You are on page 1of 51

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Linggo 1- 4
Pilyedo ng mga Gawaing Pampagkatuto
Learning Activity Sheets (LAS)

SCHOOLS DIVISION `OF DINAGAT ISLANDS

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto
Unang Set
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng

produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul
na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o

ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Published by Schools Division of Dinagat Islands

Bumuo sa Paggawa ng Pilyego ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat : Elsie V. Limpioso, Reallyn D. Hipolan,

Shelame C. Abenoja, Ethil P. Yutina
Editor : Jezzine Fabillar Salar
Tagasuri : John Rey C. Clarion
Tagalapat /Tagaguhit : Nerissa G. Ga, Alim Eviota
Tagapamahala
Schools Division Superintendent FELIZA G. LARANJO, PhD, CESO VI
OIC, Assistant Schools Division Superintendent LEONEVEE V. SILVOSA, CESE
Chief Education Supervisor, SGOD MILA O. GERALDINO, PhD
Chief Education Supervisor, CID LOPE O. PAPELERAS
Education Program Supervisor, EsP EMELINDA L. RAZA, PhD
Education Program Supervisor, LRMS MICHAEL C. PASO, PhD
Project Development Officer II MARK LORENZ L. LUIB
SDO Librarian II NARMIE S. NAVAS

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon

Division of Dinagat Islands – Learning Resource Management Section

Office Address: White Beach, Dinagat, Dinagat Islands
E-mail Address: lrms.dinagatislands.caraga@deped.gov.ph
Telephone no.:
Linggo Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos
1 at mga Kilos na Dapat Panagutan

Pangalan: _________________________________ Pangkat: ___________________________

Kasanayang Pampagkatuto:
1. Naipapaliwanag ng may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula
ito sa kalooban na malayang isinagawa sa pamamatnubay ng
isip/kaalaman; (EsP10MK-IIa-5.2)
2. Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan. (EsP10MK-IIb-5.3)

Pag-aralan:
Pagkukusa sa Makataong kilos

Paano nga ba nahuhubog ang pagkatao ng tao? Paano niya ginagamit ang
mga salik na nabanggit sa pagsisikap niyang magpakatao? Paano masasabing ang
tao ay may pagkukusa sa makataong kilos?

Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung
magiging anong uri siya ng tao sa susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos
na kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalbing araw sa kaniyang
buhay. Dahil sa isip at kilos-loob ng tao, kasabay ang iba pang pakultad na
kaniyang taglay tulad ng kalayaan, siya ay may kapangyarihang kumilos ayon sa
kaniyang nais at katuwiran. Bawat Segundo ng kaniyang buhay, siya ay kumikilos,
naghahatid ng pagbabago sa kaniyang sarili, sa kaniyang kapuwa at sa mundong
kaniyang ginagalawan.

Dalawang uri ng kilos ng Tao

1. Kilos ng tao (Acts of Man) - mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao
o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-
loob. Halimbawa nito ay paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata,
pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat, paghikab, at iba pa.

2. Makataong Kilos (Human Act) - kilos na isinagawa ng tao ng may kaalaman,

malaya, at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip
at kilos-loob kaya’t may pananagutan ang tao sa pagsagawa nito.

Tatlong Uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan (Accountability)

1. Kusang-loob - Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang

gumagawa ng kilos ay may lubos na pag-unawa sa kalikasan at kahihinatnan
nito.
Halimbawa:
Ang isang gurong nasa sekondarya na gumaganap na kaniyang
tungkulin bilang guro. Gumagamit siya ng iba’t-ibang istratehiya sa pagtuturo
para sa kaniyang klase. Nagbubuo rin siya ng banghay- aralin (lesson plan)
bilang preparasyon sa kaniyang ara-araw na pagtuturo. Naghahanda siya ng
mga angkop at kawili-wiling kagamitang pampagtuturo upang mapaunlad ang
pagkatuto ng mga mag-aaral. Gumagawa rin siya ng mga angkop na
pagsusulit upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral.

Pagsusuri:
Ang halibawang ibinigay ay nagpakita ng isang lubos na kaalaman
tungkol sa isang gawain at kung paano ito dapat isagawa sa pamamagitan ng
pagganap kung paano ito isakatuparan at mapagtagumpayan.

2. Di Kusang-loob- ang paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-

ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa
gawain na dapat isakatuparan.

Halimbawa:
Si Arturo ay isang barangay official ay naglingkod bilang COMELEC
member para sa local at pambansang eleksiyon. Binulungan siya ng kaniyang
chairman na tulungan ang isang kandidato sa pamamagitan ng “dagdag-
bawas” Alam niyang ito ay illegal at labag sa kanilang moral na tungkulin
kaya hindi siya pumayag. Sa kabila nito, ginawa pa rin iya ang pabor na
hiningi dahil baka matanggal siya bilang miyembro kung hindi diya susunod
bagaman labag ito sa kaniyang kalooban
.
Pagsusuri:
Ang isinagawang kilos na “dagdag-bawas” ay naisasakatuparan bagamat
labag sa taong gumawa nito. Ito ay dahil may takot siyang matanggal sa
kaniyang posisyon bilang miyembro ng COMELEC kung siya ay tatanggi. Ang
kilos ay may pagkukusa(voluntary). Malaya siyang nagpasya sa piniling kilos
na tumulong na gawin ang maling gawain. Sa sitwasyong ito, may depektibo
sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa kahit pa labag ito sa
kaniyang kalooban. Kaya, masasabi nating ang kilos ay kulang ng pagsang-
ayon at pagkukusa.

3. Walang Kusang-loob- Dito ay walang kaalaman kaya’t walang pag-sang-ayon

sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam
kaya’t walang pagkukusa.
Halimbawa:
May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang
pagkindat ng kaniyang kanang mata. Nakikita ang manerismong ito sa
kaniyang pagbabasa, pakikipagkuwentuhan sa kaibigan, at panonood ng
telebisyon. Minsan sa kaniyang pamamasyal ay may lumapit na dalaga at
nagalit sa kaniyang pangingindat. Nagulat siya dahil hindi niya alam na
nabastos niya nang hindi sinasadya ang dalaga. Hindi humingi ng paumanhin
si Dean dahil iyon ay isang manerismo niya.

Pagsusuri:
Bagaman may kaalaman si Dean sa kaniyang manerismo, hindi naman
ang pagkindat ang kaniyang paraan ng pagpapahayag ng pagkagusto sa
dalaga. Sa kaniyang pagkilos, makikita na wala siyang kaalaman na sadyang
bastusin o magpakita ng interes sa dalaga at magkusa siyang makipagkilala.
Kung kaya, anag kilos ay walang pagkukusa dahil walang pagsang-ayaon sa
taong gawin ang kaniyang naisip dahil iyon ay kaniyang manerismo.

Paunang Pagtataya:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at pahayag. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.

1. Anong kakayahan mayroon ang tao na ginagamit niya sa pagkiling sa mabuti

o tama na nagkapagbibigay sa kaniya ng kasiyahan?
A. Dignidad C. Kalayaan
B. Isip D. Kilos-loob

2. Masipag at matalinong mag-aaral si Ali. Sa talakayan at pangkatang Gawain

ay hindi siya nagpapahuli. Marami siyang mga Gawain na nagpapatunay na
siya ay may angking galing. Dahil dito palagi siyang pinupuri ng kaniyang
mga guro. May pananagutan ba si Ali sa paghanga at mataas na pagtinging
ibinigay sa kanya ng kaniyang mga guro?
A. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang
sumagot.
B. Oo, dahil hindi niya pinagbibigayan ang ibang kaklase upang sumagot.
C. Wala, dahil talagang may isang kumpetisyon sa isang kaklase.
D. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.

3. Bakit sinasabing ang makataong kilos ay kilos na niloob, sinadya at kinusa?

A. dahil ito ang batayan ng mabuti at masamang kilos
B. dahil ito ay kinapapalooban ng layunin na matagal na pinag-iisipan ng
tao
C. dahil ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat
taglay ng tao
D. dahil ang kilos na ito malaya niyang pinili mula sa paghuhusga at
pagsusuri ng konsensiya
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng isang makataong kilos?
A. pagtibok ng puso para sa isang tao
B. pagkurap ng mata dahil sa pagkabigla
C. pagsali sa umpukan ng nagtsitsismisan
D. makaramdam ng sakit mula sa pagkakasugat

5. Alin sa sumusunod na kilos ang dapat panagutan dahil ang gumagawa ay

may kaalaman, malaya at pagkukusa?
A. pagkurap dahil sa sikat ng araw
B. biglang pagbahing dahil sa masangsang na amoy
C. pagbuntong hininga dahil sa masamang nangyari
D. pagsalita ng masama sa isang kaibigan dahil sa galit

6. Ang makataong kilos ay isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at

pagkukusa. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na makataong kilos?
A. pagtibok ng puso C. pakikigpagtsismisan
B. pagkagalit sa kaaway D. pakikipagbulyawan

7. Kinahiligan ni Jasmin ang magbasa ng journal kaya palagi siyang pumupunta

sa silid-aklatan. Sa kaniyang paglalakad ay narinig niya ang kuwentuhan ng
kaniyang mga kaklase tungkol sa maagang pag-aasawa ng isa nilang
kamag-aral. Hindi sadya na marinig niya ito at magkaroon ng kaalaman
tungkol dito. Kaya hindi niya ito inintindi at nagpatuloy siya sa kaniyang
paglalakad patungo sa silid-aklatan. Alin sa mga sumusunod na kilos ni
Jasmin ang nagpapakita ng pagkukusa sa makataong kilos?
A. pagbabasa ng journal
B. pagpunta sa silid-aklatan
C. hindi pagsali sa panlilibak
D. pagpapatuloy sa paglalakad

8. Naghihikahos sa buhay ang pamilya ni Pedro dahilan kung bakit hindi siya
pinapaaral ng kaniyang mga magulang. Pangarap niya talagang
makapag-aaral kaya determinado siyang mag-aral sa umaga at magtrabaho
sa gabi. Minsan, tuwing oras ng klase hindi niya mapigilan ang paghikab at
ang makaramdam ng antok na siyang palaging ikinagalit ng kaniyang guro.
May pananagutan ba si Pedro sa kilos na kaniyang isinagawa?
A. oo, dahil isinigawa ito ng tao ng may kalayaan
B. oo, dahil ang tao ay may kontrol at panangutan sa sarili
C. wala, dahil ito ay isang biyolohikal at pisyolohikal na kilos na
nagaganap sa isang tao
D. wala, dahil ang kilos na isinagawa ay katanggap-tanggap bilang
isang tao
9. Paano maging makataong kilos ang kilos ng tao?
A. kung ang makataong kilos ay isinigawa ng may kaalaman
B. kung ang makataong kilos ay may kaugnayan sa kilos ng tao
C. kung ang kilos ng tao ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan
D. kung naayon ito sa isang kakayahang pumili at malayang kilos-loob
sa pagtukoy at pagpili ng kaniyang kilos

10. Paano mo masasabi na ang isang kilos ay isininasagawa nang Malaya sa

kalooban?

