You are on page 1of 20

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan - Modyul 2:
Ang Kapangyarihang Ipinagkaloob sa
Tao: Isip at Kilos-loob

AIRs - LM
LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao 10_Modyul_2
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Ang Kapangyarihang Ipinagkaloob sa Tao:
Isip at Kilos-loob
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o pag kuha ng bahagi
ng walang pahintuot ay hindi pinapayagan

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Joy D. Pagaduan


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Content Reviewer: Rosalie C. Gomez, MT I
Language Reviewer: Janice Pejo
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Danny Lyn D. Graycochea

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao 10_Modyul_2


10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2
Ang Mataas na Gamit at Tunguhin
ng Isip at Kilos-loob

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakata0_10_Modyul_2
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao_10_Modyul_2
Sapulin

Mula sa modyul 1, ating napag-aralan na ang tao aykatangi-tanging


nilikha ng Diyos sapagkat tayo ay nahubog kawangis Niya. Ito ang dahilan
kung bakit tayo ay naiiba sa lahat ng nilalang na kaniyang nilikha tulad
hayop.
Tayo ay pinagkalooban ng isip at kilos-loob hindi lamang para
maunawaan ang ating pagka-sino bagkus ito rin ang susi natin para
mahanap ang katotohanan at maisakilos ang tunay na paglilingkod at
pagmamahal. Tunghayan natin sa modyul na ito ang mas malalim na
pagunawa sa tamang paghahanap ng katotohanan at angkop na kilos sa
paglilingkod at pagmamahal.
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang
natutuhan mo ang sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga:

1. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa


paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal.
(EsP10MP- Ib-1.3).

2. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang


kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal.
(EsP10MP -Ib-1.4).

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakata0_10_Modyul_2
Aralin Ang Mataas na Gamit at
Tunguhin ng Isip at Kilos-loob
1

Simulan

Gawain 1. Magmuni-muni Muna!


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Itala sa ikalawang kolum
kung ito ba ay tama o mali. Isulat naman sa ikatlong kolum ang iyong
paliwanag.
Sitwasyon Sagot Paliwanag
1. Dahil sa mabilis na
pagkalat ng Covid-19
virus nagpabakuna si
Mimi ng Covid-19
vaccine.
2. Ipinagpaliban muna ni
Raven ang pagbili ng
bagong branded na sapatos
dahil bumili siya ng
smartphone na magagamit
niya sa kaniyang online
class.

3. Hindi ugali ni Rose na ipost


sa facebook ang mga
ginagawa niyang pagtulong
sa kanyang kapwa.

Pamantayan sa pagmamarka
3 Napakahusay at malinaw ang pagpapaliwanag

2 Mahusay ang pagpapaliwanag

1 Bigyan ng pagkakataon ang sarili para magsanay

LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao_10_Modyul_2
Lakbayin

Alam mo ba kung bakit LAPIS ang ginagamit ng mga bata? Para malaman nila
na pwede pang ITAMA ang MALI. Pero alam mo ba kung bakit BALLPEN gamit natin?
Para ipaalam sa atin na DI NA TAYO BATA para ulit-ulitin ang mga pagkakamaling
di natin kayang burahin.” Madalas itong mabasa sa mga post sa facebook. Sang-
ayon ka ba sa mga pahayag na nabanggit?

Ang tao ay hindi perpekto kaya nakakagawa tayo kung minsan ng


pagkakamali sa buhay. Sa pagkamulat natin sa ating kamalian at pagkakaroon ng
pag-asa, muli tayong bumabangon upang magsimula at iwasto ang ating buhay.
Kaya maihahalintulad din natin ang buhay ng tao sa isang lapis – ginagamit ang
pambura upang maiwasto ang pagkakamali.

Ngunit habang tayo ay tumatanda, hindi maaaring “trial and error” ang ating
pamamaraan sa pagtuklas ng katotohanan sa buhay. Tandaan na tayong mga tao
ay nalikha ayon sa wangis ng Diyos – tayo ay pinagkalooban ng isip at kilos-loob
upang makapag-isip ng matalino, magpasya ng tama at piliin ang tama. Sa tulong
at gabay ng Salita ng Diyos, tayo ay nag-iisip muna bago kumilos. Ito ang dahilan
kung bakit maihahalintulad din ang “matured” na tao sa isang ballpen – wala itong
pambura kung kaya’t nagiging maingat sa pagpasya at pagkilos para maiwasan ang
paulit-ulit na pagkakamali.

Isip
Malaki ang papel na ginagampanan ng isip para hubugin ang ating pagkatao.
Ang isip ay may kakayahan na maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala,
umunawa at maghanap ng katotohanan. Sa pagkakaroon ng bukas na isipan, mas
madaling lalawak, uunlad at maliliwanagan ang kaalaman ng tao. May kakayahan
ang tao unawain ang kaniyang nauunawaan sa pamamagitan ng pagmumuni-muni
at pagbubulay-bulay. Ito ang dahilan kung bakit ang tao ay may kakayahang pigilan
ang kaniyang sarili para maiwasan magkamali at upang hindi makasakit ng
kaniyang kapwa.

