You are on page 1of 25

Ang mga Kontinente sa

Daigdig
Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga kontinente sa
Daigdig.
2. Naipaliliwanag ang mga kontinente sa
daigdig.
3. Napaghahambing ang mga kontinente sa
daigdig batay sa aspetong heograpikal.
Paano  Kontinente- tawag sa
nga ba pinakamalawak na masa ng lupa sa
nabuo ibabaw ng Daigdig.
ang mga  May mga kontinenteng
kontinen magkakaugnay samantalang ang
te ng
iba ay napapalibutan ng
daigdig?
katubigan.
Continental Drift Theory
 Alfred Wegener- isang German na
nagsulong ng Continental Drift Theory.
 Ayon sa Continental Drift Theory, dati
nang magkakaugnay ang mga
kontinente sa isang super kontinente na
Pangaea.
 Dahil sa paggalaw ng
continental plate o malaking
bloke ng bato kung saan
nakapatong ang kalupaan,
nagkahiwa-hiwalay ang
Pangaea at nabuo ang
kasalukuyang mga kontinente.
 240 milyong taon – Mayroon lamang
isang super continent na tinawag na
Pangaea na pinaliligiran ng
karagatang tinawag na Panthalassa
Ocean.
 200 milyong taon – Nagsimulang
maghiwalay ang kalupaan ng
Pangaea hanggang sa mahati sa
dalawa: Laurasia sa Northern
Hemisphere at Gondwana sa Southern
Hemisphere.
 65 milyong taon – Nagpatuloy ang
paghihiwalay ng mga kalupaan.
 Sa kasalukuyan – Unti-unti ang
paggalaw ng mga kontinente.
Tinatayang 2.5 sentimetro ang galaw ng
North America at Europe bawat taon.
Africa
 Ang Africa ang pangalawang
pinakamalaking kontinente sa
daigdig.
 Ito ang nagtataglay ng
pinakamaraming bansa kung
ihahambing sa ibang mga
kontinente.
 Nagmumula rin sa Africa ang malaking
suplay ng ginto at diyamante.
 Naroon din ang Nile River na
pinakamahabang ilog sa buong daigdig,
at ang Sahara Desert,na pinakamalaking
disyerto.
Antarctica
 Ang Antarctica ang
tanging kontinenteng
natatakpan ng yelo na
ang kapal ay umaabot ng
halos 2 km. (1.2 milya).
 Dahil dito, walang taong naninirahan
sa Antarctica maliban sa mga
siyentistang nagsasagawa ng pag-
aaral tungkol dito. Gayunpaman,
sagana sa mga isda at mammal ang
karagatang nakapalibot dito.
Asya
 Pinakamalaking kontinente
sa mundo ang Asya.
 Sinasabing ang sukat nito ay
mas malaki pa sa
pinagsamang lupain ng
North at South America.
 Nasa Asya rin ang China na may
pinakamalaking populasyon sa
daigdig at ang Mt. Everest na
pinakamataas na bundok sa pagitan
ng Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa
China.
Europe
 Ang Europe ang ikalawa sa
pinakamaliit na kontinente ng
daigdig sa lawak na halos
6.8% ng kabuuang lupa ng
daigdig. Ang laki ng nito ay
sangkapat (1/4) na bahagi
lamang ng kalupaan ng Asya.
Australia
 Ang Australia ay isang bansang
kinikilala ring kontinenteng
pinakamaliit sa daigdig.
 Napalilibutan ito ng Indian
Ocean at Pacific Ocean,at
inihihiwalay ng Arafura Sea at
Timor Sea.
 Dahil sa mahigit 50 milyong taong
pagkakahiwalay ng Australia bilang isang
kontinente, may mga bukod tanging
species ng hayop at halaman na sa
Australia lamang matatagpuan.Kabilang
dito ang kangaroo, wombat,
koala,Tasmanian devil, platypus, at iba pa.
North America
 Ang North America ay
may hugis na malaking
tatsulok subalit mistulang
pinilasan sa dalawang
bahagi ng Hudson Bay at
Gulf of Mexico.
 Dalawang mahabang kabundukan
ang matatagpuan sa kontinenteng
ito – ang Applachian Mountains sa
silangan at Rocky Mountains sa
kanluran.
South America
 Ang South America ay
hugis tatsulok na unti-
unting nagiging patulis
mula sa bahaging equator
hanggang sa Cape Horn sa
katimugan.
 Ang Andes Mountains na may
habang 7,240 km (4,500 milya) ay
sumasakop sa kabuuang baybayin
ng South America.
Ilang Datos Tungkol sa Pitong Kontinente
Kontinente Lawak (km²) Tinatayang Bilang ng Bansa
Populasyon
(2009)
Asya 44 614 000 4 088 647 780 44
Africa 30 218 000 990 189 529 53
Europe 10 505 000 728 227 141 47
North America 24 230 000 534 051 188 23
South America 12 814 000 392 366 329 12
Antarctica 14 245 000 -NA- 0
Australia 8 503 000 34 685 745 14
 Kung susuriin ang isang
mapa, mapapansing ang mga
baybayin ng silangang
bahagi ng South America at
kanlurang bahagi ng Africa
ay tila lapat at akma sa isa’t
isa na parang mga piraso ng
isang malaking jigsaw puzzle.
 Ang malawakang hangganan ng Asya, North
America, at South America ay matatagpuan
sa Pacific Ring of Fire. Saklaw nito ang kanlurang
hangganan ng South America at North America
patungong hilaga sa Aleutian Islands ng
Alaska, pababa sa silangang hangganan ng
Asya hanggang New Zealand sa Timog
Oceania.
 Sa kasaysayan, tinatayang may 540
bulkan na ang pumutok at 75% sa
mga ito ay nasa Pacific Ring of Fire. Ilan
sa mga bulkan sa Pacific Ring of Fire na
pumutok at nagdulot ng malaking
pinsala.

You might also like