You are on page 1of 13

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Mga Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo

ii
NegOr_Q3_AP8_Modyul3_v2
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Mga Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo

Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Luanne C. Cadayday


Editor: Maricel C. Orbeta, Germelina V. Rozon
Tagasuri: Divina May S. Medez, Gemma F. Depositario EdD
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera


Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman
ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin
Magandang araw sa inyo!

Sa araw na ito ay pag-aralan mo ang tungkol sa unang yugto ng kolonyalismo. Sa


pamamagitan ng modyul na ito, malalaman mo ang mga dahilan, pangyayari at epekto sa
yugto na ito. Magkakaroon ka rin ng kaalaman sa mga dahilan kung bakit naganap ang mga
pananakop noon, anong mga lugar ang nasakop at ang mga bansa na nagsagawa ng mga
eksplorasyon.Ngayon tunghayan natin ang mga kaganapan sa unang yugto ng
kolonyalismo.

Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel o
kwaderno. Simulan mo na!

1. Kailan nagsimula ang paglulugad ng mga Kaluranin sa mundo?


A. 17 siglo B. 16 siglo C. 15 siglo D. 14 siglo

2. Anong kontinente ng mundo ang nagpasimuno sa eksplorasyon para sa paglulugad ng


daigdig?
A. Asya B. Amerika C. Africa D. Europe

3. Saan naka sentro ang unang kalakalang pangdaigdig?


A. Asya B. Amerika C. Africa D. Europe

4. Anong sakit ang dala ng mga barkong Europeo mula sa Africa tungo sa New World?
A. Tigdas B. Yellow fever C. Bulutong D. COVID

5. Tawag sa pagpapalitan ng hayop, halaman, at sakit sa Amerika at Europe?


A. Money Exchange B. Barter C. Trade D. Columbian Exchange

6. Siya ay kilala bilang nanguna sa paggalugad sa Amerika?


A. Ferdinand Magellan C. Christopher Columbus
B. Vasco de Gama D. King Henry

7.Ang bagong lahi kung saan magkaroon ng anak ang mag-asawang taga-Europe at mga
katutubo ng Asya?
A. Mix B. Half C. Mestizo D. Tisoy

1 NegOr_Q3_AP8_Modyul3_v2
8. Ang mga taga Kanluranin ang nangunguna sa paggalugad sa daigdig at nagkaroon ng
kolonisayon sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Alin dito ang epekto ng kolonyalismo sa
kanila?
A. Matiwasay ang mga nasasakop ng mga lupain.
B. Malulusog ang mga mamamayan dahil sa sagana ng pagkain.
C. Walang nagyaring pagbili na alipin.
D. Tumaas ang populasyon ng Europe at nagkaroon ng “Columbian Exchange”.

9. Isa na mga motibo sa kolonyalismo ay ang pagpapalawak ng Kristyanismo. Ano


ang nagiging resulta nito sa bansang nasakop?
A. Nagiging mapayapa ang lupain at banal ang mga katutubo.
B. Napalawak ang relihiyon at ginamit ito para makuha ang mga ginto at pilak
C. Ang simbahang Katolika ang tumulong para makaahon sa hirap ang mga
mamamayan.
D. Lahat na nabanggit.

10. Ang eskplorasyon ang nagbigay daan sa pagtuklas ng mga lupaing hindi pa nagagalugad
o natuklasan. Kung ikaw ang isa sa mga lider ng eskplorasyon, ano ang gagawin mo para
sa ikakabuti ng iyong natuklasang lupain?
A. Angkinin ang buong lupain at maging Hari o Reyna.
B. Kukunin ko ang lahat na kayamanan at dahil ko ito sa akin lupang sinilangan.
C. Pangangalagaan ko ang mga mamamayan at dapat may kapalit ito.
D. Pagiging patas at isipin ang kapakanan ng mga mamamayan at ang kayamanan
nito.

Balikan
Sa bahaging ito ay kailangan mong balik-aralan ang nakaraang leksyon upang
maiugnay mo ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Panuto: Punan ang Data Retrival Chart batay sa hiningi ng bawat kahon. Isulat sa iyong
sagot sa sagutang papel.

Mga Dahilan ng Panggagalugad Mga Bansa Nagsagawa ng


Kolonisasyon

1 1

2 2

3 3

4 4

5 5

2 NegOr_Q3_AP8_Modyul3_v2
Tuklasin
Gawain 1: MGA LARAWANG ITO SURIIN MO!
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at sagutin ang tanong sa ibaba..

(mcgallandcarl 2014)

(Edteckn.d.)

Pamprosesong mga Tanong:


Pakisulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Ano ang mensahe na nais ipahiwatig sa una larawan at sa ikalawang larawan?

3 NegOr_Q3_AP8_Modyul3_v2
Suriin
Sa bahaging ito, basahin, suriin, at unawain mo ang nilalaman ng teksto sa mga epekto
ng unang yugto ng kolonyalismo. Pagkatops mong basahin ay sagutin ang mga tanong at ang
mga susunod na gawain na may kinalaman sa paksa.

