You are on page 1of 19

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan- Modyul 5:
Ang Tunay na Kahulugan ng
Kalayaan

AIRs - LM

LU_Q1_ESP10_Module5
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Unang Markahan - Modyul 5: Ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jerby C. Rivera


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Content Reviewer: Rosalie C. Gomez
Language Editor: Janice S, Pejo
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Rogelio Runas Jr., Danny Lyn D. Graycochea

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_Q1_ESP10_Module5
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan- Modyul 5:
Ang Tunay na Kahulugan ng
Kalayaan

LU_Q1_ESP10_Module5
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.

LU_Q1_ESP10_Module5
Sapulin

Noong ika-12 ng Hunyo 2021, ipinagdiwang nating mga Pilipino ang ika-123
Taong Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan na may temang “Diwa ng Kalayaan
sa Pagkakaisa at Paghihilom ng Bayan.” Ipinapakahulugan nito ang kahalagahan ng
paggamit ng kalayaan sa wastong paraan upang maisakatuparan ang ating mga
adhikain hindi lamang para sa kapakanan o pagpapaunlad ng ating mga sarili kundi
pati na rin sa isang matagumpay at mapagmalasakit na bayan.
Malaking parte ng ating buhay ang ginagampanan ng salitang kalayaan.
Ngunit ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang ito? Sapat kaya ang ating
pag-unawa tungkol sa diwa nito? At nagpapakita kaya ng wastong paggamit ng
kalayaan ang ating mga isinasagawang pasya o kilos? Ilang lamang ito sa
tatalakaying tanong sa pag-aaral mo ngayong araw.
Sa modyul na ito, inaasahang malinang sa iyo ang kaalaman, kakayahan at
pag-unawa sa mga sumusunod:

1. Naipapaliwanag ang tunay na kahulugan ng Kalayaan. EsP 10 MP – Id – 3.1


2. Natutukoy ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng
Kalayaan. EsP 10 MP – Id – 3.2

Mga Layunin sa Pag-aaral:


a. Natutukoy ang tunay na diwa ng kalayaan.
b. Nakikilala ang mga pasya o kilos na nagpapakita ng tunay na gamit ng
kalayaan.
c. Nakabubuo ng plano ng mga pasya o kilos na tumutugon sa tunay na gamit
ng kalayaan.

1
LU_Q1_ESP10_Module5
Aralin Ang Tunay na Kahulugan
1 ng Kalayaan

Simulan

Gawain 1: Ito ang Kalayaan Para sa Akin!

Panuto:
1. Sa pagkakataong ito, balikan mo ang mga kaisipan at konsepto na natanim sa iyo
tungkol sa kahulugan ng kalayaan.
2. Isulat ito sa mga bilog na inilaan para sa iyong mga sagot. Gamiting gabay ang
pormat sa ibaba.
3. Matapos ang gawain ay sagutin ang sumusunod na tanong.

KALAYAAN

Mga Tanong:
1. Ano-ano ang pakinabang na natatamasa mo dahil ikaw ay nilikhang malaya?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2
LU_Q1_ESP10_Module5
2. Ano-ano ang tungkulin mo dahil ikaw ay malaya?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Rubrik sa Paglalahad ng Sagot


Iskor Pamantayan
2 Napakahusay at napakalinaw ang sagot
1 Bahagyang mahusay at bahagyang malinaw ang sagot

Lakbayin

Noong likhain ng Diyos ang tao, pinagkalooban niya tayo ng kalayaan na


pumili ng anumang gugustuhin natin sa buhay. Ginagamit natin ang ibinigay niyang
ito upang gumawa ng desisyon o kilos na sa tingin natin ay makapagpapaunlad at
makapagpapasaya sa atin at walang sinuman ang maaaring pumigil dito. Bilang
isang masunuring mamamayan isasakatuparan natin ang mga pasiya o kilos natin
sa mapayapa at mahusay na pamamaraan. (Johann)
Ayon naman kay Lipio (2004) ang tunay na kalayaan ay hindi pansarili
lamang bagkus kabahagi ng kalayaang ito ang kaniyang kapuwa at sambayanan.
Sapagkat ang tunay na kalayaan ay ang pagpapahalaga sa kapuwa; ang magmahal
at maglingkod.
Napakahalaga din na tignan ang kalayaan na may kakambal o kasunod na
responsibilidad.
Dalawang responsibilidad
1. Kalayaang kaugnay ng malayang kilos loob - Ito ay ang pagkilos sa sariling
kagustuhan
2. Kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ng sitwasyon - Pagkilos
ayon sa hinihingi ng sitwasyon

3
LU_Q1_ESP10_Module5
Galugarin

Gawain 2: Tunay na Diwa ng Kalayaan!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na kilos. Tukuyin sa

mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tamang paggamit ng kalayaan at

lagyan ito ng tsek (✓), ilagay naman ang ekis (x) kung ito ay hindi.

