You are on page 1of 14

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Panahon ng Renaissance

1
Alamin
Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang
mga mahahalagang pangyayari sa panahon ng Renaissance. Ang kaalaman mo sa
panahong ito ay mabisang hakbang upang iyong makilala at mapahalagahan ang mga
naging ambag nito sa larangan ng pagbabagong pulitiko, ekonomiko at sosyokultural.
Makikilala mo rin ang iba’t ibang obra maestra ng mga kilalang tao sa iba’t ibang larangan.
Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang
maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral.
May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang
iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.
Ang modyul na ito ay nakapokus sa Panahon ng Renaissance na nahahati sa
sumusunod na paksa:

• Paksa 1- Kahulugan ng Renaissance


• Paksa 2- Ang mga Humanista
• Paksa 3- Mga Ambag ng mga Humanista

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

• Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko at sosyokultural sa


panahon Renaissance. AP8 MELC1 Q1 WEEK1

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

• natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa pagsibol ng Renaissance;


• naipaliliwanag ang papel na ginagampanan ng mga Humanista sa pag-usbong ng
Renaissance;
• naisaisa ang mga obra ng mga kilalang humanista sa iba’t ibang larangan;
• napahalagahan ang kontribusyon ng Renaissance;
• nasusuri ang kalagayang pulitikal, ekonomikal, at sosyo-kultural na kalagayan sa
panahon ng Renaissance;
• nakakasulat ng mga mungkahi sa iba’t ibang aspeto na naglalayong mapaunlad ang
bansa.

2
Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang angkop na kahulugan ng Renaissance?


A. muling pagbabago C. muling pagkatuto
B. muling pagkagising D. muling pagsilang

2. Sa anong bansa umusbong ang Renaissance?


A. France C. Greece
B. Germany D. Italy
3. Sa anong larangan nakasalalay ang yaman ng mga lungsod-estado sa
panahon ng Renaissance?
A. kalakalan at industriya
B. pangingisda at pagsasaka
C. pagpapastol at pagbabarter
D. pagsasaka at pag-aalaga ng hayop
4. Anong kilusang intelektuwalang nabuo noong panahon ng Renaissance?
A. Humanismo C. Propaganda
B. Pagbabago D. Reporma
5. Sino sa mga sumusunod ang kinikilala bilang “Prinsipe ng mga
Humanista?”
A. Desiderius Erasmus C. Nicollo Machievelli
B. Giovanni Boccaccio D. William Shakespeare
6. Ano ang naging sentro ng sansinukob o universe ayon kay Nicolas Copernicus
sa kanyang teoryang Heliocentric?
A. araw C. daigdig
B. bituin D. planeta
7. Ano ang pinakamahalagang naimbento ni Galileo Galilei na nagpatotoo sa
teoryang Heliocentric ni Copernicus?
A. sky rocket C. steam engine
B. spaceship D. telescope
8. Alin sa mga obra ni Leonardo da Vinci ang nagpakita ng “Huling Hapunan” ni
Kristo kasama ang kaniyang labindalawang disipulo?
A. Mona Lisa
B. Tribute Money
C. The Last Supper
D. Madonna and the Chilz
9. Ano ang pinakamahalagang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa
Europe sa panahon ng Renaissance?
A. Nagpalawak ng Simbahang Katoliko sa Italya
B. Nagtaguyod ng pagbuhay muli sa kulturang klasikal
C. Bumuhay muli sa mga turo at aral ng Simbahang Katoliko
D. Nagturo ng mga tamang pagpapahalaga bilang isang mamamayan

3
10. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ni Sir Isaac Newton sa larangan ng
agham?
A. Batas ng Universe
B. Teoryang Copernican
C. Teoryang Heliocentric
D. Batas ng Universal Gravitation
11. Sino ang tinaguriang “Makata ng mga Makata” sa panahon ng Renaissance?
A. Desiderius Erasmus C. Miguel de Cervantes
B. Francesco Petrarch D. William Shakespeare
12. Bakit tinawag na transisyonal na panahon ang Renaissance mula sa Medieval
tungo sa Modernong Panahon?
A. nagpasaya sa buhay ng mga Europeong mamamayan
B. mas pinalawig ang mga kaugalian at tradisyon sa Gitnang Panahon
C. naging panatiko ang mga Europeo sa turo at aral ng Simbahang Katoliko
D. nagdulot ng mga pagbabago na naging dahilan sa pagpapaunlad ng
imbensiyon at agham
13. Anong lugar ang nagsilbing punong kabisera ng Italy sa Panahon ng
Renaissance?
A. Florence C. Rome
B. Milan D. Vatican
14. Ano ang pinagkakaabalahang gawain ng mga tao sa Italy bago sumibol ang
Renaissance?
A. mga gawaing pambahay
B. pagtuklas ng mga bagong lupain
C. pagpapaunlad ng kanilang agrikultura
D. mga gawain, aral at turo ng simbahan
15. Sinong sa mga humanistang babae ang may akda ng Dialogue of Adam and
Eve?
A. Isotta Nogarola C. Sofonisba Anguissola
B. Laura Cerata D. Veronica Franco

