You are on page 1of 7

PERIODIC TEST IN ARAL. PAN.

TABLE OF SPECIFICATIONS
Q3 ARPAN VIII

ITEM PLACEMENT
ITEM
EASY AVERAGE DIFFICULT NO. OF
COMPETENCY CODE PLACE ITEMS
MENT REMEMBER/ UNDERSTAND/ APPLY/ ANALYZE/ EVALUATE/ CREATE/

KNOWLEDGE COMPREHENSION APPLICATION ANALYSIS SYNTHESIZE EVALUATION

Nasusuri ang
mahahalagang
pagbabagong politikal, 1,2,4,5,6,
1-8 3 8
ekonomiko at sosyo- 7,8
kultural sa panahon
Renaissance
Nasusuri ang dahilan, 9,10,11,1
pangyayari at epekto ng 2,13,14,
9-16 15 8
unang Yugto ng
Kolonyalismo 16
Nasusuri ang dahilan,
kaganapan at epekto ng 17,18,19,
Rebolusyong Siyentipiko, 17-24 20,21,22, 8
Enlightenment at 23,24,
Industriyal
Naipapaliwanag ang
kaugnayan ng
Rebolusyong 25,28,30,
25-33 32 27,29, 26,33 9
Pangkaisipan sa 31
Rebolusyong Amerikano
at Pranses.
Nasusuri ang dahilan,
pangyayari at epekto ng
34,35,36,
Ikalawang Yugto ng 34-41 37,39 8
38,40,41
Kolonyalismo
(Imperyalismo)
Naipapahayag ang
pagpapahalaga sa pag-
AP8P
usbong ng
MD- 42-50 42,49,50 43,44,45,48 46 48 9
Nasyonalismo sa
IIIi-10
Europa at iba’t ibang
bahagi ng daigdig.
Q3 PERIODIC TEST IN ARPAN 8

Pangalan: ____________________________________ Baitang at Pangkat: ______ Iskor: ________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat aytem. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at isulat sa
sagutang papel.

