You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR

Gawaing Pagkatuto sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)


Grade 9 (Q3, Linggo 2, Modyul 2: Katarungang Panlipunan: Tanda ng
Pagpapamahal sa Kapwa)

Pangalan : __________________________________________ Petsa: ____________

I. Panimula (Susing Konsepto)

Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang pamumuhay.


Umiiral ito kung tinatanggihan ng mamamayan ang pandaraya sa negosyo,
pangungurakot sa pribado at publikong institusyon, hindi makatarungang pasahod
sa mga empleyado at ang iba pang mga katulad na sitwasyon.

II. Kasanayang Pagkatuto at Koda

9.3 Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa


kapwa ang nararapat sa kanya.
9.4 Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop
na pagkakatao.

III. Mga Gawain


Gawain 1: Kapuwa’t Kalipunan

Punuan ang bawat bahagi ng tsart sa iba. Sa Kapuwa, tukuyin ang mga
partikular na taong ika’y may personal sa ugnayan. Samantala, sa kalipunan tukuyin
ang iyong mga tungkulin sa iyong kapuwa sa bawat sector ng lipunan.
Sektor ng Kapuwa Kalipunan
Lipunan (Partikular na taong may (Ano ang iyong tungkulin?)
personal na ugnayan)
Pamilya

Paaralan

Pamahalaan

Schools Division of Camarines Sur


Freedom Sports Complex, San Jose Pili, Camarines Sur
www.depedcamsur.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR

Simbahan

Kaibigan

Gawain 2: Apat Dapat

Kaugnay sa katarungang panlipunan ang apat na pagpapahalaga na


kinakailangan upang makatulong sa pagsisikap na maging makatarungang tao. Punuan
ang graphic organizer ng hinihingi. Gamiting batayan ang gabay na katanungan sa text
box.
Gabay na Katanungan:
Paano mo maipapakita ang
Katotohanan bawat pagpapahalaga
_________________ upang maisabuhay ang
_________________ katarungang panlipunan?
_________________
_________________
_________________
_________________
Dignidad Pagmamahal
_________________ _________________
_________________ _________________
_________________
KATARUNGANG _________________
_________________ PANLIPUNAN _________________
_________________ _________________
_________________ _________________

Pagkakaisa
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________

Schools Division of Camarines Sur


Freedom Sports Complex, San Jose Pili, Camarines Sur
www.depedcamsur.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR

IV. Pagpapalalim

Katarungang Panlipunan: Tanda ng Pagpapamahal sa Kapwa

Ano ang katarungang panlipunan? Ayon kay Dr. Manuel Dy, ito ay nauukol
hindi lamang sa ugnayan sa tao sa kaniyang kapuwa kundi sa ugnayan din niya sa
kalipunan.
 Ang Kapuwa ay personal o interpersonal na ugnayan mo sa ibang tao.
Halimbawa: sa batang nasa lansangan, sa isang matandang babae na
nagpapaturo sa iyo kung saan ang daan, sa kaibigan na nagpapatulong
tungkol sa kaniyang problema.
 Ang Kalipunan (socius) ay ang ugnayan ng tao sa isang institusyon o sa
isang tao dahil sa kaniyang tungkulin sa isang institusyon. Halimbawa:
ang guro o mag-aaral sa paaralan, ang konduktor ng bus o ang
empleyado sa opisina. Sila ay kalipunan dahil may namamagitan na
institusyon sa kanilang ugnayan. Magkaiba, ngunit hindi magkahiwalay
ang kapuwa at kalipunan. Ang kalipunan ay para sa paglilingkod sa
kapuwa.

Alam mo ba na may kaugnay na pagpapahalaga ang katarungang


panlipunan? Ang mga ito ay ang:

 Dignidad ng tao
 Katotohanan
 Pagmamahal
 Pagkakaisa
 Kapayapaan

Hindi lingid sa iyong kaalaman na may namumuong pagkakahati-hati sa mga


mamamayan ng ating bansa at maging sa pagitan ng mga bansa ng daigdig.
Marahil, ito ay dahil sa magkakaibang prinsipyo at pananaw sa buhay ng mga tao sa
larangan ng politika, relihiyon at iba pang aspeto ng buhay ng tao ay sama-samang
namumuhay sa iisang bansa lamang. Kailangang maging bukas tayo at handing
isakripisyo ang ating pansariling adhikain para sa pagkakaisa tungo sa kabutihang
panlahat. Ang sabi ni Santo Papa Juan Pablo II, “Ang bunga ng pagkakaisa ay
kapayapaan.”

Schools Division of Camarines Sur


Freedom Sports Complex, San Jose Pili, Camarines Sur
www.depedcamsur.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR

Sagutan ang mga sumusunod na tanong:

1. Sinu-sino ang tatlong tao (buhay man o patay na) ang tinuturing mong
huwaran sa pagpapamalas ng katarungang panlipunan?
2. Anu-ano ang kanilang nagawa upang sila ay iyong hangaan?
3. Sa iyong palagay, paano nabago ng kanilang mga naging adbokasiya ang
lipunang kanilang kinabibilangan?

V. Sanggunian/Reference for Learners

Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Modyul para sa mag-aaral p.129-143

Inihanda ni:

HECTOR B. ORASA
Nabua National High School
Division of Camarines Sur

Schools Division of Camarines Sur


Freedom Sports Complex, San Jose Pili, Camarines Sur
www.depedcamsur.com

You might also like