You are on page 1of 21

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 1 (Week 1)

Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos


Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang ano mang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Norman O. Ongco
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas
Tagasuri: Marigold J. Cardente Teresita A. Bandolon
Tagaguhit: Reann Fatimah Helena L Torrefranca
Tagalapat: Ma. Teresa Amoin
Plagiarism Detector Software: Plagiarism Detector.com
Grammar Software: Citation Machine.com
Tagapamahala: Dr. Wilfreda D. Bongalos Dr. Marcelita S. Dignos
Dr. Oliver M. Tuburan Marigold J. Cardente
Teresita A. Bandolon Czarina Ritzko J. sagarino
Ma. Teresa Amion Marrieta Ferrer
Inilimbag sa Pilipinas
Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 340-7887
Email Address: deped.lapulapu@deped.gov.ph
Website: http://depedlapulapu.net.ph
10
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 1 (Week1)

Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula


sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang
modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan sila ng
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.


Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin


Subukin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay


ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

ii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay


upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap


Isaisip
o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang


bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto


Tayahin
sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang


Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng


modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikasampung Baitang!
Noong nakaraang markahan, napag-aralan mo na ang tao ay dapat
magkakaroon ng kaalaman ukol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman ukol sa pagkukusa sa makataong
kilos.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo kung papaano mo matutunton at
makikilala ang gamit at tunguhin ng iyong isipan at kilos-loob. Mahalagang malaman
mo at matuklasan ang perlas ng karunungang inihanda para sa iyo sa pagpapatuloy
ng iyong pag-aaral ng modyul na ito.

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!


Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa


kalooban na malayang isinagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman
(EsP10MK-IIa-5.2)

2. Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan (EsP10MK-IIb-5.3)

3. Nakagagawa ng mga angkop na paraan upang maipakita ang natutukoy na


mga kilos na mayroong kaakibat na pananagutan sa pang araw-araw na buhay.

1
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap o sitwasyon at unawain ang
tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang napiling sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Masipag at matalinong bata si Grasya. Sa talakayan at sa pangkatang


gawain ay hindi siya nagpapahuli. Marami siyang mga Gawain na
nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil ditto naging paborito siya sa
kaniyang mga guro at lagi siyang nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang
ginagawa. Sa sitwasyon ni Grasya may pananagutan ba siya kung bakit nasa
kaniya ang paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang guro?

A. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot
B. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot
C. Wala, dahil ginagawa niyaa ang tama bilang isang mag-aaral
D. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase

2.
Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting
kilos. Anuman ang mabuti ay dapat isinasakatuparan niya. Ang mabuting
gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?

A. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat


B. Oo, dahil ang hindi nito pagsasakatuparan ay isang maling gawain
C. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito
D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi
pagsasakatuparan nito ay magdadala ng isang maling bunga

3. Isang matandang babae ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang


sari-sari store. Ngunit walang barya na maaaring ipalit sa kaniyang pera.
Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming benta ang kanilang
tindahan. Ang tindera ay nagsinungaling. Anong salik ang nakaapekto sa
sitwasyong ito?
A. Takot C. Karahasan
B. Kamangmangan D. Masidhing damdamin

4. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya
ito bilang mabuti at nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilangang
ang _______ niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kanya na nakikita
niya bilang tama.

A. Isip B. Kalayaan C. Kilos-loob D. Dignidad

2
5.
Nadiskobrehan ni Mika na niloloko siya ng kaniyang best friend sa isang
online business. Malaking pera ang nawala kay Mika kung kaya galit na galit
siya sa kaniyang matalik na kaibigan. Dahil sa pangyayari sinugod ni Mika ang
kaniyang kaibigan at sinabunutan ito. Aling kilos ang ipinakita ni Mika sa
kaniyang pananakit dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya?