1. Bakit sa Italya unang sumibol ang Renaissance?


A. Lokasyon
B. Katatagang Pampulitika at Pang-ekonomiya
C. Maraming mga tagapag-ambag ng Renaissance ay isinilang dito
D. Lahat ng nabanggit
2. Bakit tinawag na transisyonal na panahon ang Renaissance mula sa Medieval tungo sa Modernong
Panahon?
A. Nagpasaya sa buhay ng mga Europeong mamamayan.
B. Mas pinalawig ang mga kaugalian at tradisyon sa Gitnang Panahon.
C. Naging panatiko ang mga Europeo sa turo at aral ng Simbahang Katoliko
D. Nagdulot ng mga pagbabago na naging dahilan sa pagpapaunlad ng imbensiyon at agham.
3. Alin sa mga pahayag ang hindi nagsasaad ng kahalagahan ng Renaissance sa kasalukuyang
panahon?
A. Nagdudulot ito ng pagkakalito sa paniniwala ng mga katoliko.
B. Karamihan sa mga bansa ay binigyang halaga ang humanism.
C. Naging batayan ang sinaunang pag-aaral sa mga makabagong kaalaman.
D. Pinag-ibayo ang pagiging malikhain at paglikha ng mga bagong kaalaman sa iba’t ibang larangan
lalo na sa agham.
4. Sa anong larangan nakasalalay ang yaman ng mga lungsod-estado sa panahon ng Renaissance?
A. kalakalan at industriya C. pagpapastol at pagbabarter
B. pangingisda at pagsasaka D. pagsasaka at pag-aalaga ng hayop
5.Ang panahong Renaissance ay kakikitaan ng mga sumusunod na katangian maliban sa isa:
A. Pagbibigay halaga sa tao at ikabubuti nito. C. Paglikha ng iba’t- ibang anyo ng sining.
B. Pagsunod sa kagustuhan ng simbahan. D. Pag-usbong mga mga humanista.
6.Ang Renaissance ay nagmula sa Italya, alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapaliwanag kung bakit
ito nagsimula sa Italya.
A. Taglay nito ang magandang lokasyon.
B. Ang Italya ay kontrolado ng Papa sa Roma.
C. Maraming unibersidad na pwedeng pag-aralan.
D. Ang Italya ay mas malapit sa mga sinaunang Romano.
7.Sa aling obra maestra ni Leonardo da Vinci ipinapakita ang isang mahalagang eksena sa buhay ni
Kristo kasama ang kaniyang labindalawang disipulo?
A. Mona Lisa B. Tribute Money C. The Last Supper D. Madonna and the Child
8.Ano ang pinakamahalagang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa Europa sa panahon ng
Renaissance?
A. Nagpalawak ng Simbahang Katoliko sa Italya.
B. Nagtaguyod ng pagbuhay muli sa kulturang klasikal.
C. Bumuhay muli sa mga turo at aral ng Simbahang Katoliko.
D. Nagturo ng mga tamang pagpapahalaga bilang isang mamamayan.
9. Sinong hari at reyna ng Spain ang sumuporta sa ekspedisyon nina Columbus at Magellan?
A. Henry at Anne B. William at Mary C. Carlos at Elizabeth D. Ferdinand at Isabella
10. Ano ang pinakamahalagang nadiskubre o napatunayan ng ekspedisyon ni Ferdinand Magellan?
A. Ang mundo ay bilog. C. Mayaman ang kultura ng mga taga-Silangan.
B. Mayaman sa ginto ang Pilipinas. D. Masagana ang pamumuhay ng mga taga-Silangan.
11. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik na nagbunsod sa paglalayag ng mga Europeo
noong ika-14 siglo?
A. paglalakbay ni Marco Polo C. pagiging mausisa na dulot ng Renaissance
B. pagbagsak ng pamilihan sa Venice D. pagbagsak ng Constantinople sa mga Turkong Muslim
12. Alin sa mga sumusunod na paraan ng pananakop ang giinamit ng mga Dutch sa Asya at maituturing
na dahilan kung bakit mas nagtagal ang kanilang kontrol sa Asya kaysa sa America?
