You are on page 1of 32

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Mga Suliranin at Hamong
Pangkapaligiran
Araling Panlipunan– Ika-Sampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Mga Suliranin at Hamong Pangkapaligiran
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban samodyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jayson S. Castro


Editor: Rosario M. dela Rosa
Tagasuri: Hamilton Q. Cruz
Tagaguhit: Jayson S. Castro
Tagalapat: Jayson S. Castro
Cover Design: Emmanuel S. Gimena Jr.

Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
Asst. Schools Division Superintendent : Roland M. Fronda, EdD, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, AP : Romeo M. Layug
District Supervisor, Abucay : Ruel D. Lingad, EdD
Division Lead Book Designer : Emmanuel S. Gimena Jr.
District LRMDS Coordinator, Abucay : Charito D. Corpus
School LRMDS Coordinator : Cathren Danica E. Ricaplaza
School Principal : Soledad V. Llarina
District Lead Layout Artist, AP : Jerome C. Matic
District Lead Illustrator, AP : Joana Marie S. Pineda
District Lead Evaluator, AP : Sonny D. Villanueva

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Mga Suliranin at Hamong
Pangkapaligiran
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan at Ika-Sampung


Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Mga Suliranin at
Hamong Pangkapaligiran!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan at Ika-Sampung Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Suliranin at Hamong
Pangkapaligiran!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang maunawaan mo ang mga isyu at
hamong pangkapaligiran na iyong nararanasan at nakikita sa ating lipunan. Sa
pamamagitan ng mga aralin na ito malalaman mo ang mga suliraning
pangkapaligiran na nagaganap sa ating lipunan at kung paano na ikaw ay may
bahaging dapat gampanan upang mabigyang solusyon ang mga suluraning ito.
Bilang isang mag-aaral may magagawa ka.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran
ng Pilipinas (AP10MSP-1b-2); at
2. natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na
dulot ng mga suliraning pangkapaligiran (AP10MSP-1c-3).

1
Subukin

Bago ka dumako sa mga aralin sa modyul na ito, subukin mong sagutin ang
paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga
aralin na tatalakayin.

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa iyong kwaderno ang sagot.

_____1. Ano ang tawag sa mga basurang nagmumula sa mga tahanan at komersyal
na establisimyento at nakikita sa paligid?
a. solid waste c. toxic
b. e-waste d. arsenic
_____2. Sa pag-aaral ang 25% ng mga basura sa Pilipinas ay nagmumula sa anong
lugar?
a. Cebu c. Pampanga
b. Metro Manila d. Davao
_____3. Anong batas ang ipinatupad sa Pilipinas na legal na batayan sa iba’t ibang
desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa?
a. Republic Act 2649 c. Republic Act 1153
b. Republic Act 7586 d. Republic Act 9003
_____4. Kailan nagsimula ang deforestation sa Pilipinas?
a. 1500s c. 1700s
b. 1600s d. 1800s
_____5. Ilang porsyento ng kabuuang kita ng Pilipinas ay nagmumula sa direkatng
paggamit ng likas na yaman?
a. 30% c. 15%
b. 25% d. 5%
_____6. Ang mga sumusunod ay uri ng mga hanapbuhay na direktang nagmumula
sa paggamit ng likas na yaman, maliban sa isa
a. pagsasaka c. pagtuturo
b. pangingisda d. pagmimina
_____7. Ano-anong aspekto ang naaapektuhan ng mga kalamidad na nararanasan
sa Pilipinas?
a. Kabuhayan, Kalakalan at Kalusugan
b. Kalusugan, Kabuhayan at Kalikasan
c. Kalakalan, Kapayapaan at Kalikasan
d. Kapayapaan, Kabuhayan at Kultura

2
_____8. Ito ay isa sa mga gawain na sumisira sa ating kalikasan sa pamamagitan
ng paggamit ng puno bilang panggatong.
a. Fuel wood harvesting c. E-Waste
b. Solid Waste d. Migration
_____9. Anong taon itinayo ang kauna-unahang Forestry School sa Los Baños,
Laguna?
a. 1910 c. 1919
b. 1916 d. 1927
_____10. Anong batas ang ipinatupad sa Pilipinas na nagsasaad ng pagbabawal sa
illegal logging sa bansa?
a. Republic Act 7586 c. Proclamation No. 643
b. Executive Order No. 23 d. Executive Order 277
_____11. Ang mga sumusunod ay epekto ng climate change, maliban sa isa
a. kabuhayan c. Forest Fires
b. El Niño d. Pagguho ng lupa
_____12. Anong taon naisabatas ang RA 9072 na kilala sa “National Cave
Resources Management and Protection Act”?
a. 2002 c. 2000
b. 2001 d. 1999
_____13. Ito ay isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis o
napapalala dulot ng gawain ng tao.
a. Migration c. Fuel Harvesting
b. Climate Change d. Illegal logging
_____14. Ang Reforestation Administration ay naitatag noong 1960 na may
layuning magkaroon ng mga programa para sa reforestation sa Pilipinas. Anong
batas ang nagsasaad sa pagkakatatag nito?
a. Republic Act 8371 c. Republic Act 2706
b. Republic Act 643 d. Republic Act 7586
_____15. Ayon sa pag-aaral noong 2013, ilang milyong ektarya ng kagubatan
mayroon ang Pilipinas?
a. 7.2 milyong ektarya c. 8.5 milyong ektarya
b. 6.3 milyong ektarya d. 9.4 milyong ektarya

