You are on page 1of 18

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan- Modyul 8 (Week 8)

Ang Layunin, Paraan at Sirkumstansiya


ang Nagtatakda ng Pagkamabuti at
Pagkamasama ng Kilos ng Tao
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8 (Week 8): Ang Layunin, Paraan at
Sirkumstansiya ang Nagtatakda ng Pagkamabuti at Pagkamasama ng Kilos ng
Tao
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ildefonso T. Balansad
Editor’s Name: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas
Reviewer’s Name: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente
Illustrator’s Name:
Layout Artist Maria Teresa D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Management Team:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent : Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
EPSVR - LRMDS : Teresita A. Bandolon
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente
Inilimbag sa Pilipinas
Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 340-7887
10
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 8 (Week 8)

Ang Layunin, Paraan at Sirkumstansiya


ang Nagtatakda ng Pagkamabuti at
Pagkamasama ng Kilos ng Tao

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga
guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang
puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapaktao10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa araling Ang Layunin, Paraan at Sirkumstansiya ang Nagtatakda ng Pagkamabuti at
Pagkamasama ng Kilos ng Tao.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang
modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapaktao10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul para sa araling Ang Layunin, Paraan at Sirkumstansiya ang Nagtatakda ng Pagkamabuti at
Pagkamasama ng Kilos ng Tao.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.


Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng


modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
Subukin laktawanang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang


Balikan
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

ii
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
Tuklasin
tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong


Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay


upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
Pagyamanin
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap


Isaisip
o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong


Isagawa
kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa


Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin


Karagdagang
ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Gawain

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.


Susi sa
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul


na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin

Isang maligayang pagtuntong sa Ikasampung Baitang!


Sa nakalipas na aralin at naunang modyul, nagawa mong ipaliwanag ang mga
paraan, layunin at sirkumstansiya ng makataong kilos. Nagawa mo ring suriin ang kabutihan
at kasamaan ng isang kilos batay sa layunin, paraan at sirkumstansiya nito.
Ngayon, mas higit mo pang mapatibay ang iyong kaalaman ukol dito dahil taglay ng
modyul na ito ang follow-up na aralin tungkol sa layunin, paraan at sirkumstansiya na siyang
nagtatakda sa pagkamabuti at pagkamasama sa kilos ng isang tao. Masusuri mo rin ang
bawat pasiya na gagawin mo kung ito ba ay makabubuti at makasasama sa gagawing kilos.
Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!
Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Ang Layunin, Paraan at Sirkumstansiya ang Nagtatakda sa Pagkamabuti at


Pagkamasama sa Kilos ng Tao.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. Napatutunayan na ang layunin, paraan at sirkumstansiya ang nagtatakda sa
pagkamabuti at pagkamasama sa kilos ng tao (EsP10MK-hII-8.4);
2. Nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng isang pasiya o kilos sa isang sitwasyon na
may dilemma batay sa layunin, paraan at sirkumstansiya nito (EsP10MK-IIa-5.2);
3. Nasusuri ang bawat layunin, paraan at sirkumstansiya sa gagawing kilos at;
4. Nailalapat ang mga layunin, paraan at sirkumstansiya sapagpapasiya lalo na sa
sitwasyong may dilemma ang gagawing kilos

Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang wastong sagot
at isulat ito sa inyong sagutang papel.

1. Kamakailan lang ikaw ay nakakita ng pitaka na naglalaman ng mga importanteng


dokumento. Narinig mo sa radyo ang isang panawagan kung sino ang nakapulot ng pitaka
na hawak mo ngayon. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?
A. Isusuli ko ang pitaka dahil hindi naman sa akin yon
B. Hindi ko isusuli ang pitaka dahil sayang pa naman ang pera
C. Isusuli ko lang kung may kapalit
D. Hindi ko isusuli dahil hindi ko naman ito ninakaw

2. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan sa sirkumstansiya?


