You are on page 1of 8

Ang Katangian ng

Klima
• Klima – Ang karaniwang panahon o average weather
na nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang
panahon.
- Kinapapalooban ito ng mga element tulad ng;
* Temperatura * Ulan * Hangin
Mga Salik na nakaaapekto sa klima ng isang lugar:
1. Lokasyon 3. Uri o dami ng mga halaman
2. Topograpiya 4. Distansya sa mga anyong tubig
• Monsoon – o hanging nagtataglay ng ulan ay isang
bahagi ng klima na may matinding epekto sa lipunan
at iba pang salik ng pamumuhay ng tao lalo’t higit
yaong mga nasa Silangan at Timog-Silangang Asya.
Ang Pacific Ring of Fire
• Ang Pilipinas, kasama ang ilang mga bansa sa rehiyong
Asya Pasipiko, ay nakalatag sa isang malawak na sona na
kung tawagin ay Ring of Fire, o Circum-Pacific Seismic Belt.
• Ang lugar na ito ay nagtataglay ng mga maraming hanay
ng mga bulkan, kasama na ang mga bulking Mayon,
Pinatubo, Taal at Krakatoa.
• Ang pagsabog ng mga bulkan ay kadalasang nagdudulot
ng paglindol o paggalaw ng lupa na nagbubunsod naman
ng mga pagbabago sa pisikal na porma ng anyong lupa at
anyong tubig.
Ang mga katangiang Pisikal ng mga Rehiyon
sa Asya
• Hilagang Asya
- Ang kabundukang Ural na nasa rehiyong ito ang humahati sa mga
kontinente ng Europe at Asya. Ang Bearing Sea ang nag-uugnay sa Hilagang
Asya at Alaska. Dahil ang rehiyong ito ay may pinak-mahabang panahon ng
taglamig at pinakamaikling tag-init hindi kayang tumubo sa kalakhang
bahagi nito ang anumang punongkahoy.
- Ang ibang bahagi nito ay may malawak na damuhan na may iba’t-ibang
anyo (steppe, prairie at savanna), at may kaunting bahagi ng boreal forest o
taiga.
• Kanlurang Asya
- Ang Kanlurang Asya ay nakalatag sa pangkontinental na bahagi ng Asya at
sa Silangang bahagi ng Africa. Mabuhangin at mabato ang karaniwang
lugar, madalas ang pagkatuyo ng mga ilog at lawa dahil sa sobrang init at
walang masyadong ulan ang nararanasan ditto.
- Nahahati ito sa tatlong rehiyong pisikal: Norther Tier na lupain ng
kabundukan at talampas, Arabian Peninsula na isang malawak na tangway
na pinaliligiran ng iba’t-ibang anyong tubig, at Fertile Crescent na
nagtataglay naman ng matabang lupa at saganang suplay ng tubig.
- Sa kanluran ng Norther Teir ay matatagpuan ang Anatolian Plateau na may
matabang lupa, samantalang kabaligtaran naman ito ang Iranian Plateau sa
Silangang bahagi ng Northern Teir na may lupaing tuyo.
• Timog Asya
- May anyong hugis tatsulok, ang Timog Asay ay may hangganang Indian
Ocean sa timog at kabundukan ng Himalayas sa Hilaga. Sa kanlurang bahagi
ng rehiyon nakalatag ang mga bansang Afghanistan, Pakistan, at India , sa
Silangan ay Bangladesh, sa dakong hilaga ay ang mga bansang Nepal at
Bhutan, at ang mga pulo ng Sri Lanka at Maldives sa timog.

You might also like