A. kung ang kilos ay walang pagkukusa

B. kung ang kilos na kaniyang pinakita ay di-ginusto at sadya.
C. Kung ang kilos ay may paggamit ng kaalamang ngunit kulang sa
pagsang-ayon
D. kung ito ay nagpakita ng isang tunay o lubos na kaalaman tungkol sa
isang gawain at kung paano ito isinagawa.

Gawaing Pampagkatuto:

Gawain1: Suri-Kilos!
Panuto: Punan ang talahanayan. Tukuyin kung ang kilos sa unang kolum ay
nagpapakita ng presensiya ng isip, kilos-loob, at kung ito ay
mapanagutang kilos. Lagyan ng tsek ( ) kung ang kilos ay
mapanagutan at ginamitan ng isip at kilos-loob. Ekis (x) naman kung
hindi.

Mga kilos at Gawain ng Presenisya Mapanagutang Bakit mo nasabing

Tao ng isip at Kilos ang kilos ay
kilos-loob mapanagutan /
hindi?

1. Pagdala ng drayber
ng taxi sa ospital sa
kaniyang matandang
pasahero na inatake
sa puso.

2. Pagsauli ng sobrang
sukli sa tindera sa
palengke
3. Paghikab ng malakas
na hindi tinatakpan
ang bibig

4. Pagsasalita habang
natutulog

5. Pagtanggi sa isang
alok ng barkada na
magpunta sa comedy
bar dahil sa maaga pa
nag pasok bukas at
may report sa trabaho
kinabukasan na
dapat tapusin.

6. Paghimas sa tiyan
dahil gutom

7. Pagsisikap na bumuo
ng mga tanong na
may pag-iisip sa
ginagawang
investigatory project

8. Pagkurap ng mata
9. Pagtuturo ng guro sa
kaniyang klase nang
handa at may
pagnanais na
mabahagi ng
kaniyang kakayahan
ayon sa learning
competency ng
kaniyang aralin

10. Pagsigaw dahil sa

pagkagulat sa
pagputok

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO NG SAGOT

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa ng
(20 puntos) (15 puntos) (10 puntos) kasanayan
(5 puntos)
Nilalaman Malinaw na Malinaw na Hindi Hindi malinanw
nailalahad ang nailalahad ang masyadong na nailalahad
pangangatwiran pangangatwi- malinaw na ang
an at ran at nailalahad ang pangangatwi-
nakapagbibigay nakapagbibigay pangangatwi- ran at hindi
ng mga ng iilang ran at nakapagbibigay
suportang nakapagbibigay ng mga
suportang
detalye at ng iilang suportang
detalye at
halimbawa. suportang detalye at
halimbawa.
detalye at halimbawa.
halimbawa.
Gawain 2: Magtala Ka!
A. Panuto: Magtala ng limang makataong kilos na naisasagawa sa araw-araw na
dapat panagutan.

1.

2.

Mga makataong 3.
kilos na
naisasagawa sa
araw-araw na
dapat panagutan
4.

5.

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO NG SAGOT

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa
(15 puntos) (12 puntos) (9 puntos) ng kasanayan
(6 puntos)
Nilalaman Kompleto at Kompleto Kulang at hindi Kulang at
angkop ang mga bagaman hindi masyadong hindi angkop
impormasyong masyadong angkop ang ang
isinulat. angkop ang impormasyong impormasyong
impormasyong isinulat. isinulat.
isinulat.
B. Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Bakit mahalaga na magpakita ng kapanagutan sa mga kilos na ginagawa?

_____________________________________________________________________________

2. Paano magiging mapanagutan ang isang tao sa kaniyang piniling kilos?

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan ng
(15 puntos) (10 puntos) Pag-unlad
(5 puntos)
Nilalaman ng Nasagutan nang Nasagutan nang May sagot sa tanong
mga sagot tama ang lahat ng tama ang iilang bagaman malayo sa
tanong at tanong at konseptong hinihingi.
kinapapalooban ng kinapapalooban ng
makabuluhang iilang makabuluhang
impormasyon. impormasyon.
Gawain 3: Suri-Sitwasyon!
Panuto: Basahin at surin ang sitwasyon na nasa ibaba. Tukuyin at ipaliwanag
ang mga kilos na dapat panagutan ng tauhan.
Sitwasyon
Si Denise at Dhalia ay matalik na magkaibigan mula pa elementarya
hanggang sa tumuntong ng sekondarya. Pareho silang matatalinong bata. Isang
araw ay naengganyo silang sumali sa isang akademikong kompetisyon. Subalit isa
lamang ang pinalad sa kanilang dalawa. Itinanghal na panalo si Dhalia dahil sa
ipinakitang galing sa pagsagot sa mga katanungan. Pagkatapos ng kompetisyon ay
nabalutan agad ito ng kontrobersiya dahil sa mga sinabi ni Denise sa kaniyang
mga kamag-aral na mayroong nangyayaring dayaan sa nasabing kompetisyon na
nagbigay kaguluhan at pagdududa sa kapasidad ni Dhalia bilang isang lehitimong
nanalo sa patalinuhan. Naging paksa ng mga pag-uusap si Denise s abuong
paaralan na dahilan ng hindi pagkakaintindihan ng magkabilang panig.
Pagsusuri
Makataong Kilos: ______________________________________________________________
______________________________________________________________
Pagpapaliwanag: ______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO NG SAGOT

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa
(20 puntos) (15 puntos) (10 puntos) ng kasanayan
(5 puntos)

Nilalaman Malinaw na Malinaw na Hindi Hindi

nailalahad ang nailalahad ang masyadong malinanw na
pangangatwiran pangangatwi- malinaw na nailalahad ang
an at ran at nailalahad ang pangangatwi-
nakapagbibigay nakapagbibigay pangangatwi- ran at hindi
ng mga ng iilang ran at nakapagbibiga
suportang nakapagbibigay y ng mga
suportang
detalye at ng iilang suportang
detalye at
halimbawa. suportang detalye at
halimbawa.
detalye at halimbawa.
halimbawa.
Paglalahat at Repleksiyon:
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang iyong natutunan sa aralin?

Sagot:
__________________________________________________________________________________

2. Ano ang iyong napagtanto matapos pag-aralan ang aralin?

3. Paano makatutulong sa iyong pang-araw-araw na buhay ang aral o

mensaheng natutuhan mo sa paksang aralin?
Sagot:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO NG SAGOT

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan ng

(15 puntos) (10 puntos) Pag-unlad
(5 puntos)
Nilalaman ng Nasagutan nang Nasagutan nang May sagot sa tanong
mga sagot tama ang lahat ng tama ang iilang bagaman malayo sa
tanong at tanong at konseptong hinihingi.
kinapapalooban ng kinapapalooban ng
makabuluhang iilang makabuluhang
impormasyon. impormasyon.
Panapos na Pagtataya:
Maraming Pagpipilian.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at pahayag. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.
1. Bakit mahalagang mahubog ang kapanagutan ng isang tao sa kilos na
kanyang pinili?
A. dahil ang paggawa ng tama ay kailanman ay hindi magiging mali
B. dahil ito ang magiging gabay at paraan upang siya ay magpakatao
C. dahil ang kilos na pipilin ay magbibigay marka sa mga taong nasa
paligid.
D. dahil ito ang maging gabay niya sa buhay habang siya ay nabubuhay sa
mundo.

2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng malayang pagpapasiya at may

kaakibat na pananagutan?
A. Pagkuha sa pera ng isang kaklase dahil sa utos ng isang kaibigan.
B. Pagpunta ni Armin sa simbahan tuwing Linggo upang magsimba.
C. Pag-iipon ng pera upang makabili ng bagong cellphone na matagal ng
pinapangarap.
B. Panghihiram ng bagong damit sa isang kapitbahay upang maisuot sa
isang pagdiriwang.

3. Araw-araw na nasaksihan ni Pam ang pananakit at pagbubulayaw ng isang

ina sa kaniyang anak. Hindi niya ito sinumbong sa kinauukulan at hinayaan
niya ang mga ito sa kanilang buhay at nagpatuloy na parang walang
nalalaman. Alin sa kilos ni Pam ang nagpapakita ng pagkukusa sa
makataong kilos?
A. Hindi pagrespeto kapitbahay
B. Pagkarinig sa pagbubulayaw
C. Pagsaksi sa pananakit ng isang ina
D. Hindi pagsumbong sa kinauukulan

Para sa bilang 4 at 5: Suriin nag sitwasyon

Nagbilin ang iyong guro na sabihan ang pangulo ng inyong klase na

magpulong para sa paghahanda sa darating na Foundation Day ng paaralan.
Biglaang nagyaya ang iyong mga kaibigan na pumunta sa birthday party ng
isang kaklase kung kaya nakalimutan mong ipagbigay alam ang bilin sa iyo.

4. Aling malayang kilos ang ipinakita ng estudyante ang dapat na panagutan?

A. hindi pagsasakilos sa bilin ng guro

B. pagbibigay alam sa ipinag-uutos ng guro
C. pagpunta sa birthday party ng isang kaklase
D. hindi pagdalo sa pagpupulong para sa Foundation Day
5. Si Fatima ay isang mahusay na doctor sa kanilang baryo, may prinsipyo itong
pinanghahawakan na naaayon sa sinumpaang tungkulin. Ngunit, isang araw
ay napanglimutan siya at nalabag niya ito. Tinulungan niya ang kaibigan na
mapalaglag ang ipinagbubuntis dahil takot na baka tutuhanin nito ang
sinabing magpapakamatay kung mabaon siya sa kahihiyan. Anong pasya o
kilos na dapat panagutan ni Fatima?
A. pagtulong sa kaibigan
B. ang pakikipagkaibigan
C. pagiging mahusay na doctor
D. paglabag sa sinumpaang tungkulin

6. Paano mo masasabing may pagkukusa ang makataong kilos?

A. kung ang kilos ay walang kaalaman at pagkukusa
B. kung ang kilos na kaniyang pinakita ay di-ginusto at sadya
C. kung ang kilos ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang sa
pagsang-ayon
D. kung ito ay nagpakita ng isang tunay o lubos na kaalaman tungkol sa
isang gawain at kung paano ito isinagawa.