Balikan
Marami ka nang napag-aralan tungkol sa mga kaganapan sa Europe na siyang
dahilan ng paglakas nito. Upang mataya ang dati mong kaalaman, sagutan ang
gabay na tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ano ang mahalagang papel ang ginampanan ng Katolisismo sa mga pagbabagong


naganap sa Europe?

_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4
Sa kasalukuyang panahon, ano ang naging papel na ginagampanan ng Simbahang
Katoliko?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Tuklasin

Sa kasalukuyan, isa sa pinakamayamang kontinente sa daigdig ang Europe. Taglay nito


ang mga pamana at mga bagong ideya sa iba’t ibang larangan. Ano kaya ang pinag-
ugatan nito at napanatili ang kanilang katatagan?

Gawain 1: Ako ay Matatag

Panuto: Isulat sa bilog ang mga salita o lupon ng mga salita na naglalarawan sa pagiging
matatag ng isang bansa. Gawin ito sa sagutang papel.

Matatag na bansa

Batay sa mga konseptong naitala sa itaas, paano mo mailalarawan ang isang matatag na
bansa? __________________________________________________

Suriin
Ang Pag-usbong ng Renaissance

Ang salitang Renaissance ay hango sa salitangPransesna nangangahulugang


“muling pagsilang” o rebirth. Layunin nito na muling ibalik ang kadakilaan ng kulturang
Greco-Romano sa pamamagitan ng pagpapanumbalik ng mga karunungang klasikal at
pagbibigay-halaga sa mga gawa at kakayahan ng tao sa aspeto ng sining, agham,
literatura at panitikan.

5
Mga Pangyayari sa Panahon ng Renaissance

Ang Renaissance ay Hinahati sa


umusbong sa maraming
bansang Italy. Ito ay Taglay ng Italy ang
nagsasariling
nagsimula noong mga magaganda at
lungsod-estado ang
1350 CE, sa may estratehikong lugar
Italy. Dahil dito
hilagang lungsod- para sa kalakalan.
nagkaroon ng
estado ng Italy. pagkakataon ang
Narating nito ang mga lungsod-estado
rurok ng katanyagan na makipagkalakalan
noong 1500. sa Kanlurang Asya
at sa mga karatig-
bansa sa Europa.

Malaki ang
ginagampanan ng mga
Ilan sa mga
unibersidad sa Italy.
lungsod-estado na
Dahil dito naging
kilala ay ang Milan,
masigasig ang mga
Florence, Venice,
mamayanan na
Genoa at iba pa.
buhayin at palawakin
Ang yaman ng
ang kanilang kaalaman
kanilang bansa ay
sa teknolohiya,
nakasalalay sa
pilosopiya na
kalakalan at
pinaghalong Mapa ng Italy industriya.
impluwensiya ng
Greyigo at Romano.

Pamprosesong Tanong

Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Paano mo mailalarawan ang lipunan sa Panahon ng Renaissance?


2. Paano hinubog ng Renaissance ang kamalayan ng mga tao sa Europe?
3. Sa anong paraan mo maipapakita ang pagbibigay-halaga sa iyong sariling
kakayanan upang matamo ang ganap na kagalingan?

Ang Humanismo

Ang Humanismo ay isang kilusang intelektuwal na naniniwalang dapat pagtuunan


ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome. Ito ay pinangunahan ng mga
Humanista. Sila ay mga iskolar na nanguna na muling maibalik ang Karunungang Klasikal
sa pamamagitan ng pag-aaral ng wikang Latin at Greek, Retorika, Kasaysayan, Pilosopiya,
Musika, Matematika, at Agham.

