You are on page 1of 19

4

Pag-aari ng Pamahalaan
HINDI IPINAGBIBILI

Filipino
Unang Markahan - Linggo 3 Modyul 10:
(Pagbasa ng Maikling Tula)

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan - Modyul 10: pagbasa ng maikling tula nang may tamang bilis,
diin,ekspresyon, intonasyon
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang –sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Valencia
Tagapamanihala ng mga Paaralan: Rebonfamil R. Baguio
Koponan ng Pagpapaunlad ng Modyul

May-akda: Mitchell E. Emboltura

Editor: Cathyrine D. Melos


Tagasuri : Emelita F. Rey, PSDS

Tagalapat: Ma. Gelyn G Zerna


Rommel C Villa

Ilustrador: Madilyn P. Saphlot

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Tagapamahala:
Chairperson Rebonfamil R. Baguio
Tagapamanihala ng mga Paaralan

Co-Chairperson Eugene I. Macahis, Jr.


Asst. Schools Division Superintendent

Mga Kasapi: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES


Noemie M. Pagayon, EPS – Filipino
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Valencia
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1
Filipino
4
Unang Markahan - Linggo 3 Modyul 10:
(Pagbasa ng Maikling Tula)

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa pampublikong
paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa
larangan ng edukasyon na ipadala ang inyong mga puna,
komento at rekomendasyon sa pamamagitan ng email sa
Kagawaran ng Edukasyon at region10@deped.gov.ph.
 
Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at
rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

2
3
Ang modyul na ito
Ang modyul na ito ay inihahandog para sa mga mag-aaral ng
asignaturang Filipino sa Ikaapat na Baitang.
` ito ay maingat na inihanda upang nababasa ang maikling tula
nang may mabilis, diin, ekspresyon at intonasyon. Ito ay binubuo ng
sumusunod na mga bahagi:
 Alamin
 Subukin
 Balikan
 Tuklasin
 Suriin
 Pagyamanin
 Isaisip
 Isagawa
 Tayahin
 Karagdagang Gawain

Mahal naming mag-aaral:


Nasa ikaapat na Baitang na kayo ngayon. Binabati namin kayo.
Madaragdagan na naman ang inyong kasanayan at kaalaman.
Ipagpatuloy ninyo ang pagpaunlad sa inyong sarili.

Sana sa paggamit mo nito ay mapaunlad mo pa ang iyong


kaalaman at kahusayan bilang isang mag-aaral sa makabagong
panahon.
Mabuhay ka!

4
Tala para sa guro:
i
Ipabasa sa mag-aaral ang tula nang may tamang
Alamin

Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:

Layunin:

1. Nababasa ang maikling tula nang may mabilis, diin, ekspresyon


at intonasyon

Paano matuto sa Modyul na ito:


Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang mga
sumusunod na mga hakbang;
 Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.
 Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at
pagsasanay.
 Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

5
ii
Mga Icons sa Modyul na ito
Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng
layunin sa pagkatuto na inihanda upang
maging gabay sa inyong pagkatuto.

Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin


upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin.

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan sa


nakaraang aralin at sa iyong bagong
matututunan.

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin.

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa


pamamamagitan ng gawain sa
pagkatuto upang malinang ang iyong
natuklasan sa pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang iyong natutunan mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan na
kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit upang
masusi ang iyong antas ng kasanayan
sa pagkamit ng layunin sa pagkatuto.

Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing


Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

6 iii
Subukin

Panuto: A. Alamin muna ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng


maliit na kahon. Aling pangkat ng mga salita sa malaking kahon ang
maiuugnay mo sa mga nasa maliit na kahon? Isulat ang iyong sagot sa
patlang.
Alagaan kalungkutan matatag

Sandigan tagumpay

Mini-Diksiyonaryo
1.___________________ arugain, kalingain
2.___________________ pundasyon, batayan
3. ____________________ pighati, panglaw
4. ____________________ panalo, wagi
5. ____________________ malakas, matibay

B. Sagutin ng Oo o Hindi ang mga ito upang matukoy ang kahulugan ng


bawat isa.
6. Kapag ang pamilya ay nagbubuklod, ito ba ay nagkakaisa? ______

7. Kapag ang pamilya ay magkaagapay, ito ba ay magkasama sa hirap


at ginhawa? _______

8. Kapag dakila ba ang pagmamahal, ito ba ay may hangganan?


_______

9. Kapag ang isang pamilya ay may kamalayan, may posibilidad bang


alam nila ang katotohanan sa paligid? _______

10. Kapag ang isang pamilya ay nag-aatubili, ito ba ay may pag-


aalangan sa buhay? _______

7 iv
z

Aralin Ang maikling tula nang may

3 tamang bilis, diin,


ekspresyon,intonasyon

Balikan

Bigkasin ng malakas ang tula ( Halaga ng Pamilya)

Halaga ng Pamilya
Ni Arjohn V. Gime

( Yaman ng Lahi p. 11-14 LM)


Pamilya’y dapat alagaan
Sila’y ating sandigan
Sa hirap at kalungkutan
Bawat kasapi’y maaasahan.