A. Kilos-loob C. Walang kusang-loob


B. Di kusang-loob D. Walang kusang –loob
Para sa bilang 6 – 10. Basahin at unawain ang sanaysay.
Ang kamangmangan ng isang tao ay kadalasan naging hadlang sa
kaniyang tagumpay kung kaya kinakailangan na magsikap at mag-aral ng
mabuti upang makamit ang tagumpay. Bagamat hindi ito madaling angkinin
dapat kumilosang isang tao. Ngunit dapat din isipin na sa bawat kilos mayroon
din itong kaakibat na pananagutan lalo na sa bawat sitwasyon na hinaharap. Ika
nga sa bawat kilos o gawi ng isang tao ay tumutukoy din ito sa kaniyang
katauhan o personalidad.
6. Batay sa sanaysay, Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng
kamangmangan ng isang tao?
A. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay
ng takdang aralin ang guro
B. Si Toyang ay hindi nagsuot ng ID kaya hindi siya pinapasok sa paaraalan
C. Nagdesisyon si Pio na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang
kanilang guro
D. Si Henry ay maagang umuwi dahil may emergency meeting ang mga guro

7. Sa mga sumusunod alin sa mga ito ang kilos dahil sa takot?


A. Ang pagnanakaw ng bisekleta ni Arvin
B. Ang doctor ay nag-iingat sa pag-oopera
C. Nagsisinungaling sa Alma sa kaniyang sakit
D. Ang pag-ilag ni Onyok sa suntok

8. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang
kilos sa pag-aabuso?
A. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos
B. Dahil sa kahinaan ng isang tao
C. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip
D. Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob

9. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa emosyon o
damdamin?
A. Si Alvin ay nanliligaw sa kaniyang crush
B. Binatok ni Charli ang barkada dahil sa panloloko
C. Sinugod ni Mae ang kapitbahay dahil sa alitan
D. Si Moy ay nanlibre sa barkada dahil sa mataas na grado

3
10. Sa sumusunod alin ito ang hindi maituturing na gawi?
A. Paglilinis ng tenga
B. Pagpasok nang maaga sa opisina
C. Pagsusugal sa casino
D. Naalimpungatan habang natutulog

Aralin
Ang Pagkukusa sa Makataong Kilos
1
Isang maligayang pagtuntong sa Ikasampung Baitang!
Pagkatapos mong subukin ang mga ibat-ibang sitwasyon na kadalasan at hindi
maiiwasang nahaharap ng tao. Ngayon naman mas mapapalawak pa ang iyong
kamalayan sa pagkukusa sa makataong kilos.
Ito ay magiging gabay sa pagkikilala at pagtuklas ng iyong perlas ng
karunungan. Sa pamamagitan ng modyul na ito, matutunan mo ang mga sumusunod
na kasanayang pampakatuto o layunin ng pagkatuto:
1. Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa
kalooban na malayang isinagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman (EsP10MK-
IIa-5.2)
2. Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan (EsP10MK-IIb-5.3)
3. Nakagagawa ng mga angkop na paraan upang maipakita ang natutukoy na mga
kilos na mayroong kaakibat na pananagutan sa pang araw-araw na buhay.

Balikan
Panuto: Basahin at balikan ang iyong napag-aralan sa nakaraang modyul. Isulat
ang mga sagot sa iyong kuwaderno.
1. Anong pananaw ang itinuturing ni Confucius na matibay na batayan sa kanyang
Golden Rule?
A. Universalizability C. Reversibility
B. Pagpapahalaga D. Kilos-loob
2. Alin sa mga kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng tungkulin?
A. Ang pagbibigay ng regalo tuwing may kasyon
B. Ang pagtulong sa kapwa nang may hinihintay na kapalit
C. Ang pagtakbo sa halalan upang maglingkod sa bayan.
D. Ang pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon.
3. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod

4
ang nagpapakita ng mas mataas na pagpapahalaga?
A. Ang pagtulong sa kapuwa ay daan upang tulungan ka rin nila.
B. Ang pagtulong sa kpauwa ay nakapagbibigay kasiyahan sa sarili
C. Ang pagtulong sa kapuwa ay pagtugon saa tawag na maglingkod.
D. Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama.
4. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng
pasiya?
A. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang araw-araw na buhay.
B. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkarooon siya ng mabuting kilos.
C. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
D. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kanyang pagpili.
5. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
A. Upang magsilbing gabay sa buhay
B. Upang magsilbing paalala sa mga gawain.
C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

Tuklasin
Gawain sa Pagkatutuo Blg.1: AWITIN MO, PANANAGUTAN MO
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat linya ng kantang may pamagat na
Paano Ba Ang Kumilos Ng May Pananagutan. Ito ay hango o ispirado sa tunog
ng kantang “Paano.” ni Dulce Amor.