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakata0_10_Modyul_2
Kilos-Loob
Batay sa natutunan natin sa Baitang 7, ang kilos-loob naman ay isang
makatuwirang pagkagusto dahil ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
Subalit dapat nating tandan na ang kilos-loob ay nakadepende sa isip. Kaya
napakahalaga na mahubog natin ang ating isipan kung paano maghusga - kung
alin ang tama o mali, mabuti o masama. Isang moral na tungkulin ng tao na
makapagpasiya sa pamamagitan ng moral na pagpili bilang pagtugon sa tawag ng
pagpapahalaga – ang umiiral na nagmamahal. Ang pagmamahal sa kapwa, sa
pamamagitan ng taus-pusong paglilingkod lamang makakamit ng tao ang tunay na
kaligayahan at pagpapahalaga sa sarili. Ayon kay Jean Ayande Totanes, “love begets
love. It multiples the kindness and goodness of every heart!”
Napakasarap mabuhay sa mundo kung lahat tayo ay matututong magmahal
katulad ng pagmamahal na ibinabahagi ng Diyos sa atin!

LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao_10_Modyul_2
Galugarin

Gawain 2: Tamang Pasiya!


Panuto: Basahing mabuti at unawain ang sitwasyon. Pagkatapos ay isulat
sa speech balloon ang iyong pasiya bilang tugon sa sitwasyon at katwiran sa
ginawang pasiya.

Sa kabila ng lumalaganap na pandemiya, naipagpapatuloy mo pa rin ang


iyong pag-aaral sa pamamagitan ng blended learning. Maayos mong
naitaguyod ang nakaraang taon. Subali’t sa taong ito, nagtransfer sa inyong
paaralan ang iyong pinsan na si Jake na hindi pala-aral. Madalas ay
nakatutok sa paglalaro ng online games at magbabad sa social media kaysa
gawin ang module at mag-online class. Ngunit sa kabila nito ay nakakapasa
pa rin siya ng kaniyang mga output sa module. Pagbalik ng inyong mga papel,
tinawanan ka pa ni Jake dahil mas mataas ang kaniyang iskor kaysa sa
nakuha mo at buong ningning niyang ipinagmalaki na ipinapasagot niya sa
ibang tao ang kaniyang mga modyul. Inuudyukan ka ng iyong pinsan na
tularan na rin siya para hindi ka raw mahirapan sa pag-aaral at magagawa
mo pa ang ibang pang nais mong gawin. Ano ang iyong magiging pasiya at
bakit?

Ang aking pasiya ay


________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________

Sapagkat/Dahil _________________________ __________


________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________

Pamantayan sa pagmamarka
3 Napakahusay at malinaw ang pagpapaliwanag

2 Mahusay ang pagpapaliwanag

1 Bigyan ng pagkakataon ang sarili para magsanay

LU_Q1_Edukasyon sa Pagpapakatao_10_Modyul_2
Palalimin

Gawain 3: May Saysay ang Aking Buhay


Panuto: Maglaan ng tamang oras at lugar sa inyong tahanan para sa iyong
pagninilay. Pagkatapos, isulat sa unang kolum ang iyong naging reyalisasyon
kung ano ang iyong layunin sa buhay. Sa ikalawang kolum naman ay isulat
ang iyong makabuluhang paraan upang maisakatuparan ang iyong layuning
nabanggit. Ibahagi ito sa iyong magulang o kapamilya at palagdaan.

Ang Layunin ng aking Buhay Angkop na kilos na


isasabuhay

_________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang/Kapamilya
Iskor (10 puntos) (8 puntos) (6 puntos) (4 puntos)
Kalidad ng Napakahusay Mahusay at Naipahayag Hindi
pahayag at maliwanag ang saloobin malinaw ang
makabuluhan ang pahayag. ngunit kulang pahayag
ang pahayag. sa detalye

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakata0_10_Modyul_2
Aralin Angkop na Kilos
2 Tungo sa Katotohanan at
Pagmamahal sa Kapwa

Simulan

Gawain 4: Kilos Mo, Ilarawan Mo


Panuto: Gumuhit ng isang sitwasyon na nagpapakita ng mataas na paggamit
ng isip at kilos-loob. Isulat sa patlang ang iyong paliwanag.

