You are on page 1of 7

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (WORLD WAR 1)

Background: Sanhi
Noong 1870 ay sumiklab ang isang digmaan ng Pransiya at ng mga estadong Aleman sa
pangunguna ng Prusya. Sa digmaang ito'y nasakop ng mga Aleman ang malaking bahagi ng
Pransiya hanggang sa tuluyang mapipilan ang mga Pranses. Nagbunsod ito sa pag-iisa-isa ng dating
maliliit at magkakahiwalay na mga estadong Aleman na kalaunan ay tinawag blang Imperyong
Aleman. Napasakamay ng bagong imperyo ang Alsasya at Lorena - mga teritoryong Pranses,
samantalang buo naman ang pasya ng Pransiya na mabawi ang mga nasabing teritoryo. Mula noo'y
lumakas at umunlad ng gayon na lmang ang industriya't ekonomiya ng bagong tatag na imperyo.
Makalipas ang dalawang taon ay isang alyansang tinatawag na Liga ng Tatlong Emperador
ang pinasinayahan ng mga imperyong Aleman, Austro-Unggaryo at Ruso subalit hindi nagtagal nang
may namuong alitan sa dawalang hulng nabanggit hinggil sa mga usapin sa Rehiyong Balkanika.
Dahil dito, noong 1879, ay bumuo ng sariling alyansa ang Imperyong Aleman at Austro-Unggaryo na
tinaguriang Dalawahang Alyansa. Kalaunan nama'y sumali ang Italya sa nasabing alyansa. Magmula
noong 1882, ang samahan ng mga imperyong Aleman, Austro-Unggaryo at Kaharian ng Italya ay
kinilala bilang Tatluhang Alyansa. Sa kabilang banda, nang mabuwag ang Liga ng Tatlong
Emperador, ay nakipag-alyansa ang Pransiya sa Imperyong Ruso noong 1894 at nang mga sumunod
na taon ay makailang ulit na lumagda ng kasunduan sa Imperyong Briton. Noon namang 1907 ay
nilagdaan ng mga imperyong Briton at Ruso ang Kasunduang Angglo-Ruso. Ang mga pangyayaring
ito'y nagbunsod sa pagtatatag ng Tatluhang Kasunduan ng mga imperyong Briton, Ruso at
Republikang Pranses. Noon din ay nagsimulang magparami at magpalakas ng sandatahang lakas
ang bawat bansang nabanggit pangunahin na ng Imperyong Briton at Aleman.
Noon namang 1908 ay sinakop ng Austriya-Unggarya ang Bosniya at
Hersegobina samantalang nagpahayag ng kasarinlan ang Bulgarya mula sa Imperyong Otomano.
Ikinagalit ng Serbiya at ng Imperyong Ruso ang naunang pangyayari sapagkat ang nasabing lugar ay
tahahan ng mga mamamayang Eslabo na kanilang mga kalahi. Pagsapit naman ng 1912 ay
sinalakay ng Ligang Balkanika na kinabibilangan ng Bulgarya, Gresya,Montenegro at Serbiya ang
Imperyong Otomano na dating nakasasakop sa kanila. Naging matagumpay ang nasabing liga at
malaking bahagi ng teritoryo ng Imperyong Otomano sa Rehiyong Balkanika ang kanilang
napasakamay subalit may namuong alitan sa pagitan ng Bulgarya't Serbiya hinggil sa isinagawang
paghahati-hati ng liga sa Masedonya samantalang kinilala naman ang pagtatatag ng Albanya. Nang
sumunod na taon ay sinalakay ng Bulgarya ang Gresya't Serbiya subalit napipilan samantalang
sinamantala ito ng Imperyong Otomano at Rumanya upang makakuha ng ilang teritoryo sa Bulgarya.
Noong 28 Hunyo 1914 ay binaril ni Gavrilo Princip, isang makabayang Serbiyo, si Archduke
Franz Ferdinand, tagapagmana ng trono ng Austriya-Unggarya at ang asawa nitong
si Sophia sa Sarahebo, kabisera ng Bosniya at Hersegobina. Naghain ng banta ang AustriyaUnggarya laban sa Serbiya ukol sa nasabing pagpatay nang mapag-alamang si Princip ay kasapi
ng Black Hand, isang kilusang Serbiyo-Bosnyo na naglalayon ng kalayaan ng mga mamamayang
Eslabo na nasasakop ng imperyo. Nagpahayag ng pakikidigma ang Austriya-Unggarya laban sa
Serbiya noong 28 Hulyo 1914, nang hindi makontento ang nauna sa isinagawang pagtugon ng hul
sa naturang banta. Kinabukasan ay iniutos ni Tsar Nikolas II ang bahagyang paghahanda ng
sandatahang Ruso. Sinagot ito ng pakikidigma ng Imperyong Aleman laban sa Imperyong Ruso
noong 1 Agosto at noong 3 Agosto laban sa Pransiya. Nagpahayag din ng pakikidigma ang
Imperyong Briton laban sa Imperyong Aleman noong 4 Agosto nang sakupin ng huli ang Belhika (na

