You are on page 1of 3

Mahahalagang Katangian ng Nation-State

Pagkakaroon ng sentarlisadong pamahalaan sa


ilalim ng isang pambansang monarkiya na
may kakayahan at kapangyarihan na
magpatupad ng batas sa buong nasasakupan.
Pagkabuo ng isang hukbo ng mga propesyunal
na sundalo na tapat sa hari.
Nagsimula rin ang institusyon ng burukrasya sa
mga opisyal o kawani na may kasanayan para
patakbuhin ang pamahalaan ayon sa kautusan
ng monarkiya. Kabilang sa katungkulan ng mga
opisya at kawani ang pangongolekta ng buwis,
pagpapatupad ng batas, at pagkakaloob ng
hustisya.

PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT PAPEL NITO SA


PAGLAKAS NG EUROPE

Sa pagsapit ng 1073, naging mas


makapangyarihan ang Simbahan nang itakda ni
Papa Gregory VII na ang lipunan ay bahagi ng
kaayusang banal na napapasailalim sa batas ng
Diyos. Bilang pinakamataas na lider-espiritwal
at tagapagmana ng Simbahang Katoliko mula
kay San Pedro, ang Papa ang may
pinakamataas na kapangyarihan sa
pananampalataya at doktrina. Kaugnay nito,
ang lahat ng Obispo ay dapat na mapasailalim
sa kanya, gayundin ang mga hari na ang
kapangyarihan ay dapat lamang diumanong
gamitin sa layuning Kristiyano. May karapatan
ang Papa na tanggalin sa hari ang karapatang
mamuno kung hindi tumupad ang hari sa
kanyang obligasyong Kristiyano.
Ang Investiture Controversy ay sumasalamin sa
tunggalian ng interes ng Simbahan at
pamahalaan kaugnay ng mga ideya ni Papa
Gregory VII.
Concordat of Worms (1122)
kumilala sa dalawang tungkulin ng Obispo
bilang liderespiritwal ng Simbahan at
panginoong maylupa. Kinilala nito ang
Simbahan bilang isang nagsasariling institusyon
na pinamumunuan ng Papa na hindi
napapasailalim sa sinumang hari.

Ang simbahan ang pinakamakapangyarihang


institusyon sa panahon ng Middle Ages.
Malawak ang lupang pag-aari nito. Ito ang
nagtakda sa Europe ng pamantayan ng pag-
uugali at moralidad. Ito rin ang namahala sa
edukasyon. Maging ang mga hari ay kaya
niyang utusan o pasunurin. Sa pangunguna ng
Simbahan, nabuo ang imahen ng Europe bilang
isang malawak na kabuuang Kristiyano – ang
Republica Christiana na
pinamumunuan ng mga hari sa patnubay ng
Papa .

PAG-USBONG NG RENAISSANCE
Renaissance - “muling pagsilang” o rebirth.
o Bilang kilusang kultural o intelektwal na nagtangkang
ibalik ang kagandahan ng sinaunang kulturang Greek at
Roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at
kultura ng mga nasabing sibilisasyon
o Bilang panahon ng transisyon mula sa middle ages tungo
sa Modern Period o Modernong Panahon .

Ang mga lungsod estado sa hilagang Italy ay nakinabang sa


kalakalang ito. Noong ika-11 hanggang ika-12 siglo,
umunlad ang mga ito bilang sentrong pangkalakalan at
pananalapi saEurope. Monopolisado rin ng hilagang Italy
ang kalakalan sa pagitan ng Asya at Europe. Ilan sa mga
lungsod-estadong umusbong ay ang Milan, Florence,
Venice, Mantua, Ferrara, Padua, Bologna, at Genoa. Ang
yaman ng mga lungsod-estado na ito ay hindi nakasalalay
sa lupa kundi sa kalakalan at industriya.Sa katunayan, kung
nangangailangan ng pera ang Papa, hari, o panginoong
maylupa, nanghihiram sila sa mga mangangalakal at
banker ng mga lungsod-estado na ito. Ang mga Medici sa
Florence ay halimbawa ng isang pamilya ng mangangalakal
at banker.

You might also like