You are on page 1of 18

4

Pag-aari ng Pamahalaan
HINDI IPINAGBIBILI

Health
Ikalawang Markahan - Modyul 4
Linggo 6-7: Pagkalat sa Nakahahawang
Sakit

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Health – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan - Modyul 4: Pagkalat sa nakahahawang Sakit
Unang Limbag, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang – isip. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni
kinakatawan ng mga tagapaglathala (publishiers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio

Development Team of the Module


Authors: Rechel A. dela Luna

Editor: Marina A. Impig

Reviewers: Freddie L. Palapar – PSDS


Verginia B. De Asis

Illustrator: Agnes Valerie Noval


Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent
Members: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Jourven B. Okit, EPS – MAPEH
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1
4
Health
Ikalawang Marka - Modyul 4:
Linggo 6-7: Pagkalat sa Nakahahawang
Sakit

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda ta sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang
propesyonal na nasa larangan ng Edukasyon na magpadala
ng kanilang puna o komento at rekomendasyon sa Kagawaran
ng Edukasyon sa pamamagitan ng email na ito:
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mag puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


2
3
Panimula

Mga mag-aaral, ang modyul na ito ay ginawa para sa inyo. Ito


ay makatutulong na mapadali ang inyong pag-unawa sa mga araling
nakapapaloob dito.

Ang gagawain niyo lamang ay basahin at intindihin nang mabuti


ang mga panuto sa bawat gawain upang makamit ang mithiin ng
modyul na ito.

Sa modyul na ito, ay nailalarawan kung paano naipapasa o


naisasalin ang mga nakahahawang sakit mula sa isang tao sa ibang
tao. Kaya ihanda ang sarili para sa mabisang pagkatuto at masayang
karanasan.

Mga paalala sa mga Guro

Inirerekomenda na masubaybayan ang


lahat ng mga gawain ng mga mag-aaral
upang lubusang mapakinabangan nila ang
nilalaman ng modyul na ito.

4
i
Alamin

Paano ba naipapasa ang sakit sa ibang tao?

Ang sakit ba ay maaring makahawa sa ibang tao?

Ano ang dalawang uri ng pagkalat ng impeksyon?

Mga layunin sa pagkatuto:

Nailalarawan kung paano naipapasa o naisasalin ang mga


nakahahawang sakit sa ibang tao.

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


sumusunod na mga hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na mga tanong.

5 ii
Icons sa Modyul

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit
upang masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin
sa pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

6 iii
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat sa


patlang ang tamang sagot.

______ 1. Paano naipapasa ang nakakahawang sakit?


A. Paggamit ng mask tuwing kausap ang may sakit.
B. Paghuhugas ng kamay palagi.
C. Pag-iwas sa taong may sakit.
D. Sa pamamagitan ang likido at personal na gamit.

______ 2. Ano ang dahilan ng paghahawa-hawa ng sakit sa balat?


A. Pakikipaglaro sa kapuwa bata.
B. pakikipagsayaw sa ibang bata.
C. pakikipag-away sa ibang bata.
D. paggamit ng damit at sabon ng iba.

______ 3. Aling sakit ang HINDI tuwirang naihahawa ng tao sa ibang


tao?
A. Alipunga B. Rabies
C. Bulutong D. ubo

______4. Ano ang dahilan sa pagkahawa ng isang bata sa


pagkakaroon ng maraming kuto?
A. pagkatabi ng upuan
B. palaging nag-uusap sa silid aralan
C. paggamit ng suklay ng ibang bata
D. pakikipaglaro ng tago-tagoan

_______5. Paano naipapasa o naisasalin ang sakit na ubo sa ibang


tao?
A. laway C. ihi
B. Dugo D. dumi

Aralin Pagkalat sa
7
iv
1 Nakahahawang Sakit
Ang nakakahawang sakit ay maaaring maipasa ng isang tao sa
ibang tao.

Sa yunit na ito ay nailalarawan kung paano naipapasa o


naisasalin ang mga nakahahawang sakit mula sa isang tao sa ibang
tao. Inaasahan din na makatutulong ang yunit na ito upang higit na
pahalagahan at isagawa ang mga gawaing pangkalusugan laban sa
mga sakit.

Balikan

Kilalanin ang mga instrumento na nagging sanhi sa pagkalat ng


impeksiyon o mga sakit.

Paano naipapasa o naisasalin ang mga nakahahawang sakit sa


ibang tao?

Ano-ano kaya ang dapat mong gawin upang maiwasang


mahawa sa mga sakit?

8
Tuklasin

Panuto: Suriin ang dayalogo. Sagutin ang mga


sumusunod na tanong.

1. Ano ang payo ng Nanay sa ate nang malaman niyang may


lagnat at ubo?

_________________________________________________
2. Bakit pinigilan ng Nanay si Lito na lumapit sa kaniyang ate?

_________________________________________________________
3. Paano nakahahawa ang sakit?

_________________________________________________

9
Suriin

Panuto: Tingnang mabuti ang larawan sa ibaba.

Larawan A Larawan B

 Ano ang ginagawa ng batang nasa larawan?

