You are on page 1of 7

ANG

KONTINENTE
NG ASYA
Ang ASYA ay isa sa pitong kontinente ng
daigdig. Kontinente ang tawag sa
pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig.
Isa sa mga paraan nang pagkuha ng lokasyon
ng isang kontinente at bansa ay sa
pamamagitan ng pagtukoy ng latitude at
longitude.
Ang equator ay ang zero-degree latitude at
humahati sa globo sa hilaga at timog.
Ang prime meridian naman ay ang zero-
degree longitude.
Ang nasasakop ng Asya ay mula sa 10°
Timog hanggang 90° Hilagang latitude at
mula sa 11 ° hanggang 175 ° Silangang
longitude.
Pinakamalaki ang kontinente ng Asya
kung ihahambing sa ibang kontinente sa
daigdig.
Kontinente Kabuuang Sukat
(kilometro kwadrado)

Asya 44, 486, 104 km²


Africa 30, 269, 817 km²
North America 24, 210, 000 km²
South America 17,820, 852 km²
Antartica 13, 209, 060 km²
Europe 10, 530, 789 km²
Australia 7, 862, 336 km²
Kabuuan 143, 389, 336 km²
Nahahati sa limang rehiyon ang Asya:
Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-
Silangan at Silangang Asya.
Heograpikal at kultural na sona ang
mga rehiyong ito sapagkat isinaalang-
alang sa paghahating ito ang pisikal,
historikal at kultural na aspekto.
BANSA-NAP !
Panuto: Gamit ang mapa ng ASYA, iisa-isahin ang mga
bansa na kabilang sa bawat rehiyon sa Asya. Matapos nito ay
ilalagay ito sa isang chart tulad ng pormat na ito:

HILAGANG ASYA
BANSA CAPITAL
PAGPAPAHALAGA:
Ginawa ang paghahati ng mga bansa sa Asya
hindi para magkaroon ng anumang sigalot sa
pagitan ng bawat miembro na kabilang sa
ibang rehiyon. Ito ay upang maunawaan na sa
kabila man ng ating pagkakaiba-iba ng kultura,
relihiyon, paniniwala at paraan ng pamumuhay
ay nilikha tayo ng Dakilang LUMALANG na
mamuhay na may kapayapaan at
pangangailangan sa isa’t isa

You might also like