3
Aralin
Mga Suliranin at
1 Hamong Pangkapaligiran
Ang Pilipinas ay nakakaranas ng mga suliraning pangkapaligiran kung saan ito ay
may malaking epekto sa buhay ng tao. Dahil sa mga suliraning ito marami sa atin
ay nagkakaroon ng sakit, nasasawi o nawawalan ng hanapbuhay. Subalit ano ba
ang dahilan bakit ito nangyayari? Sino ba ang may gawa ng mga suliraning ito? May
magagawa kaba upang ito ay mabigyan ng solusyon? Mga tanong na maaring sumagi
sa iyong isipan kung saan sa pagtatapos ng aralin na ito ay mabibigyan ng
kasagutan.

Sa aralin na ito tatalakayin ang mga suliraning pangkapaligiran na nangyayari sa


ating bansa, ating aalamin ang mga sanhi at bunga ng mga suliraning ito. Sa bawat
pag-alam mo sa mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan natin sa
kasalukyang panahon ay makabubuo o malalaman mo ang mga hakbang na
maaaring gawin upang ito ay mabigyan ng solusyon.

Handa ka na bang matuto? Tara na ating alamin ang mga suliraning


pangkapaligiran sa Pilipinas.

Balikan

Sa nakaraang aralin ay tinalakay ang tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng


kontemporaryong isyu, ang konsepto ng lipunan at kultura at ang isyung personal
at isyung panlipunan.

Bago ka dumako sa bagong aralin, atin munang sukatin ang iyong kaalaman sa
nakalipas na aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na gawain

Halina at iyong balikan ang nakaraan.

Gawain 1. Pili - Salita.

Sa loob ng kahon ay may mga salita na may kaugnayan sa huling paksang tinalakay.
Pumili ng limang salita at ipaliwanag batay sa iyong natutunan sa nakaraang aralin.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

4
Social Group Status Norms
Lipunan Kultura Beliefs
Isyung Personal Mores Roles
Institusyon Simbolo Values

Mahusay! Tunay nga na may mga kaalaman ka pang natatandaan sa iyong


nakalipas na aralin.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral na masuri ang
kahalagahan ng pag-aaral ng mga isyu at hamong pangkapaligiran.

Tuklasin

Sa bahaging ito ng aralin, inaasahan na matutukoy at mailalarawan mo ang mga


suliraning pangkapaligiran at makabuo ng mga hakbang sa pagtugon sa mga ito.
Isa sa malaking suliranin na kinakaharap ng ating bansa ay ang suliraning
pangkapaligiran. Hindi lingid sa ating kaalaman ang Pilipinas ay biniyayaan ng
mayamang kalikasan kung saan ito ang pangunahing pinagkukunan ng ating mga
pangangailangan sa araw-araw at nagbibigay hanapbuhay para sa maraming
Pilipino. Subalit sapaglipas ng panahon ay ang patuloy din na pagkasira ng ating
kalikasan. Hindi natin masasabi kung kailan nga ba nagsimula ang pagkasira ng
ating kapaligiran. Sino nga ba ang may pananagutan sa pagkasira nito? Ano ang
magagawa mo upang mabigyan ng soluyon ang suliranin sa kapaligiran?
Tara na simulan mo na ang iyong pag-aaral.

5
Gawain 2. Awit-Suri
Basahin ang awit na “Masdan Mo Ang Kapaligiran” at sagutin ang mga gabay na
tanong. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

"Masdan Mo Ang Kapaligiran"


By: ASIN

Wala ka bang napapansin


Sa iyong mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin

Hindi nga masama ang pag-unlad


At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit, 'wag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman

Mayro'n lang akong hinihiling


Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Ang mga batang ngayon lang isinilang


May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan

Bakit 'di natin pag-isipan


Ang nangyayari sa ating kapaligaran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon, mga ibong gala
Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayon'y namamatay dahil sa ating kalokohan

Lahat ng bagay na narito sa lupa


Biyayang galing sa Diyos kahit no'ng ika'y wala pa
Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
'Pagkat 'pag Kanyang binawi, tayo'y mawawala na

Mayro'n lang akong hinihiling


Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan.

6
Gabay na Tanong.
1. Ano ang ipinapahiwatig ng awit?
2. Ano-ano ang mga suliraning pangkapaligiran ang binangit sa awit?
3. Sa iyong palagay ano ang kahulugan ng linyang “Ingatan at ‘wag nang sirain
pa, Pagkat’pag Kanyang binawi, tayo’y mawawala na”?