6
Mga Ambag ng Renaissance sa Iba’t ibang Larangan
Larangan Mga Humanista Kontribusyon
Francesco Petrarch  Kilala siya kinilala bilang “Ama ng
Humanismo.”
 Sinulat niya sa Italyano ang
“Songbook” isang koleksiyon ng mga
sonata ng pag-ibig patungkol sa
kanyang minamahal na si Laura
.
Giovanni Boccacio  Isinulat niya ang “Decameron”, isang
tanyag na koleksiyon ng isang
daang nakakatawang salaysay

Sining at
Panitikan
Miguel de Cervantes  Isa siyang nobelista. Isinulat niya ang
“Don Quixote de la Mancha.” Ang laman
ng kanyang nobela ay katawa-tawang
kasaysayan ng mga kabalyero.

Nicollo Machievelli  Isinulat niya ang “The Prince” kung saan


ipinayo niya na dapat gumamit ng
katusuhan, kalupitan at panlilinlang ang
mga pinuno para matamo ang
kapangyarihan

 Kilala siya bilang “Makata ng mga


Makata.”
 Isinulat niya ang kilalang mga dula gaya
ng “Julius Caesar,” “Romeo and Juliet,”

“Hamlet,” “Anthony and Cleopatra,” at


William Shakespeare “Scarlet.”

Desiderius Erasmus  Kilala siya bilang “Prinsipe ng mga


Humanista.”
 Isinulat niya ang “In Praise of Folly” kung
saan tinuligsa niya ang hindi mabuting
gawa ng mga pari at karaniwang tao.

7
Michelangelo  Dakilang Pintor at iskultor ng Sistine
Bounarotti Chapel sa Vatican. Pinintahan niya ito ng
mga pangyayari sa Bibliya mula sa
paglikha hanggang sa Malaking
Pagbaha

Leonardo da Vinci  Isa siyang kilalang pintor, arkitekto,


iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista,
Pinta musikero at pilosoper.
 Pinakatanyag niyang obra ay ang The
Last Supper o “Huling Hapunan.”

Raphael Santi  Kilala siya sa katawagang “Ganap na


Pintor.”
 Ilan sa kanyang tanyag na obra ay ang:
Sistine Madonna,Madonna and the
Child, at Alba Madonna

Nicolas  Ipakilala niya ang isang toerya na


Coperni nagsasaad na ang araw ang sentro ng
cus sansinukob. Ang mga planeta kasama
ang daigdig ay umiikot sa paligid ng
araw

Agham Galileo Galilei  Naimbento niya ang teleskopyo


Na nakatulong upang
mapatotohanan ang pahayag ni
Copernicus.

Sir Isaac Newton Ipinakilala niya ang Batas ng Universal


Gravitation. Ayon sa kanya ang taglay
ng bawat planeta ang lakas ng
grabitasyon

8
Mga Humanistang Kababaihan sa Panahon ng Renaissance
Pangalan Kontribusyon
Isotta Nogarola  Siya ang may akda ng Dialogue on Adam and Eve
at
Oration on the Life of St. Jerome.
Laura Cereta Isinulong niya ang makabuluhang pagtatanggol sa
pag-aaral ng humanistiko para sa kababaihan.
Veronica Franco at Kilala sila pagsusulat ng mga tula.
Vittoria Colonna
Sofonisba Anguissola  Ipininta nila ang Judith and her Servant with the
at Artemisia Gentileschi Head of Holoferness at ang Self Portrait as the
Allegory of Painting.

Kakaunti lamang sa mga kababaihan ang nabigyan ng pagkakataon na makapasok


sa mga unibersidad sa Italy. Gayunpaman, hindi ito hadlang upang sila ay makilala
at makapag-ambag sa panahon ng Renaissance gaya nina:

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang Humanismo?


2. Ano ang mahalagang papel ng Humanismo sa pagsibol ng Renaissance sa Europe?
3. Ano ang implikasyon ng ipinakitang pagpupunyagi ng mga kababaihang humanista
sa Panahon ng Renaissance?

Pamprosesong mga tanong

Panuto: Basahin at sagutan ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang ipinapahiwatig ng Rebolusyong Pangkaisipan?


2. Ano ang layunin ng Rebolusyong Pangkaisipan?
3. Paano sumibol ang Rebolusyong Pangkaisipan?
4. Paano nakatulong ang Rebolusyong Pangkaisipan sa pagbago ng balangkas ng
pamahalaan?
5. Bakit mahalaga ang partisipasyon ng bawat mamamayan sa pagbalangkas ng
pamahalaan sa pamamagitan ng pagkakalikha ng Saligang Batas?