Ang Mga Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo

Ang mga eksplorasyon na pinangungunahan ng Portugal noong ika-15 siglo ang


nagbigay daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at hindi
pa natutuklasan. Ito rin ang nagsilbing dahilan sa ugnayan ng Kanluran at Silangan kung saan
ang mga dayuhang lupain ay nagtatatag ng permanenteng paninirahan o umiiral dito ang
sistemang pagkokolonya o ang tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa
isang mahinang bansa.

Dahil sa pananakop at pag-angkin ng mga Kanluranin sa mga lupaing kanilang


natuklasan, nasakop at pinamamahalaan ayon sa kanilang sistema ay nagkakaroon ito ng
pagbabago sa buong mundo. Nakilala ang iba’t ibang produkto at dumami ang uri ng pagkain
dahil sa kalakalan. Naging sentro ng kalakalang pandaigdig ang Europe sa simula dahil sa
pagdami ng pera at paglawak ng kaalaman ng pagnenegosyo. Sumigla ang paglaganap ng
sibilisasyong Kanluranin sa Silangan. Lumawak ang kalaman sa Heograpiya at sa iba pang
larangan ng agham. Nagkakaroon ng maraming ginto at pilak ang Europe. Nagkakaroon ng
bagong lahi tinatawag na “Mestizo” dahilan ng pag-aasawa ng mga Kanluranin sa mga taga
Silangan.

Sa kabilang dako ng kolonyalismo ito rin ang naging dahilan ng pagkamatay ng


malalaking bilang ng populasyon ng daigdig sa dalang sakit ng mga Kaluranin sa Amerika
tulad ng bulutong, tigdas o tipus at nakuhang sakit ng Europeo mula Africa gaya ng “Yellow
Fever” at malaria. Tumaas ang kalakalan ng mga alipin na galing sa Africa upang tustusan ng
lakas paggawa sa North at South America dahil sa marami sa mga katutubo ang namatay sa
mga sakit. Nasira ang kultura ng mga taga-Africa at nabawasan ang populasyon ng Africa.
Nagdulot ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng kawalan ng kasarinlan,
paninikil at pagsasamantala sa likas na yaman. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa
daigdig na nagresulta ng palitan ng mga hayop, halaman, pati mga sakit sa Old World (Asya,
Europe, at Africa) at New World (Hilaga at Timog Amerika) na tinatawag na “Columbian
Exchange” bilang pagkilala ni Christopher Columbus na nanguna sa paggalugad sa Amerika.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Anong bansa ang nanguna sa pananakop noon?


2. Bilang isang mag-aaral, makatarungan ba ang ginawang pananakop ng mga
Kanluranin sa Silangan? Bakit?

4 NegOr_Q3_AP8_Modyul3_v2
Pagyamanin

Gawain A:
Panuto: Punan ang Data Information Chart tungkol sa mga epekto ng unang yugto ng
kolonyalismo. Magbigay ng tig tatlong (3) sagot. Isulat ang inyong sagot sa
kwaderno.

MABUTING EPEKTO NG NEGATIBONG EPEKTO NG


KOLONYALISMO KOLONYALISMO

Isaisip

Dahil sa pangunguna ng Portugal sa eksplorasyon noong ika-15 siglo ito ang


nagbigay daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at hindi
pa natutuklasan.
Dahil sa pananakop at pag-angkin ng mga Kanluranin sa mga lupaing kanilang
natuklasan at nasakop, pinamahalaan nila ito ayon sa kanilang Sistema o paraan ng
pamamahala. Nagdulot ito ng malaking pagbabago sa daigdig. Nakilala ang iba’t ibang
produkto. Naging sentro ng kalakalang pandaigdig ang Europe dahil sa pagdami ng pera at
paglawak ng kaalaman ng pagnenegosyo. Lumaganap ang sibilisasyong Kanluranin sa
Silangan. Nagkakaroon ng bagong lahi na tinatawag na “Mestizo” dahilan ng pag-aasawa ng
mga Kanluranin sa mga taga Silangan.

Ang kolonyalismo rin ang naging dahilan ng pagkamatay ng malalaking bilang ng


populasyon ng daigdig dahil sa sakit na dala nila. Tumaas ang kalakalan ng mga alipin na
galing sa Africa upang tustusan ang kakulangan ng lakas paggawa sa Hilaga at Timog
Amerika.
Maraming suliranin ang naidulot ng pananakop sa mga bansang nasakop tulad ng
kawalan ng kasarinlan, paninikil at pagsasamantala sa likas na yaman. Nagkaroon ng
pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta ng palitan ng mga hayop, halaman, pati
mga sakit sa Old World (Asya, Europe, at Africa) at New World (Hilaga at Timog Amerika) na
tinatawag na “Columbian Exchange” , bilang pagkilala ni Christopher Columbus na nanguna
sa paggalugad sa Amerika.

5 NegOr_Q3_AP8_Modyul3_v2
Isagawa

Ipakita ang pagpapahayag ng mabuting epekto ng kolonisasyon sa pamamagitan ng


paggawa ng isa sa mga sumusunod na gawain. Gamiting gabay ang rubrics sa ibaba. Gawin
ito sa “short bond paper”. Pumili lamang ng isa sa apat.

