You are on page 1of 20

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Filipino – Ikaapat na Baitang


Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Linggo 4 – Modyul 13: Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Valencia


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Rebonfamil R. Baguio

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Valencia

1
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

2
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

3
Ang Modyul na ito

Magandang araw sa iyo mag-aaral!

Narito na naman ako upang magbahagi ng mga kaalaman na


magagamit mo sa iyong pang-araw-araw na buhay.

Madali lamang ang araling ito. Kailangan lang na mag laan kang
muli ng oras upang mapagtagumpayan mong matugunan ang mga
pangangailangan ng modyul na ito.

Magiliw ka bang makipag-usap sa mga tao sa paligid mo?


Siguradong isang makabuluhang paglalabak ito dahil sa aring ito ay
malalaman mo ang tamang pagbabahagi ng mga reaksyon o opinyon
tungkol sa iba’t-ibang isyu sa paligid mo.

Hali na’t ating simulan.

4
Alamin

Sa paglalakbay sa modyul na ito, pagsikapin nating


mapagtagumpayan ang mga layunin sa pagkatuto na nakapuntos sa
ibaba.

(Mga Layunin)
1. Nakapagbibigay ng sariling opinyon o reaksiyon sa
napakinggang isyu o usapan.

2. Naipamamalas ang kakakayahan at tatas sa pagsasalita at

pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at


damdamin.

Paano matuto sa Modyul na ito?

5
Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang mga
sumusunod na mga hakbang;

● Basahin at unawain nang Mabuti ang aralin.


● Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at
pagsasanay.
● Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

Mga Icons sa Modyul na ito

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa inyong
pagkatuto.

Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin


upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin.

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan.
Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa
pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin.

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa


pamamagitan ng gawain sa
pagkatuto upang malinang ang iyong
natuklasan sa pag-unawa sa
konsepto.

6
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang iyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit
upang masusi ang iyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin
sa pagkatuto.
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

Subukin

Panuto: Pag-aralan ng mabuti ang larawang nasa ibaba.

Mga Tanong:
1. Sino sa inyo ang umiinom ng gatas araw-araw?
2. Anong gatas ang iniinom ninyo?

7
3. Sa inyong opinyon, ano-ano kaya ang mga naidudulot ng
pag-inom nito?

Gamit ang concept map, magbigay ng apat na mabuting naidudulot


ng paginom ng gatas at isulat ito sa kahon.

Aralin
Pagpapahayag ng Sariling
1 Opinyon o Reaksiyon

Bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ang pagbibigay ng


opinyon sa mga pangyayaring naganap o namamamalas sa ating
paligin. Sa pagbibigay ng opinyon, makakabuti kung tayo ay may sapat
na kaalaman sa paskang pinag-uusapan upang masusing
mapagtimbang-timbang ang mga bagay at maging katanggap-tangap
ang ating opinyon.

8
Ang opinyon o reaksiyon ay ang iyong sariling palagay, paniwala,
pagtingin, isip o ideya sa isang bagay, tao o pangyayari. Ang iyong
paliwanag tungkol sa isyung iyong napakinggan ay pagpapahayag ng
sariling opinyon o reaksiyon.

a. opinyon – sariling palagay, paniwala, pagtingin, isip o ideya sa


isang bagay, tao o pangyayari

b. reaksiyon – ay ang damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon,


pagsalungat, pagkatuwa, pagkalungkot o pagkadismaya

Nalilinang ng modyul na ito ang mabuting naidudulot ng


mapanuring pagpapahayag ng opinyon sa pamamagitan ng mga
aktibidad na inihanda ko sa inyo.

Balikan

Muli nating balikan ang balitang ating nabasa sa nakalipas na


aralin. Base sa estoryang iyon, ano kaya sa palagay ninyo ang mabuting
naidudulot ng pagiging huwaran na bata?

Panuto: Magbigay ng limang opinyon o reaksyon tungkol sa


mabuting naidudulot ng pagiging isang batang huwaran.

9
1. ___________________________________________________
2. ___________________________________________________
3. ___________________________________________________
4. ___________________________________________________
5. ___________________________________________________

Tuklasin

Basahing mabuti ang isyong inihanda ko para sa inyo. Alam kung


kayo ay may mga opinyon o reaksyon tukol sa paksa. Nais kung
malaman ang mga ito.

1. Tungkol saan ang isyung nabasa?


2. Ano ang pinakamahalagang paraan sa pagpapakain ng sangol?

10
3. Anu-anong mga nutrisyona ang makukuha galing sa gatas ng ina?
4. Sa iyung palagay, dapat bang gumamit ang ina ng alternatibong
gatas o yung nabibili sa tindahan sa pagpapasuso ng sangol?