A. Ito ay ang kilos-loob na nagtutulak na gawin ang isang kilos
B. Ito ay ang maaaring kahihinatnan sa kilos ng tao
4
C. Ito ang pangwakas na mangyayari sa gagawing pagkilos ng tao batay sa kaniyang
obheto
D. Ito ay ang makadagdag at makababawas sa kasamaan at kabutihan ng isang kilos

3. Alam mong mahirap ngayon ang lumabas sa bahay na walang face mask. Isa lamang
ang face mask at hindi mo pa ito nagawang labhan pagkatapos ng isang linggo. Ano ang
gagawin mo sa puntong ikaw ay inutusan sa labas ng iyong mga magulang?
A. Hindi nalang lumabas dahil walang face mask
B. Manatili nalang sa bahay at magpawalang kibo kapag inutusan sa labas
C. Kumuha ng panyo at gagawing face mask at sumunod sa utos ni inay
D. Manghiram ng face mask sa ibang tao

4. Anong uri ng sirkumstansiya ng kilos ang ipamahagi mo kung ikaw mismong gagawa ng
kilos ay tataliwas sa kagustuhan ng Diyos?
A. Ano B. saan C. paano D. kailan

5. Layunin mong makatapos sa pag-aaral pero taliwas sa layunin mo ang kilos na


ipinamalas mo sa iyong sarili. Hindi ka nag-aral ng iyong aralin gabi-gabi, ano sa tingin
mo ang gagawin mo sa pagsapit ng pasulit?
A. Mangongopya lang muna dahil hindi nakapaghanda
B. Okey lang mabagsak ng isang beses, babawi nalang ako sa susunod na pasulit
C. Hangga’t kaya ko, hindi ko mangongopya dahil nakakahiya naman sa kaklase ko kung
nakita akong gumagawa ‘nun.
D. Manonontok ako ng klasmeyt kapag hindi mamimigay ng sagot sa akin

6. Kitang-kita mo sa iyong mga mata ang dinaranas na gutom ngayon sa mga tao na
nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Isa ang mga magulang mo dito na naghihikahos
sa kahirapan dahil sa sila rin ay naging biktima rin ng malawakang pagpapaalis ng
manggagawa dahil hindi na naging “viable” ang kompanya na pinapasukan nila. Anong
paraan ang gagawin mo upang makatugon ka sa pang araw-araw na pangangailangan
sa iyong pamilya?
A. Maglalako ng kahit anong paninda upang makatulong kay inay at itay
B. Manatili sa bahay dahil bawal naman lumabas ang minors
C. Magbasa ng aklat para sa susunod na pasukan
D. Mag-oonline selling para kung makabenta makatulong ako kay inay at itay

7. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang panloob na kilos at panlabas na kilos ay hindi dapat
paghiwalayin. Bakit?
A. Dahil hindi maging maganda ang resulta sa kabuuang kilos
B. Dahil ang panloob na kilos ay subrang makapangyarihan
C. Dahil ang panlabas na kilos ay pweding makakaapekto sa panloob na kilos
D. Dahil ang kahihinatnan sa buong kilos ay maging masama kung ang dalawa ay
hiniwalay

8. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng layunin?


A. Ito ang pinakatunguhin ng kilos
B. Ito ang panlabas na kilos na makikita sa ikinikilos ng tao
C. Ito ang pinaka sentro sa lahat ng ikinikilos ng tao
D. Ito ang panloob na kilos ng tao

9. Mahalagang malaman ng tao ang kaniyang papel na ginagampanan sa mundo. Salat


man sa yaman ang karamihan sa atin, pero hindi parin maipagkaila ang kakayahan ng
5
tao na gawing inspirasyon ang kasalukuyang kalagayan nito. Sa anong paraan ikaw ay
makatutulong sa pagpapayabong sa kasalukuyan mong pamumuhay?
A. Dapat ako ay maging masipag sa kahit anong trabaho at gagawin ko ito upang
makaahon sa hirap
B. Mag-impok ako sa bangko kahit gasinong halaga upang may magamit ako pagdating
ng araw
C. Maglalakwatsa ako sa mall kung wala na ang pandemya
D. Sasali ako sa mga raffle promo upang kung suwertihin ako ay maging isang mayaman