__________________________________________________
 Tama ba ang ginawa ng bata sa larawan A? Bakit?

__________________________________________________
 Tama ba ang ginawa ng bata sa larawan B? Bakit?

Paano naipapasa o naisasalin ang mga nakahahawang sakit sa


ibang tao?

Ang pagkalat ng impeksiyon ay maaaring tuwiran (direct) o di-


tuwiran (indirect).
Maaaring maipasa ang nakahahawang sakit sa pamamagitan ng
likido at iba pang bagay gaya ng laway, sipon, ihi, dumi, at dugo.
Maaari din itong maipasa sa pamamagitan ng personal na gamit
tulad ng heringgilya, suklay (kuto), tuwalya, (an-an at buni),
tsinelas (alipunga) at iba pa.
Napapasok nito ang katawan ng tao sa pamamagitan ng
pagkalanghap, sa balat, sa sugat, at pakikipagtalik.

Pagyamanin
10
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa Hanay A at
hanapin sa Hanay B ang sagot. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Hanay A Hanay B
_______ 1. Sa paanong paraan A. daga
kumakalat ang sakit na trangkaso,
tuberculosis at SARS? B. sugat

_______ 2. Anong hayop ang


nagdadala ng dengue? C. hangin

_______3. Ang leptospirosis ay


madaling makuha ng isang tao kung D. lamok
siya ay may ____________.

_______4. Alin ang maaaring maging E. bulate


tagapagdala ng Amoebiasis?

_______5. Alin ang tagapagdala ng F. tuwalya


sakit na Leptospirosis?

Isaisip

Ang nakahahawang sakit ay maaaring maipasa ng isang tao sa


ibang tao. Ito ay naipapasa pamamagitan ng likido tulad ng laway,
sipon, ihi, dumi, at dugo. Maaari din sa personal na gamit tulad ng
heringgilya, suklay (kuto), tuwalya, (an-an at buni), tsinelas (alipunga).

Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang sagot.

 Paano ang pagkalat ng impeksiyon?

1. Maaring ________________ (direct) at ___________________


(indirect) ang pagkalat ang impeksiyon.

2. Maaaring maipasa ang nakahahawang sakit sa pamamagitan


ng

11
______________ at iba pang bagay gaya ng
______________,

sipon, _____________, dumi, at _________________.

3. Maaari din itong maipasa sa pamamagitan ng personal na


gamit

tulad ng ________________________, _________________,

_____________________, at _________________________.

Isagawa

Panuto: Balikan ang “Suriin” bago sumagot. Isulat sa loob ng


Kadena ng Impeksiyon kung paano naipapasa ang sumusunod na
sakit.

Tuberculosis

Kadena ng Impeksiyon

12
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat s


patlang ang tamang sagot.

______1. Ano ang dahilan sa pagkahawa ng isang bata sa


pagkakaroon ng maraming kuto?
A. pagkatabi ng upuan
B. palaging nag-uusap sa silid aralan
C. paggamit ng suklay ng ibang bata
D. pakikipaglaro ng tago-tagoan

_______2. Paano naipapasa o naisasalin ang sakit na ubo sa ibang


tao?
A. laway B. Dugo
C. ihi D. dumi

______ 3. Paano naipapasa ang nakakahawang sakit?


A. Paggamit ng mask tuwing kausap ang may sakit.
B. Paghuhugas ng kamay palagi.
C. Pag-iwas sa taong may sakit.
D. Sa pamamagitan ang likido at personal na gamit.

______ 4. Ano ang dahilan ng paghahawa-hawa ng sakit sa balat?


A. Pakikipaglaro sa kapuwa bata.
B. pakikipagsayaw sa ibang bata.
C. pakikipag-away sa ibang bata.
D. paggamit ng damit at sabon ng iba.

______ 5. Aling sakit ang HINDI tuwirang naihahawa ng tao sa ibang


tao?
A. Alipunga C. Bulutong
B. Rabies D. ubo

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang TAMA o MALI sa patlang.

_______________1. Ugaliin ang magpabakuna.

_______________2. Umiwas sa taong may sipon o ubo.

_______________3. Hintaying lumubha ang sintomas bago


kumonsulta sa doktor.

______________4. Ugaliin ang palagiang paghuhugas ng


kamay upang makaiwas sa sakit.

______________5. Gumagamit ng guwantes ang mga dentista


upang makaiwas sa sakit mula sa kanilang
pasyente.

14
Susi sa Pagwawasto

Subukin TIYAHIN
1. D 1. C
2. D 2. A
3. B 3. D
4. C 4. D
5. A 5. B

PAGYAMANIN
1. C
2. D
3. B
4. E
5. A

ISAISIP Karagdagag Gawain


1. tuwiran 1. Tama
di-tuwiran 2. Tama
2. likido 3. Mali
Laway, ihi, dugo 4. Tama
3. heringgilya, suklay, 5. Tama
tuwalya, tsinelas

15
Sanggunian:

Taño, Mila C., et.al., (2015). Edukasyong Pangkatawan at


Pangkalusugan 4, Kagamitan ng Mag-aaral VICARISH Publication
and Trading, Inc.

16
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

17

You might also like