You are on page 1of 22

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1
Ang Mataas Na Gamit At Tunguhin Ng
Isip (Intellect) at Kilos-Loob (Will)
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip
(Intellect) at Kilos-Loob (Will)

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Norman O. Ongco
Editor’s Name: Czarina Ritzko J. Sagarino Fe M. Gultiano Earl Adrian C. Cejas
Reviewer’s Name: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente Dr. Bryant C. Acar
Illustrator’s Name:
Layout Artist Maria Teresita D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Management Team:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
EPSVR - LRMDS : Teresita A. Bandolon
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold Cardente
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagarawan ng Edukasyon
Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 420-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
10
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1
Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng
Isip (Intellect) at Kilos-Loob (Will)

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador


mula sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran
ng Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignatura ng Edukasyon sa Pagpapakatao
Baitang 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mataas
Na Gamit At Tunguhin Ng Isip (Intellect) At Kilos-Loob (Will)!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang


magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mataas Na Gamit At Tunguhin
Ng Isip (Intellect) At Kilos-Loob (Will)!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

i
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan


Alamin sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo


Subukin sa aralin ng modyul. Kung nakuhamo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang


maiugnay ang kasalukuyang aralin sa na unang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.


Suriin Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang


Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


Isaisip pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


Tayahin pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong Gawain upang


pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
Gawain
aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga Gawain sa


Pagwawasto modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.

ii
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin

Isang maligayang pagtuntong sa Ikasampung Baitang!


Noong nasa Ikapitong Baitang ka, napag-aralan mo ang na ang tao ay
natatanging nilikhang nabubuhay sa mundo. Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong
kaalaman ukol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo kung papaano mo matutunton at
makikilala ang gamit at tunguhin ng iyong isipan at kilos-loob. Mahalagang malaman
mo at matuklasan ang perlas ng karunungang inihanda para sa iyo sa pagpapatuloy
ng iyong pag-aaral ng modyul na ito.
Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!
Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob


Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob (EsPMP-la-


1.1);
2. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga
kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito (EsPMP-la-1.2) ;
3. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mag-
isip ng tama at wastong paggamit ng kilos-loob sa pang araw-araw na buhay.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon at piliin ang tamang kasagutan.
Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno.

Para sa bilang 1 – 5. Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba.

Si Larry ay nasanay sa buhay na kung ano ang gusto niya ay dapat


talagang mabigay ng kaniyang mga magulang kagaya ng mga paborito niyang
pagkain at gamit, maglaro ng computer games sa internet cafe, pumunta at
mamasyal sa mall kasama ang kaniyang mga kaibigan at barkada. Ngunit
ngayon sa panahon ng pandemic ay pinapayohan at pinagbabawalan siya ng
kaniyang mga magulang na bawal lumabas ng bahay dahil delikado na
magkasakit at mahawaan ng Covid-19.

1. Ang tao ay mayroong kakayahan na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang
damdamin, bakit mahalagang matutunan ito ni Larry?
A. dahil ang tao ay may kakayahang gamitin ang kaniyang imahinasyon
B. dahil sa kaniyang kakayahang mangatwiran
C. dahil may kalayaan siyang pumili
D. dahil ang tao ay may kamalayan sa sarili

2. Kung si Larry ay hindi makinig sa kaniyang mga magulang, masasabi ba natin na


depektibo ang kaniyang pandama at nagkakaroon ito ng epekto sa isipan?
A. Hindi, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na
naihahatid nito
B. Oo, dahil ang isip at may koneksiyon sa pandama
C. Hindi, dahil magkahiwalay ang pandama at kakayahan ng isip
D. Oo, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip

3. Sa sitwasyong ito, anong kakayahan ng tao ang nabubuo?


A. dapat maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang gustong kainin para iwasan
ang magkasakit
B. ang kakayahang taglay ng tao ay hindi dapat mapantayan ng hayop
C. ang kakayahang mamahala sa sarili ng tao ay dahilan ng walang ibang
makapagdidikta sa kaniya
D. ang tao ay may kakayahang kontrolin ang kaniyang pandamdamin at isipan at
gamitin ito sa tamang sitwasyon.