10. Ang panloob na kilos ay dapat magkatugma sa panlabas na kilos. Bakit?


A. Ang kilos ay hindi maging hindi kaaya-aya kung ito’y hindi magkatugma
B. Ang kilos ay parang kulang kung hindi naayon sa kilos-loob
C. Ang kilos ay walang saysay kung hindi nito pinagbasehan ang panloob na kilos
D. Ang kilos ay papabor lamang sa kasamaan kung hindi magkatugma ang panloob at
panlabas na kilos

Aralin Ang Layunin, Paraan at Sirkumstansiya ang


Nagtatakda sa Pagkamabuti at
8 Pagkamasama sa Kilos ng Tao

Isang maligayang pagtuntong sa Ikasampung Taon!


Sinasabing ang tao ay hinahamon sa magkakaibang kilos bawat araw sa kaniyang
buhay. Ito ay magkakaiba sa kadahilanang ito ay nakasalalay sa motibo ng kilos panloob
na naglalayong makapagbibigay ng kasiyahan sa mga taong nasa paligid nito. Ano man
ang maging layunin ng kilos, ay inaasahang makapagpapakita ito ng tugmang pagpapasiya
gamit ang paraan sa pagkamit ng isang layunin.

Sa bahaging ito, subukin nating tahakin ang daan patungo sa pag-unawa sa layunin,
paraan at sirkumstansiya ng kilos na siyang nakapagtatakda sa pagkamabuti at
pagkamasama sa kilos ng tao.Ang pinakamataas na layunin na makamit ng tao ang
pinakatuktok ng kaniyang pagninilay sa bawat kilos na ipinamalas tungo sa tagumpay ng
kaniyang pakikibaka sa mundong ginagalawan.

Handa ka na ba? Tayo na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

6
Balikan
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na pahayag. Hanapin sa Krusalita ang sagot sa
mga tanong.
S I R K U M S T A N S I Y A

K A H I H I N A T N A N A N

Y R A P M S S N A S N D M T

A T N P A R A A N S T O A O

P A T E N S T W S S I N N L

O S H L A Y U N I N S E A O

N G A E M S T I H F M A N H

T O M A S D E A Q U I N O Y

Ito ay tumutukoy sa karagdagang pagkamasama o pagkamabuti ng kilos ng tao

1. Ang kinalalabasan sa lahat ng kilos o gawi ng tao


2. Ito ay tumutukoy sa kilos-panloob na siyang tumutulak sa bawat kilos ng tao
3. Ang aktuwal na kilos ng tao sa pagkamit sa kaniyang layunin
4. Ang nagsabi sa katagang “Ang kilos na hindi nakikita pero nagtutulak sa gagawin
ng tao”

Tuklasin
Gawain 1 sa Pagkatuto Blg.1: TUKLASIN ANG YAMAN MO
Panuto: Bigyang-kahulugang ang mga mahahalagang konsepto ng paksa ng modyul na
ito sa pamamagitan ng pagpili ng pinakawastong paliwanag o kahulugan na makikita sa
loob ng kahon sa ibaba.

1. Layunin

2. Paraan

3. Sirkumstansiya

7
➢ Ang pangunahing dahilan o intensiyon para magawa o makuha ang isang
bagay o pakay.
➢ Isang pangyayari o kaganapan na maaaring maranasan o makaharap ng
sinuman sa mga tao.
➢ Masasabing isang magandang hakbang upang maisakatupara ang ninanais
ng isang tao,

Gawain sa Pagkatuto Blg.2: ALAM KO, KAHINATNAN NITO


Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod ay layunin, paraan o sirkumstansiya sa pamamgitan
ng pagsusulat ng mga sitwasyon sa naaayong kahon nito. Pagkatapos ay timbangin kung
ang bawat sitwasyon ay masasabi mong may mabuti o masamang kahinatnan.