________1. Paglabas sa bahay nang walang suot na face mask.

________2. Pagsunod sa curfew hours na ipinapatupad ng iyong barangay.

________3. Pagpapakalat ng maling impormasyon o fake news sa Facebook upang

magdulot ng takot sa ibang tao.

________4. Pakikilahok sa mga proyektong may layong makatulong sa “mental

health” ng iyong mga kapuwa mag-aaral.

________5. Hindi pagsagot sa iyong mga modyul sa kadahilanang ikaw ay tinatamad

at mas pipiliing maglaro sa iyong cellphone.

________6. Pag-aaral ng mabuti at paghikayat sa mga kapatid o pinsan na gawin din

ito.

________7. Paggalang sa ibang tao anuman ang kaniyang kasarian, itsura, kulay ng

balat o pangkat na kinabibilangan.

________8. Pagtulong sa kapuwa ng walang hinihingi o hinihintay na kapalit.

________9. Pagpunta sa simbahan at taos-pusong isinasabuhay ang aral o utos ng

Diyos.

________10. Dahil sa sobrang galit pinagsalitaan mo nang masasakit na salita ang

iyong kaibigan.

4
LU_Q1_ESP10_Module5
Palalimin
Gawain 3: Kilos para sa Kalayaan!

Panuto:

1.Balikan ang iyong mga karanasan noong nagdaang araw at magbigay ng


dalawang kilos/pasiya na nagpapakita ng tunay na kalayaan. Isulat ito sa unang
kolum.
2. Sa pangalawang kolum isulat ang magandang epekto na nagawa ng iyong kilos
sa sarili at sa iyong kapuwa.
3. Isulat ang iyong natutunan pagkatapos ng nagawang kilos.

Kilos na nagawa mo na Epekto ng Ano ang iyong


nagpakita ng tunay na nagawang kilos sa natutunan sa kilos o
kalayaan. (Pagmamahal sarili at sa kapuwa sitwasyon na iyon?
at Paglilingkod)
1.

2.

Rubrik sa Paglalahad ng Sagot

PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan May


mahusay pa ng Kasanayan Panimulang
5 4 3 2 Kasanayan
1
NILALAMAN Napakahusay Mahusay ang May Nangangailangan May ilang
(5 PUNTOS) ng sagot. sagot. kahusayan ng kahusayan naisulat na
Tiyak, Malinaw at ang ang sagot. Hindi salita
malinaw at maayos ang pagkakabuo malinaw at tiyak ngunit
malawak ang pagkakaugnay ng sagot ang mga salita. walang
kasagutan sa ng sagot sa ngunit hindi diwa.
tanong. katanungan. gaanong
malinaw at
tiyak.

5
LU_Q1_ESP10_Module5
Aralin
Aspekto at Uri ng Kalayaan
2

Simulan
Gawain 1: Simbolo ng Kalayaan!
Panuto: Gumuhit ka ng simbolong sumasagisag sa konsepto ng kalayaan at sumulat
ng maikling paliwanag tungkol sa iginuhit mong simbolo.

Pamantayan sa Pagguhit
Kraytirya Napakahusay Mahusay Paghusayin Pa
5 4 3
Malinis ang pagkakaguhit
Angkop sa konsepto ang simbolong
iginuhit
Angkop ang paglalahad ng nilalaman sa
konsepto ng iginuhit

6
LU_Q1_ESP10_Module5
Lakbayin

Dalawang aspekto ng Kalayaan


1.Kalayaan Mula Sa (Freedom From) – Ito ay ang aspekto ng kalayaan na
nagsasabing walang hadlang sa labas ng tao sa pagkamit niya ng kaniyang mga
ninanais. Bagkus ang tunay na nakakahadlang ay ang kaniyang mga negatibong
katangian at pag-uugali na pumipigil sa kaniyang makamit at magamit ang tunay
na diwa ng kalayaan.
Mga negatibong katangian at pag-uugali na kailangang iwasan para ganap na
maging malaya
➢ Makasariling interes ➢ Kapritso
➢ Katamaran ➢ Pagmamataas
2. Kalayaan Para Sa (Freedom For) – Ayon kay Johann ang kalayaan ay ang makita
ang kapuwa at mailagay siyang una bago ang sarili. Kung iiwasan ang pagiging
makasarili nagbibigyan natin ng puwang ang ating kapuwa sa ating buhay. Ang
tunay na diwa ng kalayaan ay ang magmahal at maglingkod sa kapuwa.
Dalawang uri ng Kalayaan
1. Malayang Pagpili (Free Choice o Horizontal Freedom) - Ang malayang pagpili
ay ang pagpili sa kung ano ang alam ng taong makabubuti sa kaniya (goods). Ang
isang bagay ay pinipili dahil nakikita ang halaga nito.
2. Vertical freedom o fundamental Option - Ito ay ang pangunahing pagpiling
ginagawa ng isang tao.

