You are on page 1of 18

Ugat ng Karahasan

sa Paaralan,
Wakasan Natin
• Hindi na bago sa iyo ang makasaksi o makaranas
mismo ng karahasan sa paaralan. Simula pa noong
elementarya at ngayon ngang nasa sekondarya ka na,
patuloy pa ring mainit ang isyu na ito. Ang iba’y
nagsisimula sa simpleng tuksuhan o pang-aasar na
minsan ay humahantong sa pasasakitan o mas malala
pa ay pagkamatay. Minsan o marahil sa madalas na
pagkakataon ang mga ganitong pagkakataon ay hindi
mo masyadong binibigyang-pansin. Maaaring para sa
iyo ito ay normal na pangyayari sa ating pakikipag-
ugnayan sa ating kapuwa mag-aral.
❑Ang karahasan sa paaralan ay anomang
gawaing nakalilikha ng kaguluhan sa sistemang
pang-edukasyon kasama na ang pisikal at
pasalitang pagtatalo, pambubulas gamit ang
social media-pananakot at gawain ng barkada.
Ito’y nauukol din sa iba pang hindi kapansin-
pansing kagawian na nakadaragdag sa
pakiramdam ng mga mag-aaral na hindi sila
ligtas sa lugar na ito.
❑Maituturing itong karahasan sa paaralan kung ang pisikal at
pasalitang pagtatalo ay nagaganap habang papasok o pauwi
ang mag-aaral mula sa paaralan. Maaari ring sa isang
gawaing-pampaaralan na nagbubunsod ng pisika o sikolohikal
na panganib sa isang indibiduwal, sa paaralan at sa
komunidad. Walang isang salik kung bakit nagaganap ang
karahasan kaya’t mahalagang maunawaan ang ilan sa mga
salik na humihikayat sa mga mag-aaral na makapaminsala:
mababang akademikong pag-unlad, mahirap na pamumuhay,
hindi matibay na balangkas ng pamilya at kakulangan ng
suporta mula sa kanila, maling uri ng libangan gaya ng
paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot at alkohol, malimit
na pambubulas at pang-aapi ng iba, mga salik-bayolohikal
at mga salik, pangkagawian(kakulangan sa atensiyon,
pagiging mapusok at sobrang aktibo).
❑Ang pinakamainam na solusyon sa pagsugpo sa karahasang ito ay
ang pagsusulong ng katarungan sa paaralan. Paano ito maisasagawa?
❑Ang mga mag-aaral na nambulas at binulas ay kailangang ipatawag
kaharap ang kanilang mga kapamilya. Ipauunawa sa nambulas na
hindi sinasang -ayunan ang kaniyang ginawa at ito’y hindi katanggap-
tanggap sa paaralan at sa komunidad.
❑Dahil naroon ang pamilya ng nambulas na nagbibigay sa kaniya ng
suporta, magiging mapagkumbaba siya at lalakas ang kaniyang loob
na humingi ng tawad sa kaniyang maling nagawa at sikaping hindi na
ito maulit pa.
❑Ang katarungan ay naibigay sa parehas na mag-aaral. Hindi lamang
basta mauwi sa pagpaparusa sa mag-aaral na nambulas, ngunit
nabigyang-pansin ang maling gawain sa mapayapa at makatuwirang
paraan.
❑Isa sa mga teorya kung bakit may karahasan ay dahil
sa hindi pagpaparaya. Dahil sa maraming perspektibo o
pananaw mula sa iba’t ibang tao, mukhang naihirapan ang
isang indibidwal na makibagay . Mahirap matagpuan ang
iyong sariling lugar kung ang mga bagay na katangi-tangi
sa iyo ay hindi maunawaan at pinagtatawanan.
❑Ikalawa, ang pagkahantad ng maraming kabataan sa
negatibong imahe at karahasan mula sa media. Mas
mabilis at marami nang access ang mga kabataan sa mga
ipinagbabawal na palabas/babasahin, gamot, inumin at
kagamitan. Ang pagkahantad nila sa mga bagay na ito ay
napakalawak ang epekto sa mga mura nilang isipan.
❑Nagkaroon din ng pagbabago sa proseso ng
edukasyon dahil sa karahasan. Sa halip na
magtuon ang mga guro sa pagtuturo ng
kanilang mga aralin, nahahati ang kanilang oras
dahil sa pagbabantay sa mga batang may
kakayahang gumawa ng karahasan ay ang
kawalan ng motibasyon ng ilang mag-aaral na
pumasok sa paaralan dahil sa takot na
mapagkatuwaan o masaktan ng mga kamag-
aral. Ito ay humahantong sa hindi na
natuluyang pagpasok ng ilang mag-aaral.
Ang Karahasan ay Nag-uugat sa
Ating mga Puso
❑Ingatan natin ang ating puso dahil dito nagsisimula
ang lahat ng ating pakiramdam. Magkaroon tayo ng
pusong katulad ng sa mga bata-mapagbigay,
masayahin, mapagpatawad, naghahanap at nagbibigay
ng pagkalinga at pagmamahal. Kung maipararanas at
maipadarama sa murang gulang ng isang indibidwal
ang nasabing mga kaugalian, lalaki siyang mabuting
taong nagpapahalaga sa kapayapaan at katiwasayan.
Mga Sanhi at Epekto ng Isang Uri ng
Karahasan sa Paaralan-Pambubulas (Bullying)
❑Ano ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng pambubulas?
❑Sa mga panimulang taon ng pagpapalaki sa bata,
nakagisnan nila ang mga magulang na walang pakialam
sa kanila at nagtuturo pang gumamit ng galit at