MGA SITWASYON:
1. Anim na buwan ng nakahiga na lamang ang iyong ina sa kanyang kama dahil sa kaniyang
malubhang sakit. Gustohin mo mang ipagamot siya, ikaw ay walang magagawa. Sa mura
mong edad, napag desisyonan mo na sasabak ka sa cybersex upang kahit papano ikaw ay
makatulong sa iyong ina.

2. Kahit anung iwas at ayaw man makita ni Betty ang Ina niyang nagpa-ampon sa kanya sa
ibang tao ay pinagtapo pa rin sila ng kapalaran. Humingi ng tawad at nagpaliwanag ang ina
ni Betty kung bakit ito nagawa upang mabigyan ito ng magandang buhay ng mga umampon
sa kanya.

3. Sa kabila ng hirap ng buhay ni Ronald ay nagsikap pa rin ito makatapos sa pag-aaral sa


kolehiyo dahil pinangarap niya ang maging isang guro. Hindi naging madali sa kanya ang
makatapos sa pag-aaral dahil walang trabaho at pera ang kanyang mga magulang.
Nagtrabaho siya sa isang fast food chain sa gabi upang matustusan ang kanyang
pagkokolehiyo samantalang pumapasok siya sa paaralan sa umaga.

SITWASYON: KAHINATNAN:
1. LAYUNIN

SITWASYON: KAHINATNAN:
2. PARAAN

SITWASYON: KAHINATNAN:
3. SIRKUMSTANSIYA

8
Suriin
Gawain sa Pagkatuto Blg.3: ALIN ANG PASYA KO
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwento na pinamagatang “Maganda
Na, Mabait Pa!” na nasa loob ng kahon . Pagkatapos, sagutin ang mga tanong at isulat ito
sa inyong sagutang papel.

LAYUNIN, PARAAN AT SIRKUMSTANSIYA …. PAGPAPASIYA


Ildefonso T. Balansad

Sinasabing ang pagpapasiya sa paggawa ng isang bagay ay naging kakambal


na ng tao sa kaniyang pang araw-araw na pamumuhay. Kung minsan ang
pagpapasiyang ito ay nakapagdudulot sa tao ng kasiyahan at sa kabilang banda ay
ang kasalungat nito. Anumang pagpapasiya ang nagawa ng tao, ito ay may kaakibat
na kahihinatnan sa dulo.

Bagama’t sa pagkakataong ang tao ay nalugmok dahil sa kaniyang nagawang


pagpapasiya, may mga kuwento rin sa pagbangon ang ating nasilayan, nabasa at
napanood. Ito ay mga patunay lamang na hindi natapos ang mundo sa isang
pagkakamali. Masarap pa ring sabihin na patuloy parin ang pag inog sa mundo sa
kabila ng kamangmangan, kalaswaan at kasakiman ng tao. Nabubuhay man ang iba
sa ganitong uri, pero hindi pa rin sapat na husgahan ng tao ang kanyang kapwa.

. DATA ANALYSIS CHART


LAYUNIN, KAHINATNAN
PAHAYAG MULA SA SANAYSAY PARAAN O Lagyan ng tsek (/)
SIRKUMS-
MABUTI MASAMA
TANSIYA
1. sa paggawa ng isang bagay ay naging
kakambal na ng tao sa kaniyang pang araw-
araw na pamumuhay.

2. Nakapagdudulot sa tao ng kasiyahan at sa


kabilang banda ay ang kasalungat nito.

3. Anuman ang nagawa ng tao, ito ay may


kaakibat na kahihinatnan sa dulo.

4. May mga kuwento rin sa pagbangon ang


ating nasilayan, nabasa at napanood.

9
5. Masarap pa ring sabihin na patuloy parin
ang pag inog sa mundo sa kabila ng
kamangmangan, kalaswaan at kasakiman ng
tao.

PAMPROSESONG MGA TANONG:


1. Ano ang binabanggit sa sanaysay?
2. Ano ang naramdaman mo pagkatapos basahin ang sanaysay?
3. Kung ikaw ang nasa parehong sitwasyon na tinutukoy sa sanaysay, ang
kaya ang magiging pasya mo? Ipaliwanag.
4. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa pagsagawa ng makataong
kilos sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?

