You are on page 1of 23

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Ang Mapanagutang
Paggamit ng Kalayaan
Edukasyon sa Pagpapakatao – 10
Self-Learning Module
Unang Markahan–Modyul 3: Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mary Anne C. Bautista
Editor: Julius D. Barrientos
Tagasuri: Aiza B. Plantinos, Mark G. Arriesgado
Tagaguhit: Mary Grace U. Mananquil, Rey Jane A. Soria
Tagalapat: Anna Viel L. Parcon
Tagadisenyo ng Pabalat: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Romelito G. Flores, CESO V – Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez, CESO VI – ASDS
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia Diaz – REPS, EsP
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A. Palomo – Division EPS In-Charge of LRMS
Gregorio O. Ruales - Division ADM Coordinator
Luzviminda R. Loreno – Division EPS-EsP

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Ang Mapanagutang
Paggamit ng Kalayaan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng

Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mapanagutang
Paggamit ng Kalayaan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.

Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing

makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa

lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Kamusta ka na? Madalas naitatanong sa atin ng ating mga kaibigan kakilala pag
matagal na kayong hindi nagkita o nag kamustahan Maraming pagkakataon kung
saan kailangan mong gumawa ng maraming desisyon sa buhay, bilang isang anak,
mag-aaral at kabahagi ng lipunan. Ngunit naitanong mo na ba sa iyong sarili ,sa
kalayaan na tinatamasa ko sa araw-araw nagagawa ko nga ba ang tamang
desisyon para sa aking sarili at sa aking kapwa-tao.

Sa maraming pagkakataon ang ating reaksiyon sa isang sitwasyon ay ating pinili at

ninais. Kapag may ginagawa ang isang tao na hindi maganda, karaniwang
ibinibigay niyang dahilan ang kaniyang kapuwa kung bakit niya ito ginawa. Ayon
sa kaniya ang kilos niya ay reaksiyon lamang sa ginawa sa kaniya ng iba. Tama
nga kaya ito? Nakatali ba ang kilos ng tao sa kilos ng kaniyang kapuwa? Ito nga ba
ang tunay na kalayaan?

Sa araling ito, inaasahang makamit mo itong kasanayang pampagkatuto:

Naipapaliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan (EsP10MP-Ie-3.1).

Subukin

Sa pagsisimula ng modyul na ito, subukan mong sagutin ang paunang pagtataya

upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman sa mga paksang tatalakayin.
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Bilugan
lamang ang titik ng pinakaangkop na sagot

1. Sa mga kahulugang ibinigay ni Santo Tomas de Aquino sa kalayaan ano

ang itinuturing na kakambal nito?
a. responsibilidad c. pagmamahal
b. kilos-loob d. konsensiya

2. Paano mo ipapaliwanag ang mga katagang ito “Ang pinakamalaking

hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi ang
nagmumula mismo sa loob ng tao”?
a. Ang kalayaan ay ibinigay sa sarili ng tao.
b. Ang kapwa tao niya ang humahadlang sa kanyang kalayaan.
c. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya.
d. Ang pag-uugali ng tao ang hadlang ng kanyang pagiging malay.

3. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kakabit ng

pananagutan ang kalayaan ng taong tumugon sa obhektibong tawag ng
panganagilangan ng sitwasyon?
a. Bumagsak si Sheila sa unang markahan, kaya nagsumikap siya.
b. Bumili ng maraming damit si Jean mula sa kaniyang sahod.

1
c. Inubos ni Alex ang kaniyang oras sa paglalaro ng DOTA.
d. Buong magdamag nanuod ng pelikula si Angel.