Mahusay! Naging matagumpay ka sa ginawa mong pagsusuri sa awit. Upang lubos


mong maunawaan ang tungkol sa mga suliraning pangkapaligiran iyo nang simulan
ang pagtukoy dito.

Suriin

Paksa: Mga Suliranin at Hamong Pangkapaligiran

Angating kapaligiran ay isang napakayaman at napakagandang biyaya na ating


natanggap mula sa Panginoon. Isang biyaya kung saan ay patuloy nating ginagamit
at napapakinabangan. Subalit kasabay nito ay ang unti-unting pagkasira at
pagkaubos ng ganda at biyaya na ating nakukuha mula rito. Sa ating kapaligiran
nakukuha ang mga pangunahin nating pangangailangan at nagbibigay ng
hanapbuhay para sa maraming Pilipino. Sa patuloy na paggamit nito ay unti-unting
naabuso ang ating kalikasan na marami sa atin ay hindi namamalayan. Ito ang
dahilan ng pagkakaroon ng mga suliranin at hamong pangkapaligiran. Sa
kasalukuyan patuloy tayo nakakaranas ng mga kalamidad dulot ng kalikasan kung
saan ito ay nagbubunga ng malaking pinsala sa buhay at ari-arian ng mga tao.

Ang likas na yaman ay napakahalaga para sa atin, sa Ekonomiks natutunan mo na


isa ang likas na yaman sa mga salik ng produksyon. Mahalaga ito dahil dito
kumukuha ng mga hilaw na materyales upang gawing produkto at pinagmumulan
din ng iba’t ibang hanapbuhay. Sa katunayan, humigit kumulang sa 65 milyong
Pilipino ang umaasa sa likas na yaman para mabuhay. Ilan sa mga pangunahing
hanapbuhay nila ay pagsasaka at pangingisda na bumubuo sa halos 20% ng Gross
Domestic Product (GDP) ng Pilipinas noong 2004. Kasama din dito ang 1.4% mula
sa yamang-gubat at 2.1% mula sa pagmimina.

Ang likas na kagandahan ng Pilipinas ay isa sa mga dahilan kung bakit ang turismo
ay nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Ngunit sa kabila nito ay tila hindi
nabibigyang-halaga ang pangangalaga sa ating kalikasan. Sa kasalukuyan ay malaki
ang suliranin at hamong kinakaharap ngating bansa dulot sa pang-aabuso at

7
pagpapabaya ng tao sa kalikasan. Ang kapabayaang ito ay nagpapalala sa mga
natural na kaganapan tulad ng pagkakaroon ng malalakas na bagyo, pagguho ng
lupa at malawakang pagbaha. Sa huli, ang mga mamamayang umaasa sa kalikasan
para mabuhay ang siya ring nakararanas ng hindi mabuting epekto sa iba’t ibang
aspekto ng pamumuhay.

Gawain 3. Awit-Guhit

Muli mong balikan ang awiting “Masdan mo ang Kapaligiran”. Mula sa awiting ito
iguhit ang mga binangit na nangyayari sa ating kapaligiran. Iguhit ito sa iyong
kuwaderno.

Mula sa gawain na ito tatalakayin ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran na


nararanasan ng Pilipinas at ang epekto ng mga ito sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Ilan sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran saPilipinas ay ang sumusunod:

1. Suliranin sa Solid Waste

Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal
na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula
sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason (Official Gazette,
2000). Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama (2013), ang Pilipinas ay
nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura kada araw noong taong 2015. Halos 25%
ng mga basura ng Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila kung saan ang isang
tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw. Mas mataas ito ng 130% kaysa
sa world average (National Solid Waste Management,2016). Ang malaking bahagdan
ng itinatapong basura ng mga Pilipino ay mula sa mga tahanan na mayroong 56.7%.
Samantalang pinakamalaki naman sa uri ng tinatapong basura ay iyong tinatawag
na bio-degradable na may 52.31% (National Solid Waste Management Status
Report,2015).

Mayroong iba’t ibang dahilan kung bakit may problema ang Pilipinas sa solid waste.
Isa na rito ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura. Tinatayang 1500
tonelada ng basura ang itinatapon sa mga ilog, estero, kalsada, bakanteng lote, at
sa Manila Bay na lalong nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng mga insekto na
nagdudulot naman ng iba’t ibang sakit. Bagama’t ipinagbabawal, madami pa rin ang
nagsusunog ng basura na nakadaragdag sa polusyon sa hangin. Nadaragdagan din

8
ang trabaho ng mga waste collector dahil kailangan nilang magsagawa ng waste
segregation bago dalhin ang mga nakolektang basura sa dumpsite, problemang
maaari sanang maiwasan kung mahigpit na ipinatutupad sa mga kabahayan at mga
pampublikong lugar ang waste segregation. Samantala, ang mga dumpsite sa
Pilipinas, partikular sa Metro Manila, ay nagdudulot din ng panganib sa mga
naninirahan dito.