karahasan upang mapangasiwaan ang mga problema.
Mukhang mas epektibo ang pagsigaw at pananakot
upang makamit ang naisin. Sa pag-aaral ng ilang
eksperto sa pagkilos ng mga bata, sinasabing
nakatutulong ang pambubulas sa ibang bata dahil
nakakukuha sila ng atensiyon at kapangyarihan.
❑Isa pang dahila kung bakit nananatili ang pambubulas ay dahil sa
kawalan o kakulangan ng pamamahala. Wala masyadong nagagawa
ang mga guro upang ito’uy mapigilan. Mas lalong umiigting ang
kapangyarihan ng mga batang nambubulas dahil hindi
nagsusumbong ang mga binubulas.
❑Sa pisikal at emosyonal na aspeto nito, ang mga batang
nakararanas ng ganitong pakiramadam ay umiiwas nang pag-
usapan ang mga bagay tungkol sa paaralan. Gumagawa rin sila ng
paraan upang magpabuli sa klase o kaya’y huwag nang pumasok.
❑Paano matutukoy ang mga batang nabubulas?
❑Ilan sa kanilang mga katangian ay walang pokus, iritable at
magagalitin. Ang kanilang pakikitungo sa mga kapamilya at
kaibigan ay apektado. Nakasasagabal sa kanilang pagkatuto ang
nararamdamang takot.
❑Ang pambubulas sa paaralan ay nakakaapekto sa istabilidad at
kapayapaan sa bahay. Nagiging sanhi kasi ito ng pagnanais na
makapanakit sa mga kapamilyang nakakasama sa bahay.
Maaaring gumanti ang kapamilya ng nabiktima sa maling
paraan. Maaari rin namang masisi ang nabiktima sa pagdadala
ng problema sa bahay. Kapag ito’y nagpatuloy, nawawalan na
ng pagtitimpi ang mga kapamilya at nagiging sanhi ng
pagkakawatak-watak.
❑Ang pinakamalalang epekto ng pambubulas ay ang
pagpapakamatay o kaya’y pagpatay. Ang kawalan ng
kapangyarihan ng mga batang nabiktima ng pambubulas ay
napakabigat kaya ang ila’y humahantong sa mapaminsalang
gawain. Ang patuloy na pambubulas ay maaaring makawala ng
kumpiyansa ng mga biktima, magbunsod ng malala o seryosong
sakit at gayundin ang makasira ng kinabukasan.
Mga Paraan upang Mabawasan
ang Karahasan sa Paaralan
❑Panlipunan
❖Ang lokal na pamahalaan ay maaaring maglunsad ng mga
forum at seminar ukol sa pag-iwas sa karahasan sa
komunidad. Mainam ang pagbabalangkas ng mga
ordinansa sa komunidad na makatutulong upang hindi
mahimok ang mga kabataan na bumuo ng gang at
maminsala ng kanilang kapuwa. Ang suporta ng mga
pinuno ng barangay at lungsod sa mga programa ng
paaralan na may kinalaman sa pag-iwas sa karahasan ay
kinakailangan upang masiguro ang tagumpay ng mga ito.
❑Pampaaralan
❖Mainam na palakasin ang ugnayan ng mga guro at kawani ng
paaralan, mga mag-aaral at kanilang mga magulang. Kung
matutukoy nila ang mga pangunahing sanhi ng karahasan sa
paaralan at mabibigyan ng karampatang lunas, hindi na ito
hahantong sa mas malalang problema. Dapat maging malinaw
rin ang mga batas at regulasyon ng paaralan hinggil sa
karahasan upang maging mulat ang mga mag-aaral sa mga
parusang naghihintay sa kanila kung masasangkot sa
mapaminsalang gawain. Higit sa lahat, ang diwa ng
kooperasyon, pagtutulungan, paggalang, at pagiging
sensitibo ay kailangang maituro sa mga mag-aaral at
masigurong isinasagawa sa loob at labas man ng paaralan.
❑Pantahanan
❖Ang mga magulang ay kailangang panatilihin ang bukas na
komunikasyon sa kanilang mga anak. Tanungin sila ng mga
bagay (kahit gaanuman ito nakahihiyang pag-usapan) na may
kinalaman sa droga, sex, pambubulas at iba pa. Mainam a
maiparamdam nila sa kanilang mga anak na handa silang
makinig at magbigay ng solusyon sa kanilang problema.
Makabubuti rin kung may malinaw na pamantayan ang mga
magulang na susundin ng mga anak. Isali ang mga anak sa
pagbuo ng mga panuntunan sa loob ng bahay at ang mga
kahihinatnan kung hindi masusunod ang mga ito. Tandaan na
pagiging malinaw ang dahilan kung bakit nagtatakda ng
panuntunan sa loob ng bahay at ang mga kahihinatnan kung
hindi masusunod ang mga ito. Tandaan na maging istrikto sa
pagpapatupad p pagtupad ng mga ito.
❑Pansarili
❖Kung pinahahalagahan ng isang tao ang kaniyang
mga talento, talino at kasanayan, hindi siya gagawa
ng mga bagay na makasisira sa kaniyang pagkatao.
Ang kapayapaan ng pagtanggap kung ano ang
gampanin mo sa mundong ito ay mahalagang salik
upang tumaas ang iyong pagpapahalaga sa sarili.
Kapag mayroon ka nito, madali na sa iyong
pahalagahan ang kapakanan ng ibang tao.
Sagutin ang mga Katanungan:
❑Paano ka makatutulong upang maiwasan ang
pambubulas sa loob ng:
a. Paaralan?
b. Tahanan?
❑Ano ang mga epekto sa kapwa ang
pambubulas? Ipaliwanag

You might also like