4. Sinong manunulat ang nagsabing “ ang tunay na kalayaan ay hindi sariling

kalayaan ng tao na hiwalay sa sambahayan kundi isang kalayaang
kabahagi ng kaniyang kapuwa sa sambayanan”.
a. Max Scheler c. Santo Tomas de Aquino
b. Fecilidad Lipio d. Antonio Cruz

5. Ang kalayaan ay may dalawang aspekto: ang kalayaan mula sa (freedom

from) at kalayaan para sa (freedom for). Alin sa mga sumusunod an
sitwasyon ang nagpapaliwanag dito?
a. Isang matanda ang nakatayo sa kanto at naghihintay ng tutulong
sa kaniya upang makatawid. Tinulungan ko siya para may ilalagay
ako FB account ko na nakatulong sa iba.
b. Isang batang manlilimos sa kalye ang lumapit sa iyo, binigyan mo
siya ng limang pisong barya bilang tulong.
c. Isang kapitbahay na palaging inaaway ang nanay mo ang humingi
ng tulong, tinulungan mo sila na walang pag-aalinlangan.
d. Isang sikat na artista ang nagbahagi ng tulong sa mga biktima ng
lindol bilang bahagi ng ginagawang pelikula.

6. Bakit kaya sa lahat ng nilalang ng Diyos ang tao lamang ang may
kakayahang kumilos ayon sasariling kagustuhan at ayon sa pagdedesisyon
kung ano ang gagawin?
a. sapagkat ang tao ay may malayang kilos-loob
b. ang likas na batas moral ang gumagabay sa kaniya
c. ang tao ay may kakayahang gamitin ang kaniyang konsensiya
d. dahil tanging ang tao ang may kakayahang pag-isipan ito

7. Sa mga sumusunod na sitwasyon alin ang nagpapakita ng tunay na

kalayaan?
a. Nakakapunta ng mall anumang oras gustuhin ni Samantha.
b. Tinanggap ni Angel ang kaniyang pagkakamali at nagsimulang
magbago.
c. Palakaibigan si Andrew kaya nasasabi niya ang kaniyang mga
gustong sabihin.
d. Buong araw nagtratrabaho, tinulungan pa rin ni Jude ang
kapitbahay na nasiraan ng sasakyan.

8. Kaakibat ng kalayaan ng tao ay ang responsibilidad, ito ay ang kakayahang

tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon sa sitwasyon.Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil ang katotohanang ang responsableng kalayaan ay
tumutulong sa kapwa.
b. Tama, dahil ang tao ay may kakayahang magpaliwanag sa
kaniyang kilos at gawa.

c. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan.

d. Mali, dahil ang responsibilidad ay pagtanggap sa kahihinatnan ng
kilos na ginawa.

2
9. Bilang isang mag-aaral at anak paano mo ipapakita sa iyong magulang at
sa kapwa-tao mo na ikaw ay tungo sa mas mataas na halaga ng kalayaan?
a. Mag-aaral ako ng mabuti para makakuha ng magandang grado.
b. Mag-aaral ako ng mabuti para ipakita sa aming kapitbahay na
magaling ako.
c. Mag-aaral ako ng mabuti para makatulong sa mga magulang.
d. Mag-aaral ako ng mabuti para pasiyahin ang mga magulang at
maging magandang halimbawa sa aking mga kapatid.

10. Ano ang kabaliktaran ng pagmamahal sa tunay na kahulugan ng

kalayaan?
a. responsable c. pagkamakasarili
b. matulungin d. mapagbigay

11. Ayon kay Johann ano ang fundamental option ng pagmamahal?

a. inner peace c. inner love
b. inner freedom d. inner care

12. “Higit na nagiging malaya ang tao kapag ginawa niya ang mabuti.Walang
tunay na kalayaan kundi sa pagmamahal at paglilingkod.” Ano ang nais
ipaliwanag ng mensahe na ito?
a. Ang tunay na kalayaan ay gumawa ng kabutihan.
b. Ang pagiging malaya ay nakabatay sa kilos ng tao.
c. Ang pagiging malaya ay nakakabuti sa tao.
d. Ang tunay na kalayaan ay pagbibigay ng pagmamahal at
paglilingkod.