Pagpapalaganap ng Ideyang Liberal

Pinalaganap ni Denis Diderot ang ideya ng mga philosophes sa pamamagitan ng pagsulat


at pagtipon ng 28-volume Encyclopedia.Layunin nitong baguhin ang paraan ng pag-iisip ng
mga tao sa pagbibigay ng mga bagong kaisipan sa usapin ng pamamahala, pilosopiya at
relihiyon. Binatikos niya ang kaisipang Divine Right at ilan sa mga tradisyunal na
paniniwala ng relihiyong katolisismo. Bilang tugon, ipinatigil ng pamahalaan at simbahan
ang pagkalat ng encyclopedia at binantaan ang mga katolikong bibili at babasa nito.
Subalit, nagawang makapag-imprenta ng mahigit kumulang na 20,000 na kopya ang
nasabing aklat. Nagawa ring maisalin ito sa iba’t ibang wika na mas lalong nagpakalat ng

9
mga ideya ng enlightenment at nakatulong sa pagsulong ng rebolusyong pangkaisipan na
lumaganap hanggang sa Europa, Amerika, Asya at Africa.

Gawain 2: Dugtungan Mo
Panuto: Dugtungan ang mga kataga upang makabuo ng makahulugang talata.
Ang mga humanista ay maraming kontribusyon sa Panahon ng Renaissance dahil
sa_________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 3: Tama o Mali


Panuto: Isulat ang salitang tama kung ang pahayag ay naglalahad ng wastong
impormasyon at mali naman kung ito ay hindi.

__________1. Ang kahulugan ng salitang Renaissance ay “muling pagsilang” o


rebirth.
__________2. Ang Renaissance ay sumibol sa bansang Pransya.
__________3. Ang unibersidad ay lugar kung saan ginanap ang palakasan.
__________4. Napaunlad ng Italy ang kanilang kabuhayan dahil sa tulong ng
kalakalan.

___________5. Tumibay ang tiwala ng mga mamamayan sa simbahang Katoliko


dahil sa Renaissance.
__________6. Ang mga Humanista ay mga iskolar na nangunguna sa
pag-aaral ng karunungang klasikal ng Greece at Rome.
__________7. Ang mga kalalakihan lamang ang sumikat sa Italya sa panahon ng
Renaissance.
__________8. Si Leonardo da Vinci ang nagpinta ng obrang The Last Supper o
“Ang Huling Hapunan.”
__________9. Ang Renaissance ay transisyonal na panahon ng Middle Age at Modern
Age.
__________10. Pinayaman ng Renaissance ang larangan ng panitikan at sining

Isaisip

Gawain 4: Dugtungan Mo
Panuto: Dugtungan ang kataga sa ibaba.

Natutunan ko sa araling ito na ang Renaissance ay __________________________


___________________________________________________________________

10
Isagawa

Gawain 5: Gawin Natin Ito


Panuto: Magtala ng tig-limang gawaing na magsisilbing kontribusyon mo sa pagunlad ng
mga sumusunod na institusyon.

Institusyon Mga Inaasahang Gawain


Komunidad

Paaralan

Simbahan

Tahanan

Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Bakit tinawag na transisyonal na panahon ang Renaissance mula sa Medieval tungo sa


Modernong Panahon?
A. nagpasaya sa buhay ng mga Europeong mamamayan
B. mas pinalawig ang mga kaugalian at tradisyon sa Gitnang Panahon
C. naging panatiko ang mga Europeo sa turo at aral ng Simbahang Katoliko
D. nagdulot ng mga pagbabago na naging dahilan sa pagpapaunlad ng imbensiyon
at agham

2. Ano ang pinagkakaabalahang gawain ng mga tao sa Italy bago sumibol ang
Renaissance?
A. mga gawaing pambahay C. pagpapaunlad ng kanilang agrikultura
B. pagtuklas ng mga bagong lupain D. mga gawain, aral at turo ng simbahan
3. Alin sa sumusunod ang angkop na kahulugan ng Renaissance?
A. muling pagbabago C. muling pagkatuto
B. muling pagkagising D. muling pagsilan
4. Sa anong bansa umusbong ang Renaissance?
A. France C. Greece
B. Germany D. Italy
5. Sa anong larangan nakasalalay ang yaman ng mga lungsod-estado sa panahon ng
Renaissance?
A. kalakalan at industriya C. pagpapastol at pagbabarter
B. pangingisda at pagsasaka D. pagsasaka at pag-aalaga ng hayop