4. Batay sa sitwasyon, anong kakayahan ng isip na dapat pagyamanin ni Larry?


A. Mangatwiran C. Mag-isip
B. Maghusga D. Makaunawa

2
5. Bakit kaya kumakatwiran ang isip dahilan ng maimpluwensiyahan ang kilos-loob?
A. dahil nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon sa isip
B. ang kilos-loob ay walang sariling panindigan
C. dapat maging matalino ang isip sa mabuting pagpasya
D. dahil ang isip at kilos-loob ay magkaugnay

Para sa bilang 6 – 10. Basahin at unawain ang sanaysay.

Ang tao ay kadalasang nahaharap sa ibat-ibang sitwasyon sa buhay,


maaaring sa kasiyahan, kalungkutan, pagkabigo at pagkapanalo o tagumpay. Ito ay
mga realidad o katotohanan na hindi pwedeng maiwasan ng tao. Dito masusubukan
ang kakayahan ng tao na gamitin ang pandamdam, isip at kilos-loob para sa
pagpapasiya depende sa sitwasyon na hinaharap.

6. Batay sa pahayag, ano ang nagtutulak sa tao sa sitwasyong nais maglingkod at


makatulong sa kapuwa?
A. emosyon C. malasakit
B. serbisyo D. pag-iisip

7. Sa sitwasyong nagagamit ang kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon ang


tao. Bakit nagkaroon ng tawag o calling ang tao na dapat tugunan ng isipan?
A. ito ay nagbigay ng kabuluhan na mabuhay sa mundo
B. ito ay nagbigay daan sa paggawa ng gustong makamit sa buhay
C. ito ay ang paggamit ng isipan
D. ito ay paggamit ng isipan at kilos-loob

8. Ano ang tumugon sa tao kung kinakailangan ang kaniyang obhetibong opinion sa
sitwasyon?
A. pagmamahal C. damdamin
B. balansing pag-iisip D. praktikalidad

9. Ang katotohanan ay hindi pwedeng mahiwalay sa kamalayan ng tao. Ano


ipinahiwatig nito?
A. ang katotohanan ang nagbibigay sa tao ng kalayaan
B. nakikita ng mga tao ang katotohanan
C. nagsimula ang katotohanan sa tahanan
D. dapat itong pagnilayan

10. Mula sa pahayag, bakit mahalagang linangin ng tao ang balanseng pag-iisip
kasalungat ng kilos-loob?
A. upang hindi mahiwalay sa tamang landas
B. upang magkaroon ng tamang pagpapasiya
C. dahil ito ang realidad
D. dahil ito ay nagdadala sa kanyang kaganapan

3
Aralin Ang Mataas Na Gamit At Tunguhin Ng Isip At
1 Kilos-Loob

Ang makikilala ang gamit at tunguhin ng iyong isipan at kilos-loob ay


napakahalaga para ikaw ay makapagbigay ng angkop na desisiyon at malagpasan
ang iyong mga kahinaan. Ang pagtuklas ng hiyas ng karunungang ay iyong
makamtan sa pagaaral nang aralin na denisinyo para sa iyo.
Ano ba ang kahalagahan ng Isip at Kilos-Loob?
Paano mo ito maintidihan at magamit sa pag buo ng desisyon batay sa tamang
saloobin at sa pang araw-araw na gawain.

Balikan

Panuto: Basahin at balikan ang iyong napag-aralan noong nasa nakaraang baitang
ka pa ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ang mabuti ay:
A. paggawa ng tama C. pagbuo ng sarili
B. pagsunod sa batas D. pagsunod sa Diyos

2.Dito mo unang naranasan ang mga bagay-bagay na nagbibigay sa iyo ng


kamalayan tungkol sa katarungan.
A. pagmamahal B. kapwa C. pamilya D. lipunan

3.Ito ay isang pagpapahalaga na nagpapaunlad ng kakayahan ng tao sa


pamamagitan ng aktibong pagkalinga sa kapwa.
A. pagmamahal B. kapwa C. pamilya D. lipunan

4. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan mag-impok ang tao maliban
sa isa:
A. para sa pagreretiro C. Para sa hangarin sa buhay
B. Para sa proteksyon sa buhay D. Para sa inspirasyon sa buhay

5. Si Allen ay nagsisikap na gawing “On Time” ang “Filipino Time”. Alin sa


sumusunod niyang ginagawa ang nagpapakita nito?
A. Laging nagmamadaling umuwi ng bahay.
B. Maaga siyang gumising dahil nasasanay na siyang gawin ito.
C. Hindi siya nahuhuli sa “Flag Ceremony” kahit malayo ang bahay.
D. Nagsisimula siyang mag- aral ng dalawang lingo bago ang exam.