13. Sa kasalukuyan ang buong bansa ay napasailalim sa community

quarantine. Ang pangyayari ba na ito ay nanganaghulugan ng pagsupil sa
ating kalayaan?
a. Oo, dahil karamihan sa atin ay hindi nagagawa ang ating nais
gawin.
b. Oo, dahil hindi tayo nakakapunta sa mga lugar na nais natin
puntahan.
c. Hindi, dahil ito’y paraan para pigilan ang pagkalat ng sakit
d. Hindi, dahil marami tayong oras manuod ng mga pelikula sa
bahay.

14. Sino sa mga sumusunod ang kilalang lider na ipinaglaban ang karapatan
ng maraming itim na amerikano?
a. Nelson Mandela c. George Washington
b. Benigno Aquino d. Barack Obama

15. Sinong Pilipinong lider ang naging inspirasyon ng maraming Pilipino na

ipaglaban ang kalayaan sa tinaguriang EDSA Revolution I?
a. Ferdinand Marcos c. Benigno Aquino Sr.
b. Fidel V. Ramos d. Joseph Estrada

3
Aralin
Ang Mapanagutang
1 Paggamit ng Kalayaan
Nakababagot naman! Marahil hindi lamang isang beses mo ito nasabi sa sitwasyon
natin sa kasalukuyan, ngunit ang katanungan na nais kung sagutin mo ay, bakit
ka nga ba nababagot?. Dahil ba ilang buwan ka nang hindi nakalalabas ng bahay?
O di kaya matagal mo na kasing hindi nakikita mga kaibigan mo? May kalayaan pa
nga ba tayo sa sitwasyon natin sa kasalukuyan? Ano nga ba ang tunay na
kahulugan ng kalayaan iyan mismo ang ating sasagutin sa aralin na ito.

Balikan

Pagkatapos mong sagutin ang paunang pagtataya. Halinang alamin kung anong
konsepto ang naunawaan mo o pagkakahulugan tungkol sa tunay na Kalayaan.
Gagawin mo ito sa pamamagitan ng Word Collage.

Word Collage

Panuto: Bigyan ng kaugnay na kahulugan ang bawat letra ang salitang

KALAYAAN.

4
Mga Tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay may layuning iparating sa mga mag-aaral ang mga
kaalaman at kasanayan tungkol sa tunay na kahulugan ng kalayaan.
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagawa at pagsagot sa iba’t ibang
gawain.Paalalahanan na maging tapat sa kanyang sarili sa lahat ng
pagkakataon ang mga mag-aaral.

Tuklasin

Alam ko na talagang nanibago ka sa bagong mundo na mayroon tayo, kaya naman

bago ka pa tuluyang mabagot halika nang gawin ang gawaing ito.

Gawain 1: Dugtangan tayo!

Panuto: Ibigay ang totoong nararamdaman mo sa mga sumusunod na
pangungusap sa pamamagitan ng pagdugtong sa mga ideya.
1. Malaya ang bansang Pilipinas dahil ______________________________________
__________________________________________________________________________

2. Ang katulad kung kabataan ay malaya dahil _____________________________

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3. Ang tunay na kalayaan para sa akin ay __________________________________

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

5
Suriin

Sa bahaging ito alam kong maraming bagay na ang nasa isip mo tungkol sa tunay
na kahulugan ng Kalayaan.Nais kong ibahagi sa iyo ang maikling salaysay na nasa
ibaba.

Gawain 2: Opinyon Ko sa Bagong Mundo!

Panuto: Upang mas lalo mong maunawaan ang tunay na kahulugan ng Kalayaan.
Basahin ang maikling sanaysay at sagutin ang mga gabay na tanong.

Ang Bagong Mundo

Marami ang nag-aakala na ang taong 2020 ay may mga sasakyan ng

lumilipad, ngunit iba ang nangyayari sa panahon ngayon tinuturuan tayo ng
tamang paghugas ng kamay at tila ba wala tayong tiwala sa ating
nakakasalamuha.

Sa kasalukuyang pangyayari sa ating bansa at sa buong mundo nailagay

tayo sa sitwasyon kung saan marami sa atin ang nagbago ang buhay.Kung dati
malaya tayong nakakapunta sa nais natin puntahan, kumain sa gusto nating
restaurant o di kaya magsimba tuwing araw ng pagsamba, bisitahin ano mang oras
natin gusto ang ating mga kaibigan at kamag-anak ang lahat biglang nagbago
simula ng kumulat ang pandemia na COVID-19.