Dalawang Uri ng Fundamental Option


a. Fundamental option ng pagmamahal – ito ay ang pagpili tungo sa mataas
na halaga. Ito ang paglalaan ng kaniyang sarili na mabuhay kasama ang
kaniyang kapuwa at ang Diyos.
b. Fundamental option ng pagkamakasarili - ito ang pagpili tungo sa
mababang halaga. Ito ang pagpili na mabuhay para lamang sa kaniyang sarili.

7
LU_Q1_ESP10_Module5
Galugarin
Gawain 2: Malaya ka ba talaga?

Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyon na nakapaloob sa unang

hanay. Sa pangalawang hanay isulat ang “Sang-ayon” kung ikaw ay naniniwala na

ang sitwasyon na iyon ay nagpapakita ng tunay na paggamit ng kalayaan at ilagay

ang “Di Sang-ayon” kung ito ay hindi. Ipaliwanag ang sagot sa pangatlong hanay.

Sitwasyon Sang-ayon o Paliwanag

Di sang-ayon

Hindi maunawaan ni Marie ang leksiyon


ng kaniyang guro dahil wala siyang interes
upang makinig. Dahil dito mababa ang
nakuha niyang marka sa kanilang
pagsusulit. Sinisi ni Marie ang kaniyang
guro sa nangyari.
Pinayagan ng kanyang magulang si
Desiree na sumama sa kaniyang mga
kaklase dahil pinaalam niyang sila ay
gagawa ng proyekto. Ngunit pagdating
doon ng dalaga nakita niyang nagiinuman
ng alak ang kaniyang mga kaklase kaya
naisip na lamang niyang umalis doon.
Nakasalamuha ni John ang kaniyang
kaibigan na nag positive sa Covid-19.
Dahil dito sumailalim sa swab test ang
binata at habang hinihintay ang resulta
kinakailangan niyang mag-quarantine.
Ngunit dahil sa siya ay nababagot sa loob
ng kanilang bahay siya ay lumabas at
nakipagusap sa iba pang kaibigan.

8
LU_Q1_ESP10_Module5
Rubrik sa Paglalahad ng Sagot sa Hanay 3

PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan


mahusay pa ng Kasanayan
5 4 2
3
NILALAMAN Napakahusay Mahusay ang May kahusayan Nangangailangan
(4 PUNTOS) ng sagot. sagot. ang pagkakabuo ng kahusayan ang
Tiyak, malinaw Malinaw at ng sagot ngunit sagot. Hindi
at malawak maayos ang hindi gaanong malinaw at tiyak
ang kasagutan pagkakaugnay malinaw at tiyak. ang mga salita.
sa tanong. ng sagot sa
katanungan.

Palalimin

Gawain 3: Malaya ka na!


Panuto: Sagutin ang sumusunod na Gawain. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Pumili ng dalawang negatibong katangiang taglay na nakahahadlang sa
paggamit mo ng tunay na kalayaan na kailangan mong baguhin sa iyong
sarili.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Magbigay ng paraang gagawin upang mapagtagumpayan/ malampasan ang

negatibong katangiang taglay na nakahahadlang sa paggamit ng tunay na

kalayaan.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

9
LU_Q1_ESP10_Module5
3. Ipakita sa magulang ang ginawang plano at ipasulat sa kanila ang kanilang
puna at payo at palagdaan ito sa kanila.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Rubrik sa Paglalahad ng Sagot

PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan May


mahusay pa ng Kasanayan Panimulang
5 4 3 2 Kasanayan
1
NILALAMAN Napakahusay Mahusay ang May Nangangailangan May ilang
(5 PUNTOS) ng sagot. sagot. kahusayan ng kahusayan naisulat na
Tiyak, Malinaw at ang ang sagot. Hindi salita
malinaw at maayos ang pagkakabuo malinaw at tiyak ngunit
malawak ang pagkakaugnay ng sagot ang mga salita. walang
kasagutan sa ng sagot sa ngunit hindi diwa.
tanong. katanungan. gaanong
malinaw at
tiyak.