Sa ulat na pinamagatang The Garbage Book (Asian Development Bank, 2004) ang
leachate o katas ng basura mula sa Rodriguez at Payatas dumpsite na dumadaloy
patungo sa ilog ng Marikina at Ilog Pasig hanggang sa Manila Bay ay nagtataglay ng
lead at arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao. Panganib din ang dulot ng
pamumulot ng basura sa kalusugan at buhay ng halos 4,300 na waste pickers sa
mga dumpsite sa Metro Manila at sa maraming iba pa na pakalat-kalat at
nagkakalkal sa mga tambak ng basura. Apektado din ang pag-aaral ng mga
kabataang waste pickers bukod pa sa posibilidad na sila ay magkasakit,
maimpluwensiyahan na gumawa ng ilegal na gawain, o kaya ay mamatay.
Matatandaan na ipinasara ang Payatas dumpsite matapos ang trahedya na naganap
noong Hulyo 2000 kung saan maraming bahay ang natabunan nang gumuho ang
bundok ng basura dahil sa walang tigil na ulan. Nasundan pa ito ng sunog na
ikinamatay ng 205 katao. Isa pang lumalaking suliranin ng Pilipinas ay ang tamang
pagtatapon ng electronic waste o e-waste tulad ngcomputer, cellphone, at tv.

Lumabas sa pagsusuri na ginawa ng Global Information Society (2010), na


humigitkumulang sa anim na toneladang e-waste ang tinatapon sa landfill na siyang
kinukuha ng mga waste pickers upang ipagbili ang anomang bahagi nito na
mapapakinabangan. Subalit ang mga ginagawang pamamaraan tulad ng pagsunog
upang makuha ang tanso, at pagbabaklas ng e-waste ay nagdudulot ng panganib
dahil pinagmumulan ito ng mga delikadong kemikal tulad ng lead, cadmium,
barium, mercury, at polyvinyl chloride na nakalalason ng lupa at maging ng
tubig(Mooney, Knox, & Schacht, 2011). Ang mga nabanggit na suliranin sa solid
waste ay pinagtutulungang solusyunan ng iba’t ibang sektor.

Ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act 9003 o kilala bilang Ecological Solid
Waste Management Act of 2000 upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang
desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa (Official Gazette, 2000).
Isa sa mga naging resulta ng batas ay ang pagtatayo ng mga Materials Recovery
Facility (MRF) kung saan isasagawa ang waste segregation bago dalhin ang
nakolektang basura sa mga dumpsite. Maraming barangay ang tumugon sa
kautusang ito, sa katanuyan mula sa 2,438 noong 2008 ay tumaas ang bilang ng
MRF sa 8,656 noong 2014 (National Solid Waste Management Status Report, 2015).

Mayroon ding suporta na nanggagaling sa mga NGO upang mabawasan ang


suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay sumusunod:

9
• Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga
barangay.
• Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa tulad ng
Orchidarium and Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice
Philippines, Piso Para sa Pasig, at Trees for Life Philippines (Kimpo, 2008).
• Bantay Kalikasan – paggamit ng media upang mamulat ang mga
mamamayan sa suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng
La Mesa Watershed at sa Pasig River Rehabilitation Project.
• Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa
pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan

Sa kabila ng mga nabanggit na batas at programa ay nananatili pa rin ang mga


suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang pinakamalaking hamon
ay ang pagpapatupad ng batas at pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino sa
pagtatapon ng basura. Nangangailangan pa nang mas malawak na suporta at
pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang tuluyang mabigyan ng solusyon ang
suliraning ito dahil ang patuloy na paglala nito ay lalong magpapabigat sa iba pang
suliraning pangkapaligiran na ating nararanasan.

Gawain 4. Larawan-Suri

Suriin ang mga larawan sa ibaba at magbigay ng mga epekto nito batay sa
ipinapakita ng bawat larawan at sagutin ang mga gabay na taong. Isulat ito sa iyong
kuwaderno.

10
Gabay na tanong

1. Ano ang ipinapakita sa mga larawan?


2. Ito ba ay nakabubuti sa ating kalikasan? Pangatwiranan.
3. Ano ang magagawa mo upang ito ay maiwasan? Ipaliwanag.

2. Pagkasira ng mga Likas na Yaman

Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na yaman.