PAANO BA ANG KUMILOS NG MAY PANANAGUTAN


Norman O. Ongco

Paano kung ayaw mo na


Paano kung takot ka na
Paano kung pagod ka na
Kung paano ba ang kumilos

Paano kung mahal mo pa


Paano kung gusto mo pa
Paano kung sabik mo pa
Kung paano ba ang kumilos

Chorus
Bago ka kumilos dapat pag-isipan mo
Mga pangyayari ay pagmasdan mo
Upang maiwasan ang nakasanayan mo
Upang maniwala sa sariling kakayahan mo
Kung paano ba ang kumilos ng may pananagutan

5
PAMPROSESONG MGA TANONG:
1. Ano ang iyong nararamdaman habang kinanta mo ang awiting ito?
2. Ano ang mensahe ng kanta? Ito ba ay mayroong kaugnayan kung paano kumilos
ang isang tao? Ipaliwanag.
3. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng kamalayan at kaalaman sa makataong
kilos?
4. Paano mo maiuugnay ito sa tunay na pangyayari sa iyong buhay ngayon?

Gawain sa Pagkatuto Blg.2: KILOS KO, PANANAGUTAN KO


Panuto: Basahin at suriin ang sitwasyon at sagutan ang mga sumusunod na
pangprosesong katanungan.

Isang araw sa loob ng klase ay lumabas ang inyong guro dahil mayroong
silang emergency meeting sa kanilang Principal kung kaya ipinagbilin ng inyong
guro sa iyo bilang pangulo o class president sa inyong klase na ipagpatuloy ang
inyong ginagawang group acitivity. Subalit mayroong mga kaklase mo na mga
pasaway at ayaw maniwala sa iyong mga sinasabi. Nagkaroon ng kaguluhan ang
isang grupo dahil sa ginagawang pananakit o bullying sa isa sa inyong kaklase.
Pinagsabihan mo sila na kapag hindi sila huminto ay isusumbong mo sila sa inyong
guro kapag nakabalik na ito. Sinagot ka nila na kapag magsumbong ka sa inyong
guro ay pagtutulungan ka nilang bugbugin paglabas sa gate.

PAMPROSESONG MGA TANONG:


1. Ano ang iyong nararamdaman habang binabasa mo ang sitwasyon? May
nararamdaman ka bang usig ng iyong konsensiya?

2. May pananagutan ka ba sa maaaring kahinatnan sa biktima ng karahasan kung


ito ay hindi mo sasabihin o isumbong sa inyong guro ? Ipaliwanag.

3. Ngayon sino ang susundin mo? Ang iyong takot o ang kapakanan ng biktima?
Ipaliwanag.

4. Paano na iimpluwensiyahan ang isang kilos sa kaakibat niyang pananagutan?


Ipaliwanag.

6
Suriin
Kwento Ko Pananagutan Mo!
Panuto: Basahin at suriin ang bawat kwento o sitwasyon. Pagkatapos, sagutan ang
mga pamprosesong tanong.

1. Si Lorna ay isang estudyante sa ikasampung baitang dahil sila ay nakatira sa


bundok palaging tinatawag ang kaniyang atensiyon sa kaniyang guro dahil palagi
itong late o nahuhuli sa klase. Dahil sa layo ng kanilang bahay sa paaralan siya ay
lalakad pa ng higit isang oras at tatawid pa ng isang sapa.

2. Si Marvin ay naging adik sa larong mobile legend dahil sa palaging matagal at


kulang sa tulog, siya pumapasok sa kaniyang klase na hindi handa, palaging puyat at
dahil kulang sa tulog madalas ang kaniyang paghikab at mag-inat habang
nagkakaklase ang kanilang guro.