11
MAPANURING TUGON (REFLECTIVE FEEDBACK)
1. Aling bahagi ng paksa ang madali mong naunawaan? Bakit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Aling bahagi ng paksa ang mahirap mong naunawaan? Bakit?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Aling bahagi ng mga gawain ang nakapupukaw ng interes sa iyo? Bakit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. Aling bahagi ng paksa ang nangangailangan pa na mas maliwanag na talakayan
para sa iyo? Bakit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

12
Gawain 1

Panuto: Isulat sa bilog ang mga salita o lupon ng mga salita na naglalarawan sa pagiging matatag ng isang
bansa. Gawin ito sa sagutang papel.

Ganap na
Magaling na industriyalisasyon
Magaling ang
produksiyong
pangangasiwang
agrikultural
publiko
Ang bansa ay malakas
kapag…

Mataas ang lebel ng Mataas ang lebel na


teknolohiya kaalaman at mabuti ang
kalusugan ng yamang-
Matatag ang
ekonomiya

Pamprosesong tanong
1. Mailalarawan ang lipunan sa panahon ng Renaissance sa pagiging maunlad. Nagsumikap ng mga tao na sa
panahong ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang kagalingan sa iba’t ibang larangan.
2. Hinubog ng renaissance ang kamalayan ng mga tao sa Europe sa pamamagitan ng matagumpay na
pagsaliksik sa iba’t ibang larangan. Ang kanilang mga damdamin ay ipinahayag sa pamamagitan ng kanilang
pagpipinta, sining at panitikan at maging sa agham.
3. Maipapakita ko ang pagbibigay -halaga sa aking kakayahan sa pamamagitan ng pagsasanay kung ano
mang talento ang meron ako. Gawin itong kapaki-pakinabang para sa sarling komunidad at maging sa buong bansa.

Pamprosesong Tanong:

1. Ang Humanismo ay isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dap at pagtuunan
ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome sap ag -aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng
aral na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay.
2. Sa humanismo umusbong ang mga kilalang humanista. Sila ang mga nag-aaral ang nagpaunlad ng pilosopiya,
sining, agham at iba’t ibang larangan na nagpabago sa takbo ng kasaysayan ng Europe.

kakayahan
3. Kaunti lamang ang mga babaeng naging kilala sa Renaissance Nguni ipinakita rin nila ang kanilang
gaya ng mga kalalakihan
tulad ng sining, pagpipinta at iba pang larangan.

GAWAIN 2
Gawain 3
Ang mga humanista ay maraming kontribusyon sa Panahon
1. Tama ng Renaissance dahil sa mayroon silang unibersidad na tumulong sa kanila
2. Mali kaalaman.
upang mapaunlad ang kani-kanilang mga
3. Mali
4. Tama
5. Mali
6. Tama
7. Mali
8. Tama
9. Tama
10. Tama
13
Gawain 4

Natutunan ko sa araling ito na ang Renaissance ay isa sa mga dahilan kung bakit lumakas ang Europe.

Marami silang nagawa na nagpapatunay sa kanilang mga kahusayan at kagalingan sa iba’t ibang larangan. Maaaring
makapagambag ang kahit sino sa atin. Magpunyagi at paunlarain ang sariling kakayahan.

Sanggunian

Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco,
Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 –
Modyul ng mag-aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of EducationInstructional Materials
Council Secretariat (DepEd-IMCS).

Mateo, Grace Estela C., Rosita D. Tadena, Mary Dorothy dl. Jose, Celinia E.
Balonso, Celestina P. Boncan, John N. Ponsaran and Jerome A. Ong. 2012.
Kasaysayan ng Daigdig : Batayang aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon. Queszon City, Philippines: Vibal
Publishing House, Inc.

Vivar, Teofista L., Nieva J. Discipulo, Priscilla H. Rille, Zenaida M. de Leon. 2000. Kasaysayan ng Daigdig: Batayang
Aklat sa Ikatlong Taon. Metro Manila, Philippines: Sd Publications, Inc.

Project EASE ADM Module Araling Panlipunan 8 Module 11- Panahon ng Renaissance .

14

You might also like