Pagyamanin
Gawain sa Pagkatuto Blg.4: PASIYA, AKO’Y SASAYA?

Panuto: Balikan mo ang iyong mga karanasan sa buhay na hindi mo


makalimutan. Isulat kung ano ano ba ang ginagawa mo sa bawat sitwasyon bago
nagpasiya at ipaliwanag kung ito ba ay nagpapakita ng makataong kilos. Isulat
ang inyong sagot sa sagutang papel.

Karanasan sa buhay na Ano ang Ano ang Mabuti o masama ba


nagsagawa ng pasiya ginawa ko bago nararamdaman ang kinahinatnat nito?
ako nagpasiya? mo sanakita Ipaliwanag
mong epekto sa
nagawa kong
pasiya?

Halimbawa: Hindi ako sumama Ako ay naging Oo, nagpapakita ito ng


sa kanilang masaya dahil mapanagutang
Niyaya ako ng aking ma paglalaro, hindiako nagkasakit pagpapasiya dahil mas
kaibigan na maglaro ng sinabihan ko sila at naging safe ako pinipili ko ang pagsunod sa
basketball kahit ipinagbabawal na hindi pwede sa panahong ito. health protocols na siyang
ngayong may pandemya. ang mga gawain ikabubuti ko sa at sa aking
na ito sa ngayon. mga mahal sa buhay.

1.

2.

3.

10
PAMPROSESONG MGA TANONG:

1. Ano ang masasabi mo sa iyong ibinibigay na mga sagot?

2. Nakikita mo ba ang mahalagang pananagutan sa bawat pasiya na iyong ginagawa?


Ipaliwanag.

3. Ano ang nararamdaman mo pagkatapos mo itong napagnilayan kung ikaw ba ay


naging mapanagutan o hindi?

4. Bilang isang kabataan, paano nakakatulong ang pagpili nang maayos na


pagpapasiya at pagsasagawa ng makataong kilos?

Isaisip
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang buod ng paksa ng araling ito
at sagutin ang mga pamprosesong tanong upang malaman kung sapat
na ang iyong pagkatuto sa mga nagdaang gawain.

LAYUNIN, PARAAN AT SIRKUMSTANSIYA ANG NAGTATAKDA NG PAGKAMABUTI AT


PAGKAMASAMA NG KILOS NG TAO

KONSEPTO DESKRIPSIYON
1. Layunin Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-
loob. Hindi ito makikita at mamalayan ng tao dahil ito ay personal
sa taong gumagawa ng kilos. Kailan may hindi dapat husgahan ang
kilos kung hindi malaman ng tao ang totoong motibo sa paggawa
ng kilos. Ang pamantayan sa kabutihan ng layunin ng kilos ay kung
iginagalang ang dignidad ng kapuwa.
Halimbawa:Alam mong walang pambaon sa paaralan si Vince
tuwing papasok ito sa eskwela. Binigyan mo ito upang ikaw ay
tulungan ni Vince sa kaniyang ate.
2. Paraan Tumutukoy sa panlabas na kilos bilang kasangkapan o paraan
upang makamit ang layunin. Ayon kay Sto. Tomas deAquino, may
nararapat na obheto ang kilos.
Halimbawa: Sa kilos na maligo, ang obheto ay maligo. Kung
maligo ka ng dumi ng hayop, ito ay masama dahil ito ay mabaho at
makadumi sa iyo. Dapat nating tandaan na ang paraan ng kilos ay
ang nararapat na kilos. Kung ano man ang nakikita ng tao sa
panlabas na kilos ay yaong nararapat na obheto.
3. Sirkumstansiya Ay isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o
nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.