Mga tala para sa Guro


Ngayon, ikaw ay dadaku sa iyong pag-aaral upang mas lalong mapalawak
ang iyong karunungan at inaasahang masagot ang mahalagang tanong
na: Paano dapat gamitin ang isip (intellect) at kilos-loob (will) ng tao.

4
Tuklasin

Gawain 1. Awitin Mo at Isipin Mo!

Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang bawat linya ng kantang may pamagat na
Isip at Kilos. Ito ay hango o ispirado sa tunog ng kantang “Pagsubok.” ng Orient
Pearl.

ISIP AT KILOS
ni Norman O. Ongco

Isip ay nag-aalinlangan
Mahirap maintindihan
Bakit kaya pinahirapan
Sa mundong walang kamalayan

Kilos ay pag-ingatan
Kailangan mong pag-isipan
Bakit kaya ang tao ay parang walang kalayaan
Mga tao sa paligid ay walang pakialaman
Buhay ay hindi patas pero kaya mo iyan

Isip at kilos ang pagyamanin


Suriin at intindihin
Mga tao sa paligid ay dapat na iyong mahalin
Damdamin at emosyon ay dapat mong pairalin
Isip at kilos ay dapat balansihin
Kaya mo yan!

Mga pangprosesong katanungan:


1. Ano ang iyong nararamdaman habang kinanta mo ang awiting ito?
2. Ano ang mensahe ng kanta? Ito ba ay mayroong kaugnayan sa kamalayan ng
tao? Ipaliwanag.
3. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng balanseng pag-iisip at kilos?
4. Maiuugnay mo ba ito sa tunay na pangyayari sa iyong buhay ngayon?

5
Gawain 2. Asawa ko o Anak ko?
Panuto. Basahin at suriin ang sitwasyon at sagutan ang mga sumusunod na
pangprosesong katanungan.

Sinasabi na ang tao ay mayroong kapangyarihan o karapatang pumili at


gawin ang kanyang kagustuhan sa buhay. Ito ang pilosopiyang pinanindigan ni
Digoy, isang taong mayaman at tinitingala sa kanilang lugar dahil sa kaniyang
mabuting kalooban. Ngunit isang araw dumating sa punto na kinakailangan niyang
magdesisyon dahil ang kaniyang asawa ay manganganak na at delikado ang
sitwasyon. Nag-usap sila ng doctor at sinabihan siya na kritikal ang kaniyang
asawa at ang kanilang bata kung saan kinakailangan niyang magdesisyon kung
sino ang kaniyang piliin na isalba o buhayin, ang kaniyang asawa ba o ang
kanilang anak? Hindi alam ni Digoy kung ano ang kanyang gagawin at magiging
desisyon.
Sagutin ang mga pamprosesong katanungan.

1. Kung ikaw si Digoy, sino ang pipiliin mong mabuhay? Ang asawa mo o ang iyong
sanggol?
2. Gaano kahalaga ang gamit ng isip at kilos-loob sa pagbuo ng isang desisyon o
pasya sa buhay? Ipaliwanag.
3. Paano na iimpluwensiyahan ng isip ang kilos-loob? Ipaliwanag.

Suriin
Kwento Ko Palaisipan Mo!
Panuto. Basahin at suriin ang kwento.

What’s The Style


ni Norman O. Ongco

Ito ay isang kwento sa magkakabarkada na may kanya kanyang


personalidad, prinsipyo at pangarap sa buhay.
Isang araw nakaroon sila ng isang outing bago paman dumating ang araw
ng kanilang pinakahihintay na graduation sa Senior High School.

