You are on page 1of 4

K1 Talasalitaan ·

Garote – bitayan na ang isang lubid na


nakasilo sa leeg ng bibitayin ay napipilipit
ng isang pamihit sa likod ng bibitayin
hanggang mamatay sa sakal ·

Kubyerta – bahagi ng bapor ·

Pagpugay – paggahasa, pang-rape ·

Pagtutsada – pagmumura nang may


paghamak

· Panukala – mungkahi, balakin

Paring regular – uri ng pari, kasama sa


orden o korporasyon ·

Tikin – mahabang payat na kawayan na


ginagamit sa pagpapatakbo ng
sasakyang-pantubig sa pamamagitan ng
ng mga bisig

K2 Talasalitaan ·

Alintana – iniinda

· Makihalubilo – makisama ·

Namula – napahiya ·

Paurong – paatras ·

Pinagpupugayan – ibinabalik ang pagbati ·

Sagabal – hadlang ·

K3 Talasalitaan ·

Baging – halamang gumagapang ·

Bangketa – handaan ·

Muog – pader ·

Sinisiyab – binabangga ·

Taripa – buwis

K4 Talasalitaan ·

Buwis – tungkulin; bayad sa gobyerno; tax

Gulok – isang malaking kutsilyo; bolo ·

Kabesa de Barangay – pinuno ng Nayon noong panahon ng Kastila ·

Sinamsam – kinuha o ipinatapon ·

Tulisan – taong humaharang sa mga taong naglalakbay upang magnakaw

K5 Talasalitaan ·

Ipipiit – ikukulong ·

Karumata – kalesa ·

Pitagan – paggalang ·

Sambalilo – sumbrero ·

Takba – tampipi
K6 Talasalitaan ·

Aprobado – mainam na marka ·

Bunton – tambak o tumpok ·

Dalamhati – paghihirap ng kalooban ·

Dupikal – sunod-sunod na tunog ng kampana ·

Gatol – hindi nagdadalawang isip o sigurado ·

K7 Talasalitaan

Agam-agam – alinlangan ·

Alatiit – tunog ·

Asarol – kagamitang panghukay ·

Natigatig – natinag; nabahala ·

Paghahabol – pagtugis ·

Rebolber – maikling baril

K8 Talasalitaan ·

Alatiit – pigil na salita ·

Ingkong – lolo ·

Ketong – sakit sa balat na umaagnas sa


laman ng tao at nag-aalis ng pakiramdam ·

Sinunong – ipinatong sa ulo ·

Tampipi – sisidlan ng damit na yari sa


kawayan o buli

K9 Talasalitaan ·

Mabubulid – mahuhulog ·

Matutudla – tatamaan ·

Nabalisa – nag-alala; hindi mapakali ·

Nagkibit – balikat – pinagsawalang-bahala ·

Paglusob – pagsalakay ·

Pagsanggalang – pagtatanggol ·

Sumasalungat – tumututol

K10 Talasalitaan ·

Indulgencia – utang na loob ·

Mahalughog – halungkatin; suriin mabuti ·

Nagdarahop – naghihirap ·

Namamalikmata – di makapaniwala ·

Umaalipusta – nanglalait
K11 Talasalitaan ·

Apyan – opyo ·

Armas de salon – sandatang pambulgaw o pandekorasyon ·

Pag-aalipusta – paghamak ·

Pag-aalsa – paghihimagsik ·

Pangangamkam – pagkuha

K12 Talasalitaan ·

Bulastog – mayabang ·

· Loob ng Maynila na namoogan – Intramuros o Walled City ·

Mangilak – manghingi ·

Panghihinawa – pagkasawa ·

Penitente – nagdurusa ·

K13 Talasalitaan ·

Ampliacion – mataas na kurso ·

Asoge – Mercury o Merkurio ·

Binuling – pinakinis ·

Dominus Vobiscum – sumaiyo ang Panginoon ·

Eskaparate – salaming dibisyon ·

K14 Talasalitaan ·

Abuloy – kontribusyon ·

Aktibidades – gawain ·

Facultad – nag-aaral ng kursong pampropesyunal o pang-akademiko

· Hangarin –pangarap ·

Kasigabuhan – silakbo ·