Tinatayang 15% ng kabuuang kita ng Pilipinas noong 2010 ay kita mula sa direktang
paggamit ng mga likas na yaman, halimbawa nito ay ang pagtatanim at pangingisda.
Mahalaga din ang likas na yaman bilang sangkap sa paggawa ng produkto na
ginagamit sa iba’t ibang sektor tulad ng industriya at paglilingkod, halimbawa, ang
mga computer, sasakyan, makina, at pagkain ay naggawa mula sa mga likas na
yaman. Tunay na napakahalaga ng likas na yaman sa ekonomiya ng isang bansa.
Sa kasalukuyan, patuloy na nasisira at nauubos ang likas na yaman ng Pilipinas
dahil sa mapang-abusong paggamit nito, tumataas na demand ng lumalaking
populasyon, hindi epektibong pagpapatupad ng mga programa at batas para sa
pangangalaga sa kalikasan, at mga natural na kalamidad. Matutunghayan sa
susunod na bahagi ng aralin ang mga kalagayan ng ilan sa mga likas na yaman ng
ating bansa.

Ang likas na yaman ng Pilipinas sa kasalukuyan…


Kagubatan – mabilis at patuloy na pagliit ng forest cover mula sa 17 ektarya
noong 1934 ay naging 6.43 milyong ektaraya noong 2003.
Yamang tubig – pagbaba ng kabuuang timbang ng mga nahuhuling isda sa 3
kilo bawat araw mula sa dating 10 kilo.
Yamang lupa – pagkasira ng halos 50% ng matabang lupain sa huling
sampung taon

2.1 Suliranin sa Yamang Gubat

Maraming benepisyo ang nakukuha natin mula sa kagubatan. Ito ang tahanan ng
iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan, mahalagang
mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay maapektuhan
din ang pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang produkto
tulad ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao.
Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na
nakasalalay sa yamang nakukuha mula sa kagubatan (Philiipine Tropical Forest
Conservation Foundation, 2013). Sa kabila ng kahalagan, pinangangambahan na
maubos o masira ang kagubatan ng Pilipinas kung magpapatuloy ang deforesataion.

11
Ayon sa Food and Agriculuture Organization ng United Nations, ang deforestation ay
tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t
ibang gawain ng tao o ng mga natural kalamidad (FAO, 2010). Nagsimula ang
deforestation sa Pilipinas noon pang 1500s kung saan ang noo’y 27 milyong ektarya
ng kagubatan ay naging 7.2 milyong ektarya na lamang ngayong 2013 (Philippine
Climate Change Commission, 2010). Sa katunayan sa ulat ni dating DENR officer-
in-charge Demetrio Ignacio, lumabas na ang 24% kagubatan ng Pilipinas ay
pangalawa sa pinakamaliit sa mga bansa sa Timog silangang Asya (Andrade, 2013).
Higit na mababa ang ulat na inilabas ng European Union Joint Research Centre
kung saan gamit ang satellite-based image, nasabi nila na mayroon na lamang 19%
ang kagubatan ng Pilipinas (Country delegate to the European Commission, 2009).

Sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests (2013) ay inisa-isa nito ang


mga dahilan at epekto ng deforestation sa Pilipinas. Ito ay ang sumusunod:

Gawain Epekto

Illegal logging - Ilegal na pagputol sa Ang walang habas na pagputol ng puno


mga puno sa kagubatan. Ang kawalan ay nagdudulot ng iba’t ibang suliranin
ng ngipin sa pagpapatupad ng mga tulad ng pagbaha, soil erosion, at
batas sa illegal logging sa Pilipinasang pagkasira ng tahanan ng mga ibon at
nagpapalubha sa suliraning ito. hayop. Sa katunayan noong 2008 ay
mayroong 221species ng fauna at 526
species ng flora ang naitala sathreatened
list (National Economic Development
Authority, 2011)

Migration – paglipat ng pook Nagsasagawa ng kaingin (slash-and-


panirahan burn farming) ang mga lumilipat sa
kagubatan at kabundukan na nagiging
sanhi ng pagkakalbo ng kagubatan at
pagkawala ng sustansya ng lupain dito.

Mabilis na pagtaas ng populasyon Ang mabilis na pagtaas ng populasyon


ng Pilipinas ay nangangahulugan ng
mataas na demand sa mga pangunahing
produkto kung kaya’t ang mga dating
kagubatan ay ginawang plantasyon,
subdivision, paaralan, at iba pang
imprastruktura.

Fuel wood harvesting -paggamit ng Ayon sa Department of Natural


puno bilang panggatong. Isang Resources na lumabas sa ulat ng
National Economic Development

12
halimbawa ay ang paggawa ng uling Authority (2011), tinatayang mayroong
mula sa puno. 8.14 milyong kabahayan at industriya
ang gumagamit ng uling at kahoy sa
kanilang pagluluto at paggawa ng
produkto, ang mataas na demand sa
uling at kahoy ay nagiging dahilan ng
pagputol ng mga puno sa kagubatan.
Apektado ang kagubatan sa pagmimina
Ilegal na Pagmimina dahil kadalasang dito natatagpuan ang
deposito ng mga mineral tulad ng
limestone, nickel, copper, at gold.
Kinakailangang putulin ang mga puno
upang maging maayos ang operasyon
ng pagmimina. Nagdudulot din
ngpanganib sa kalusugan ng tao at ng
iba pang nilalang sa kagubatan ang
mga kemikal na ginagamit sa
pagpoproseso ng mga nahukay na
mineral. Ayon sa DENR, mayroong 23
proyekto ng pagmimina ang
matatagpuan sa kabundukan ng Sierra
Madre, Palawan, at Mindoro.