7. Narinig ni Emma na nangangailangan si Pedro ng pera para panggamot sa

ina, kaya napagdesisyunan niyang lumikom ng kakaunting halaga para
maitulong kay Pedro. Alin sa kilos ni Emma ang nagpapakita ng pagkukusa
sa makataong kilos?
A. paggamot sa ina
B. pagtulong kay Pedro
C. pagkarinig sa problema
D. pagbigay ng sapat na panahon

8. Bakit kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos?

A. dahil kinakailangang isaalang-alang ikabubuti ng sarili at sa kapwa
B. dahil ang paggawa ng makataong kilos may kaakibat na pananagutan
C. dahil ang kilos na ito ay walang aspekto sa pagiging mabuti at masama
D. dahil ang makataong kilos ay biyolohikal at pisyolohikal na kilos na
naganap sa isang tao

9. Alin sa mga sumusunod ang nagpakita ng kilos na may kaalaman at pagsang-

ayon kung kaya dapat na pangutan?
A. Pagkindat ni Dean sa isang dalaga dahil sa kaniyang manerismo
B. Hindi pagsagot ng isang estudyante sa pasulit dahil sa sakit sa ngipin
C. Pagsunod ng isang Doktor sa protocol na ipanapatupad dahil sa COVID
19
D. Pagsang-ayon ni Roy sa isang utos dahil sa takot na mawalan ng
trabaho

10. Nasaksihan mo ang pananakit ng isang bully sa iyong kaklase sa loob ng

klasrum. Dahil sa takot na baka madamay, hindi mo ito sinumbong sa
kinauukulan. Alin sa mga sumusunod na kilos mo ang nagpakita ng
pakukusa sa makataong kilos?
A. Pagkatakot sa nakita
B. Pananahimik sa nasaksihan
C. Pananakit sa isang estudyante
D. Pagsaksi sa nangyaring panananakit
Sanggunian:
Brizuela, Mary Jean B., et al. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-
aaral. Edited by Luisita B. Peralta. Pasig City: FEP Printing Corporation, 2015.

Linggo Ang Makataong Kilos at Pananagutan

2
Pangalan: _________________________________ Pangkat: ___________________________

Kasanayang Pampagkatuto:
1. Napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng
tao ang makataong kilos; kaya pananagutan niya ang kawastuhan o
kamalian nito; (EsP10MK-IIb - 5.4)
2. Nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng
paraan upang maging mapanagutan sa pagkilos. (EsP10MK-IIc - 6.1)

Pag-aralan:
Ayon kay Agapay, ang uri ng pagkatao ng isang indibidwal ay nakasalalay sa
uri ng kilos na kaniyang ginagawa sa bawat araw ng kaniyang buhay. Dagdag pa
niya, ang kilos na ito ang nagbibigay patunay na ang tao ay may kontrol at
pananagutan sa sarili dahil sa taglay niyang isip, kilos-loob at kalayaang
nagbibigay sa kaniya ng kapangyarihang kumilos ayon sa kaniyang hangarin at
katwiran.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng kilos-loob? Ito ay umaasa sa isip. Ibinibigay
ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-
loob. Ang katwiran naman ay isang pahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan
o patunay upang ang isang panukala o pasya ay maging katanggap-tanggap o
kapani-paniwala.
Bawat sandali ng ating buhay ay ginagamit natin ang sariling pag-iisip at
kilos-loob sa paggawa ng kilos at pagpapasya na naghahatid ng pagbabago sa ating
sarili at kapwa. Dahil dito, pananagutan ng bawat isa ang kilos na ginawa at
obligasyon niya ang humanap ng paraan upang maging mapanagutan sa pagkilos.
Sa nakaraang aralin, iyong natutunan ang dalawang uri ng kilos ng tao: kilos
ng tao at makataong kilos. Iyong napag-alaman na walang pananagutan kung
nagawa ang kilos ng tao dahil ito ay walang aspekto ng pagiging mabuti o masama.
Ang makataong kilos naman ay isinasagawa ng may kaalaman, malaya at kusa.
Dahil dito, ito ay may nakapaloob na panangutan. Halimbawa, ang kabutihan ng
paggamit ng gadget ay nilalayon ng tao. Ang mga bagay na nagagawa nito tulad ng
pag-online selling, mobile gaming, video streaming, at vlogging ay nakapagpapasaya
sa tao. Minsan ang kasiyahang ito ay nag-uudyok sa kaniyang magbabad sa
gadget buong araw; na ginagamitan ng isip at kilos-loob. Subalit, maaaring ang
makataong kilos na ito ay hahantong sa pananagutan. Halimbawa, sa pagbabad sa
gadget buong araw, nakaligtaan na ang kumain sa tamang oras, kaya
nagkakasakit.
Minsan naman ay hindi na nagagawa ang mga aralin sa paaralan kaya bumagsak
sa pagsusulit. Ang lahat ng mga maling kilos na ito ay bunga ng isang makataong
kilos na kinusang-loob. Dahil dito, kailangan nating maging maingat sa
pagpapasiya sa bawat kilos.
Malinaw na ba sa iyo na ang makataong kilos ay sinadya at niloob ng tao
kaya’t nararapat lang na magkaroon siya ng pananagutan dito? Pananagutan mo
ang sariling pagpapasya at pagsasagawa ng makataong kilos, tama man ito o mali.
Ngayon, handa ka na bang magsuri sa sariling kilos na dapat panagutan? O kaya
naman ay magsuri ng paraan upang mapanagutan sa pagkilos?

Paunang Pagtataya:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng may
pinakatamang sagot.

1. Ang kilos ng tao (acts of man) ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan
bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob.
Ang makataong kilos naman ay ginagamitan ng isip, katuwiran, at kilos-loob.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kilos na dapat panagutan?
A. pagkurap ng mata
B. panghihiram ng pera
C. pagsali sa isang debate
D. pagsisikap na matapos ang ginagawang proyekto

2. May mga pagkakataon na nasisigawan ni Hope ang kanyang apat na taong

gulang na anak sa tuwing naiistorbo siya nito sa kaniyang ginagawa. Ano ang
pinakamabuting hakbang upang ayusin ang di mabuting nagawa ni Hope sa
kanyang anak?
A. sisiguruhing hindi na gagamitin ang init ng ulo
B. sabihan ang anak na humingi ng paumanhin sa kanya
C. kikilitiin ang kanyang anak upang ito’y tumahan sa pag-iyak
D. yakapin ang anak at humingi ng paumanhin sa nagawang paninigaw

3. Nakipaglaro ni Lizlie sa kaniyang mga kaibigan sa labas ng bahay kahit

mahigpit na ipinagbibilin ng kanyang magulang na bantayan ang
nakababatang kapatid. Alin sa mga sumusunod na kilos ang may kaakibat na
pananagutan?
A. hindi paggawa ng gawaing bahay
B. pag-aalaga ng kanyang nakababatang kapatid
C. pag-iwan ng nakababatang kapatid upang makipaglaro sa labas ng
bahay
D. pag-imbita sa mga kaibigan sa kanilang bahay upang makapaglaro ng
tagu-taguan
4. Habang naglalakad si Joseth palabas ng paaralan ay nakita niyang ginugulpi
ang kanyang kaibigan ng mga siga niyang kaklase. Nakita siya ng mga ito at
pinandilatan siya ng mata. Sa kanyang takot ay kumaripas siya ng takbo
kahit narinig niyang humihingi ng tulong ang kaibigan. Nakasalubong niya
ang kanyang guro at wala man lang siyang sinabi tungkol sa insidente. Anong
kilos ang dapat panagutan ni Joseth?
A. pagpapasipsip sa guro
B. pagsusumbong sa nasaksihan
C. paghingi ng tulong sa ibang kaklase
D. pananahimik sa nasaksihang insidente

5. Kinondena ng magulang ni MG ang madalas nitong pag-inom ng alak dahil ito

ay nakasasama sa kalusugan. Hindi niya pinakinggan ang magulang dahil
nakapagdudulot ito ng kasiyahan sa kanya. Anong kilos ni MG ang dapat
niyang panagutan?
A. madalas na pag-inom ng alak
B. pagkakasakit dahil sa kaiinom
C. pakikinig sa payo ng magulang
D. pagtamo ng pansariling kasiyahan

6. Paano maging mapanagutan sa pagkilos sa kabila ng mga impluwensiya sa

kapaligiran?
A. pagbigyan ang hiling ng kapwa
B. piliin ang pasya na walang taong masasagasaan
C. piliin ang pasya na nakabatay sa etikal at moralidad
D. gawin ang mga bagay na nakapaloob sa makabagong panahon

7. Paano maging isang mapanagutang anak?

A. mag-aral ng mabuti dahil para rin ito sa iyong kabutihan
B. pagsunod at paggawa ng kilos o pasya na kumiling sa kung ano ang
tama at mabuti
C. hindi sa lahat ng panahon ay sundin ang magulang dahil minsan ay
nagkakamali rin sila
D. humingi ng paumanhin kung nagkasala upang ibigay ang mga
hihilingin sa magulang

8. Paano maging isang mapanagutang mamayan ng iyong barangay?

A. hindi sundin ang mga ordinansa at pagtitipon kung mismo ang mga
konsehal ay lumalabag rito
B. sundin ang mga ordinansa na ipinapatupad ng barangay at dumalo sa
mga pagtpupulong o pagtitipon
C. bumuto sa tuwing may halalan at hindi magpapahalata sa vote buying
upang hindi mabigyan ng kaukulang parusa
D. dumalo sa mga pagtitipon kung walang ibang mahalagang gagawin at
sundin ang mga batas sapagkat may nakatingin
9. Alin sa mga sumusunod na kilos ang may kaakibat na pananagutan sa
kalikasan?
A. pagkuha ng tubig dagat
B. pagtapon ng basura kahit saan
C. pagpitas ng prutas mula sa puno ng manga
D. pagkain ng mga tahong na apektado ng red tide

10. Bakit pananagutan ng tao ang kawastuhan o kamalian ng makataong kilos?

A. dahil siya ang gumagawa ng kilos
B. dahil siya ang may kontrol sa sarili
C. dahil bawat kilos ay may kaakibat na pananagutan
D. dahil bawat kilos na ginagawa ay kanyang pinag-iisipan, sinadya at
noloob.