Suriin

Tayo ay napapaligiran ng napakaraming isyu. Upang mas lalo


pang mahasa ang kahusayan ninyo sa pagbibigay opinyon o reaksyon.
Narito ang iba’t-ibang sitwasyon kung saan nakataya ang kakayanan
ninyo sa pag-intindi. Mahalang malaman ninyo na walang mali o tama sa
pagbibigay opinyon o reaksyon. Ngunit nais ko lang inyong isaisip na
dapat sa pagbitaw mo ng mga salita, wala kang masasaktan na
damdamin.

Panuto: Piliin ang angkop na reaksyon sa mga sumusunod na


paglalahad. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. May inilunsad na proyektong “Pera sa Basura” ang paaralan


upang maging malinis ang kapaligiran at kumita ng pera buhat sa
basurang itinapon ng mga mag-aaral.
a. Lalong dumami ang nagkalat na basura sa paaralan.
b. Nalutas ang suliranin sa maruming kapaligiran at kumita pa
ng salapi.
c. Walang pakialam ang namumuno sa paaralan sa marung
kapaligiran.

11
2. Unang araw ng pasukan. Masayang gumising si Bill at nasasabik
na pumasok. Tinawag sila isa-isa ng kanilang guro upang
magpakilala. Hindi tumayo at nakapagsalita si Bill.
a. Hindi nakinig si Bill dahil siya ay naglalaro.
b. Nahiya siya sa kanyang mga kaklase kaya hindi siya
nakapagsalita.
c. Tumalikod siya sa guro at kaklase.

3. Si Bobot ay isang sakitin at payat na bata. Ang ina niya ay nagging


abala sa trabaho kaya panay mga “instant” ang kinakain niya.
a. Kailangan kumain ni Bobot ng masusustansyang pagkain
gaya ng gulay upang maging malusog at di sakitin.
b. Hayaan na lamang na panay instant ang kinakain.
c. Huwag na lng pansinin ang kalusugan ni Bobot.

4. Isang kaugalian ng mga Pilipino ang pagmamano sa matatadan


kapag aalis at darating ng bahay.
a. Idaan na lang sa text o kaya ay kindat.
b. Huwag na lang pasinin ang mga matatanda.
c. Mahalagang gawain into ng mga Pilipino kung kayat dapat
nating ipagpatuloy ang kagawiang ito.

5. Nagkaron ng pandemya ang Pilipinas na dulot ng COVID19 kung


saan napatunayan ng mga Pilipino ang pagiging matulungin at
mapagmalasakit sa kapwa sa panahun ng sakuna.

12
a. Ang pagtutulungan sa oras ng sakuna ay isang huwarang
gawain ng mga Pilipino na dapat pamarisan.
b. Dapat ay unahin ang sarili sa lahat ng bagay.
c. Pabayaang magutom ang mga tao sa oras ng sakuna.

Pagyamanin

Ang iyong mababasa sa ibaba ay isang isyung kasalukuyang


hinaharap ng ating bansa, pansinin kung anu-ano ang naging opinyon o
reaksyon ang naihayag ng manunulat ng paksa.

Panuto: Salungguhitan ang mga pangungusay na nagpapahayag ng


opinyon o reaksyon ng may akda.

13
Isaisip

Ang pagbibigay ng opinyon o reaksyon ay isang mabuting


kasanayan dahil naipahahayag natin ang sariling saloobin o pananaw
hinggil sa mga kaisipang inillahad. Sikapin lamang na maging magalang
upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapuwa.

Isagawa

Panuto: Bilang isang mag-aaral, anu-ano kaya ang inyong


opinyon/reaksyon hinggil sa susunod na isyu o usapin. Ipahayag ang
mga ito sa tatlong pangungusap.

1. ___________________________________________________

2. ___________________________________________________

3. ___________________________________________________

Tayahin
14
Panuto: Gamit ang Concept Map, Isulat ang iyong opinyon o
reaksyon sa sanasay na tungkol sa tradisyon ng pamilyang Pilipino.
Isulat ang mga sagot sa kahon ng Map.

Karagdagang Gawain

15
Panuto: Sa tulong ng magulang o mga nakakatanda, magsaliksik ng
iba pang mga tradisyon o kaugaliang ng kulturang Pilipino. Pagkatapos
ay ibigay ang iyong opinyon o reaksyun tungkol sa napiling kagualian.
Pumili lamang ng dalawa at isulat sa kahon sa ibaba.

1.

2.

16
Susi sa Pagwawasto

Suriin
1. b
2. b
3. a
4. c
5. a

17
18
19

You might also like