Ang pangkalahatang epekto ng deforestation ay nararanasan ng mga mamamayan


lalo na yaong mga mahihirap na umaasa lamang sa kagubatan. Ang patuloy na
pagliit ng forest cover ay nagpapaliit din sa pinagkukunan nila ng kabuhayan.

Sa mga nakalipas na taon ay mayroong iba’t ibang batas, kautusan, programa at


proyekto na isinasagawa sa Pilipinas mula sa pagtutulungan ng pamahalaan at iba’t
ibang sektor ng lipunan upang mapangalagaan ang kagubatan. Narito ang ilan sa
mga ito.

• 1910 Itinayo ang kauna-unahang Forestry School (ngayon ay College of


Forestry and Natural Resources) sa Los Baños, Laguna.
• 1919 Itinatag ang Magsaysay Reforestation Project sa Arayat, Ilocos, at
Zambales.
• 1948 Muling sumigla ang mga gawain para sa reforestation sa bisa ng
Republic Act 115.
• 1960 Itinatag ang Reforestation Administration sa bisa ng Republic Act 2706.
Layunin nito na mapasidhi ang mga programa para sa reforestation ng bansa.
• 1975 Nilagdaan ang Presidential Decree 705 kung saan ay ipinag-utos ang
pagsasagawa ng reforestation sa buong bansa kasama ang pribadong sektor.
Ipinagbawal din ang pagsasagawa ng sistema ng pagkakaingin.

13
• 1977 Sa bisa ng Presidential Decree 1153 ay ipinag-utos sa lahat ng mga
mamamayang 10 taong gulang pataas na magtanim ng 12 seedling bawat taon
sa loob ng limang taon.
• 1987 Ipinagbawal ang illegal logging sa bisa ng Executive Order 277

2001 Ipinasa ang sumusunod na batas:

• RA 9072 - “National Cave and Resources Management and ProtectionAct”,


• RA 9147 - “Wildlife Resources Conservation and Protection Act”
• RA 9175 - “The Chainsaw Act”

2004 Proclamation No. 643 Hinakayat ang partisipasyon ng lahat ng ahensya ng


gobyerno, pribadong sektor, paaralan, NGO, at mga mamamayan upang makihalok
sa tree planting activities. Idineklara ang June 25 bilang Philippines Arbor day.

2011 Nilagdaan ang sumusunod:

• Executive Order No. 23 nagdelakara ng moratorium (isang legal na


kautusan upang ihinto ang isang gawain) sa pagputol ng puno sa natural
at residual na kagubatan. Ipinag-utos din ang paglikha ng anti-illegal
logging task force.
• Executive Order No. 26 idineklara ang pangangailangan sa pagtutulugan
ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa National Greening Program

2015 Nilagdaan ang sumusunod:

• Executive Order No. 193 layunin nito na palawakin ang sakop ng National
Greening Program
• Republic Act No. 10690 tinatawag din bilang The Forestry Profession Law.

Sa Kasalukuyan

Mga programa para sa pagpapanumbalik ng kagubatan:

• National Greening program


• National Forest Protection Program
• Forestland Management Project
• Integrated Natural Resources and Environmental Management Project

Sa kasalukuyan, isa sa maituturing na tagumpay ng pagtutulungan ng pamahalaan,


pribadong sektor, NGO, at mga mamamayan ay ang unti-unting pagbuti ng
kalagayan ng kagubatan ng Pilipinas. Ayon sa ulat ng United Nations Food and
Agriculture Organization (FAO), noong 2015 ay panlima ang Pilipinas sa 234 na
bansa na may malawak na lupaing napapanumbalik sa kagubatan (Galvez, 2016).

14
Gawain 5. Pagsulat ng Sanaysay

Batay sa larawan na iyong nakikita sumulat ng sanaysay at gamiting gabay ang


sumusunod na pamantayan sa pagmamarka. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Rubric sa Pagmamarka

Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Nilalaman Maayos ang 10


pagkakasunod-sunod ng
mga detalye at mensahe

Kawastuhan Wasto ang mga ginamit 5


na mga salita at pahayag
batay sa larawan.

Epektibo ang Paglalahad Maliwanag ang 5


paglalahad.