Gawaing Pampagkatuto:
Gawain 1: Suri-Pananagutan!
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon na nagpapakita ng
makataong kilos. Pagkatapos ay punan ang talahanayan.
Sitwasyon 1

Mahigpit na ipinagbibilin ng ina ni Wan na manatili siya ng bahay upang

bantayan ang pitong taong gulang na kapatid. Habang nagbabanatay ay naglilis
din siya sa kanilang sala. Mayamaya ay dumating ang kaniyang kaibigan at
niyaya siyang maligo sa dagat kasama ang iba pang kaklase. Gustong gusto ni
Wan na sumama kaya isinama na rin niya ang kapatid upang mabantayan pa
rin niya ito.
Habang masayang nakukuwentuhan silang magkaibigan sa tabing dagat
ay pinagmasdan niya ang kapatid na naliligo sa hindi kalayuan. Napasarap ang
kanilang kuwentuhan at halakhakan hanggang hindi niya namalayang
nalulunod na pala sa malaking alon ang kaniyang kapatid. Laking pasasalamat
niya at mabilis itong nailigtas ng isang resident rescuer doon at nabigyan ito ng
paunang lunas.

Sitwasyon 2

Nang magsimula ang COVID-19 pandemic ay hiniling ni Ped sa kaniyang

mga magulang na bilhan siya nito ng mamahaling cellphone dahil matibay raw
ang baterya nito, tamang tama para sa kaniyang online class. Pinagbigyan siya
ng kaniyang ina at hiniling din nito na pagbubutihan ang kaniyang pag-aaral.
Hindi pa nagsisimula ang pasukan ay naaadik na siya sa internet at paglalaro
ng mobile legends dahilan ng hindi siya makakain at makatulog sa tamang
oras. Hindi na rin siya nakatutulong sa kaniyang mga magulang sa gawaing
bahay. Sa katunayan, hindi siya nakapag-aral sa unang linggo ng pasukan
dahil sa natamong komplikasyon sa kalusugan bunga ng over fatigue.
Ipinagamot siya sa ospital at sa awa ng Panginoon madali lang nakabawi ang
kanyang katawan at bumuti na rin ang kanyang pakiramdam.
Sitwasyon 3

Alam ni Lana na masama ang kahihinatnan ng mga lumaganap na gang sa

kanilang paaralan na binuo lamang ng mga estudyante. Nakikita niya kung
paano lumiban sa klase, hindi gumagawa ng aralin, at pagsiga-sigahan nito sa
loob ng paaralan. Nasaksihan niya na madalas itong mapasubo sa mga gulo.
Kaya laking dismaya niya nang malamang sumali ang kapatid niyang si Jeth.
Ayon sa kaniyang kapatid, sumali ito dahil mapaghingian raw ng tulong ang
kanilang kapatiran sa oras ng kagipitan at parang sikat na raw ang turing sa
kanya. Hindi nagkulang ng pagpaaalala si Lana sa kaniyang kapatid. Sa
katunayan, ilang beses na niya itong hinikayat na umalis sa grupo pero hindi
ito nakikinig hanggang nasangkot ito sa gulo dahilan kung bakit mabilis niya
itong pinuntahan sa presinto.

Makataong Bunga ng Katwiran Pananagutan

kilos makataong kilos
Halimbawa: Nabaon sa utang Dapat ay maging Pagbutihing
Pagwawaldas ng masinop sa pera, makabangon
mana mula sa ama
at gagastos mula sa
lamang kung pagkabaon sa
kinakailangan utang
Sitwasyon 1
1.

Sitwasyon 2
2.
Sitwasyon 3
3.

RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa ng
(15 puntos) (12 puntos) (9 puntos) kasanayan
(6 puntos)
Nilalaman Kompleto at Kompleto Kulang at hindi Kulang at hindi
angkop ang mga bagaman hindi masyadong angkop ang
impormasyong masyadong angkop ang impormasyong
isinulat. angkop ang impormasyong isinulat.
impormasyong isinulat.
isinulat.
Gawain 2: Kilos Ko! Pananagutan Ko!
Panuto: Magtala ng dalawang makataong kilos na iyong nagawa. Suriin ang
kawastuhan o kamalian nito. Ilahad ang iyong pananagutan at mga
hakbang upang mapanagutan ang kilos.

Kawastuhan o Mga Paraan upang

Sariling Kilos gamit
Kamalian at maging
ang katwiran,
Pananagutan sa mapanagutan sa
sinadya at niloob
nagawang Kilos kilos o pagkilos

RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa ng

(15 puntos) (12 puntos) (9 puntos) kasanayan
(6 puntos)
Nilalaman Kompleto at Kompleto Kulang at hindi Kulang at hindi
angkop ang mga bagaman hindi masyadong angkop ang
impormasyong masyadong angkop ang impormasyong
isinulat. angkop ang impormasyong isinulat.
impormasyong isinulat.
isinulat.
Gawain 3: Paalaala sa aking Sarili!
Panuto: Magtala ng sampung paraan o paalaala sa sarili upang maging
mapanagutan sa pagpapasya o pagkilos.

RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa ng

(15 puntos) (12 puntos) (9 puntos) kasanayan
(6 puntos)
Nilalaman Kompleto at Kompleto Kulang at hindi Kulang at hindi
angkop ang mga bagaman hindi masyadong angkop ang
impormasyong masyadong angkop ang impormasyong
isinulat. angkop ang impormasyong isinulat.
impormasyong isinulat.
isinulat.
Paglalahat at Repleksiyon:
Gawain 3: Isa, Dalawa, Tatlo!
Panuto: Punan ng hinihinging impormasyon ang tsart.

Tatlong bagay na nauuwaan ko sa

Paksang Aralin

Dalawang bagay sa paksang aralin na

hindi ko makakalimutan

Isang bagay na gusto kung itanong

Panapos na Pagtataya:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng may
pinakatamang sagot.
1. May napulot kang cellphone at pitaka sa tricycle na sinasakyan mo. Ano ang
pinakaangkop na paraan upang maging mapanagutan?
A. Ibalik sa kinalalagyan nito
B. Bilhin ang cellphone sa may-ari sa murang halaga
C. Akuin ang cellphone at pitaka dahil hindi naman alam ng may-ari
D. Ipagbigay-alam sa awtoridad o sa pahayagan upang matukoy ang
may-ari nito

2. Bakit pananagutan ng tao ang kawastuhan o kamalian ng kaniyang

makataong kilos?
A. dahil kailangang sudin ang nakapaloob na kaparusahan sa bawat
kamaliang nagawa
B. dahil ang kamalian na nagawa ay hindi katanggap-tanggap sa mata ng
batas at Panginoon
C. dahil ang kilos na ito ay sinadya at malaya niyang ginawa gamit ang
katwiran at kilos-loob
D. dahil ito ay nakakaapekto hindi lamang sa kanyang
sarili ngunit maging sa kanyang kapwa

3. Nalaman ni Marya mula sa kaniyang anak na sinuntok ito sa tagiliran ng

kaniyang kaklase. Paano maging mapanagutan si Marya sa kilos na kaniyang
gagawin?
A. ibahagi sa social media ang nangyari upang hindi na mauulit
B. idulog sa guro ang nangyari upang mapag-usapan ang angkop na
gagawin
C. pagalitan ang guro dahil sa hindi nito nabantayan ng maayos ang
kanyang anak
D. babalaan ang magulang ng batang nagkasala sa kaniyang anak upang
hindi lumala ang sitwasyon

4. Sa kasagsagan ng pandemya ay palaging naglalasing si Tomas upang mawala

ang inip na nararamdaman. Minsan, sa sobrang kalasingan ay naghahanap
siya ng away sa mga kapitbahay. Paano niya maiiwasan ang paggawa ng hindi
mapanagutang kilos?
A. maging responsable sa mga kapitbahay
B. ipasara ang mga tindahan na nagtitinda ng alak
C. gumawa ng produktibong Gawain para mawala ang inip at makaiwas
sa gulo
D. taimtim na manalangin sa Poong Maykapal na maiiwasan ang
paglalasing
5. Bakit kailangang panagutan ng tao ang isinagawang kilos?
A. dahil ito ay responsibilidad niya sa Panginoon
B. dahil ito ang inaasahan ng lipunan na gawin niya
C. dahil ang hindi paggawa nito ay may masamang mangyayari
D. dahil bawat kilos na niloob ng tao ay may kakabit na pananagutan

6. Napansin mong mukhang pinag-uusapan ka ng iyong mga kaklase dahil may

makahulugan silang tingin sa iyo. Ano ang nararapat gawin upang maging
mapanagutan sa pagkilos?
A. hindi na sila papansinin kahit kailan
B. tatanungin kung bakit ka nila pinag-uusapan
C. hindi bigyan ng kahulugan ang kanilang kinikilos
D. susugurin sila dahil wala silang karapatang panghimasukan ang iyong
buhay

7. Naririnig mong sinisiraan ng iyong mga kaibigang si Grace dahil sa suot

nitong maikling saya. Ano ang nararapat gawin upang maging mapanagutan
sa pagkilos?
A. makisali sa usapan upang makaganti sa kanya
B. hindi na sila papansinin at siraan sila sa ibang kaklase
C. magsumbong kay Grace upang mabigyan sila ng leksiyon
D. bigyan ng payo si Grace sa paraang hindi nakasasama ng loob
8. Hindi lingid sa iyong kaalaman na nalubog sa utang ang iyong mga magulang
dahil sa pag-aaral ng iyong kapatid sa kolehiyo. Naipapangako ng iyong ama
na sa iyong nalalapit na kaarawan ay bibilhan ka niya ng bagong sapatos.
Bilang anak, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mapanagutan sa
pagkilos?
A. aawayin ang kapatid dahil siya na lang ang palaging pinagbibigyan
B. magtampo sa mga magulang dahil siguradong hindi na ito matutuloy
C. tatanggapin ng maluwag sa kalooban kung hindi muna mapagbibigyan
ng magulang
D. laging papaalahanan ang ama sa pangako nito dahil ang pangako ay
hindi dapat napapako

9. Paano maging mapanagutan sa pagkilos sa kabila ng mga impluwensiya sa

kapaligiran?
A. pagbigyan ang hiling ng kapwa
B. piliin ang kilos o pasya na walang taong masasagasaan
C. gawin ang mga bagay na nakapaloob sa makabagong panahon
D. piliin ang kilos o pasya na nakabatay sa kung anong etikal at
moralidad

10. Alin sa mga sumusunod na kilos ang hahantong sa pananagutan?

A. napatawid ka sa daan dahil hinabol mo ang humablot ng iyong
cellphone
B. kinain mo ang baon ng iyong kaklase ng hindi niya nalalaman dahil
ikaw ay nagugutom
C. tinatanggihan mo ang iyong kaklase na mangongopya sa iyo kaya siya
ay bumagsak sa inyong pagsusulit
D. isinusumbong mo sa iyong ina ang ginawang pangungupit ng iyong
kapatid kaya ito’y napalo ng sinturon
Sanggunian:
Brizuela, Mary Jean B., et al. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-
aaral. Edited by Luisita B. Peralta. Pasig City: FEP Printing Corporation, 2015.