Sa kasalukuyan ang ating bansa ay isa sa pinakamaraming kaso ng nag

positibo sa Southeast Asia.Ang katulad mong mag-aaral na may edad 0 hanggang
20 ay hindi pinapayagan na lumabas ng bahay sa mahigit dalawang buwan simula
ng lumaganap ang sakit na COVID-19. Maraming pamilya ang nanatili lamang sa
loob ng kanilang tahanan.

Kasabay nito, araw-araw marahil naririnig mo sa balita ang maraming

reklamo, puna ng mga taong wala ng makain at hindi nakatatanggap ng tulong
mula sa gobyerno at nagtatanong kailan pa kaya ito matatapos. Pagod na silang
manatili sa kanilang mga tahanan at gusto ng mag-trabaho at malayang nagagawa
ang nais nilang gawin.

Sa kabilang banda marami naman mga taong handang mag sakripisyo

para lamang tayo ay manatiling ligtas ang ating mga “frontliners”. Sila ang ating
mga kapulisan, Doktor, nurses, mga nasa food industries maging ang ating mga
taga kolekta ng basura. Lahat sila at marami pang iba ay tiniis ang mga araw na
hindi nakakapiling ang kanilang pamilya at kamag-anak maligtas lamang tayo na
nasa bahay.

6
Sa pagkakataong ito, sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Paano mo ilarawan ang kalayaan batay sa kasalukuyang sitwasyon?

___________________________________________________________________________

2. Ano-anong mahahalagang bagay ang nagawa mo habang nanatili sa inyong
tahanan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Matapos mong sagutin ang naunang gawain nais ko munang ibahagi sa iyo ang
sumusunod na kaalaman:

Ano ba talaga ang Kalayaan?

Ayon sa paliwanag ni Johann. Ang salitang kalayaan ay karaniwang

gumigising sa puso ng bawat tao. Ipinaglalaban ng bawat tao ang kaniyang
karapatang mabuhay at magpasiya ayon sa kaniyang nais, sa pangangatuwirang
walang panlabas na hadlang na sisirain sa paggawa niya nito. Ito ang madalas na
iniisip ng tao tungkol sa kalayaan – ang paggawa ng isang bagay na nais niyang
gawin o ang karapatang sabihin ang anumang bagay na nais niyang sabihin.

“Ang kalayaan ay ang katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang

kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan at ang itakda ang paraan upang
makamit ito.” Santo Tomas de Aquino

Narito ang paliwanag ni Johann sa dalawang pakahulugan sa pananagutan

na nakaaapekto sa ideya ng kalayaan.
1. Simulan natin sa pagsasabing ang malayang kilos ay kilos na
“mananagot ako.” Ito ay kilos na nagmula sa akin. Sa puntong ito, ang
kalayaan ay nakakabit sa aking sarili (sa pagiging ako), sa aking
kakayahang kumilos, sa aking sariling kagustuhan, sa pagsasabi ng oo
o hindi sa mga nakapalibot sa akin, sa pagpapasiya ko kung ano ang
aking gagawin.
2. Subalit, bagama’t ako ay responsable sa aking ginawa, hindi ito
nangangahulugan na ang kilos ko ay mapanagutang kilos. Bilang tao,
ako ay responsable sa aking mga kilos, subalit hindi ito
nangangahulugang ako ay isang responsableng tao. Ang responsibilidad
sa sukdulang kahulugan nito ay hindi lamang pananagutan kundi ito
ay kakayahan o abilidad na magbigay paliwanag (give account).

Sinang-ayunan ito ni Lipio (2004) sa kaniyang paliwanag na ang tunay na

kalayaan ay hindi sariling kalayaan ng tao na hiwalay sa sambayanan kundi isang
kalayaang kabahagi ang kaniyang kapuwa sa sambayanan. Mula sa mga naunang
paliwanag, makikitang may dalawang aspekto ng kalayaan: ang kalayaan mula sa
(freedom from) at kalayaan para sa (freedom for).