K15 Talasalitaan ·

Anasan – pag-uusap sa mahinang boses; bulung-bulungan ·

Kilatisin – uriin ·

Kondesa – tawag sa asawa ng konde ·

Nagmamaang-maangan – nagkukunwang walang alam ·

Pabulalas – pasambulat ·
Aral – Kabanata 1 Ang buhay kung minsan ay isang Bapor Tabo. Nasa
itaas ang may kapangyarihan. Ngunit hindi ito nangangahulugan na
ligtas na sila sa mga suliranin dahil sila mismong nasa taas ay ang
gumagawa ng kanilang mga intindihin.

Aral - kabanata 2 Sinisimbolo ng ilalim ng Kubyerta ang diskriminasyon


ng lipunan, na ang mahihirap ay laging nasa ilalim. Ang hindi nila batid
ay walang pinipiling katayuan sa buhay ang pagiging mahusay at
kapakipakinabang.

Aral - Kabanata 3 May mga bagay na pinaniniwalaang maaaring hindi


totoo ngunit desisyon parin kung maniniwala o hindi.

Aral - Kabanata 4 May mga buhay na nasisira ang pagiging ganid at


mapanglamang sa kapuwa. Katulad ng kuwento ni Kabesang Tales na
nagsusumikap ngunit pinabagsak ng makasariling interes ng mga
prayle.

Aral – Kabanata 5 Malaki ang pag-asa sa ilang nilalang kahit tila puro
pasakit na ang kanilang nararanasan. Likas sa mga Pilipino na
maniwalang darating din ang liwanag sa kabila ng tinatahak nilang
malubak at madilim na landas.

Aral – Kabanata 6 Wala sa katayuan sa buhay o anyo ang pagiging


mahusay. Sabi nga, huwag husgahan ang aklat ayon lamang sa
pabalat. Minsan ang kagalingan ay ikinukubli lamang at inilalabas sa
tamang pagkakataon.

Aral – Kabanata 7 Ang bawat tao sa mundo ay mayroong kanya-


kanyang pamamaran kung paano nila makamtam ang mga layunin at
adhikain nila sa buhay.

Aral – Kabanata 8 Ang buhay ay parang isang gulong. Ang mga


pangarap sa buhay ang gawing inspirasyon upang mabilis ang pag-ikot
ng mga gulong tungo sa tagumpay.

Aral – Kabanata 9 Ang mga kasawian at pagsubok sa buhay ay hindi


dapat inilalagay sa puso at isipan. Labanan ito at huwag hayaang
maging lason na sisira sa iyong pagkatao.

Aral – Kabanata 10 Maging makatao sa iyong mga kakilala at


kababayan. Nasa taong namamahala ang isinasama ng mga
mamayanan. Ugali din ng Pilipino ang magbuwi buhay alang-alang sa
kanilang karapatan.

Aral – Kabanata 11 Pinapakita sa kabanatang ito ang kaugaliang


Pilipino na nasusunod ang lahat ng utos at gusto ng isang
makapangyarihang tao at dapat natin respetuhin at suyuin ang taong
iyon.

Aral – Kabanata 12 Ang pamahaalan ay minsang abusado at sakim sa


kapangyarihan dahil sa pagtuttol nila ang pagtututo ng mga tao.

Aral – Kabanata 13 Kung minsan ay lumalabis na sa pagdidisiplina ang


iba. Kahit maganda ang intension, kung hindi maganda ang
pamamaraan ay wala rin itong bisa.

Aral – Kabanata 14 Isang magandang gawi ang pagpaplano ang pag-


uusap tungkol sa mga adhikain. Kung kikilos nang sabay-sabay at iisa
ang pangkat, tiyak na makakamit ang mithiin.

Aral – Kabanata 15 Ang talas ng isip ng tao ay nagagamit sa kabutihan


ngunit kung minsan ay pinipili na lamang ding manahimik upang hindi
masangkot sa mga gulo.

You might also like