A. pagtatakda ng sistema ng plantasyon
B. pagkakatatag ng Dutch East India Company
C. pagkakabuo ng patakaran sa sapilitang paggawa
D. pagpapatibay sa mga trading outpost o himpilang pangkalakalan
13. Ano ang tawag sa sasakyang pandagat na ginamit ng mga Europeo sa kanilang paglalayag sa
Panahon ng Eksplorasyon? A. armada B. caravel C. galleon ship D. steam ship
14.Anong kasunduan ang nilagdaan ng mga bansang Portugal at Spain na nagtatakda ng panibagong
line of demarcation na siyang batayan sa mga lugar na maaari nilang galugarin?
A. Kasunduan sa India C. Kasunduan sa Versailles
B. Kasunduan sa Paris D. Kasunduan sa Tordesillas
15.Paano mo ilalarawan ang epekto ng kolonyalismo?
A. Pawang kabutihan ang dala ng kolonyalismo sa mga bansang nasakop ng mga Europeo.
B. Ang pananakop ng mga Europeo ay nagbigay-daan sa pag-usbong ng pandaigdigang kalakalan.
C. Ang kolonyalismo ay nagdulot ng positibo at negatibong epekto sa mga bansang sakop ng mga
Kanluranin.
D. Nagdala ang mga Kanluranin ng mga sakit sa kolonya na naging sanhi ng maraming pagkamatay
ng mga katutubo.
16. Ano-anong bansa ang unang nagpaligsahan sa eksplorasyon at nabigasyon noong ika-14 hanggang
ika-15 siglo?
A. England at Portugal B. France at Spain C. Netherlands at England D. Spain at Portugal
17. Ang mga sumusunod ay epekto ng pagkamulat o enlightenment MALIBAN sa isa?
A. Pagtuligsa sa luma na paniniwala
B. Pagkilala sa pilosopiya ng kaunlaran sa pamamagitan ng siyensiya
C. Pag-unlad ng isang bansa sa larangan ng siyensiya
D. Pagiging bukas ng simbahan sa hinaing ng kanyang nasasakupan.
18.Ano ang kaganapan noong ika-15 na siglo?
A. Ang pag-unawa ng mga Europeo tungkol sa mundo at sansinukob ay batay sa aral ng mga Kristiyano
at pilosopiya ni Aristotle.
B. Ito ang simula ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang
pagmamasid sa sansinukob.
C. Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng panibagong pananaw sa
kaalaman at paniniwala ng mga Europeo.
D. Ang dating impluwensiya ng Simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay nabawasan at
humina dahil sa mga paglalathala ng mga bagong tuklas na kaalaman na pinatunayan ng “bagong
siyensiya”
19.Ito ay isang instrumento sa pagkakaroon ng panibagong pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga
Europeo?
A.Rebolusyong Pulitika C.Rebolusyong Siyentipiko
B.Rebolusyong Indutriyal D. Rebolusyong Ekonomiya
20. Isa pa sa kaniyang inilahad ay ukol sa pag-ikot ng mundo sa sarili nitong aksis habang ito’y umiikot
sa araw. Idinagdag pa niya na ang araw ang nasa sentro?
A.Johannes Kepler B. Thomas Hobbes C. Galileo Galilie D. Nicolaus Copernicus
21.Ito ang tinaguriang panahon ng kaliwanagan at pagtaliwas sa paniniwala ng walng siyentipikong
basehan?
A. Rebolusyong Pulitika C.Rebolusyong Siyentipiko
B. Rebolusyong Indutriyal D. Enlightenment
22. Ang mga sumusunod ay mga layunin sa Enlightenment MALIBAN sa isa?
A. Pagkakaroon ng kaliwanagan ng isipan sa pamamagitan ng pagkonsinte sa pananaw ng
nasasakupan.
B. paggamit ng mga siyentipikong basehan sa mga bagy-bagay.
C. pagtuligsa sa luma na paniniwala
D. pag-iimbento ng mga kagamitan
23. Ano ang tawag sa pagtuligsa sa makalumang paniniwala ng walang matibay na dahilan?