Martin: Wow after all these years gagraduate na talaga tayo, excited na talaga ako
sa ating graduation day.
Rey: Oo nga at tayo ay maghihiwalay na ng landas, hahay nakakamis
Angie: Buti pa kayo magpapatuloy sa college, ako hindi na, hindi talaga kaya ng
mga magulang ko ang tuition fees sa kolehiyo.
Mae: Ako din naman ayoko munang mag-aral sa college, pahinga muna,
nakakapagod mag-aral kaya… bahala na ang mga magulang ko…

6
Rey: Ano ka ba Mae? Sayang naman ang pagkakataon eh ikaw pa naman ang may
kaya sa barkada at syempre sayang din ang mga pangarap ng mga magulang mo…
Angie: Ako nga gustuhin ko man mag-aral pero hindi pa talaga kaya ng mga
magulang ko, kaya maghanap nalang siguro ako ng matratrabahoan at para
makakatulong din sa pamilya.. Ganito talaga ang buhay mahirap.
Martin: Angie, huwag kang mawalan ng pag-asa kaya mo yan, basta mayroon kang
plano at pangarap sa buhay darating din yan… ika nga “if there’s a will, there’s a way”.
Mae: Basta ayoko munang mag-aral, enjoy muna! Bahala na…!
Rey: Iba ka talaga mag-isip Mae… noon paman ganyan na talaga ang style mo!
Parang wala lang, hindi mo man lang inisip ang mga magulang mo. Sobrang busy
sila sa negosyo para lang mabigyan ka ng mga gusto mo…
Mae: Well ganito talaga ako eh.. this is my style! Kumbaga kanya kanya tayo style o
diskarte sa buhay…
Angie: Oo nga meron tayong kanya kanyang prinsipyo sa buhay pero isipin din natin
ang mga mahal natin sa buhay. Meron din tayong kanya kanyang choice sa buhay
pero sayang naman kung tayo ay mapunta lang sa wala…
Martin: Kaya nga dapat mag-isip tayo kung ano man ang magiging desisyon at
gustuhin sa buhay… Yes it’s true na tayo man ay may kanya kanyang style o diskarte
sa buhay pero kailangan we have to make sure na wala tayong pagsisihan sa huli.

Pamprosesong katanungan:

1. Ano ang binabanggit sa kwento?


2. Ano ang naramdaman mo matapos basahin ang kwento?
3. Kung pagbabasehan ang kanya kanyang personalidad o style ng mga karakter sa
kwento, kaninong karakter ang masasabi mong kahawig o kapareho ng
personalidad mo?
4. Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa mga mahal mo sa buhay
gamit ang isip at kilos?
5. Anong konklusyon ang mabubuo mo sa binasang kwento?

Gawain 3. Ako Ba Ito?

Batay sa apat na karakter o personalidad na binasa mo, tukuyin kung ano ang
pinagagamitan ng iyong isip at kilos-loob sa bawat karakter. Punan ang tsart sa ibaba.
Gawin ito sa iyong kwaderno gabay ang tanong na:
Paano ko maipapakita sa aking mga magulang at mga mahal sa buhay ang
kanilang kahalagahan o importansiya sa buhay ko? Magiging gabay mo rin ang
kasabihan na: “Minsan lang tayo dadaan sa mundong ito” (We pass this world but
once).

7
Para saan ginamit ang
Karakter
Isip Kilos-loob

1. Martin

2. Rey

3. Mae

4. Angie

Pagyamanin
Sanaysay. Ikaw ay Tao Hindi Robot!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay.