11
Narito ang Iba’t-ibang Halimbawa na mga Sitwasyon:

• Sino – ang taong nagsasagawa ng kilos at ang maaapektuhan ng kilos


Halimbawa: Alam niAna kung saan inilagay ng mama niya ang kaniyang
kuwentas. Isang araw kinuha ito ni Ana at isinangla sa pawnshop. Ang ginawang
kilos ni Ana ay nakadagdag ng kasamaan dahil mismo ang ina ang kaniyang
ninakawan.

• Ano – ay tumutukoy sa mismong kilos kung gaano ito kalaki at kabigat.


Halimbawa: Itinago mo ang celfon ng iyong nakakatandang kapatid dahil may
masama kang balak nito. Isang araw tumawag ang kumpanya na pinag aplayan
ng ate mo at hindi nagawa niyang masagot ang tawag dahil sa ginawa mo. Ang
kilos na ipinamalas mo ay masama at lalong mabigat dahil makapagtrabaho na
sana ang ate pero dahil sa ginawa mong kilos ay nawala ang lahat.

• Saan – ito ay tumutukoy sa lugar na kung saan ginagawa ang kilos.


Halimbawa: nagkita kayo ng kabarkada sa isang misa sa simbahan. Dahil ay
matagal na kayong hindi nagkasama, nag-uusap kayo na mataas ang boses sa
silid ng simbahan at napatingin ang mga tao. Ang pag-uusap ng malakas sa silid
ng simbahan ay masamang kilos lalo na ang misa ay kasalukuyang ginagawa
ng pari.

• Paano – tumutukoy sa paraan kung paano isinasagawa ang kilos.


Halimbawa: Matalinong bata si Badiday at nag-aaral siya sa kaniyang leksiyon
sa layunin na makuha niya ang unang puwesto sa kaniyang seksiyon. Sa isang
pasulit, may aytem na hindi niya nagawang masagot dahil hindi ito niya nabasa
sa kanyang pag rerebyu. Nakita niya ang sagot sa kaniyang kaklase kaya
kinopya niya ito dahil ayaw niyang palampasin ang pagkakataon na maging top
one sa klase. Sa kaso ni Badiday, nakabawas ng kasamaan ang ginawa niyang
kilos ang pangongopya ay hindi pinaplanuhan.

• Kalian – kung kalian isasagawa ang kilos.


Halimbawa: Ang mga negosyante ay namahagi ng TUOB KIT sa halagang
500.00 na kung saan ito ay nasa murang halaga lamang dahil ito ay makikita
lamang bilang gamit sa bahay. Ang kilos na ipinamalas sa mga negosyanteng
ito ay nakadagdag ng kasamaan dahil imbes tumulong dahil sa krisis ng
panahon ay nakadagdag ito sa mga gastusin sa mga taong naapektuhan sa
Covid 19.

PAMPROSESONG MGA TANONG:


1. May mga bahagi ba ng buod ng paksa ang hindi mo nakuha sa mga nagdaang gawain
sa pagkatuto? Ano ang mga ito?

2. Bilang isang mag-aaral, bakit kailangan mong malaman at maintindihan ang paksa ng
araling ito?

3. Ano ang konklusiyon na mabubuo mo tungkol sa paksa ng araling ito?

12
Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Blg.5: MALI KO NOON, ITATAMA KO NGAYON!
Panuto: Balikan ang mga maling pasiyang nagawa mo sa iyong buhay (magulang,
kapatid, kaibigan, at iba pa). Kung ikaw ay bibigyan ng isang pagkakataon, paano mo
maisasagawa ang tamang pagpapasiya sa mga ito. Gamiting gabay ang mga yugto ng
makataong kilos. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Karanasan ng may maling pagpapasiya Paano ko itatama ang mga ito gamit ang
yugto ng makataong kilos?

Halimbawa: Mga magulang Sa susunod, kailangan na isipin at


pagnilayan kung mabuti bago ko gawin ang
Nakita ko ang pera ng aking ina sa kanyang isang kilos. Sinabihan ko ang aking mga
bag. Nasa banyo ang aking ina at ako lang magulang, kahit siya ay nagalit, tinanggap
mag isa sa sala, kumuha ako ng isang ko iyon, dahil ako ay nagkasala at humungi
daang piso para may magamit ako sa aking din ako ng paumanhin sa nagawa ko sa
paglalaro ng ML. kanya.