Sukatin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?


A. Kilos-loob B. Konsensiya C. Pagmamahal D. Responsibilidad
2. Ito ay ang pagkilos sa sariling kagustuhan
A. Kalayaan mula sa
B. Kalayaan para sa
C. Kalayaang kaugnay ng malayang kilos loob
D. Kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ng sitwasyon

3 .Alin sa mga sumusunod ang tunay na kalayaan ng isang tao?


A. Nakapaloob sa paglilingkod at serbisyo
B. Nakapaloob sa serbisyo at pagmamahal
C. Nakapaloob sa pagmamahal at paglilingkod
D. Nakapaloob sa pagmamahal at makasariling interes

10
LU_Q1_ESP10_Module5
4. Ayon sa kalayaan mula sa (Freedom from), ano ang nakakahadlang sa pagkamit
ng tao ng kaniyang kalayaan o ninanais?
A. Kapwa B. Pamahalaan C. Simbahan D. Sariling pag-uugali
5. Alin sa mga sumusunod na katangian o pag-uugali ang hindi nakakahadlang
upang ika’y maging ganap na malaya?
A. Katamaran B. Pagmamataas C. Pagmamahal D.Sariling interes
6. Aspekto ng kalayaan na naipapakita ang pagmamahal sa kapuwa at naiaalis ang
pagiging makasarili?
A. Kalayaan mula sa B. Malayang pagpili
C. Kalayaan para sa D. Vertical freedom
7. Uri ng kalayaan na pinipili ng tao kung ano ang alam niyang makakabuti sa
kanya.
A. Kalayaan mula sa B. Vertical freedom
C. Kalayaan para sa D. Malayang pagpili
8. Uri ng fundamental option na paglalaan ng kaniyang sarili na mabuhay kasama
ang kaniyang kapuwa at ang Diyos.
A. Fundamental option ng pagkainggit
B. Fundamental option ng pagkagalak
C. Fundamental option ng pagmamahal
D. Fundamental option ng pagkamakasarili
9. Uri ng fundamental option na ang pagpili na mabuhay para lamang sa kaniyang
sarili.
A. Fundamental option ng pagkainggit
B. Fundamental option ng pagkagalak
C. Fundamental option ng pagmamahal
D. Fundamental option ng pagkamakasarili
10. Kinain lahat ni Anna ang mga pagkaing inuwi ng kaniyang ina at hindi tinirhan
ang kaniyang mga kapatid. Anong uri ng fundamental option ang pinakita ni
Anna?
A. Fundamental option ng pagkainggit
B. Fundamental option ng pagkagalak
C. Fundamental option ng pagmamahal
D. Fundamental option ng pagkamakasarili

11
LU_Q1_ESP10_Module5
Bilang 11-15 Tama o Mali
Panuto: Ilagay ang TAMA kung ang pasiya o kilos ay nagpapakita ng tunay na
kalayaan at MALI kung ito ay hindi.
_________11. Nagbibigay ng ayuda ang barangay nila Junard. Dahil sa tanghali na
ito nagising, sumingit na lamang siya sa pila upang makakuha agad.
_________12. Nakita ni Edmhar ang isang matandang hirap na hirap sa kaniyang
mga binubuhat kaya naisipan niya itong tulungan.
_________13. Sinusunod lahat ni Jesus ang mga batas sa kanilang lugar dahil alam
niyang ito ay makakabuti din para sa kanya.
_________14. Nagkaroon ng magandang negosyo si JP at kinuha niya ang kaniyang
mga naghihirap na kamag-anak upang bigyan ng trabaho.
_________15. Nakasuot si Jayvee ng face shield at face mask at sinusunod ang
physical distancing habang bumibili ng gamot sa botika.

12
LU_Q1_ESP10_Module5
LU_Q1_ESP10_Module5
13
Galugarin
Sukatin Gawain 2
1. D
2. C
1. x
3. C 2. ✓
4. D 3. x
5. B
6. C 4. ✓
7. D 5. x
8. C 6. ✓
9. D
10. D 7. ✓
11. Mali 8. ✓
12. Tama
13. Tama 9. ✓
14. Tama 10. x
15. Tama
Susi ng Pagwawasto
Sanggunian
Mga Libro
Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul para sa Mag-aaral, pahina 65-81 Unang
Edisyon 2015
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan –
Modyul 6: Ang tunay na kahulugan ng Kalayaan Unang Edisyon, 2020

14
LU_Q1_ESP10_Module5
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telephone: (072) 607 - 8127
Telefax: (072) 205 - 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

15
LU_Q1_ESP10_Module5

You might also like