A. Enlightenment B. Simony C. siyentipiko D. industriyal
24. Siya ay kilala sa larangan ng pagsulat at isa sa kanyang mga ginawa ay ang Meditationes de Prima
Philisophia na nailathala noong 1641?
A. Rene Descartes B. Francois Marie d’Arouet C. Voltaire D. Thomas Hobbes
25. Alin sa mga nabanggit ang pangunahing epekto ng Rebolusyong Pranses?
A. Pagtanggal ng sistemang piyudal.
B. Pagpirma ng “Deklarasyon ng Karapatang Pantao”
C. Paglansag ng monarkiya at pagtatayo ng republika
D. Paglawak ng ideyang kalayaan, pagkakapantay-pantay at Pagkakapatiran
26. Nagdulot ng pag-unlad sa lipunan at ekonomiya ang Rebolusyong Industriya, subalit kaakibat nito ay
mga suliraing panlipunan at pangekonomiya din. Alin sa sumusunod ang pinakamabigat na suliraning
dulot nito?
A. Dumadsa ang mga tao sa lungsod mula sa probinsiya.
B. Maraming nawalan ng hanapbuhay at naging palaboy.
C. Maraming bata ang napilitang magtrabaho.
D. Naging dahilan ito ng hidwaang pampolitika
27. Binago ng panahon ang pagtingin ng tao sa sansinukob dahil sa makabagong ideya at imbensiyon
ang nabuo noong Rebolusyong Siyentipiko. Ano ang pinakamahalagang ambag ng Rebolusyong
Siyentipiko sa mga Kanluranin?
A. Maraming aklat ang naisulat tungkol sa agham sa panahong ito.
B. Nakapagtatag ng mga paaralang agham sa Europe.
C. Nabago ang tingin ng mga Kanluranin sa sansinukob.
D. Naging pangunahing dahilan ito ng kamalayan ng mga Kanluranin.
28. Siya ay isang mahusay na heneral na nagpalawak ng kapangyarihan ng Pransiya sa Europa
A. Napoleon Bonaparte B. George Washington C. George Danton D. Maximillien Robespiere
29. Ang mga bansang France at England ay matagal nang may alitan. Nagbigay ng tulong military ang
France sa United States noong nagsimula ang Rebolusyong Amerikano na nakatulong sa
pagtatagumpay nito? Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang pinakangkop tungkol dito?
A. Magkakampi ang France at United States.
B. Magkasabay na nilabanan ng England ang United States at France.
C. Galit ang France sa ginawang pananakop ng England sa United States.
D. Ginamit na pagkakataon ng France ang Rebolusyong Amerikano upang mapabagsak ang England.
30.Sino sa mga sumusunod na pilosopong Ingles na nagpanukala na ang kaalaman ng isang tao ay
nagmula sa karanasan at binigyan diin niya na ang kaisipan ng tao ay maitutulad sa “tabula rasa o
blank slate?
A. John Locke B. John Adams C. Rene Descartes D. Jean-Jacques Rousseau
31.Anong bansa ang itinuturing bilang isang malakas, makapangyarihan, may mahuhusay na mga
sundalo subalit natalo ng mga Amerikanong sundalo na di nagkaroon ng mga pagsasanay sa
pakikipaglaban. A. Amerika B. England C. Pranses D. Britanya
32. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bukod
sa pagbili ng mga produktong Pilipino?
A. Disiplinado B.Malikhain C.Masunurin D.Lahat ng nabanggit
33.Alin ang mga pahayag na nagpapakita ng nasyonalismo sa kasalukuyang panahon?
I. Mamuhunan sa ibang bansa upang malaki ang kita.
II. Sumunod sa batas na ipinatutupad ng sariling barangay.
III. Magtapos ng pag-aaral sa ibang bansa at paggamit ng natutuhan sa sariling bansa
IV. Gumamit ng wikang Ingles upang maipakilala ang kalinangan at kulturang Pilipino.