Ikaw ay Tao Hindi Robot


Norman O. Ongco
Simulat sapol noong isinilang ang tao sa mundong ito, wala pa siyang
kamalayan kung ano at bakit siya isinilang sa mundong kanyang kinagawalan.
Hanggat siya ay magkamalay at natutung makiramdam, mag-isip at kumilos. Kung
paano siya makiramdam, mag-isip at kumilos ito ay dahil sa impluwensiya ng
kanyang mga magulang , pamilya at sa mga taong kinalakihan niya. Hanggat
nagsimula siyang mag-aral at mas lalong napatalas ang kanyang karunungan.
Nalaman niya na bilang tao mayroon siyang mga karapatan na dapat maranasan at
makamtan upang magiging buo ang kanyang kataohan. Isa nito ang karapatang
makapag-aral (the right to education). Sa pamamagitan ng edukasyon ang tao ay
natuto kung ano ang tama o mali, paano gugulin ang kaniyang mga pangarap sa
buhay, paano magiging responsabling mamayan, paano romespeto at magmahal,
at higit sa lahat paano gamitin ang isipan at kumilos ng tama.
Sabi pa nga, madaling maging tao ngunit mahirap magpakatao. Nagpapatunay
lang ito na ang tao ay bukod tanging nilikhang nabubuhay sa mundo. Bukod tangi
na mabuhay at makamit ang layunin ng pagkakalikha sa kanya bilang tao. Kung
paano siya mag-isip, magpasya at kumilos. Ito ay ang kanyang daan upang
magiging buo ang kanyang kataohan. Dahil ang tao ay hindi robot!

8
Pagkatapos mong basahin at unawain ang sanaysay sagutan ang mga
sumusunod na katanungan:
1. Ano ang iyong na obserbahan sa sanaysay?
2. Sang-ayon ka ba sa mga sinasabi o tema ng sanaysay?
3. Batay sa iyong mga sagot sa una at pangalawang tanong, paano ito makatutulong
sa iyong patuloy na pag-aaral tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-
loob?

Isaisip
Dito mas lalong mapapalalim ang iyong pag-unawa tungkol sa paksa. Pag-
aralan ang web diagram.

Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip (Intellect) at Kilos-loob (Will)

Isip (Intellect)

May
kapangyarihang
Maghusga

May kakayahan May


itong kapangyarihang
matuklasan Mangatwiranan
ang
katotohanan
ISIP

May May
kapangyarihang kapangyarihang
Umunawa ng Magsuri
mga
kahulugan ng May
mga bagay kapangyarihang
Mag-alaala

(Source: EsP 10 book p.33)

9
Mahalagang tandaan:
1. Ang isip ay may kapangyarihang maghusga sa mga bagay at pangyayari.
2. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran ito ay nagpapatunay na ang tao ay
isang rational being.
3. Ang isip ay may kapangyarihang magsuri bago gumawa ng isang desisyon o
magpasya.
4. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala sa mga sitwasyon o mga pangyayari
at kaganapan sa kaniyang buhay.
5. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa ng mga kahulugan ng mga bagay.
6. Ang isip ay may kakayahan itong matuklasan ang katotohanan.
7. Ang isip ay walang taglay na kaalaman o ideya mula sa kapanganakan ng tao.
Nakukuha niya ito sa ugnayan niya sa realidad sa pamamagitan ng mga
panlabas na pandama.
8. Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang
maimpluwensiyahan ang kilos-loob.
9. Ang pag-aaral ay isang susi sa paglinang ng isip upang matuklasan ang
katotohanang kailangan ng tao sa paglinang ng kaniyang pagka-sino.

Kilos-Loob (Will)

Makatuwirang
pagkagusto
(rational
appetency)

May kamalayan
Ang emosyon
at kakayahan
at kilos-loob ay
itong kumuha
KILOS-LOOB magkakaroon
ng buod o
ng magkaibang
esensiya sa
pagkilos
mga bagay na
umiiral

Umaasa ito sa
isip

(Source: EsP 10 book p.35)

10
Mahalagang Tandaan:

1. Makatuwirang pagkagusto (rational appetency) sapagkat ito ay naaakit sa mabuti


at lumalayo sa masama.
2. Umaasa ito sa isip, kaya’t mula sa paghuhusga ng isip ay sumusunod ang
malayang pagnanais ng kilos-loob.
3. May kamalayan at kakayahan itong kumuha ng buod o esensiya sa mga bagay
na umiiral.
4. Maaaring ang emosyon at ang kilos-loob ay magkakaroon ng magkaibang
pagkilos.
5. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon, nagkakaroon ito ng
tawag sa tao na dapat niyang tugunan. Maaaring ang tawag na ito ay ang
tumulong sa kapwa ayon sa sitwasyon.