Mga Salik na Nakaaapekto sa

Linggo Pagkukusa sa Kilos at Pananagutan
3 ng Tao

Pangalan: _________________________________ Pangkat: ___________________________

Kasanayang Pampagkatuto:
1. Maipapaliwanag ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao
sa kahinanatnan ng kaniyang kilos at pasya;
(EsP10MK-IIc – 6.2)
2. Makapagsusuri ng isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos
dahil sa kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at gawi.
(EsP10MK-IIc - 6.3)

Pag-aralan:
Nilikha ng Diyos ang tao hindi lamang para mabuhay, kung hindi, ang
magpakatao. Ipinagkaloob sa kaniya ang lahat ng kakayahan at pakultad upang
hubugin ang kaniyang pagkatao. Kaya, ang natatanging hamon ay kung sa paano
gagamitin ng tao ang taglay na mga kakayahan tungo sa pag-iwas sa mga balakid o
salik na maaaring makaaapekto nito.

Ayon kay Agapay, ang tao ay may kapangyarihang kumilos ayon sa

kaniyang nais at ayon sa katuwiran gamit ang isip at kilos-loob kasabay ang iba
pang pakultad na kanyang taglay. Ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang
isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili.

Ang makataong kilos ay maaaring mabawasan o kaya ay mauwi sa pagiging

isang ordinaryong kilos ng tao dahil sa mga salik na nakaaapekto rito. Ang mga
salik ay direktang nakaaapekto o nakapagpapabago ng kalikasan ng isang
makataong kilos lalo na sa papel ng isip at kilos-loob.

Mga Salik Na Nakaaapekto Sa Makataong Kilos

1. Kamangmangan- isa sa pinakamahalagang elemento ng makataong kilos ay

ang papel ng isip. Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na
dapat taglay ng tao.
Dalawang uri ng kamangmanagan

A. nadaraig (vincible)- ay ang kawalan ng kaalaman sa isang gawain subalit

may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman kung
gagawa ng paraan upang malaman at matuklasan ito.
B. hindi nadaraig(invincible)- kawalan ng kaalaman na mayroon siyang
hindi alam na dapat niyang malaman. O kaya naman walang posibleng
paraan upang malaman ang isang bagay sa sariling kakayahan o sa
kakayahan man ng iba.

Halimbawa ay ang gawa ng isang taong itinuring na wala sa matinong

pag-iisip. Hindi siya mapanagot sa sirkumstansiyang ito. Ngunit kung ang
kamangmanagan na kayang baguhin sa pamamagitan ng isnag masikap na
paraan na alamin ang isang bagay bago gawin, may kapanagutan na sa
kaniyang kilos.

2. Masidhing Damdamin- ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang

bagay o kilos(tendency) o damdamin. Tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o
paghahangad na makaranas ng kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga
bagay na nagdudulot ng sakit o hirap. Halimbawa nito ay ang pag-ibig,
pagkamuhi, katuwaan, pighati, pagnanais, pagkasindak, pagkasuklam,
pagnanasa, depresyon, kapangahasan, pangamba, at galit.

Ang masidhing damdamin o passion ay normal na damdamin subalit ang

tao ay may pananagutan upang pangasiwaan ang kaniyang emosyon at
damdamin dahil kung hindi, ang mga emosyon at damdaming ito ang
mangangasiwa sa tao.

3. Takot- ito ay isang pang- emosyon na nakapagpapabagabag ng isip ng tao at

humaharap sa anumang uri ng pagbabanta at panganib sa buhay. Tumutukoy
din ito sa pagpataw ng puwersa gaya ng pananakit o pagpapahirap upang
gawin ng isang tao ang kilos na labag sa kaniyang kalooban. Kasama rin dito
ang pananakot sa tao o sa kaniyang mga mahal sa buhay upang mapasunod
itong gumawa ng masama.

4. Karahasan- ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang

isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at
pagkukusa. Ito ay maaaring gawin ng isang taong may mataas na
impluwensiya. Maaaring mawala ang panangutan ng kilos o gawa na may
impluwensiya ng karahasan. Ito ay kung nagkaroon ang tao ng sapat na paraan
para labanan ang karahasan subalit nauwi sa wala at mas nasunod ang
kalooban ng labas na puwersa. Ang tanging naaapektuhan ng karahasan ay
ang panlabas na kilos ngunit ang pakukusa o kilos-loob ay hindi.

5. Gawi- ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng

sistema ng buhay sa araw-araw. Kung ang isang gawa o kilos ay nakasanayan
na, nababawasan ang pananagutan ng isang tao ngunit hindi ito nawawala. Ito
ay dahil ang isang gawi bago nakasanayan ay nagsimula muna bilang isang
kilos na may kapanagutan at pagkukusa sa taong gumagawa.
Paunang Pagtataya:

Maraming Pagpipilian.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng
pinakatamang sagot.

1. Si Mera ay may malubhang sakit ngunit hindi niya ito ipinaalam sa kanyang
mga magulang dahil baka mag-aalala ito ng sobra. Anong salik ang
nakaaapekto pasyang ginawa?
A. Takot
B. Karahasan
C. Kamangmangan
D. Masidhing damdamin

2. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa salik na
nakaaapekto ng masidhing damdamin?
A. pagpapatiwakal dahil sa labis na depresyon
B. pagsaksak sa binatilyo dahil sa away kalsada
C. pagpapahayag ng masidhing pag-ibig sa minamahal
D. biglang pagsampal sa katrabaho dahil sa pagkagulat

3. Sa napakatahimik na gabi may isang matandang lalaki ang sinaksak at

piñata sa liblib na lugar. Sa di kalayuan may nakasaksi sa karumaldumal na
pangyayari ngunit nanatiling tahimik at hindi isinangguni ang pangyayari sa
awtoridad. Anong salik ang nakaapekto sa kanyang makataong kilos na
pananahimik?
A. Takot
B. Karahasan
C. Kamangmangan
D. Masidhing damdamin

4. Bakit hindi mapananagutan ang kilos na may impluwensiya ng karahasan?

A. dahil hindi kayang maapektuhan ang isip
B. dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos- loob
C. dahil ito ay labag sa kanyang kilos-loob at pagkukusa
D. dahil sa kahinaan ng isang tao at mataas na impluwensiya ng kabilang
panig

5. Alin sa mga sitwasyong ang nagpapakita ng kilos na bawas sa kapanagutan

ng tao dahil sa karahasan?
A. ang pagsasabi ng tunay na nararamdaman sa iniibig
B. pagsunod sa health protocols
C. ang pagsunod sa nais ng kriminal
D. pagsunod sa utos ng magulang

6. Inutusan ni Mark ang tatlong taong gulang na kapatid na kumuha ng pera sa

tindahan ng kanilang kapitbahay. Anong salik maaaring makakaapekto sa
gagawing kilos ng bata?
A. Takot
B. Karahasan
C. Kamangmangan
D. Masidhing damdamin
7. Nabangga ni Aireen ang matandang naglalakad nang kumaripas ito sa
pagtakbo pauwi ng bahay dahil nabalitaan nitong pumanaw na ang kapatid
na may sakit. Anong salik ang nakaaapekto sa ginawang kilos?
A. Takot
B. Karahasan
C. Kamangmangan
D. Masidhing damdamin

8. Anong salik ang lubos na nakaaapekto sa paggawa ng makataong kilos dahil

sa kasalatan ng kaalaman o pag-unawa?
A. Takot
B. Gawi
C. Kamangmangan
D. Masidhing damdamin

9. Bakit bawas sa pananagutan ng tao ang paggawa ng kilos na naaapektuhan

ng karahasan?
A. dahil hindi kayang maapektuhan ang isip
B. dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos- loob.
C. dahil sa kahinaan ng isang tao
D. dahil ang kilos ay hindi kinusa at niloob

10. Alin sa mga sumusunod ang may kapanagutang gawi?

A. pagmumura
B. pagpitik ng puso
C. paglilinis ng bahay
D. paghuhugas ng kamay

Gawaing Pampagkatuto
Gawain 1: Suri Ko! Paliwanag Ko!
Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Suriin kung anong salik ang
lubos na nakaaapekto sa pagkukusa ng mapanagutang kilos. Isulat sa
talahanayan ang sagot at pagpapaliwanag.
Sitwasyon Salik Pagpapaliwanag
1. Si Fatima ay laging nahuhuli sa
klase dahil tumatawid pa siya sa
main highway sa kanilang lugar
papunta sa paaralan.
2. Nakasanayan sni Edgardo ang
mag-inat at humikab. Isang
araw, nagalit ang kanilang guro
dahil napalakas ang paghikab
niya habang nagtuturo ito.

3. Pinatawag si Omar ng kaniyang

guro ng dahil hindi siya
nakilahok sa ginawang fire drill
ng paaralan.