3. Pinatawag si Mark ng kaniyang guro dahil hindi ito sumasali o nakikilahok sa


ginawang Earthquake Drill sa paaralan

4. Papalabas na si Tisay sa gate ng paaralan nang hinarang siya ng mga grupo


ng mga estudyante at sapilitiang kinuha ang kaniyang pera sa bag. Dahil sa sobrang
takot naibigay din niya ang perang collection sa kanilang homeroom project.

5. Kinuha ni Victor ang kaniyang report card at nang makita niya ang kaniyang
mataas na marka o grado ay bigla siyang napasigaw at napayakap niyang hindi
sinasadya ang kaniyang kaklaseng babae.

PAMPROSESONG MGA TANONG:


1. Ano ang iyong masasabi sa mga sitwasyong sinuri?

2. Ano ang naramdaman mo matapos basahin ang mga kwento?

3. Kung pagbabasehan ang kani-kanilang kwento paano mo masasabi na sa bawat


kilos nila ay may inaasahang pananagutan?

4. Paano mo maipapakita ang iyong pananagutan sa bawat kwento o sitwasyon?

5. Bilang estudyante mayroon ka bang kahawig na karanasan sa mga binasang


kwento?

7
Gawain sa Pagkatuto Blg.3: KUWENTO MO, SURIIN KO

Batay sa limang kwento na binasa mo, tukuyin ang mga salik na nakakaapekto
sa pananagutan ng tao na naging dahilan kung bakit naging mahina ang tauhan sa
pagpili ng opsiyon at hindi naging mapanagutan. Gabay ang pormat sa ibaba.
Ang mga salik ay kamangmangan, masidhing damadamin, takot, karahasan,
at gawi. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Maaaring iyong gabay ang linya o pilosopiyang
“Make the best of everything Now. Time lost is never back!

Salik Pananagutan ng
1. Kwento o Tauhan
sitwasyon ni
Lorna

_____________

Salik Pananagutan ng
2. Kwento o Tauhan
sitwasyon ni
Marvin

_____________

Salik Pananagutan ng
3. Kwento o Tauhan
sitwasyon ni
Mark

_____________

Salik Pananagutan ng
4. Kwento o Tauhan
sitwasyon ni
Tisay

_____________

8
Salik Pananagutan ng
5. Kwento o Tauhan
sitwasyon ni
Victor

_____________

PAMPROSESONG MGA TANONG:


1. Batay sa mga kasagutan, bakit ito ang naging salik na nakaapekto sa
pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos at pasiya?

2. Paano nakakahadlang ang mga salik na ito tungo sa mabuting pagpili ng kilos at
pasiya?

3. Ano ang pananagutan ng bawat tauhan sa kaniyang kilos na makapagpasiya ng


mabuting opsiyon tungo sa makataog kilos?

Pagyamanin

Gawain sa Pagkatuto Blg.4: SANAYSAY-SURI


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay at sagutin ang mga tanong sa
ibaba.

PANANAGUTA SA PANAHON NG PANDEMYA


Norman O. Ongco

Ngayon sa panahon ng pandemia dulot na Covid-19 maraming mga pagbabago at


mga pangyayaring hindi inaasahan sa ating lipunan. Bawat araw ay tumataas ang kaso
na nagdulot ng takot at pag-alala ng mga tao. Ang ating gobyerno ay ginagawa ang lahat
ng makakaya para lang masolusyonan ang pandemia bagamat ang ating kalaban ay hindi
nakikita at ito ang kinatatakutan ng lahat. Kung pagbabasehan ang mga ulat o datus ng
Department of Health at World Health Organization walang hindi matatakot at mangamba
sa banta ng ating kalusugan at buhay ngayon. Subalit palaging sinasabi ng gobyerno na
bawat tao ay may pananagutan upang masumpo ang paglaganap ng pademia at hindi
lang kusang aasa sa programa na pinapatutupad. Pinapayohan ang bawat mamamayan
na dapat mag-ingat, sumunod sa mga protocol, magsuot ng facemask, sundin ang social
distancing at higit sa lahat manatili sa bahay o sundin ang stay at home protocol. Dapat
magkakaisa ang bawat Pilipino na kumilos upang malutasan itong pandemia. Kumilos na
may kaakibat na pananagutan sa bawat sang katauhan.