7
1. Kalayaan mula sa (freedom from). Karaniwang binibigyang katuturan
ang kalayaan bilang kawalan ng hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng
kaniyang ninanais. Sa ganitong pag-unawa ng kalayaan, masasabing
malaya ang tao kapag walang nakahahadlang sa kaniya upang kumilos
o gumawa ng mga bagay-bagay. Subalit kailangang kilalanin na ang
tunay na nakahahadlang sa kalayaan ng tao ay hindi ang nagaganap sa
labas niya o sa kaniyang paligid kundi ang nagmumula sa kaniyang
loob.
2. Kalayaan para sa (freedom for). Ang tunay na kalayaan ayon kay Johann
ay ang makita ang kapuwa at mailagay siyang una bago ang sarili. Kung
malaya ang tao mula sa pagiging makasarili at maiwasang gawing
sentro ng kaniyang buhay ang kaniyang sarili lamang, magkakaroon ng
puwang ang kaniyang kapuwa sa buhay niya.

Ayon kay Scheler, ang kalayaan ay kilos kung saan dumaraan ang isang tao
mula sa pagtataglay nito patungo sa pagiging isang uri ng taong ninais niyang
makamit. Higit sa pagkakaroon ng kalayaan, tinatawag tayo na maging malaya
bilang tao. Ang kalayaang likas sa tao ay nauugnay sa pagpapahalaga na ninanais
niyang taglayin bilang tao. Kung paano ito ginagamit ay nagpapakita ng
pagpapahalaga ng isang tao at nagpapakilala ng uri ng kaniyang pagkatao.
Makikita ito sa dalawang uri ng kalayaan: ang malayang pagpili o horizontal
freedom at ang fundamental option o vertical freedom.

Naunawaan mo ba ang paliwanag tungkol sa kahulugan ng kalayaan, ngayon

sagutin mo ang dalawang katanungan na ito.
1. Ano ang tunay na kahulugan ng kalayaan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Paano nagkakaugnay ang kalayaan at pananagutan?

8
Pagyamanin

Napakalawak at napakalalim ang tunay na kahulugan ng Kalayaan ika nga “Higit

na nagiging malaya ang tao kapag ginawa niya ang mabuti. Walang tunay na
kalayaan kundi sa pagmamahal at paglilingkod.” Pagkatapos mong mabasa ang
konsepto tungkol sa tunay na kahulugan ng kalayaan, ibahagi mo ang iyong mga
natutuhan sa pamamagitan ng susunod na gawain.

Gawain 3: Ang Bilog ng Kalayaan

Panuto: Sa loob ng bilog ilagay mo ang mga kilalang tao na nagpakita ng tunay na
kahulugan ng kalayaan at paano nila ito napatunayan.

9
Isaisip

Tunay nga kayang naunawaan mo na ang tunay na kahulugan ng KALAYAAN,

suriin mo ang iyong kilos at ang dahilan mo sa paggawa nito .Tunay ka bang
malaya?

Gawain 4: Ang Tunay na Kalayaan

Panuto: Sa loob ng speech balloon dugtungan mo ang pahayag na nasa loob nito.
Magbigay ng tatlo o higit pang pangungusap.

Ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang....

10
Isagawa

Malinaw na sa iyo na ang konsiyensiyang nahubog sa Likas na Batas Moral ay Sa

pagkakataong ito, marahil nauunawan mo na ang kalayaan ay hindi lamang sa
sarili higit sa lahat ang gumawa ng mabuti sa kapuwa tao ng pagmamahal at
paglilingkod.
Gawin 5: Ako’y Nangangako!
Panuto: Sumulat ng isang pangako sa sarili kung paano mo nauunawan ang
tunay na kalayaan at ang paggamit nito. Maging malikhain sa paggawa at isulat sa
kahon na nasa ibaba.