Paliwanag:
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Pamantayan sa pagmamarka
15 Mahusay ang pagpapaliwanag at tugma sa iginuhit

10 Maayos ang pagpapaliwanag at tugma sa iginuhit

5 Magulo ang pagpapaliwanag at hindi tugma sa iginuhit

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakata0_10_Modyul_2
Lakbayin

Ang pagkasilang natin ay hindi lang isang simpleng pangyayari, hindi


aksidente o hindi sadya para lang gugulin ito sa mga bagay na nais nating gawin.
Bawat buhay ay may layuning ibinigay ng Diyos – isang misyon na dapat nating
hanapin upang maging makabuluhan ang ating buhay.
Batay sa ating aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-
aaral, narito ang ilang mga gawain upang maging makabuluhan ang iyong buhay:
1. Nasaan ka mang lugar araw-araw (sa bahay, sa paaralan, sa bus, o iba pa),
mahalagang maging mapagmasid at maging sensitibo ka sa kapwa at sa iyong
paligid.
2. Maghanap ka ng pagkakataong makatulong gaano man ito kasimple. Ituon mo
ang iyong pansin at isip sa mga tao na sa tingin mo ay nangangailangan ng
tulong, kilala mo man sila o hindi. O kaya naman maging mapagmasid sa mga
sitwasyon na kailangan mong tumugon sa hinihingi ng pagkakataon.
3. Gumawa ng paraan upang makatulong o tumugon sa hinihingi ng sitwasyon
sa abot ng iyong makakaya.
4. Huwag hayaaang lumipas ang araw na wala kang nagawa. Maliit man o
simpleng paraan, basta’t nakatulong ka sa iyong kapwa.
5. Ipaalam sa magulang ang gawain mong ito. Hingin mo ang kanilang tulong at
suporta sa pagsasagawa nito upang masiguro ang pagsasakatuparan.
6. Isulat ang iyong naramdaman at reyalisasyon mula sa gawaing ito sa iyong
journal o kwaderno.
Maglaan ka rin panahon para ibahagi ito sa iyong mga magulang o kapamilya
upang magsilbing inspirasyon sa kanila sa iyong makabuluhang simulain.

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakata0_10_Modyul_2
Galugarin

Gawain 5: Check Mo Lang


Panuto: Markahan ng ✓ ang pahayag kung sa palagay mo ito ay

makabuluhang gawain. Markahan naman ng X kung hindi. Ilagay ang sagot


sa sagutang papel.
_____ 1. Pag-aaral ng mabuti.
_____ 2. Pagsimangot habang naglilinis ng bahay.
_____ 3. Pag-ampon ng asong palabuy-laboy sa kalye.
_____ 4. Pagdarasal para sa mga taong nahihirapan sa buhay.
_____ 5. Pagtulong sa isang matanda na tumawid sa kalsada.
_____ 6. Pagbabahagi ng salita ng Diyos kahit sa taong di kakilala.
_____ 7. Pagpulot ng basura na ikinalat ng ibang tao sa dalampasigan.
_____ 8. Pagpapatawad sa iyong kapwa na naninira o nanakit sa iyo.
_____ 9. Pagiging mapagtimpi kapag nalagay sa di kanais-nais na sitwasyon.

_____ 10. Magpost sa social media ng iyong larawan na nagpapakita ng iyong


pagbibigay tulong-pinansyal sa namamalimos.

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakata0_10_Modyul_2
Palalimin

Panuto: Pag-aralan ang larawan, ano ang mahalagang konsepto ang


natutunan mo mula rito? Isulat ang iyong sagot sa ibaba.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Pamantayan (10 puntos) (8 puntos) (6 puntos) (4 puntos)


ng Iskor
Kalidad ng Napakahusay Mahusay at Naipahayag Hindi malinaw
pahayag at maliwanag ang saloobin ang pahayag
makabuluhan ang pahayag. ngunit kulang
ang pahayag. sa detalye

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakata0_10_Modyul_2
Sukatin

Panuto: Basahing mabuti ang pahayag. Piliin ang titik na may tamang sagot
at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang MALI?


A. Ang tao ay nalikha ayon sa wangis ng Diyos.
B. Binigyan ng Diyos ang tao ng kakayahang mag-isip, pumili at gumusto.
C. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at
masama.
D. Walang pinagkaiba ang katangian ng tao sa iba pang nilikha ng Diyos.

2. Paano nakaaalam ang tao?


A. Ito ay sa pamamagitan ng modyuls at online class.
B. Ito ay sa pamamagitan ng kaniyang isip at kaniyang pandama.
C. Nakakaalam ang tao sa pamamagitan ng kaniyang pandama sa kaniyang
paligid.
D. Nakaaalam ang tao sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang matalinong
pag-iisip.

Para sa bilang 3, 4 at 5
Magtatanghali na nang magising si Timmy kaya napagalitan siya ng kaniyang nanay.
Naging mainit ang ulo ni Timmy dahil sa sermon na kaniyang napala. Sa sobrang
inis niya ay tinandyakan niya ang isang aso. Nagulat ang aso kaya nakagat niya si
Timmy.