Isagawa
Bilang estudyante maraming mga pagkakataon at pangyayari sa buhay mo
kung saan ang iyong desisyon o pagpapasya ay kinakailangan upang gawin ang mga
tugon at hamon sa pamamagitan ng makabuluhang paggawa nito. Sana ay naitanong
mo sa iyong sarili kung nabubuhay ba ako na may layunin at makabuluhan? Dito mo
rin makikilala at malagpasan ang iyong kahinaan sa pagpapasya.
Para sa kasagutan ng iyong katanungan, gawin mo ito.
1. Likas sa tao ang pakikipagsalamuha sa kanyang kapwa. Sa iyong pang araw-
araw na buhay maraming pagkakataon na nahahamon ang iyong kakayahang
mag-isip at kumilos ng Mabuti sa pamamagitan ng pagtulong sa iyong kapwa.
2. Sa ganitong paraan, magmasid at maghanap ka ng pagkakataong makatulong sa
mga gawain sa inyong bahay, sa iyong mga magulang, mga kapatid at sa mga
taong nakakatanda sa iyo.
3. Gawin mo ito ng may pagmamahal at paglilingkod, ang importante maging
sensitibo sa mga pangangailangan sa mga tao sa iyong paligid.
4. Gawin mo ito sa loob ng Isang Linggo, huwag hayaang lumipas ang araw na wala
kang nagawa. Gamit ang activity worksheet sa ibaba.

Petsa/Oras Anong Sitwasyon? Paraan ng Paggawa Ano ang nagiging


Resulta?

11
Pagkatapos ng isang lingo, gumawa ka ng isang Repleksiyon o Reyalisasyon
sa gawaing ito. Kagaya ng mga nadiskobrehan mo sa iyong sarili araw-araw habang
ginagawa ang gawain na ito. Isulat ito sa iyong Journal Notebook.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng wastong sagot
sa iyong kuwaderno.
1. Ito ay isang kapangyarihan ng isip kung saan kinakailangan mong pumili batay sa
kasalukuyang sitwasyon.
A. Kapangyarihang sumuri
B. Kapangyarihang maghusga
C. Kapangyarihang mangatwiran
D. Kapangyarihang mag alaala

2. Si Deedee ay nilapitan ng kanyang kaklase at tsinismis ang isang kaibigan nila na


nabuntis ito. Anong kapangyarihan ng isip ang dapat gamitin ni Deedee?
A. Kapangyarihang sumuri
B. Kapangyarihang maghusga
C. Kapangyarihang mangatwiran
D. Kapangyarihang mag alaala

3. Dahil magaling ka sa arts/drawing ikaw ay inutusan ng iyong guro na magpinta sa


mural painting exhibit ng inyong paaralan. Pero sa panahong iyon ay iba ang
iyong pakiramdam ng iyong katawan at natatakot kang sabihin at hindi sundin ang
utos ng iyong guro. Ano ang gagawin mo?
A. Sundin ang utos ng guro kahit mabigat sa kalooban
B. Sundin ang utos dahil sa takot
C. Ipaalam sa guro ang tunay na karamdaman
D. Gawin ang utos ng guro sa dahil aktibo ang isipan kahit mahina ang katawan

4. Inutusan ka ng Nanay mo bumili sa tindahan paglabas mo ng bahay may nakita


kang isang matandang babae na nahirapan maglakad o patawid sa daan. Ano
ang gagawin mo?
A. Hahayaan nalang ang matandang babae
B. Ipagpatuloy ang pagbili sa tindahan at baka mapagalitan ka ng Nanay mo
C. Tutulongan ang matandang babae kasi nakakaawa naman
D. Huwag makialam sa mga tao sa paligid

12
5. Nagbigay ng summative test ang inyong guro at hindi ka nakapag-aral dahil sa
paglalaro ng mobile legends buong gabi. Alam mo naman na nagbagsak ka sa
nakaraang markahan. Ano ang gagawin mo?
A. Mag cutting classes nalang at hindi kukuha sa pasulit
B. Bahala na ang guro basta importante kukuha ka sa pasulit
C. Tatabi sa kaklaseng matalino sa klase at mangupya nalang
D. Makiusap sa guro na sa susunod nalang kukuha sa pasulit dahil hindi pa handa