1.

2.

PAMPROSESONG MGA TANONG:

1. Ano ang napansin mo sa iyong mga sagot?

2. Batay sa iyong mga sagot, natutukoy mo ba na ito ay ginagamitan ng mga yugto ng


makataong kilos? Ipaliwanag.

3. Bakit kailangan mo ang mga yugto ng makataong kilos sa pagsasagawa ng mga


kilos?

4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang mga bawat yugto sa


makataong kilos na isasagawa sa araw-araw na pamumuhay?

13
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang pinakawastong sagot
at isulat sa inyong sagutang papel.
1. Isang balita ang gumabagabag sa eri na may sunog sa may Ermita madaling araw.
Si Juan na walang trabaho ay pumunta kaagad hindi upang tumulong kundi upang
umakyat ng kabahayan upang magnakaw ng mga gamit para maibenta. Sa ginawa
ni Juan, anong sirkumstansiya ang kaniyang pinamalas?
A. Layunin C. Kailan
B. Paraan D. Lugar

2. Batid mong matalino si Jasper sa klase. Gabi-gabi ay nag-aaral siya mapasok


lamang ang sarili sa top ten. Kinaumagahan sa pasulit ay hindi nagawang sagutan
ni Jasper ang ibang mga tanong dahil nalimotan niya ang mga ito. Sa halip na iwan
niya ito o makibaka na lamang, tumingin siya sa sagot ng kabila at kinopya niya ito.
Ano ang ipanapakita ni Jasper sa kilos na ito?
A. Nakadagdag ng kasamaan dahil sa pangongopya
B. Okey lang dahil sa kaniyang layunin na maisama ang sarili sa Top Ten
C. Walang problema basta hindi nakikita ni titser
D. Nakabawas sa kasamaan dahil hindi pinaplano ni Jasper ang pangongopya

3. Anong salik ng kilos ang ipinamalas ni Jasper sa puntong ito?


A. Ano C. Kalian
B. Sino D. paano

4. Bakit nasabi ni Sto. Tomas de Aquino na ang panlabas na kilos ay dapat nakabatay
sa obheto ng kilos?
A.Dahil hindi maging maayos ang kalalabasan ng kilos kung ito ay hindi nakabatay
sa obheto
B.Marahil ay hindi tama ang magawang kilos
C. Magbubunga ito ng kalituhan sa tagapagtanggap ng kilos
D. Nakadismaya tingnan na iba ang ikinikilos ng tao\

5. Ang layunin ang pinaka obheto ng kilos. Bakit?


A.Dahil sa layunin, dito nakatuon ang isasagawang kilos ng tao
B.Sa layunin ay wala kang mapagtanto
C. Dahil sa layunin makikita mo kung ano ang gagawin ng tao
D. Dahil hindi mo makikita sa layunin ang ikikilos ng tao

6. Bakit itinuturing na panlabas na kilos ang paraan bilang sirkumstansiya ng kilos?


A.Dahil dito hindi makikita ang gagawing kilos
B.Dahil dito ay hindi nakabatay ang kilos ng tao
C. Dahil dito ay masasalamin ng tao kung paano isinagawa ang kilos
D. Dahil hindi masasalamin dito ang isinagawang kilos

7. Nagsipaghilyawan ang iyong mga kaibigan sa loob ng simbahan habang ang pari ay
inioper ang misa. Anong sirkumstansiya ng kilos ang ipinakita ng iyong mga
kaibigan?
A.Paano C. Ano
B.Sino D. Saan
14
8. Marahil ay alam ng iyong kapitbahay na ikaw ay may mga alagang LOVE BIRDS,
kaya sa pagsapit ng gabi, kinuha nila ito sa kinalalagyan. Alam rin ng iyong
kapitbahay kung gaano ito kamahal at kahalaga para sa iyo. Anong sirkumstansiya
ng kilos ang ipinamalas ng iyong kapitbahay?
A. Ano C. Saan
B. Sino D. Kalian