Kabuuan 20

15
3. Climate Change

Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index (Sönke, Eckstein, Dorsch, & Fischer,
2015), naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sa sampung bansa na
pinakanaapektuhan ng Climate Change. Ito ay dahil mas lumalakas, dumadalas, at
nagiging unpredictable ang pagkakaroon ng mga natural na kalamidad tulad ng
bagyo, pagbaha, at malalakas na ulan na nararanasan sa Pilipinas dahil sa climate
change. Ano nga ba ang Climate Change? Ayon sa Intergovernmental Panel on
Climate Change (2001), “Climate change is a statistically significant variation in
either the mean state of the climate or in its, variability, persisting for an extended
period (typically decades or longer). It may be due to natural internal processes or
external forcing, or to persistent anthropogenic changes in the composition of
atmosphere or in land use.” Sinasabi na kahulugan na ang climate change ay
maaaring isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis o
napapalala dulot ng gawin ng tao. Isa sa sinasabing dahilan nito ay ang patuloy na
pag-init ng daigdig o global warming dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng
carbon dioxide na naiipon sa atmosphere. Nanggagaling ito mula sa usok ng
pabrika, mga iba’t ibang industriya, at pagsusunog ng mga kagubatan.

Lumabas sa pag-aaral nina Domingo at mga kasama (2008), na nararanasan na sa


Pilipinas ang epekto ng climate change. Patunay nito ang madalas at matagalang
kaso ng El Niño at La Niña, pagkakaroon ng malalakas na bagyo, malawakang
pagbaha, pagguho ng lupa, tagtuyot, at forest fires.

Nagkakaroon din ng suliranin sa karagatan dahil sa tinatawag na coral bleaching na


pumapatay sa mga coral reef na siyang tahanan ng mga isda at iba pang lamang
dagat, nagdudulot din ito ng pagbaba sa bilang ng nahuhuling mga isda at
pagkawala (extinction) ng ilang mga species. Pinangangambahan din na malubog sa
tubig ang ilang mabababang lugar sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng sea
level bunga ng pagkatunaw ng mga iceberg sa Antartic. Ilan sa epekto ng climate
change sa Pilipinas ay ang panganib sa food security dahil pangunahing napipinsala
ng malalakas na bagyo ang sektor ng agrikultura. Lumiliit ang produksiyon ng
sektor ng agrikultura dahil sa pagkasira ng mga kalsda, bodega, mga kagamitan sa
pagtatanim at pag-aani, irigasyon, pagkawasak ng mga palaisdaan, at pagkamatay
ng mga magsasaka at mangingisda. Nagiging mataas din ang bilang ng mga nagiging
biktima ng sakit tulad ng dengue, malaria, cholera dahil sa pabago-bagong panahon
at matinding init. Mayroon ring ilang mga mamamayan ang napipilitang lumikas
sinira ng malakas na bagyo ang kanilang mga tahanan o kaya ay natabunan ng lupa
dahil sa landslide, samantalang ang iba naman ay kinain ng dagat ang dating lupa
na kinatatayuan ng kanilang mga tahanan. Sa mga nabanggit na situwasiyon, isa
lamang ang malinaw, mayroong ginagawa ang tao na lalong nagpapabilis at
nagpapasidhi sa climate change. Ang mga suliraning pangkapaligiran tulad ng
suliranin sa solid waste, deforestation, water pollution at air pollution ay maituturing
na mga sanhi ng climate change. Kung hindi ito mahihinto, patuloy na daranas ang
ating bansa ng mas matitinding kalamidad sa hinaharap. Hindi na natin mapipigilan

16
pa ang climate change, kung kaya’t ang mahalagang dapat gawin ay maging handa
tayo sa pagharap sa mga kalamidad na dulot nito.

Gawain 6. Epekto

Batay sa paksa tungkol sa climate change magbigay ng epekto nito sa mga


sumusunod at ipaliwanag. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Kapaligiran: ____________________
Paliwanag_______________________
_________________________________
_________________________________

Epekto ng
Climate
Change

Kalusugan: ____________________ Kabuhayan: ____________________


Paliwanag_______________________ Paliwanag_______________________
_________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________

Pagyamanin

Gawain 7. Environemental Issue Map

Pumili ng isang suliraning pangkapaligiran. Gumawa ng environmental issue map


sa pamamagitan ng paggawa sa sumusuond:

a. Sanhi – suriin kung ito ba ay gawa ng tao o natural na pangyayari


b. Epekto – suriin ang epekto sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay
c. Kaugnayan – suriin ang kaugnyan nito sa mga suliraning nararanasan sa iba
pang likas na yaman
d. Tunguhin – suriin ang maaaring maging epekto kung mapagpapatuloy ang
nararanasang suliraning pangkapaligiran.

17
Environmental issue map: ____________________________

Epekto

Sanhi
Tunguhin
Kaugnayan

Paliwanag:

18
Isaisip

Gawain 8. Kumpletuhin

Batay sa mga paksang tinalakay tapusin ang mga pangungusap ayon sa sariling
pananaw. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. Ang solid waste ay ang


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

2. Ang maling gawain na may kaugnayan sa solid waste ay maaring magdulot


ng
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

3. Ang likas na yaman ay mahalaga, dahil


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

4. Upang maiwasan natin ang pagkasira ng ating kalikasan dapat na tayo ay


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

5. Ang climate change ay may malaking epekto sa ating buhay sapagkat


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

19
Isagawa

Gawain 9. Ako ay Ka-Isa

Batay sa paksang tinalakay, alamin sa inyong barangay o komunidad ang suliraning


pangkapaligiran na inyong nararanasan at gumawa ng mga hakbang na dapat gawin
ukol sa suliranin sa inyong lugar. Maaari kang makipagtulungan sa iyong magulang
o nakatatandang kapatid para sa gawaing ito.