6. Paborito mo ang tsokolate pero may diabetes ka. Ano ang paiiralin mo ang isip o
ang kilos-loob?
A. Nararamdaman mo na ang sarap kumain ng tsokolate pero pinigilan mo
B. Gusto mong kumain ng tsokolate pero naiisip mo na bawal talaga dahil may
diabetes ka
C. Kakain ka at bahala na kung tataas ang sugar level mo
D. Hindi nalang ako kakain kahit na gustuhin ko man baka magkaroon pa ng
komplikasyon ang sugar level ko

7. Pinagalitan ka ng Tatay mo dahil late ka nang umuwi sa bahay ni hindi ka man


lang niya binigyan ng pagkakataong magsalita kung ano dahilan. Anong
kapangyarihan ng isip ang hindi mo nagagamit?
A. Kapangyarihang sumuri
B. Kapangyarihang maghusga
C. Kapangyarihang mangatwiran
D. Kapangyarihang mag alaala

8. Kung ikaw ay palaging nagbabasa ng mga aklat o sa internet marami kang


makukuhang impormasyon at kaalaman sa iyong binabasa. Anong
kapangyarihang isip iiral ang mga impormasyong nakastore sa iyong memorya?
A. Kapangyarihang sumuri
B. Kapangyarihang maghusga
C. Kapangyarihang mangatwiran
D. Kapangyarihang mag alaala

9. Ano ang ibig sabihin ng linyang “The end does not justify the means”?
A. Kung ang intensiyon mo ay tama magiging tama na rin ang ginagawa mo kahit
mali ito
B. Kung ang intenisyon mo mali ito ay nagpapatunay na mali rin ang ginagawa mo
C. Kung mali ang iyong ginagawa ay hindi nagpapatunay na tama ito kahit tama
naman ang iyong intensiyon
D. Kung tama ang iyong ginagawa ay nagpapatunay lang ito na tama ang iyong
intensiyon

10. Ano ang gagawin mo kung nalalaman mo ang isa sa iyong matalik na kaibigan
ay nag traydor sa iyo?
A. Bahala siya, hayaan mo nalang
B. Puntahan mo siya at hamunin ng suntukan
C. Makipag-usap at alamin ang katotohanan
D. Huwag ng pansinin at putulin na ang pakikipagkaibigan

13
Karagdagang Gawain

Pagninilay sa Sarili: COMPLETE THE STEM


Panuto. Basahin at dugtugan ang bawat linya gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Ang mga bagay na natutunan ko sa paksang ito __________________________


___________________________________________________________________.

2. Ang mga bagay na nadiskobrehan ko sa sarili ko kung paano gamitin ng tama ang
isip at ang kilos-loob __________________________________________________
___________________________________________________________________.

3. Ang mga bagay na gusto ko pang matutunan ____________________________


___________________________________________________________________.

4. Napagnilaynilayan ko na _____________________________________________
___________________________________________________________________.

14
Susi sa Pagwawasto

10. C
9. C
8. D
7. C
6. D
5. D
4. C
3. C
2. A “Answers may vary” “Answers may vary”
1. B
Tayahin Pagyamanin Suriin

10. D
9. A
8. B
7. B
6. A
5. D 5. A
4. D 4. D
3. A 3. D
“Answers may vary 2. C 2. D
1. A 1. D
Tuklasin Balikan Subukin

Sanggunian
Brizuela, Mary Jean B. , et al., 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (DepEd-IMCS:
FEP Printing Corporation), 33-35.
https://www.slideshare.net/ispoy29/edukasyon-sa-pagpapakatao-10-teaching-guide
http://depedsouthcotabato.org/wp-content/uploads/2020/07/Enclosure-No.-6-to-DM-
CID-No.-081-s.-2020-Sample-Module-in-Filipino-5-Module-1.pdf

15
Para samgakatanungan o puna, sumulat o tumawagsa:

Department of Education
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 420-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph

16

You might also like