9
Pagkatapos mong basahin at unawain ang sanaysay, sagutan ang mga sumusunod
na mga katanungan:
1. Ano ang mensahe ng sanaysay?
2. Ano ang iyong nararamdaman habang binasa ang sanaysay?
3. Masasabi mo ba na ikaw din ay dapat kumilos sa panahon ng pandemia? Anong
makataong kilos na pwede mong gawin upang makatulong sa gobyerno?
4. Bilang isang mamamayan natatanggap mo na ba na mayroon kang pananagutan
sa pagsugpo nitong pandemia na ating hinaharap ngayon? Patunayan.

Isaisip
Dito mas lalong mapapalalim ang iyong pag-unawa tungkol sa paksa. Pag-
aralan ang web diagram.

Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos

MAKATAONG KILOS

Kilos ng Tao Makataong Kilos


(Acts of Man) (Human Act)

Kilos na nagaganap sa tao Kilos na isinagawa ng tao na


may kaalaman, Malaya at Kusa

Hindi ginagamitan ng isip at Ginamitan na isip at kilos-loob


kilos-loob

Walang aspekto ng pagiging Sinasadya at kinusa dahil


mabuti o masama isinagawa ito sa panahon na
siya ay responsable

Walang pananagutan ang tao Malayang pinili mula sa


kung naisasagawa ito paghuhusga at pagsusuri ng
konsensiya

(Source: EsP 10 Modyul Para sa Mag-aaralp.93)

10
Mahalagang tandaan sa eksplenasyon ng web diagram:
Ang kilos ng tao (acts of man) ay mga kilos na nagaganap sa tao.
• Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi
ginagamitan ng isip at kilos-loob.
• Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng gagiging mabuti o
masama kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito.
• Halimbawa nito ay ang mga biolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap
sa tao tulad mata, pagkaramdam ng sakit mula sa sugat, paghikab, at iba pa.

Ang makataong kilos (human act) naman ay kilos na isinagawa ng tao nang may
kaalaman, malaya, at kusa.
• Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob
kaya’t may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito
• Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagkat
isinasagawa ito ng taosa panahon na siya ay responsible, alam niya ang
kaniyang ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito.
• Ito ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng
konsensiya.
• Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng
kaniyang piniling kilos.
• Kung mabuti ang kilos, ito ay katanggap-tanggap. At kung masama ang kilos,
ito naman ay kahiya-hiya at dapat pagsisihan.

TATLONG URI NG KILOS AYON SA KAPANAGUTAN (Accountability)

Kusang-
loob

Tatlong Uri
ng Kilos ayon
sa
Walang Di Kusang-
Kapanagutan
Kusang- loob
(Accountabilit
loob
y)
Mahalagang tandaan sa eksplenasyon ng web diagram:
Kusang-loob. Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng
kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
Halimbawa: Ang isang guro na gumaganap ng kaniyang tungkulin. Gumagamit siya
ng ibat-ibang istratehiya sa pagtuturo para sa kaniyang klase. Naghahanda rin siya ng
lesson plan bilang preparasyon sa kaniyang araw-araw ng pagtuturo. Naghahanda
siya ng mga angkop at kawili-wiling kagamitang pampagtuturo upang mapaunlad ang
pagkatuto ng mga mag-aaral. Gumagawa rin siya ng mga angkop na pagsusulit upang
matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral.

11
Di kusang-loob. Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-
ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman ay kaalaman sa Gawain na
dapat isakakatuparan.
Halimbawa: Si Alex, isang barangay official ay naglilingkod bilang COMELEC member
para sa lokal at pambansang eleksiyon. Binulungan siya ng kaniyang chairman na
tulungan ang isang kandidato sa pamamagitan ng “dagdag-bawas”. Alam niyang ito
ay illegal at labag sa kanilang moral na tungkulin kaya hindi siya pumayag. Sa kabila
nito, ginawa parin niy ang pabor na hinihingi dahil baka matanggal siya bilang
miyembro kung hindi siya susunod bagaman labag ito sa kaniyang kalooban.