4. Papauwi na si Princess nang

hinarang siya ng mga tamabay at
sapiliting kinuha ang kaniyang
pera. Sa sobrang nerbiyos ay
naibigay din niya ang perang
nasingil mula sa kontribusyon
nila para sa proyekto.

5. Isang fitness instructress ang

naglalakad pauwi. Tinangkang
kunin ng snatcher ang bag niya.
Hindi niya ito binigay at siya’y
nanlaban. Bigla niyang naisip na
sumigaw upang humingi ng
saklolo habang nakikipag-
agawan ng bag sa snatcher.
PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO NG SAGOT

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa

(20 puntos) (15 puntos) (10 puntos) ng kasanayan
(5 puntos)
Nilalaman Malinaw na Malinaw na Hindi Hindi
nailalahad ang nailalahad ang masyadong malinanw na
pangangatwirana pangangatwi- malinaw na nailalahad ang
n at ran at nailalahad ang pangangatwi-
nakapagbibigay nakapagbibigay pangangatwi- ran at hindi
ng mga suportang ng iilang ran at nakapagbibiga
detalye at suportang nakapagbibigay y ng mga
halimbawa. ng iilang suportang
detalye at
suportang detalye at
halimbawa.
detalye at halimbawa.
halimbawa.

Gawain 2: Suriin Mo’t! Mangatwiran Ka!

Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong.

Sitwasyon:
Nagbabakasakali si Juan na tumaya sa Mega lotto at nanalo ng isang
bilyong piso. Nagbago ang takbo ng kanyang buhay, nakapagpagawa siya ng
malaking bahay, nakabili ng magagarang sasakyan at nakapagpatayo ng mga
negosyo. Isang gabi nilooban ang bahay niya at nilimas ang lahat ng kanyang pera
at mga alahas. Wala siyang nagawa kundi ibigay ang lahat ng gusto ng mga
kawatan dahil sa banta na maaaring magdala ng kamapahamakan sa kanyang
buong pamilya.
Tanong:

1. Ano ang mga salik ang nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos ni Juan?

______________________________________________________________________________

2. Paano nakahahadlang ang mga salik na ito tungo sa mabuting pagpili at

pagpasiya?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. May malaki bang pananagutan ang tauhan sa kilos at pagpapasyang ginawa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Kung ikaw ang nasa sitwasyon, ano ang mga paraan na maaari mong gawin
upang hindi ka maapektuhan sa mga salik sa pananagutan ng tao sa
kahinanatnan ng kaniyang kilos at pasya?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Paano dapat ipamalas ng tao sa kaniyang araw-araw na buhay ang mga

gawaing nanganagailangan ng pananagutan at maiwasan ang mga salik na
nakaaapekto nito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan ng
(15 puntos) (10 puntos) Pag-unlad
(5 puntos)
Nilalaman ng Nasagutan nang tama Nasagutan nang tama May sagot sa tanong
mga sagot ang lahat ng tanong ang iilang tanong at bagaman malayo sa
at kinapapalooban ng kinapapalooban ng konseptong hinihingi.
makabuluhang iilang makabuluhang
impormasyon. impormasyon.
Gawain 3: Kilos Ko! Pananagutan Ko!

Panuto: Gunitain ang mga pangyayari sa buhay mo na nagpapakita ng mga salik

na nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos at pananagutan ng tao sa
kahihinatnan.
Mga Salik na Sitwasyong Kilos na naisagawa Pananagutan o Paraan
Nakaaapekto sa Naranasan upang maging
Makataong Kilos mapanagutan
1. Kamangmangan

2. Masidhing
Damdamin

3. Takot
4. Karahasan

5. Gawi

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO NG SAGOT

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa ng

(15 puntos) (12 puntos) (9 puntos) kasanayan
(6 puntos)
Nilalaman Kompleto at Kompleto Kulang at hindi Kulang at hindi
angkop ang mga bagaman hindi masyadong angkop ang
impormasyong masyadong angkop ang impormasyong
isinulat. angkop ang impormasyong isinulat.
impormasyong isinulat.
isinulat.
Paglalahat at Repleksiyon:

Panuto: Punan ng hinihinging impormasyon ang tsart.

A. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
TAMA kung ang pahayag ay naglalahad ng wastong ideya at MALI
naman kung hindi.

________1. Ipinagkaloob sa tao ang lahat ng kakayahan at pakultad upang

hubugin ang kaniyang pagkatao at upang magpakatao.
________2. Kung walang paraan upang maitama ang kamangmangan, ang isang
gawa ay hindi itinuring na makataong kilos at walang pananagutan sa
bahagi ng gumawa.
________3. Nawawala ang pananagutan ng isang tao sa kilos na ginawa dahil sa
takot.
________4. Ang tao ay may pananagutan upang pangasiwaan ang kaniyang
emosyon at damdamin.
________5. Ang tanging naaapektuhan ng karahasan ay ang panlabas na kilos
ngunit ang pagkukusa o kilos-loob ay hindi.

B. Panuto: Sagutin ang sumunod na mga tanong.

1. Paano nakahahadlang ang mga salik (kamangmangan, masidhing damdamin,

takot, karahasan at gawi) na ito tungo sa mabuting pagpili ng kilos at
pagpapasiya?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Paano mo maipapamalas sa araw-araw ang makatao at mapanagutang kilos sa

kabila ng mga salik na nakaaapekto sa pagkukusa ng makattaong kilos?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO NG SAGOT

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa

(20 puntos) (15 puntos) (10 puntos) ng kasanayan
(5 puntos)
Nilalaman Malinaw na Malinaw na Hindi Hindi
nailalahad ang nailalahad ang masyadong malinanw na
pangangatwirana pangangatwi- malinaw na nailalahad ang
n at ran at nailalahad ang pangangatwi-
nakapagbibigay nakapagbibigay pangangatwi- ran at hindi
ng mga suportang ng iilang ran at nakapagbibiga
detalye at suportang nakapagbibigay y ng mga
halimbawa. detalye at ng iilang suportang
halimbawa. suportang detalye at
detalye at halimbawa.
halimbawa.

Panapos na Pagtataya:
Maraming Pagpipilian.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Sa papaanong paraan nakaaapekto ang kamangmangan sa pananagutan ng
tao sa kahihinatnan ng kanyang kilos?
A. nagpapabibigat ng pananagutan dahil kasalanan din ang pagiging
mangmang
B. nagpabibigat ng pananagutan dahil walang pagsisikap na malabanan
ang kamangmangan
C. nakapagbawas ng pananagutan dahil may mga tao talagang
tumatandang walang alam
D. nakapagbawas ng pananagutan dahil sa kaunting kakulangan sa
pagisiskap na malabanan ang kamangmangan

2. Paano nakaaapekto ang masidhing damdamin sa pananagutan ng tao sa

kahihinatnan ng kanyang kilos?
A. napapalakas ang bugso ng damdamin na nagpapalakas din sa
kakayahan na gumawa ng hindi makataong kilos
B. napatitindi ang pananagutan ng tao dahil mas napakinggan ang dikta
ng isip sa pagsasakilos ng nararamdaman
C. nakapagbawas sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kanyang
kilos dahil ang masidhing damdamin ay napakahirap labanan at likas
ito sa tao
D. napabibigat ang pananagutan ng tao sapagakat hindi niya
napangasiwaan nang maayos ang kanyang damdamin bago gumawa ng
kilos o pasya
3. Bakit nakaaapekto ang masidhing damdamin sa pagkukusa ng tao sa isang
kilos o pasya?
A. dahil ito ay umiiral bago pa man gawin ng tao ang isang kilos o pasya
B. dahil ito ay normal lamang sa isang tao ang makaramdam ng
masidhing damdamin
C. dahil ang pangangailangan ng masighing damdamin ay mas
matimbang kaysa dikta ng isip
D. dahil ang maayos na pagtanggap ng damdamin ay may limitasyon kung
kaya ang pagkukusa ay nalimitahan din

4. Nag-iisa sa bahay si Harold dahil pumasok sa trabaho ang kanyang magulang

hindi niya alam na may nagmamanmang kawatan at naghihintay ng
pagkakataong makapasok sa loob. Nagkagulatan sila ng kawatan nang
magkasalubong sila sa sala. Kumaripas ito ng takbo palabas ng bahay at
dali-dali naman niyang pinakawalan ang mabangis nilang aso dahilan kung
bakit nagtamo ito ng maraming sugat. Anong salik ang nakaapekto ng lubos
kay Harold sa pagkukusa ng mapaminsalang kilos?
A. Gawi
B. Karahasan
C. Masidhing damdamin
D. Takot

5. Alin sa mga sumusunod pahayag ang naglalahad ng angkop na impormasyon

tungkol sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos?
A. May mabigat na pananagutan ang tao sa bawat kilos na kanyang
niloob at hindi niloob.
B. May maliit at malaking pananagutan ang tao para sa maliit at malaking
bagay na nagawa.
C. Hindi mawawala ang pananagutan ng tao sa kilos na
naimpluwensiyahan ng karahasan.
D. Hindi nawawala ang pananagutan ng isang tao sa kilos na ginawa na
bugso ng takot dahil ito ay pinag-iisipan niya.

6. Nakasanayan ni Maureeen ang pagmumura at para sa kanya ito ay walang

masamang pagpapakahulugan dahil ito ay ekspresyon lamang daw. May
pananagutan ba si Maureen sa kanyang nakasanayang kilos? Bakit?
A. Oo, dahil ang pagmumura ay hindi tamang gawain ng isang tao
B. wala, dahil wala naman itong masamang pagpapakuhulugan sa taong
nagsasalita
C. wala, dahil ang kilos na ito ay hindi naman pinag-iisipan likas lang
lumalabas sa bibig ng nagsasalita
D. Oo, dahil nagsisimula ito bilang kusang pagsasalita nang hindi
maganda at nakasanayan na lamang
7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang angkop tungkol sa mga salik na
nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos?
A. Ang kamangmangan ay nakaaapekto sa pagkukusa ng kilos sapagkat
ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kaalaman na dapat taglayin ng
tao.
B. Ang takot ay may negatibong epekto sa pag-iisip ng tao na naging
dahilan ng mapusok na reaksiyon, pagkilos at paggawa ng desisyon na
hindi naaayon sa etika.
C. Ang gawi ay nakaaapekto sa pagkukusa ng kilos sapagkat ito ay
tumutukoy sa mga Gawain na paulit-ulit na ginagawa kaya walang
mabigat na pananagutan ang tao.
D. Ang karahasan ay nakaaapekto sa pagkukusa ng kilos sapagkat ito ay
tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng panlabas na pwersa upang
pilitin ang isang tao na gumawa ng isang bagay na bukal naman sa
kanyang kalooban.