Ako’y Nangangako

-
________________________________________________________________________

11
Tayahin

Sa pagtatapos ng aralin na ito, alamin natin ang lawak ng iyong naunawaan.

Panuto: Bilugan ang titik ng napiling tamang sagot.

1. Sa mga sumusunod na sitwasyon alin ang nagpapakita ng tunay na

kalayaan?
a. Nakakapunta ng mall anumang oras gustuhin ni Samantha.
b. Tinanggap ni Angel ang kaniyang pagkakamali at nagsimulang
magbago.
c. Palakaibigan si Andrew kaya nasasabi niya ang kaniyang mga
gusting sabihin.
d. Buong araw nagtratrabaho, tinulungan pa rin ni Jude ang
kapitbahay na nasiraan ng sasakyan.

2. Kaakibat ng kalayaan ng tao ay ang responsibilidad, ito ay ang kakayahang

tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon sa sitwasyon.Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil ang katotohanang ang responsableng kalayaan ay
tumutulong sa kapwa.
b. Tama, dahil ang tao ay may kakayahang magpaliwanag sa
kaniyang kilos at gawa.
c. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan
d. Mali, dahil ang responsibilidad ay pagtanggap sa kahihinatnan ng
kilos na ginawa.

3. Bilang isang mag-aaral at anak paano mo ipapakita sa iyong magulang at

sa kapwa-tao mo na ikaw ay tungo sa mas mataas na halaga ng kalayaan?
a. Mag-aaral ng mabuti para makakuha ng magandang grado.
b. Mag-aaral ng mabuti para ipakita sa aming kapitbahay na
magaling ako.
c. Mag-aral ng mabuti para makatulong sa mga magulang.
d. Mag-aral ng mabuti para pasiyahin ang mga magulang at maging
magandang halimbawa sa aking mga kapatid

4. Ano ang kabaliktaran ng pagmamahal sa tunay na kahulugan ng

kalayaan?
a. responsable c. pagkamakasarili
b. matulungin d. pagmapagbigay

5. Ayon kay Johann ano ang fundamental option ng pagmamahal?

a. inner peace c. inner love
b. inner freedom d. inner care

6. “Higit na nagiging Malaya ang tao kapag ginawa niyaang mabuti. Walang
tunay na kalayaan kundi sa pagmamahal at paglilingkod.” Ano ang nais
ipaliwanag ng mensahe na ito?
a. Ang tunay na kalayaan ay gumawa ng kabutihan
b. Ang pagiging malaya ay nakabatay sa kilos ng tao
c. Ang pagiging malaya ay nakakabuti sa tao.

12
d. Ang tunay na kalayaan ay pagbibigay ng pagmamahal at
paglilingkod.

7. Sa kasalukuyan ang buong bansa ay napasailalim sa community

quarantine. Ang pangyayari ba na ito ay nanganaghulugan ng pagsupil sa
ating kalayaan?
a. Oo, dahil karamihan sa atin ay hindi nagagawa an gating nais
gawin.
b. Oo, dahil hindi tayo nakakapunta sa mga lugar na nais natin
puntahan.
c. Hindi, dahil ito’y paraan para pigilan ang pagkalat ng sakit
d. Hindi, dahil marami tayong oras manuod ng mga pelikula sa
bahay.

8. Sino sa mga sumusunod ang kilalang lider na ipinaglaban ang karapatan

ng maraming itim na amerikano?
a. Nelson Mandela c. George Washington
b. Benigno Aquino d. Barack Obama

9. Sinong Pilipinong lider ang naging inspirasyon ng maraming Pilipino na

ipaglaban ang kalayaan sa tinaguriang EDSA Revolution I?
a. Ferdinand Marcos c. Benigno Aquino Sr.
b. Fidel V. Ramos d. Joseph Estrada

10. Sa mga kahulugang ibinigay ni Santo Tomas de Aquino sa kalayaan ano

ang itinuturing na kakambal nito?
a. responsibilidad c. pagmamahal
b. kilos-loob d. konsensiya

11. Paano mo ipapaliwanag ang mga katagang ito “Ang pinakamalaking

hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi ang
nagmumula mismo sa loob ng tao.”?
a. Ang kalayaan ay ibinigay sa sarili ng tao.
b. Ang kapwa tao niya ang humahadlang sa kanyang kalayaan.
c. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya.
d. Ang pag-uugali ng tao ang hadlang ng kanyang pagiging malaya.

12. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kakabit ng

pananagutan ang kalayaan ng taong tumugon sa obhektibong tawag ng
panganagilangan ng sitwasyon?
a. Bumagsak si Sheila sa unang markahan, kaya nagsumikap siya.
b. Bumili ng maraming damit si Jean mula sa kaniyang sahod.
c. Inubos ni Alex ang kaniyang oras sa paglalaro ng DOTA.
d. Buong magdamag nanuod ng pelikula si Angel.

13. Sinong manunulat ang nagsabing “ ang tunay na kalayaan ay hindi sariling
kalayaan ng tao na hiwalay sa sambahayan kundi isang kalayaang
kabahagi ng kaniyang kapuwa sa sambayanan”.
a. Max Scheler c. Santo Tomas de Aquino
b. Felicidad Lipio d. Antonio Cruz

14. Ang kalayaan ay may dalawang aspekto: ang kalayaan mula sa (freedom
from ) at kalayaan para sa (freedom for). Alin sa mga sumusunod an
sitwasyon ang nagpapaliwanag dito?

13
a. Isang matanda ang nakatayo sa kanto at naghihintay ng tutulong
sa kaniya upang makatawid. Tinulungan ko siya para may ilalagay
ako FB account ko na nakatulong sa iba.
b. Isang batang manlilimos sa kalye ang lumapit sa iyo, binigyan mo
siya ng limang pisong barya bilang tulong.
c. Isang kapitbahay na palaging inaaway ang nanay mo ang humingi
ng tulong, tinulungan mo sila na walang pag-aalinlangan.
d. Isang sikat na artista ang nagbahagi ng tulong sa mga biktima ng
lindol bilang bahagi ng ginagawang pelikula.

15. Bakit kaya sa lahat ng nilalang ng Diyos ang tao lamang ang may
kakayahang kumilos ayon sasariling kagustuhan at ayon sa pagdedesisyon
kung ano ang gagawin?
a. Sapagkat ang tao ay may malayang kilos-loob.
b. Ang likas na batas moral ang gumagabay sa kaniya.
c. Ang tao ay may kakayahang gamitin ang kaniyang konsensiya.
d. Dahil tanging ang tao ang may kakayahang pag-isipan ito

Karagdagang Gawain

Nagsisimula pa lamang tayo sa Modyul na ito upang mas lalo mong maunawaan at
mapagtagumpayan ang mga pagsubok sa araw-araw na pamumuhay. Sa gawaing
ito, masusukat mo ang iyong kakayahan sa paggamit ng tunay na kalayaan.

Panuto: Magtala ng paraang gagawin upang mapagtagumpayan/malampasan ang

negatibong katangiang taglay na nakahahadlang sa paggamit ng tunay na
kalayaan. Isulat sa loob ng kahon ang iyong saloobin.

-
_____________________________________________________________________

14

15
Tayahin Subukin
1. b 1. b
2. a 2. c
3. d 3. a
4. c 4. c
5. a 5. c
6. d 6. a
7. c 7. d
8. a 8. a
9. d 9. d
10. b 10. c
11. c 11. a
12. a 12. d
13. c 13. c
14. c 14. a
15. a 15. c
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Covey, S. (1998) The 7 Habits of Highly Effective Teens: The Ultimate Teenage
Success Guide. Ontario: Fireside

Dy, Manuel Jr. B. (2012). Philosophy of Man (Selected Readings). Quezon City:
Katha Publishing Co., Inc.

Lipio, F. (2004). Konsiyensiya Para sa mga Katolikong Filipino. Mandaluyong City.

National Bookstore

Philip, J. (2006). I Choose to Be Free: The Power of Faith Hope & Charity. Manila:
Sinag-Tala Publishers

16
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like