umapela naman ng tulong mula sa Imperyong Briton) upang dumaan sa nasabing bansa patungong
Pransiya.
BUOD
Noong panahong rumaragasa ang digmaan at bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, ang digmaan ay kilala sa tawag na ang "Dakilang Digmaan" (Great War). Ilan pa sa mga
kilalang katawagan ay "Ang Pandaigdigang Digmaan" (The World War), "Ang Digmaan upang
Wakasan ang lahat ng mga Digmaan" (The War to End All Wars), "Ang Digmaang Kaiser" (The
Kaiser War), "Ang Digmaan ng mga Nasyon" (The War of the Nations) at "Ang Digmaan sa Europa"
(The War in Europe). Tinatawag naman ito bilangLa Guerre du Droit (ang "Digmaan para sa
Katarungan") o La Guerre Pour la Civilasation/ de Oorlog tot de Beschaving (ang "Digmaan para
Mapanatili ang Sibilisasyon") sa mga medalya at pang-alalang monumento sa Belhika't Pransya.
Ang kauna-unahang kilalang paggamit ng terminong Unang Pandaigdigang Digmaan ay mula
sa isang biyolohiyo at pilosopong Aleman na si Ernst Haeckel na nagsabi noong Setyembre 1914,
mga ilang araw matapos sumiklab ang digmaan:
"Walang alinlangan na ang takbo at katangian ng kinatakutang "Digmaang Europeo"... ang siyang
magiging unang pandaigdigang digmaan sa kabuuang pandama ng salita"
Ang terminong ito'y muling lumabas mula sa talaarawan Charles A. Repington, isang mamamahayag,
noong mga araw na malapit nang magtapos ang digmaan:
Setyembre 10, 1918:
"Pinag-usapan namin kung ano ang nararapat na ipangalan sa digmaan. Sinabi kong tawagin namin
itong Ang Digmaan, subalit hindi ito tatagal. Ang Digmaang Napoleoniko ay Ang Dakilang Digmaan.
Kung tatawagin namang Ang Digmaang Aleman, ito'y labis-labis na pakunwaring papuri para sa mga
Boche. Iminungkahi kong ang Pandaigdigang Digmaan para mas mapaganda pa ang pangalan at sa
bandang huli'y pinagkaisahan namin itong palitan at tawaging Ang Unang Pandaigdigang Digmaan
nang sa gayo'y hindi malimutan ng susunod na salinlahi na ang kasaysayan ng mundo ay ang
kasaysayan ng digmaan.
Sa ngayon, ang terminong ginagamit para sa pangalan ng digmaan sa Gran
Britanya atKanada ay Unang Pandaigdigang Digmaan (First World War) samantalang Unang
Digmaang Pandaigdig (World War I) naman ng mga Amerikano.
Dalawang taon matapos ang Digmaang Prangko-Pruso, isang alyansa sa pagitan
ngAlemanya, Austria-Unggarya at Rusya ang itinatag sa pangunguna ng una, na tinaguriangLiga ng
Tatlong Emperador, subalit hindi nagtagal nang mamuo ang alitan sa pagitan ng Austria-Unggarya at
Rusya ukol sa usapin sa Rehiyong Balkan. Dahil dito, noong 1879 ay bumuo ng sariling alyansa ang
Alemanya't Austria-Unggarya na tinaguriang Dalawahang Alyansa. Pagsapit naman ng 1882 ay
sumali ang Italya sa alyansa. Magmula noong taon iyon, ang samahan ng Alemanya, AustriaUnggarya at Italya ay tinawag na Tatluhang Alyansa.
Sa kabilang banda nang mabuwag ang Liga ng Tatlong Emperador, nakipag-alyansa ang
Pransiya sa Rusya pagsapit nang 1894. Samantala, nabuklod naman ang una sa Britanyanang
kapwa madama ng dalawang nasyon ang lumalaking kapangyarihan ng Alemanya. Noong 1904 ay
limang kasunduan sa pagitan ng Britanya't Pransiya ang nilagdaan ukol sa kanila-kanilang