8. Nakararanas ng pambubugbog si Lito mula sa kanyang tiyuhin tuwing maliit

lang ang kanyang maibigay na pera sa pamamalimos. Kaya sinubukan niyang
magnakaw upang makaiwas sa matigas nitong kamao Sa sitwasyong ito,
anong salik ang lubos nakaaapekto sa pagkukusa ng kilos?
A. Gawi
B. Kamangmangan
C. Karahasan
D. Takot

9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkukusa ng kilos dahil sa

gawi?
A. pagtulong sa mga nangangailangan
B. pangungutang ng pera tuwing nagigipit
C. pagmamaktol kapag hindi nasusunod ang gusto
D. pag-eeskandalo ng babaeng wala sa tamang pag-iisip

10. Lihim na nakasaksi si Amyrah ng isang krimen na kung saan ay biktima ang
matalik niyang kaibigan. Sa kanyang galit ay kumuha siya ng putol na bote at
sinaksak ito sa nakatalikod na mamamatay-tao dahilan kung bakit nawalan
ito ng malay. Anong salik ang nakaaapekto kay Amyrah sa pagkukusa ng
kilos?
A. Kamangmangan
B. Karahasan
C. Masighing Damdamin
D. Takot

Sanggunian:
Brizuela, Mary Jean B., et al. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa
Mag-aaral. Edited by Luisita B. Peralta. Pasig City: FEP Printing Corporation, 2015.
Agapay, R. (2001). Ethics and the Filipino: A Manual on Morals for students and
educators. Mandaluyong City, Philippines: National Book Store
Linggo Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng
4 Tao at Paghubog sa Kakayahan sa Pagpapasiya

Pangalan: _________________________________ Pangkat: ___________________________

Kasanayang Pampagkatuto:
a) Napatutunayan na nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing
damdamin, takot, karahasan at ugali sa pananagutan ng tao sa
kalalabasan ng kanyang mga pasya at kilos dahil maaaring mawala ang
pagkukusa sa kilos. EsP10MK-Iid-6.4
b) Nakapagsusuri ng sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa
pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya at nakagagawa ng
mga hakbang upang mahubog ang kanyang kakayahan sa pagpapasiya.
EsP10MK-Iie-7.1

Pag-aralan:
Ang tao ay malayang makakagawa ng kilos at pasya. Kaakibat nito ay ang
pananagutan sapagkat ang kilos ay ginagamitan ng pag-iisip at kilos-loob.
Bagaman may mga pagkakataong maaaring mabawasan ang kanyang
pananagutan dahil may mga kilos at pagpapasya na hindi kinusa o niloob ng tao
lalong-lalo na kung ito ay naaapektuhan ng mga salik na: kamangmangan,
masidhing damdamin, takot, karahasan at gawi. Kung kaya, bilang tao dapat na
masuri natin ang sarili batay sa mga salik na ito upang makakagawa tayo ng mga
hakbang o paraan upang mahubog ang ating kakayahan sa pagpapasiya at
pagkilos tungo mapanagutan at makataong kilos sa kabila ng mga bantang ito.

Ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at ugali ng

tao ay ang mga salik na nakaaapekto sa kilos at pananagutan ng tao dahil ito ay
direktang nakaaapekto o nakapagpapabago sa kalikasan ng isang makataong kilos
lalo na sa papel ng isip at kilos-loob. Halimbawa, biglang sinampal ni Ken ang
kaharap dahil sa pagkabigla nito ngunit ang kilos na iyon ay hindi niya niloob o
pinag-iisipan bago nangyari ang kilos. Ito agad ang reaksiyon ng kanyang katawan
sa sitwasyon kung kaya hindi siya nagkaroon ng pagkakataong husgahan ang
pangyayari at gumawa ng pagpapasiya. Unang naaapektuhan ng damdamin ang
isip kung kaya nawala sa katwiran ang tao. O kaya naman, wala ng iba pang mas
mabuting paraan na naiisip ang tao dahil sa sitwasyong kinalalagyan. Halimbawa
sa karahasan. Nakakagawa ang tao ng kilos na hindi niloob dahil sa mataas na
impluwensiya ng panlabas na puwersa. Kung kaya bawas ito sa pananagutan
sapagkat ang kilos na isinagawa ay hindi niloob ng tao kung hindi napipilitan
lamang ito. Sa ibang salita ay nawawala ang pagkukusa sa isinagawa o gagawing
kilos.

Ang mga pagpapasiyang ginagawa ng isang bata hanggang sa kaniyang

pagtanda ang siyang magdidikta kung anog uri ng tao siya magiging sa hinaharap
at sa kung anong landas ang kaniyang pipiliing tahakin. Kung paano ka hinubog
at ginabayan ng iyong mga magulang ay totoong malaking impluwensiya sa iyong
paglaki. Bagama’t, ang iyong sariling isipan, sa gabay ng Panginoon, guro at iba
pang may mabuting impluwensiya sa iyo ay lubos na makakatulong upang ikaw ay
magtagumpay sa pagpapasya at sa pag-abot ng iyong mga pangarap.
Sa bawat yugto ng buhay, napakahalaga na dumaan ka sa proseso bago
magsagawa ng pagpapasiya. Makatutulong sa iyo ang proseso ng pakikinig (listen
process). Ito ay isang malalim na pagkaunawa gamit ang tamang konsensiya. Ito
rin ang magsisilbing gabay sa mga sitwasyon na kinakaharap mo sa ngayon at
mula rito matututuhan mo na ang moral na pagpapasiya ay isang kakayahan na
may malaking kontribusyon sa anumang moral na dilemma.

Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya

1. Magkalap ng mga Patunay sa pamamagitan ng pagtatanong sarili o

pagsasagawa ng pagninilay-nilay.
2. Isaisip ang mga posibilidad (mabuti o masama) sa bawat kilos o pasyang
gagawin.
3. Maghanap ng ibang kaalaman o inspirasyong makagawa ng tamang
pagpapasiya.
4. Tingnan ang iyong kalooban, konsensiya, at personal na nararamdaman
upang sa gagawing pagpapasiya ikaw ay magiging Masaya.
5. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Ito
ang magsisilbing lakas natin sa mga sandaling dumaranas sa mahirap na
sitwasyon.
6. Magsagawa ng pasiya batay sa resulta ng mga naunang hakbang.

Paunang Pagtataya:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at pahayag. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.

1. Paano nakaaapekto ang kamangmangan sa pananagutan ng tao sa

kalalabasan ng kanyang kilos at pasya?
A. sapamamagitan nito dapat na panagutan niya nang buong-buo ang
kahihinatnan ng kanyang kilos
B. sapamamagitan nito ay wala siyang pananagutan sapagkat hindi
kasalanan ang pagiging mangmang
C. sapamamagitan nito ay mas mabigat ang pananagutan sapagkat
kasalanan niya ang pagiging mangmang
D. sapamamagitan nito ay mababawasan ang pananagutan ng tao dahil
sa kawalan o kasalatan ng kaalaman sa isang bagay

2. Bakit naging banta ang mga salik na kamangmangan, masidhing damdamin,

takot, karahasan at gawi sa paggawa ng makatao at mapanagutang kilos?
A. dahil tayo ay tao lamang at hindi perpekto
B. dahil ito ay may mataas na impluwensiya sa
C. dahil bahagi na ito sa pang-araw-araw na buhay ng tao
D. dahil ito ay direktang nakaaapekto at nakapagpapabago sa papel ng
isip at kilos-loob

3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang kabilang sa mga hakbang sa

paghubog sa kakayahan sa pagpapasiya?
A. isaisip ang mga posibilidad
B. tingnan ang kalooban ng iba
C. isaalang-alang ang payo ng kapwa
D. agad-agad na bumuo ng pagpapasiya
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang magpapatunay na nakaaapekto ang
kamangangan sa pananagutan ng tao sa kalalabasan ng kanyang pasya at
kilos?
A. Nagmamadaling umalis si Ryan baka pagagalitan siya ng kanyang mga
kaibigan kanina pa naghihintay.
B. Nagbayad si Aura ng utang sa kanyang kaibigan dahil alam niyang
nangangailangan din ito ng pera.
C. Hindi umuwi nang maaga si Chelsea kahit alam niyang subrang
maaalalahanin ang kanyang mga magulang.
D. Hindi marunong magbasa si Ruel kaya umihi siya sa pader kahit may
nakalagay na karatulang, “Bawal Umihi Dito!”.

5. Anong salik ang tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaaalaman na

nakaaapekto sa pananagutan at pagkukusa ng makataong kilos?
A. Gawi
B. Kamangmangan
C. Karahasan
D. Takot

6. Ano ang kaakibat ng malayang paggawa ng kilos at pasya?

A. paghuhusga
B. pag-iisip
C. pagkukusa
D. pananagutan

7. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa mga hakbang sa moral na

pagpapasiya?
A. pagtingin sa kalooban
B. magtiwala sa payo ng iba
C. magsagawa agad ng pasiya
D. umasa at magtiwala lamang sa sarili

8. Alin sa mga sumusunod na kilos ang magpapatunay na ang masidhing

damdamin ay nakapagpapababa sa pananagutan ng tao sa kalalabasan ng
kanyang kilos at pasya?
A. Pagtatago sa gamit ng iba.
B. Paghihiganti sa mga taong nagkasala.
C. Pagmumura dahil sa labis na pagkasindak.
D. Pagpapatiwakal dahil sa labis na depresyon.