Suliraning Mga hakbang:


Pangkapaligiran:

________________________________________ _____________________________________

Pagbati!

Matapos mong matutunan ang tungkol samga isyu at hamong pangkapaligiran at


natukoy mo ang mga hakbang na dapat gawin upang ito ay mabigyan ng solusyon.
Ngayon nasa iyong mga kamay ang paraan upang patuloy na malutas ng ating bansa
ang patuloy na lumalalang suliraning sa kapaligiran. Sa pagkakataong ito masasabi
natin na tayo mismong mga tao ang siyang pangunahing dahilan kung bakit ito
nangyayari at tayo rin mismo ang siyang may malaking pananagutan upang ito ay
mabigyan ng agarang aksyon sa panunumbalik ng ganda ay yaman ng ating
kalikasan.

20
Tayahin

A. Panuto. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa iyong kwaderno.

1. Ang tawag sa isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis


o napapalala dulot ng gawain ng tao.
a. Migration b. El Niña c. Climate Change d. Illegal logging

2. Ito ay ang suliranin sa karagatan na pumapatay sa mga coral reef na siyang


tahanan ng mga isda at iba pang lamang dagat.
a. Forest fires c. La Niña
b. Coral bleaching d. Fuel harvesting

3. Noong 2016 pang-ilan ang Pilipinas sa mga bansang naaapektuhan ng


Climate Change?
a. Pang-sampu b. Pang-siyam c. Pang-walo d. Pang-pito

4. Ilang porsyento ng kabuuang kita ng Pilipinas noong 2010 ang direkta na


nagmumula sa paggamit ng likas na yaman?
a. 5% b. 10% c. 15% d. 20%

5. Bago pa man nagsimula ang deforestation sa Pilipinas noong 1500s, ilan ang
kabuuang ektarya ng kagubatan sa bansa?
a. 27 milyong ektarya c. 47 milyong ektarya
b. 37 milyong ektarya d. 57 milyong ektarya

6. Sa bisa ng batas na ito ipinag-utos noong 1977 ang pagtatanin ng mga


mamayang may 10 taong gulang pataas ng 12 seedling sa bawat taon sa loob
ng limang taon.
a. Proclamation No. 643 c. Republic Act 7586
b. Presidential Decree 1153 d. Executive Order 277

7. Anong taon ipinagbawal ang illegal logging sa Pilipinas, ito ay sa bisa ng


Executive Order 277?
a. 1977 b. 1980 c. 1987 d. 1992

8. Ang mga sumusunod na batas ay naipasa noong 2001 sa Pilipinas, maliban


sa isa.
a. RA 9072 - “National Cave and Resources Management and
ProtectionAct”,
b. RA 9147 - “Wildlife Resources Conservation and Protection Act”
c. RA 9175 - “The Chainsaw Act”
d. RA 9245 – “Anti-Illegal Logging Act”

21
9. Ayon sa pag-aaral ang isang indibiduwal ay nakakalikha ng ilang kilong
basura araw-araw?
a. 0.7 kilo b. 0.8 kilo c. 0.9 kilo d. 0.10 kilo

10. Sa tala noong 2014 ilang milyong Pilipino ang umaasa sa paggamit ng likas
na yaman?
a. 60 milyon b. 65 milyon c. 70 milyon d. 75 milyon

B. Magtala (11-15)

Mula sa larawan sa ibaba, magtala ng limang hakbang na dapat gawin upang


ito ay mabigyan ng solusyon.

Mga Hakbang

1. _____________________________________________________________

2. _____________________________________________________________

3. _____________________________________________________________

4. _____________________________________________________________

5. ____________________________________________________________

22
Karagdagang Gawain

Gawain 10. Panata

Mula sa paksang tinalakay sumulat sa iyong kuwaderno ng iyong panata na siya


mong gagawin upang masolusyunan ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran
sa Pilipinas.

Ang Aking Panata

23
24
Subukin:
1. a
Tayahin: 2. b
A B 3. d
4. a
1. c 11-15 5. c
2. b sariling 6. c
3. a sagot 7. b
4. c
8. a
5. a
6. b 9. a
7. c 10. d
8. d 11. a
9. a 12. b
10. b 13. b
14. c
15. a
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
DepEd (2017). Mga Kontemporaryong Isyu. Patnubay ng Guro (Tagalog).

DepEd (2017). Mga Kontemporaryong Isyu. Kagamitan ngMag-aaral (Tagalog).

DepEd (2017). K to 12 Curriculum Guide. Mga Kontemporaryong Isyu

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan- Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like