Mula pagkabata hanggang pagtanda


Di nagsawa sa pagkalinga
Ipinunlang pag-aaruga
Aning binhi ng pamilya’y masagana.

Pamilyang pinagmulan ay ating buhay


Ama, ina, anak lagging magkaagapay
Ugnayang matatag na walang kapantay
Sama-sama sa pag-abot hangad na
tagumpay.

8
Tuklasin

Itanong: Bakit itinataas ang ating kamay habang binibigkas ang


Panatang Makabayan ?
 Ipabasa sa mga bata ang “Panatang Makabayan”

Panatang Makabayan: Patriotic Oath of the Phil. (https: //


www.tagaloglang.com )

Panatang Makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi,
kinukokop ako at tinutulungang
maging malakas,masipag, at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo
ng aking mga magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin
ng mamamayang makabayan:
naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal
nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap,pagsisikap
sa bansang Pilipinas.

9
Suriin

 Talakayin ang nilalaman ng “ Panatang Makabayan”

 Ituro ang tamang diin, bigkas at lakas ng tinig sa


pagbigkas ng bawat taludtod ng tula.

Panatang Makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi,
kinukokop ako at tinutulungang
maging malakas,masipag, at marangal.

Dahil mahal ko ang Pilipinas,


diringgin ko ang payo
ng aking mga magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,

tutuparin ko ang tungkulin


ng mamamayang makabayan:
naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal
nang buong katapatan.

Iaalay ko ang aking buhay,


pangarap,pagsisikap
sa bansang Pilipinas.
10
Pagyamanin

Ituro ang wastong pag awit sa Lupang Hinirang. Awitin ito sa tamang
kumpas.

LUPANG HINIRANG National Anthem ng Pilipinas


(http://nhcp.gov.ph/resource/national-anthem/)

LUPANG HINIRANG

Bayang magiliw,
Perlas ng silanganan,
Alab ng puso
Sa dibdib mo’y buhay.

Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig
Di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo’y


Tagumpay na nagniningning;
Ang bituin at araw niya,
Kailan pa ma’y di magdidilim.
11
Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya na ‘pag may mang-aapi,
Ang mamatay nang dahil sa iyo.

Isaisip

Paano ang tamang pagbigkas ng tula o awit? Isulat ang iyong sagot sa
loob ng kahon.

______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

12
Isagawa

Panuto: gumawa ng sarili mong tula.

13
Tayahin

Ipabigkas ang “Panatang Makabayan” nang may wasto at malinaw na


bigkas at diin.
Panatang Makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi,
kinukokop ako at tinutulungang
maging malakas,masipag, at marangal.

Dahil mahal ko ang Pilipinas,


diringgin ko ang payo
ng aking mga magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,

tutuparin ko ang tungkulin


ng mamamayang makabayan:
naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal
nang buong katapatan.

Iaalay ko ang aking buhay,


pangarap,pagsisikap
sa bansang Pilipinas.

14
Karagdagang Gawain

Isulat ang iyong mga sagot gamit ang organizer na nasa ibaba.

Susi sa Pagwawasto

15
Subukin
1. Alagaan
2. sandigan
3. kalungkutan
4.tagumpay
5.matatag
6. Oo
7. Oo
8. hindi
9.Oo
10. hindi

Pagyamanin
1.
2.
3.
4.
5.

Isagawa
1.
2.
3.
4.
5.

isaisip
1.
2.
3.
4.
5.

Sanggunian:

Lalunio Lydia P. at Ril Francisca G. (2000). Hiyas ng Wika 5. LG&M


Corporation

16
Jabines Angelika D. (2015) Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa
Filipino 4. Sunshine Interlinks Publishing House Inc.

17
Para sa mga katanungan at mungkahi, mangyaring sumulat o
tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Valencia

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

18

You might also like