impluwensya sa Hilagang Aprika. Nang sumunod na taon ay naganap angKrisis ng Tangher, kung
saan sinuportahan ng Alemanya ang kalayaan ng Moroko na noo'y protektorado ng Pransiya. Ang
pangyayaring ito'y nagbunsod upang lalo pang magbuklod ang Britanya't Pransiya laban sa
Alemanya. Noon namang 1907 ay nilagdaan ng Britanya't Rusya ang Kasunduang Anglo-Ruso na
nagtapos sa usapin sa pagmamay-ari ng mga teritoryo ng dalawang nasyon
sa Apganistan, Persya at Tibet. Dito nabuo ang pagsasama ng Britanya, Pransiya at Rusya na
tinawag bilang Tatluhang Kasunduan.

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang digmaang naganap mula 1914
hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay
napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: ang Alyadong Puwersa (batay sa Tatluhang
Kasunduan ng Imperyong Briton, Imperyong Ruso atPransiya) at Puwersang Sentral (mula naman
sa Tatluhang Alyansa ng Imperyong Aleman, Austriya-Unggarya at Italya). Ang digmaan ang isa sa
mga pinakamapinsalang digmaan sa kasaysayan.

Ang pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand ng isang makabayang Serbiyo na


nagngangalang Gavrilo Princip noong 28 Hunyo 1914 ang itinuturing na siyang pinakasanhi ng
pagsisimula ng digmaan. Nagsimula ito noong ika-27 ng Hulyo 1914 nang magpahayag ng
pakikidigma ang Austriya-Unggarya laban sa Serbiya na siya namang nagbunsod sa dalawang
magkalabang alyansang nabanggit, kasma na maging ang kani-kanilang kolonya, na makibka sa
isa't isa. Makalipas ang ilan pang linggo, ang digmaan ay tuluyan nang lumaganap sa buong mundo.

Matapos makapagpahayag ng pakikidigma ay kagyat na sinalakay ng Austriya-Unggarya ang


Serbiya. Sinundan ito ng pananakop ng Imperyong Aleman sa Belhika, Luksemburgo at hilagang
Pransiya, at ng bigong pananalakay ng Imperyong Ruso sa silangang Alemanya. Buhat naman nang
mapipilan ng sandatahang Briton-Pranses ang pag-abante ng sandatahang Aleman
patungong Paris ay nauwi na sa pakikidigmang pambambang ang mga sagupaan doon na siya
naman nagdulot upang halos hindi na umusad ang magkabilang panig. Nang mga sumunod na taon
ay nakisangkot na rin sa digmaan angImperyong Otomano, Italya, Bulgarya, Rumanya, Gresya at iba
pa samantalang bumagsak ang monarkiya sa Rusya matapos ang Himagsikang Ruso noong 1917 na
nagbigay daan upang kumawala ang mga Ruso sa digmaan at maglunsad ng sunod-sunod na
opensiba ang mga Aleman sa kanlurang Europa hanggang sa pumasok ang Estados Unidos sa
digmaan. Sumuko ang Imperyong Aleman at mga kaalyado pagsapit nang 11 Nobyembre 1918
matapos ang isang matagumpay na kontra-opensiba ng Alyadong Puwersa.