9. Si Alvin ay nahawaan sa sakit na corona virus. Siya ngayon ay nasa loob ng isolation
facilities sa Mandaue City. Bilang isang kaibigan, nagpadala ka ni Alvin ng konting
halaga upang magamit sa kaniyang pakikipag gyera sa nakakamatay na virus.
Anong salik ng kilos na nagtatakda sa isinasakilos mo ngayon?
A.Layunin C. Sirkumstansiya
B.Paraan D. Paano

10. Ano ang ibig sabihin ng sirkumstansiya?


A.Ang kilos na isinasagawa
B.Ang kilos na nakabatay sa panlabas na kilos
C. Ang kilos panloob na kabatay sa panlabas na kilos
D. Ang sitwasyon na kung saan nakadagdag o nakababawas sa pagkamasama o
pagkamabuti ng kilos.

Karagdagang Gawain
Gawain sa Pagkatuto Blg.6: ALAM KO NA!
Panuto: Isulat sa ibaba ang mga makabuluhang natutunan mo sa araling tinalakay ng
modyul.

EXIT VISA YOUR REALIZATION


Task: 3-2-1 chart Task: Share it to us!

Marami ka na bang natutunan sa Congratulations! Malugod at ikina-


modyul na ito? Tingnan at alamin gagalak namin ang iyong matagumpay at
makabuluhan na pagsagot sa modyul na
natin sa pamamagitan nitong 3-2-
ito.
1 chart. Nagkaroon ka na ng sapat na kaalaman
3 pinakamagandang natutunan ko tungkol sa paksa at aralin ng modyul na
ito at makatutulong ang iyong pag-unawa
1. ____________________________
sa magiging desisyon mo sa totoong
2. ____________________________ buhay.
3. ____________________________ Ibahagi ang iyong personal na mga ideya
sa mga sumusunod:
2 nakakuha ng aking atensyon
Natutunan ko na _______________
1. _____________________________
2. _____________________________ Napagtanto ko na _______________
Gagamitin ko ito sa _____________
1 gusto ko pang matutunan at
alamin
1. _____________________________

15
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Mga Aklat

Articulo, A. C. et. Al. 2003. Values and Work Ethics. Trinita, Publishing Inc. Meycauayan, Bulacan
De Torre, J. M. et. al. 1992. Perspective: Current Issues in Values Education Book 4 Values Education Series
Manila: Southeast Asian Science Foundation Sinag-tala Publisher Inc.
Pablo, P. J II, 1991. Laborem Exercens (Ukol sa Pagtratrabaho ng Tao), Archdiocese of Manila Labor Center.
Plattel, M. G. (1965) Social Philosophy. Pittsburg: Duquesne University Press.

Mga dyornal
Cross-Sectoral Study of Corruption in the Phil. Committee for the Evangelization of Culture Phil. 2002.
Province of Society of Jesus. Published by Ateneo de Naga University
Perspective: Current Issues in Values Education Book 4 Values Education Series for Fourth Year High School.
1992. Manila: Sinag-tala Publishers. Inc.

Mula sa Internet
Etika 107.blogspot.com/2004/09 – Ikalawang aklat ng etika nikomekayo. Retrieved July 5, 2014
https://secure.ethicspoint.com/domain/media/fil/gui/27241/code.pdf
IntergridadRetrievedJuly14,2014,from
http://votenetphilippines.weebly.com/uploads/6/7/0/8/6708089/aralin_10_intergridad.pdf
Korapsyon (March 2012) Retrieved March 18, 2014,
fromhttp://www.facebook.com/I.php?u=http%3A%2F%2Fwww.youtube.com%2Fwatch%3Fv%3DnpNF9Byzl
sE&h=BAQFhHfNz
Mga Isyu sa Paggamit ng Kapangyarihan. Retrieved March 28, 2014, from http://reura,os.tripod.com/values-
education-subject.html

16

You might also like