviet Socialist Republics ang mga bansa rito
d. malaki ang impluwensiya ng monsoon sa pamumuhay ng mga mamamayan dito

14. Paano umangkop ang mamamayan ng Kanlurang Asya sa tuyong klima ng rehiyon?
a. karaniwang naninirahan sila sa mga oasis kung saan may suplay ng tubig
b. nagtatayo sila ng mga kabahayan sa mga kagubatang tropikal ng rehiyon
c. nagpapastol sila sa malalawak na damuhan upang magkaroon ng suplay ng karne
d. nangingibang bansa ang karamihan ng mga mamamayan dahil sa mainit na klima

15. Paano nakatutulong sa pagsulong ng pagkakakilanlang Asyano ang Asyasentrikong pananaw sa pag-aaral
ng heograpiya, kabihasnan, at kasaysayan ng Asya?
a. napatutunayan nitong superyor ang mga Asyano kumpara sa mga Europeo
b. napahahalagahan nito ang naging papel ng mga Asyano sa pag-unlad ng Asya
c. nabubura nito sa kasaysayang Asyano ang pananakop ng mga Europeo sa Asya
d. nakabubuo ito ng kaisipang mas mayaman at maunlad ang Asya kaysa sa Europa

You might also like