Sa pagtatapos ng digmaan ay maraming bansa ang itinatag sa Europa mula sa labi ng mga
Imperyong Aleman, Austro-Unggaryo, Otomano at Ruso. Itinatag noon ang Liga ng mga
Nasyon upang pigilan ang anumang tunggaliang maaaring maganap sa mundo. Ang mga
kasunduang itinadhana ng Kasunduan ng Versailles na nagdulot ng matinding paghihikahos sa mga

mamamayang Aleman at ang pag-usbong ng pasismo sa Europa ang ilan sa mga dahilan upang
muling sumiklab ang isa pang pandaigdigang digmaan pagsapit nang 1939.

Ang pagwawagi ng Alyadong Puwersa


Nagsimula ang kontra-opensiba ng Alyadong Puwersa, na kilala sa tawag na Opensibang
Sandaang Araw, noong 8 Agosto 1918 nang sabay-sabay na sumugod ang Sandatahang Amerikano,
Awstralyano, Briton, Kanadyano at Pranses mula Harbonnires sa Labanan ng Amiens. Sa
sagupaang ito nakaabante ang pinagsama-samang sandatahan ng may 12 kilometro (7 mi) sa loob
lamang ng pitong oras. Tinawag ito ni Heneral Ludendoff bilang "Itim na Araw ng Sandatahang
Aleman".

Nagpatuloy ang pag-atake ng Alyadong Puwersa at matapos ang mga labanan


ng Albert,Arras, Bapaume, Noyon at Somme, napilitang umatras ang kabuuan ng Sandatahang
Aleman sa Linyang Hindenburg upang duon muling magpalakas matapos makapagtamo ng
matitinding pinsala. Samantala, 100 000 Aleman naman ang nabihag ng Alyadong Puwersa apat na
linggo matapos ang 8 Agosto.

Noon napagtanto ng mga komandanteng Aleman na hindi na nila kayang ipanalo ang
digmaan. Nagpadala ng mensahe ng kasunduang pangkapayaan ang Austria-Unggaryanoong 15
Setyembre sa lahat ng kanilang bansang binabaka at gayon din sa mga bansang nyutral.
Ang Alemanya naman, nang sumunod na araw, ay nang-alok ng kasunduang pangkapayaan
sa Belhika. Kapwa tinanggihan ng Alyadong Puwersa ang dalawang mungkahing nabanggit
samantalang ipinaalam naman ito ng mga komandanteng Aleman sa mga pinunong nasa Berlin.
Nagsimula ang Opensibang Meuse-Argonne noong 26 Setyembre nang salakayin ngAlyadong
Puwersa sa pangunguna ng Pransiya't Estados-Unidos ang Linyang Hindenburg. Napasok ng
pinagsamang sandatahan ang Champagne at napanalunan angLabanan ng Tagaytay ng Blanc Mont.
Napaatras ang mga Aleman papuntang Belhikahabang nagtuloy-tuloy sa pag-abante ang mga
Amerikano't Pranses.