Walang kusang-loob. Dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon
sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t
walang pagkukusa.
Halimbawa: Si Gaby ay may kakaibang ekspresyon sa kaniyang mukha. Madalas ang
pagkindat ng kaniyang mga mata. Nakikita ang manerismong ito sa kaniyang
pagbabasa, pakikipagkuwentuhan sa kaibigan, at panonood ng telebisyon. Minsan sa
kaniyang pamamasyal ay may lumapit na dalaga at nagalit sa kaniyang pangingindat.
Nagulat siya dahil hindi niya alam na nabastos niya nang hindi sinasadya ang dalaga.
Hindi humihingi ng paumanhin si Gaby dahil ito ay isang manerismo niya.

(Source: EsP 10 Modyul Para sa Mag-aaralp.95-96)

Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Blg.4: KILOS KO, GAWI KO
Panuto: Basahin ang pahayag sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na mga
katanungan.
Sa panahon ngayon maraming mga pagkakataon at pangyayari sa buhay mo
kung saan ikaw ay naharap sa mga pangyayaring hindi inaasahan. Minsan kusang
may kaganapan na hindi mo kontrolado at nangyayari na lamang. Ang pagkukusa sa
makataong kilos ay dapat nasusuri at mapagnilayan. Kinakailangan mong tukuyin ang
mga kilos na dapat panagutan. Sa makatuwid, ikaw ay inaasahan na makakagagawa
ng mga angkop na paraan upang maipakita ang natutukoy na mga kilos na mayroong
kaakibat na pananagutan sa pang araw-araw na buhay. Gabay ang katanungan:
Maaari bang maging makataong kilos ang kilos ng tao?
Gamit ang talahanayan (activity worksheet):
1. Tukuyin kung ang mga kilos mo ay nagpapakita ng presensiya ng kilos ng tao
(acts of man) o makataong kilos (human act), at kung ito ay mapanagutang kilos.
2. Isulat ang mga nagawang kilos, dalawa sa bawat araw.
3. Lagyan ng tsek ( / ) kung ang kilos ay ginagamitan ng Kilos ng Tao o ginagamitan
ng Makataong Kilos at isulat kung anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan.
3. Gawin ito sa loob ng isang Linggo, huwag hayaang lumipas ang araw na wala
kang nagawa.
4. Gawin ito ng may pagpapahalaga. Gamitin ang activity worksheet sa ibaba.

12
Araw Mga Nagawang Kilos Kilos Makataong Urin ng Kilos
Kilos ayon sa
at Petsa ng Tao
Kapanagutan

Pagkatapos ng isang lingo, gumawa ka ng isang Repleksiyon o Reyalisasyon


sa gawaing ito. Isulat ito sa iyong Journal Notebook.

Tayahin
Multiple Choice. Basahin at unawain ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng
wastong sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng
isip at kilos-loob.
A. Kusang kilos C. Makataong kilos
B. Kilos ng tao D. Di Kusang kilos
2. Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagkat
isinasagawa ito ng taosa panahon na siya ay responsible, alam niya ang
kaniyang ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito.
A. Kusang kilos C. Makataong kilos
B. Kilos ng tao D. Di Kusang kilos
3. Dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos
na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa.
A. Kusang-loob C. Makataong-loob
B. Walang kusang-loob D. Di Kusang-loob

4. Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may
lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
A. Kusang-loob C. Makataong-loob
B. Walang kusang-loob D. Di Kusang-loob

13
5. Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito
sa kilos na hindi isinagawa bagaman ay kaalaman sa Gawain na dapat
isakakatuparan.
A. Kusang-loob C. Makataong-loob
B. Walang kusang-loob D. Di Kusang-loob
6. Kung mabuti ang kilos, ito ay katanggap-tanggap. At kung masama ang kilos, ito
naman ay kahiya-hiya at dapat pagsisihan.
A. Kusang kilos C. Makataong kilos
B. Kilos ng tao D. Di Kusang kilos
7. Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng gagiging mabuti o masama
kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito.
A. Kusang kilos C. Makataong kilos
B. Kilos ng tao D. Di Kusang kilos
8. Ito ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya.
A. Kusang kilos C. Makataong kilos
B. Kilos ng tao D. Di Kusang kilos
9. Halimbawa nito ay ang mga biolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa
tao tulad mata, pagkaramdam ng sakit mula sa sugat, paghikab, at iba pa.
A. Kusang kilos C. Makataong kilos
B. Kilos ng tao D. Di Kusang kilos
10. Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kaniyang
piniling kilos.
A. Kusang kilos C. Makataong kilos
B. Kilos ng tao D. Di Kusang kilos