9. Alin sa mga sumusunod na kilos ang magpapatunay na ang takot ay

nakapagpapababa sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kanyang kilos o
pasya?
A. Pagwawala sa loob ng silid-aklatan.
B. Pag-tapon ng basura sa ilog at dalampasigan.
C. Pagkain ng tanghalian sa loob ng computer laboratory.
D. Paghampas ng kahoy sa ulo ng taong nangloob sa inyong bahay.
10. Paano nakaaapekto ang takot sa pananagutan ng tao sa kahihintanan ng
kanyang kilos at pasya?
A. Nakatutulong ang takot sa pagpukaw sa malayang pag-iisip ng tao sa
paggawa ng kilos na walang kapanagutan.
B. Nakawawala ng anumang pananagutan dahil ang paggawa ng tao sa
kilos ay hindi sinadya at hindi pinag-iisipan ng taong nagsagawa.
C. Nakapagpabibigat ng pananagutan ng tao dahil anumang kilos ay
kanyang sinadya at kinusa gamit ang isip at kilos-loob na malaya
niyang nagagamit.
D. Nakapagpapababa sa pananagutan dahil sa paggawa ng kilos ang tao
ay pansamantalang naguguluhan at nawawala ang kakayahang
makapag-isip nang wasto.

Gawaing Pampagkatuto:
Gawaing 1: Kilos Ko! Hakbang Ko!

Panuto: Magtala ng sariling kilos sa bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan

ng tao at mga hakbang sa paghubog ng kakayahang magpasiya.
Mga salik na nakaaapekto Sariling Kilos / Pasya Mga Hakbang sa Paghubog
sa pananagutan ng tao ng kakayahang magpasiya
Kamangamangan

Masidhing damdamin

Takot
Karahasan

Ugali

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO NG SAGOT

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa ng

(15 puntos) (12 puntos) (9 puntos) kasanayan
(6 puntos)
Nilalaman Kompleto at Kompleto Kulang at hindi Kulang at hindi
angkop ang mga bagaman hindi masyadong angkop ang
impormasyong masyadong angkop ang impormasyong
isinulat. angkop ang impormasyong isinulat.
impormasyong isinulat.
isinulat.
Gawain 2: Sulat-Patunay!
Panuto: Magtala ng sitwasyong iyong naranasan o nasaksihan na magpapatunay
na lubos na naaapektuhan ng kamangmangan, masidhing damdamin,
takot, karahasan at ugali sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng
kilos at pasiya.

Salik at Sitwasyon Kilos o pasya at Panangutan sa

kahihinatnan ng Kilos kahihinatnan ng kilos o
pasya
Halimbawa. TAKOT Sa takot ay ginawa ko ang Pananagutan kong isauli,
kanyang inuutos. Kumuha humingi ng tawad at
Pinilit ako ng aking sigang ako ng pagkain. ipagbigay alam na labag sa
kaklase na kumuha ng aking kalooban ang paggawa
pagkain sa kantina. Hindi Nahuli ako ng aking guro ng nasabing kilos. Ibig
ako pumayag bagama’t na kumuha ng pagkain sa sabihin maaaring hindi ako
pinagtaasan ako nito ng kantina kaya dinala ako sa ang ma-suspend sa
kamao. Binantaan niya opisina ng aming punong- paaralan kundi ang kaklase
akong matitikman ko ang guro. kong nambubuska. Ang
bagsik ng kanyang kamao tanging pananagutan ko ay
kung hindi ko ito susundin. ang pakinggan ang kanilang
payo at pangaral.
Kamangmangan.

Masidhing Damdamin

Takot
Karahasan

Gawi

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO NG SAGOT

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa ng

(15 puntos) (12 puntos) (9 puntos) kasanayan
(6 puntos)
Nilalaman Kompleto at Kompleto Kulang at hindi Kulang at hindi
angkop ang mga bagaman hindi masyadong angkop ang
impormasyong masyadong angkop ang impormasyong
isinulat. angkop ang impormasyong isinulat.
impormasyong isinulat.
isinulat.
Gawain 3: Papatunayan Ko!
Panuto: Sumulat ng limang patunay o pagpapaliwanag kung paano nakaaapekto
ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at ugali sa
pananagutan ng tao sa kalalabasan ng kilos at pasya ng tao.

RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa ng

(15 puntos) (12 puntos) (9 puntos) kasanayan
(6 puntos)
Nilalaman Kompleto at Kompleto Kulang at hindi Kulang at hindi
angkop ang mga bagaman hindi masyadong angkop ang
impormasyong masyadong angkop ang impormasyong
isinulat. angkop ang impormasyong isinulat.
impormasyong isinulat.
isinulat.
Paglalahat at Repleksiyon:
Panuto: Kumpletuhin ang mga pahayag.

Natuklasan ko ang . . .

Natutunan ko ang . . .

Gusto kong itanong ang . . .

Panapos na Pagtataya:
Maraming Pagpipilian.
Panuto: Tukuyin ang mga pahayag o sitwasyon na magpapatunay sa epekto ng
kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at galit sa
pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kanyang kilos at pagpapasya.
Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Bakit may pagkakataong maaaring mabawasan ang pananagutan ng tao sa

kanyang kilos?
A. dahil may mga kilos at pagpapasya na kinusa ng tao
B. dahil minsan masyadong mabigat ang pananagutan at hindi kayang
magampanan ng taong nagsasagawa
C. dahil may mga kilos na dulot lamang ng kamangmangan, masidhing
damdamin, takot, karahasan at gawi
D. dahil ang tao ay maaaring mkahingi ng tulong sa iba upang mas
mapadali at mapagaan ang kanyang pananagutan

2. Araw-araw nasasaksihan ni Aira ang pananakit ng ama sa kanyang ina

simula nang ito ay nalulong sa sugal. Nasasaktan siyang makitang
nasasaktan ang ina bagama’t wala siyang magawa dahil binalaan siya nitong
huwag mamagitan sa kanilang away para hindi rin siya makatikim sa bigat ng
kanyang kamao. Ito ang dahilan kung bakit nawala ang kanyang pagkukusa
na ipagtanggol ang ina. Alin sa mga sumusunod na salik na nakaaapekto sa
makataong kilos ang malinaw na ipinapakita sa sitwasyon?
A. Gawi
B. Kamangmangan
C. Karahasan
D. Masidhing damdamin

3. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pahayag tungkol sa epekto ng takot

sa pananagutan ng tao at kalalabasan ng kanyang kilos?
A. May kasalatan sa kaalaman ang taong gumawa ng kilos batay sa takot.
B. Nawawala ang pananagutan ng isnag tao sa kilos na ginawa dahil sa
takot.
C. Hindi nawawala ang pananagutan ng isang tao sa kilos na bunga ng
takot kundi nababawasan lamang.
D. Napabibigat ang pananagutan ng isang taong nakagawa ng kilos na
pinangasiwaan ng takot.

4. Ano ang kaakibat ng malayang paggawa ng kilos at pasya?

A. Damdamin
B. Kilos-loob
C. Pag-iisip
D. Pananagutan
5. Sa anong pagkakataon nababawasan ang pananagutan ng tao sa
naisagawang kilos?
A. kung ang kilos at pasya ay hindi kinusa o niloob ng tao
B. kung ang paggawa ng kilos ay naaapektuhan ng kamangmangan
C. kung wala sa tamang pag-iisip ang tao sa pagkataong isinagawa ang
kilos
D. kung ang paggawa ng kilos o pasya ay ginagamitan ng pag-iisip at
kilos-loob

6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang angkop tungkol sa mga hakbang sa

moral na pagpapasiya?
A. Magsagawa ng pasya batay sa payo ng iba
B. Umasa at magtiwala lamang sa sariling kakayahan
C. Isaisip ang mga posibilidad sa bawat kilos o pasyang ginawa.
D. Magkalap ng mga patunay sa pamamagitan ng pagtatanong sa kapwa.

7. Ano ang mga kilos na maituturing na makatao at dapat na mapanagutan?

A. mga kilos na hindi niloob ng tao
B. mga kilos na nakabatay sa likas na batas moral
C. mga kilos na bunga ng masusing pag-iisip at kilos-loob
D. mga kilos na naaapektuhan ng takot at masidhing damdamin

8. Ano ang katangiang o pagkatao ng isang taong may matibay na

panininindigan sa kanyang kilos?
A. mapanagutan sa kalalabasan ng naisagawang kilos
B. matalinong nag-iisip sa susunod na kilos at pasya na isasagawa
C. masayahin at mabuti sa kapwa kahit hindi maganda ang kinalalabasan
ng kilos
D. nanghihila ng kapwa sa isyung kinalalagyan bunnga ng sariling
pagpapasya

9. Alin sa mga sumusunod ang angkop na gagawin upang hindi maaapektuhan

ng mga salik sa makataong kilos?
A. mag-isip bago gumawa ng anumang kilos o pasya
B. huwag isaalang-alang ang mga salik sa makataong kilos
C. hubugin sa mabuti ang kakayahang sa pagpasiya at pagkilos
D. masusing paghuhusga sa sitwasyon bago gumawa ng kilos o pasya

10. Kailan maituturing ang sarili bilang isang tao na may pananagutan sa
ginawagawa?
A. kung ipinagsasawalang bahala ang bunga ng makataong
B. kung buong pusong hinaharap ang mabuting resulta ng isinagawang
pasya o kilos
C. kung agad na tumatakbo sa anumang responsabilidad na nakaatang sa
kilos o pasyang isinagawa
D. kung handa ang sariling kumilos kaakibat ng mapanagutang resulta o
kahihinatnan ng anumang pasya o kilos
Sanggunian:
Brizuela, Mary Jean B., et al. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-
aaral. Edited by Luisita B. Peralta. Pasig City: FEP Printing Corporation, 2015.

Linggo
SUSI SA PAGWAWASTO
1-4

Linggo 1 Linggo 2 Linggo 3 Linggo 4

Paunang Panapos Paunang Panapos Paunang Panapos Paunang Panapos
Pagtataya na Pagtataya na Pagtataya na Pagtataya na
Pagtataya Pagtataya Pagtataya Pagtataya

1. B 1. B 1. D 1. B 1. A 1. D 1. D 1. C
2. D 2. B 2. C 2. A 2. D 2. D 2. D 2. C
3. D 3. D 3. B 3. C 3. A 3. C 3. A 3. C
4. D 4. A 4. C 4. D 4. C 4. D 4. D 4. D
5. D 5. D 5. D 5. A 5. C 5. B 5. B 5. A
6. A 6. D 6. C 6. C 6. C 6. D 6. D 6. C
7. D 7. C 7. D 7. B 7. D 7. B 7. A 7. C
8. C 8. A 8. C 8. B 8. C 8. C 8. C 8. A
9. D 9. C 9. D 9. B 9. D 9. A 9. D 9. C
10. D 10. B 10. B 10. D 10. A 10. C 10. D 10. D

You might also like