Samantala, kumalat sa panig ng Sandatahang Aleman ang balita tungkol sa napipinto nilang
pagkatalo. Upang mapanatili naman ang giting ng Kaiserliche Marino, nagpasya sina Almirante
Reinhard Scheer at Heneral Ludendoff na maglunsad ng isang malawakang opensiba sa katubigan,
ngunit nang makarating ang balitang ito sa mga Alemang marino, marami ang tumanggi sa
paniniwalang ang isasagawang opensiba'y mala-pagpapatiwakal. Nabunton ang sisi kay Ludendorff
matapos ang pangyayari at siya'y sinibak sa tungkulin ni Kaiser Wilhelm II noong 26 Oktubre.
Nagiging sariwa na ang banta ng himagsikan sa Alemanya. Nang sumuko naman angBulgarya,
nawalan ng suplay ng langis at pagkain ang Alemanya nang makuha ngAlyadong Puwersa ang
kontrol sa Tangway ng Balkan. Mula 1914 ay mahigit dalawang milyong sundalo na ang nalagas sa
panig ng mga Aleman. Nagamit na rin ng imperyo ang lahat ng mga reserbang sundalo.

Mga armistisya at wakas ng digmaan


Nagsimula nang bumagsak ang Puwersang Sentral nang sumuko at lumagda ng armistisya
ang Bulgarya noong 29 Setyembre 1918 sa Tesalonica matapos ang mga labanan ng Dobro
Pole at Doiran. Sunod namang lumagda ng armistisya ang Imperyong Otomano sa Moudros matapos
matalo ang pinaka-epektibong puwersa nito sa Labanan ng Megiddo. Ang Austria-Unggarya naman,
sa kabilang banda, ay lumagda ng armistisya sa Villa Giusti noong Nobyembre 3 nang tuluyan nang
matalo ng mga Italyano ang kanilang sandatahan sa Labanan ng Vittorio Veneto.

Samantala sa Alemanya, napilitan nang bumaba sa tungkulin si Kaiser Wilhelm II noong 9


Nobyembre at tumungo papuntang Olanda. Noong araw ding iyon itinatag sa Alemanya
ang Republikang Weimar na siya nang lumagda ng armistisya noong 11 Nobyembre sa kagubatan
ng Compigne, Pransiya. Pagsapit ng ika-labing-isa ng umaga nang araw na iyon ipinatupad ang
tigil-putukan sa Bunsurang Kanluran. Si George Lawrence Price, isang Kanadyano, ang itinuturing na
kahuli-hulihang sundalong napatay noong Unang Digmaang Pandaigdig matapos siyang mabaril sa
ganap na 10:57 at namatay nang sumunod na minuto.
ARAL SA KASAYSAYAN
MGA PAGKAKAMALI NA SUMIRA SA PAGTITIWALA
Sumiklab ang unang digmaang pandaigdig dahil sa maling kalkulasyon. Walang ideya ang
mga lider sa Europa na ang kanilang ginagawang mga desisyon ay magbubunga ng pandaigdig na
kasakunaan noong mapayapang tag-araw ng 1914, ayon sa akdangThe Fall of the DynastiesThe
Collapse of the Old Order 1905-1922.
Sa loob lamang ng ilang linggo, ang pataksil na pagpatay sa artsiduke ng Austria ay nagsadlak
sa lahat ng makapangyarihang bansa sa Europa sa isang digmaan na hindi nila gusto. Paano
nangyari iyon? ang tanong sa chancellor ng Germany ilang araw pagkatapos magsimula ang
kaguluhan. A, kung may nakakaalam lang sana, ang malungkot na sagot niya.
Ang mga lider na gumawa ng kapaha-pahamak na mga desisyong humantong sa digmaan ay
walang kaide-ideya sa mga magiging resulta nito. Pero di-nagtagal, natanto ng mga sundalong
nakikipagbaka ang realidad ng digmaan. Natuklasan nilang binigo sila ng kanilang mga estadista,
nilinlang sila ng kanilang mga klero, at dinaya sila ng kanilang mga heneral. Paano?
-Binigo sila ng kanilang mga estadista, nilinlang sila ng kanilang mga klero, at dinaya sila ng kanilang
mga heneral
Ang mga estadista ay nangako na bubuksan ng digmaan ang daan para sa isang bago at mas
mabuting daigdig. Ipinahayag ng isang chancellor ng Germany: Ipinaglalaban natin ang mga bunga
ng ating mapayapang industriya, ang pamana ng mahalagang nakaraan, at ang ating kinabukasan.
Tumulong ang Pangulong Woodrow Wilson ng Amerika para mabuo ang isang popular na kasabihan