A. Poster
B. Slogan
C. Tula
D. Sanaysay

RUBRIC
Pamantayan Puntos
Pagkamalikhain 5
Kaangkupan sa Tema 5
Orihinalidad 5
Organisasyon ng Ideya 5
Kabuuan 20

Tayahin
n
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa kwaderno.

1. Anong kontinente ng mundo ang nagpasimuno sa eksplorasyon para sa paggalugad


ng daigdig?
A. Asya B. Amerika C. Africa D. Europe

2. Anong sakit ang dala ng mga barkong Europeo mula sa Africa tungo sa New World?
A. Tigdas B. Yellow fever C. Bulutong D. COVID

3. Kailan nagsimula ang paggalugad ng mga Kaluranin sa mundo?


A. 17 siglo B. 16 siglo C. 15 siglo D. 14 siglo

4. Tawag sa pagpapalitan ng hayop, halaman, at sakit sa Amerika at Europe?


A. Money Exchange B. Barter C. Trading D. Columbian Exchange

5. Saan naka sentro ang unang kalakalang pangdaigdig?


A. Asya B. Amerika C. Africa D. Europe

6. Ang bagong lahi kung saan magkaroon ng anak ang mag-asawang taga-
Europe at mga katutubo ng Asya?
A. Mix B. Half C. Mestizo D. Tisoy

6 NegOr_Q3_AP8_Modyul3_v2
7. Siya ay kilala bilang nangunguna sa paggalugad sa Amerika?
A. Ferdinand Magellan C. Christopher Columbus
B. Vasco de Gama D. King Henry

8. Ang mga taga Kanluranin ang nangunguna sa paggalugad sa daigdig at nagkaroon ng


kolonisayon sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Alin dito ang epekto ng kolonyalismo sa
kanila?
A. Matiwasay ang mga nasasakop ng mga lupain.
B. Malulusog ang mga mamamayan dahil sa sagana ng pagkain.
C. walang nagyaring pagbili na alipin.
D. Tumaas ang populasyon ng Europe at nagkaroon ng “Columbian
Exchange”

9. Isa na mga motibo sa kolonyalismo ay ang pagpapalawak ng Kristyanismo. Ano ang


nagiging resulta nito sa bansang nasakop?
A. Nagiging mapayapa ang lupain at banal ang mga katutubo.
B. Napalawak ang relihiyon at ginamit ito para makuha ang mga ginto at pilak
C. Ang simbahang Katolika ang tumulong para makaahon sa hirap ang mga
mamamayan.
D. Lahat na nabanggit.

10. Ang eskplorasyon ang nagbigay daan sa pagtuklas ng mga lupaing hind pa nagagalugad
o natuklasan. Kung ikaw ang isa sa mga lider ng eskplorasyon, ano ang gagawin mo para sa
ikakabuti ng iyong natuklasan lupain?
A. Angkinin ang buong lupain at maging Hari o Reyna.
B. Kukunin ko ang lahat na kayamanan at dahil ko ito sa akin lupang sinilangan.
C. Pangangalagaan ko ang mga mamamayan at dapat may kapalit ito.
D. Pagiging patas at isipin ang kapakanan ng mga mamamayan at
ang kayamanan nito.

Karagdagang Gawain

Gawin ang talahanayan na nakapaloob sa gawain. Magbigay ng dalawang (2) epekto sa


Unang Yugto ng Kolonisasyon. Isulat sa sagutang kwaderno ang sagot.

EPEKTO NAKABUBUTI NAKASASAMA DAHILAN

7 NegOr_Q3_AP8_Modyul3_v2
NegOr_Q3_AP8_Modyul3_v2 8
PANGHULING PANIMULANG
PAGSUSULIT PAGSUSULIT
10. D 10. D
9. B 9. B
8. D 8. D
7. C 7. C
6. C 6. C
5. D 5. D
4. B 4. B
3. D 3. D
2. D 2. D
1. C 1. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Blando, Rosemarie, et.al:. 2016. "Epekto ng Unang Kolonyalismo." Kasaysayan ng Daigdig. DepEd-
BLR.

Mateo, Grace Estela,et al. 2002. "Epekto ng Unang Kolonisasyon." Kasaysayan ng Daigdig. Vibal
Publishing House, Inc.

2014. Pananakop ng Mga Kastila sa Pilipinas. October 25. Accessed December 22, 2021.
https;//tnhsg7asinero.wordpress.com.

n.d. Positive and Negative effects of Colonialism. Accessed December 22, 2021.
http://tinyurl.com6j9ved63.

n.d. Edteck. Accessed January 12, 2022. https://tinyurl.com/6j9ved63.

mcgallandcarl. 2014. blogspot.com. March 12. Accessed January 12, 2022.


http://mcgallandcarl.blogspot.com/2014/03/digmaang-espanyol-amerikano-ang.html.

9 NegOr_Q3_AP8_Modyul3_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like