A. I, II, III B. I, II, III at IV C. II, III at IV D. II at IV


34. Ang Asya at Africa ay mga rehiyon na pangunahing biktima ng mga kanluranin, dahil sa?
A. Walang kaalamang mamuno C. Kawalan ng mga lider
B. Mayaman sa mga likas na yaman D. Di sibilisado
35. Ano ang tawag sa mukha o anyo ng kung pananakop na hinahayaan ang mga katutubo na siyang
mamuno at ang mga mananakop ang nagsilbing tagapangalaga lamang.
A. Annexation B. Protectorate C. Concession D. Sphere of Influence
36. Anong kaisipan o konsepto ang hangarin ng mga kanluranin na matulungan ang mga katutubo na
maging kristiyano at mga kaalamang pangkalusugan, teknolohiya at medisina?
A. Konseptong “ The White’s Man Burden “ C. Konseptong “The Man and the Castle”
B. Konseptong “The White’s Man Castle” D. Konseptong “The White’s Man Hair”
37. Ano-anong mga epekto ang dala ng ikalawang yugto ng imperyalismo sa pananakop MALIBAN sa
isa?
A. Nabago ang pang-ekonomiya ng bansa mga bansang sinakop
B. Nabago ang kultura at paniniwala ng mga katutubo
C. Nakaranas ng mga pagsasamantala at pag-aabuso ang mga katutubo
D. Yumaman ang mga maliit na bansa na kanilang sinakop
38. Ano ang salik ang ginamit nila upang maprotektahan ang mga kolonyang bansa laban sa iba pang
mananakop? A. base militar B. sasakyang-dagat C. himpilan D. armas
39. Bakit yumaman ang mga kapitalista ng bansa sa Europa?
A. Dahil sa lawak ng nasasakupan nila. C. Dahil sa mabilis ang benta ng kalakal
B. Dahil sa sobra at laki ng interes ng kanilang kalakal. D. Dahil sa matinding pangangailangan
40. Ang tawag sa digmaan laban sa Tsina at mga Inglesna nagbigay daan sa kasunduan sa Nanking?
A. Digmaang Kadesh B. Digmaang Opyo C. Digmaang Indo-Tsina D. Digmaang Sibil
41. Ito ang kasunduan na nagbibigay ng limitadong Karapatan sa mga mangagalakal ng ibang bansa sa
Japan.
A. Kasunduan sa sicily C. Kasunduang Kaganawa
B. Kasunduang Osaka D. Kasugdaang Kyoto
42. Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa
a. pagmamahal sa bayan b. pagnanais lumaya c. pakikipaglaban d. pakikipagsabwatan
43. Bakit itinuturing na mahalaga ang panggitnang uri ng lipunan sa pag-usbong ng nasyonalismo?
A. Dahil sila ang tagapamagitan sa katutubo at mga banyaga
B. Dahil hati ang kanilang simpatiya sa katutubo at mga banyaga
C. Dahil sumusuporta sila sa mga banyaga
D. Dahil ang pangkat na ito ang nangunguna sa kaunlaran
44. Paano nakaimpluwensiya ang nasyonalismo sa paghahangad na lumaya?
A. Ang nasyonalismo ang nagbukas sa kanilang isipan upang umalma sa pamamahala ng ibang lahi.
B. Ang nasyonalismo ang responsable kaya sila nakipagdigmaan.
C. Ang nasyonalismo ay nagturo ng pakikibaka.
D. Ang nasyonalismo ang dahilan ng mga radikal na pagbabago.
45. Paano naging bahagi sa pagkabuo ng nasyonalismo ang aspetong politikal ng bansa?
A. Dahil ang posisyon sa pamahalaan ay limitado lamang sa mga may kakayahan.
B. Dahil hindi mabuti ang mga panukalang ipinatutupad.
C. Dahil hindi sapat ang serbisyong ibinibigay sa mga mamamayan.
D. Dahil sa hindi patas at mapaniil na mga batas, kawalan ng katarungan, korapsiyon at katiwalian ng
mga namumuno.
46. Kinilala si Vladimir Lenin at Josef Stalin bilang taga-gising ng damdaming nasyonalismo ng mga
Ruso samantalang si Simon Bolivar naman ay tinaguriang tagapag-palaya ng hilagang bahagi ng
Timog, at si Jose de San Martin naman sa rehiyon ng Argentina. Hindi rin malilimutan si Dr. Jose Rizal
at Andres Bonifacio ng Pilipinas. Ang ideyang ito ay nagpapakita na…
A.Malaking bahagi ng daigdig ay sumailalim sa pananakop ng mga Kanluraning bansa
B. Bawat rehiyon o bansa sa daigdig ay may nabuhay na tagapag-taguyod ng nasyonalismo
C. Ang mga lalaki lamang ay may malaking ginagampanan sa pakikipaglaban sa mga mananakop
D. Hindi uusbong ang damdaming nasyonalismo kung wala ang mga nabanggit na personalidad sa
kasaysayan
47. Ang sumusunod ay nagpapakita ng nasyonalismo ng mga tao, maliban sa;
A. ang pagsunod ng mga sinakop sa mga mananakop
B. Nagsagawa ang grupo ni Mohandas Gandhi ng “Salt” Strike
C. Pagtuligsa ng mga sinakop sa mga maling pamamalakad ng mga mananakop
D. Ang pakikipaglaban ng mga sinakop para sa kalayaan ng kanilang bansa
48. Ang nasyonalismo ay umusbong sa mga bansa sa Europa gaya ng England, France, Russia; sa mga
bansa sa timong at hilagang Amerika gaya ng USA, Cuba, Argentina; at sa Asya gaya ng India, Japan,
Pilipinas at maraming iba pa. Ano ang karaniwang ipinaglaban ng mga nasyonalista?
A. Kalayaan B. Karapatan C. Kultura at Ekonomiya D. Kalayaan at Karapatan
49. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangyayaring nagpasiklab sa damdaming
makabayan ng mga mamamayan sa India?
A. Pagbaril sa mga taong mapayapang nagpupulong sa Amritsar, Punjab.
B. Pagkakaroon ng diskriminasyon laban sa mga Hindu kahit na nakapag-aral ang mga ito sa Europa.
C. Pagpapatatag ng Basic Democracy laban sa monarkiyal na pamamahala ng Britanya sa Muslim
League.
D. Pamumuno nina Allan Octabian Hume at Mohandas Gandhi sa mga samahan at usapin ukol sa
paglaya ng India.
50. Alin ang dahilan kaya hindi naisakatuparan ang pangarap ni Bolivar na maitatag ang nagkakaisang
South America?
A. Dahil namatay siya
B. Dahil natalo siya sa digmaan
C. Dahil nawalan na siya ng interes na ipaglaban ang bansa
D. Dahil pinaghinalaan siyang gustong maging diktador at binalak na ipapatay.
ANSWER KEY
1. D 26. B
2. D 27. D
3. A 28. A
4. A 29. D
5. B 30. A
6. B 31. C
7. C 32. D
8. B 33. D
9. D 34. B
10. A 35. B
11. B 36. A
12. B 37. D
13. B 38. A
14. D 39. B
15. C 40. B
16. D 41. C
17. A 42. A
18. A 43. A
19. C 44. A
20. D 45. D
21. D 46. C
22. D 47. A
23. B 48. D
24. A 49. C
25. C 50. D

You might also like