na ang digmaan ay tutulong upang gawing ligtas ang daigdig para sa demokrasya. At sa Britanya
naman, inisip ng mga tao na ito ay isang digmaan na tatapos sa digmaan. Nagkamali silang lahat.
Ang mga klero ay buong-pusong sumuporta sa digmaan. Ang mga tagapag-ingat ng salita ng Diyos
ang nanulsol sa mga tao na makipagdigma. Ang lubus-lubusang digmaan ay nauwi sa lubuslubusang pagkakapootan, ang sabi ng The Columbia History of the World. Ginatungan ng mga klero
ang apoy ng pagkapoot sa halip na patayin ito. Hindi nagawa ng mga klerigo, at karamihan sa kanila
ay ayaw pumayag, na unahin ang pananampalatayang Kristiyano bago ang bansa, ang sabi ng A
History of Christianity. Pinili ng karamihan ang mas madaling landas at ang Kristiyanismo ay itinuring
na kasinghalaga ng pagkamakabayan. Ang mga sundalong Kristiyano sa lahat ng denominasyon ay
hinimok na magpatayan sa ngalan ng kanilang Tagapagligtas.
Ang mga heneral ay nangako ng mabilis at madaling tagumpay, pero hindi iyon nangyari. Dinagtagal, ang magkalabang puwersa ay parehong talo. Naranasan ng milyun-milyong sundalo ang
inilarawan ng isang istoryador bilang marahil ang pinakamalupit at pinakamahirap na kalagayang
tiniis ng tao. Sa kabila ng matitinding pagkatalo, patuloy na ipinadadala ng mga heneral ang kanilang
mga sundalo sa mga barikada ng alambreng tinik at inilalantad sila sa sunud-sunod na putok ng
machine gun. Hindi nga kataka-taka na sumiklab ang mga rebelyon.
Paano naapektuhan ng unang digmaang pandaigdig ang lipunan? Sinipi ng isang akda ng
kasaysayan ang sinabi ng isang beterano: Ang digmaan . . . ay sumira sa isip at ugali ng isang
henerasyon. Oo, dahil dito, naglaho ang mga imperyo. Ang kalunus-lunos na digmaang iyon ang
naging pasimula ng pinakamadugong siglo sa buong kasaysayan. Halos naging karaniwan na ang
mga rebolusyon at protesta.

EPEKTO SA PAMUMUHAY

Ang pagsiklab ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang higit na nag-udyok sa mga
Asyano na magkaroon ng pagbabago at higit na magpunyagi sa pangunguna ng mga lider (Asyano)
nito na matamo ang minimithing kalayaan para sa mga bansa lalo na sa Timog at Kanlurang Asya.

Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ay lumakas sa bansang India ang kilusang


Nasyonalismo na naging daan upang magkaisa ang pangkat ng Hindu at Muslim. NAgkaroon
sa bansang Indi ng malawakang demonstrasyon, boykot at di pagsunod sa mga kautusang
Ingles, dahilan upang bigyan ang bansa ng autonomiya.

Pagkakaroon ng mga bagong bansa

Sosyalismo: Sama-samang pagmamay-ari o pamamahala sa paggawa at pamamahagi ng


mga kagamitan

League of Nations: Organisasyong naitatag na resulta ng Paris Peae Conference na


nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig.

Totalitaryanismo: Sistemang political na kalimitang pinamumunuan ng isang pangkat o grupo,


samahang pulitikal, o dominasyon sa lipunan.

Komunismo

Pasismo: Ang dating awtoritaryang kilusang political na namayani sa Italya mula 1922
hanggang 1943 sa ilalim ng pamumuno ni Benito Mussolini.

Diktadurya

Nazismo

Social: Sining, Pelikula, Literatura, atbp.

Teknolohiya

Kababaihan: Pagbibigay pagkakataon sa mga babae na pumasok sa pagsusundalo.

You might also like