3. Angkop ba ang naging asal ni Timmy?

A. Oo, mas maigi na sa aso niya inilabas ang sama ng loob kesa makasakit
ng ibang tao.
B. Oo, normal lang sa tao ang mainis at magpakatotoo sa nararamdaman.
C. Hindi, ang tao ay may kakayahang magmuni at pag-isipang mabuti kung
ano ang angkop na kilos para sa kapwa man o sa ibang nilalang.
D. Hindi, hindi niya dapat ibaling ang kaniyang sama ng loob sa hayop na
walang kinalaman sa nangyayari sa kaniya.

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakata0_10_Modyul_2
4. Kung ikaw si Timmy, Ano dapat ang iyong ginawa?
A. Pagnilayan ang nangyari at magpakumbaba at humingi ng patawad sa
aking nanay
B. Umalis ng bahay para magpalamig ng ulo at bumalik na parang walang
nangyari.
C. Hanapin ang may-ari ng aso para ireklamo sa barangay dahil sa pagkagat
sa akin.
D. Mangatwiran sa aking nanay kung bakit ako tinanghali ng gising para
malaman din niya ang aking panig.

5. Sa paanong paraan nagiging makabuluhan ang buhay ng tao?


A. Kung patuloy itong pinapahalagahan ang sarili para mabuhay ng matagal.
B. Kung inilalaan ang pagsasabuhay ng katotohanan, sa pagmamahal at sa
paglilingkod sa kapwa.
C. Kung nagpapakatotoo sa sarili at walang pakialam kung nakakasakit o
tinatapakan ang kaniyang kapwa.
D. Kung siya ay naging matagumpay at naabot ang kaniyang mga pangarap
sa buhay.

Para sa bilang 6 at 7
Si Richie ay mahilig sa softdrinks subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes
naging maingat na siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya
nito.

6. Bakit kaya ni Richie na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang


damdamin?
A. Ang tao ay may kamalayan sa sarili.
B. Malaya ang taong pumili o hindi pumili.
C. May kakayahan ang taong mangatwiran.
D. May kakayahan ang taong mag-abstraksiyon.

7. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong


ito?
A. Ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang
makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin.
B. Magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at
ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon.
C. Kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin
upang maiwasan ang pagkakasakit.
D. Hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya
nga ang tao ay natatangi.

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakata0_10_Modyul_2
Para sa bilang 8,9 at 10
Nagkaroon ng pagsusulit si Brenda. Noong una, nag-iisip siya kung
mangongopya sa pagsusulit o hindi. Napagpasiyahan niyang hindi na mangopya.
Napagtanto niyang walang kasiyahan sa hindi pinagpagurang tagumpay. Mahalaga
ang pagkakaroon ng prinsipyo sa pag-abot ng tagumpay.
8. Ano ang pinatunayan ni Brenda sa sitwasyon ito?
A. Ang tao ay may kakayahang pumili ng nais niyang gawin.
B. Nakagagawa ang tao ng angkop sa kaniyang pagkatao.
C. Ang tao ay may kakayahang alamin ang katotohanan sa bawat sitwasyon.
D. May pag-unawa ang tao sa direksiyon ng kaniyang kilos.

9. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng


isip at kilos-loob ng tao sa sitwasyong ito?
A. Natutukoy ng tao ang gamit at tunguhin ng kaniyang isip at kilos-loob sa
angkop na sitwasyon.
B. May kakayahaan ang tao na suriin kung ginamit niya nang tama ang
kaniyang isip at kilos-loob.
C. Ang isip at kilos-loob ay ginagamit ng tao sa paghahanap ng katotohanan
at sa paglilingkod/pagmamahal.
D. May kakayahan ang tao na makagawa ng mga angkop na kilos upang
maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan, maglingkod, at
magmahal.

10. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at


kakayahang mag-abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang
bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat
tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
A. Nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob.
B. Napauunlad nito ang kakayahang mag-isip.
C. Nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa.
D. Nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo.

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakata0_10_Modyul_2
Susi sa Pagwawasto

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakata0_10_Modyul_2
Sanggunian

• EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10. Modyul para sa Mag-aaral.


Unang Edisyon 2015. DepEd-IMCS). Pahina 21-40
• Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Alternative
Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Ang Kapangyarihang
Ipinagkaloob sa Tao: Isip (Intellect) at Kilos-loob (Will) Unang Edisyon,
2020. Department of Education – Rehiyong Pangpangasiwaan ng
Cordillera

Larawan:

⚫ https://docplayer.net/95946548-Edukasyon-sa-pagpapakatao.html

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakata0_10_Modyul_2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SDO La Union
Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telephone: (072) 607 - 8127
Telefax: (072) 205 - 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakata0_10_Modyul_2

You might also like