Karagdagang Gawain
Pagninilay sa Sarili: COMPLETE THE STEM
Panuto. Mula sa iyong pagkatuto sa modyul na ito, tapusin ang sinimulang
pangungusap upang mabuo ang batayang konsepto.
1. Maaaring maging makataong kilos ang kilos ng tao ______________________
___________________________________________________________________
Halimbawa : _________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos
upang _____________________________________________________________
___________________________________________________________________.
3. Kailangan mag-ingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos sapagkat ________
__________________________________________________________________.
4. Napagnilaynilayan ko na _____________________________________________.

14
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Mga Aklat

Mary Jean B. Brizuela et al., Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (DepEd-IMCS: FEP Printing


Corporation, 2015), 33-35.
Agapay, R. (2001). Ethics and the Filipino: A Manual on Morals for students and educators.
Mandaluyong City, Philippines: National Book Store
Articulo, A. & Florendo G. (2003). Values and Work Ethics. Bulacan. Trinitas Publishing, Inc.
Babor, E. (1999). Ethics: The Philosophical Discipline of Action. Manila, Philippines: Rex Book Store.
Blackburn, S. (2005). Oxford Dictionary of Philosophy. Oxford: Oxford University Press
Carino, M. et al. (2008). A Pocketful of Virtues, Rizal: Glad Tidings Publishing, Inc.
Glenn, P. J. (1930). Ethics: A Class Manual in Moral Philosphy. London: B. Herder Book Co.
Law, S. (2007). Eyewitness Companions Philosophy. London: A Penguin Company. Montemayor, F.
(1994). Ethics: The Philosophy of Life. Mandaluyong City. Philippines: Rex Book Store.
Punsalan, T. et al. (2007). Kaganapan sa Maylalang IV. Quezon City: Rex Printing Company, Inc.
Reyes, R. (1989). Rev. Ed (2009). Ground and Norm of Morality: Ethics for College Students. Quezon
City: ADMU Press.

15
Sambajon Jr., M. (2011). Ethics for Educators: A College Textbook for Teacher Education and
Educators in All Areas of Discipline. C & E Publishing. Inc.
Kaisipan (Ang Opisyal na Dyornal ng Isabuhay, Saliksikin, Ibigin ang Pilosopiya o ISIP) Vol. 1 No. 1
ISSN-2350-6601 pp. 18-27

Mula sa Internet
Babor, E. R. Ethics Updated Edition The Philosophical Discipline of Action. Retrieved 13 February
2014 from
http://books.google.com.ph/oks?id=qzETCc5fhkkC&pg=PA170&dg=modifiers+of+human+acts&sourc
e
Fernandez, KM. Modifiers of Human Acts. Retrieved 09 February 2014 from
http://www.slideshare.net/KlmnMoisesFernandez/modifiers-of-human-acts
Glenn. P. J. A Tour of the Summa. Retrieved 09 February 2014 from
http://www.catholictheology.info/summa-theological/summa-part2A.php?q=438
Gilby OP, T.St. Thomas Aquinas Summa Theologiae Retrieved 13 February 2014 from
http://books.google.com.ph/books?idaHO_VcXhfYC&pg=PA5&lpg=PA5&dq4=voluntariness+of+huma
n+acts&source=bl&ots=ad8kfvAHb0&sig=i1U24oQbFifVmBEkid-dVjcyvU
Panuncialman, R. Modifiers of Human Acts. Retrieved 13 February 2014 from http://researchpaper-
juniors.blogspot.com/2012/06/modifiers-of-human-acts.html
Paulin OP, T. The Human Acts Report in Moral Theology. Retrieved 13 February 2014 from
http://prezi.com/5f6znb9qokst/the-human-acts/

Para samgakatanungan o puna, sumulat o tumawagsa:

Department of Education
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph

16

You might also like