You are on page 1of 13

3 Department of Education

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

Music, Arts, Physical Education, and Health


ARTS
Unang Markahan – Modyul 1:
Iba’t Ibang Laki ng Tao sa Larawan

Writer: Luthgarda P. Buhayo


Cover Illustrator: Queenie Joy A. Calumpang

City of Good Character 0

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat para sa iyo. Layunin nito na makita


mo ang pagkakaiba-iba ng laki ng mga tao sa larawan upang
malaman ang distansya nito sa tumitingin. Ang nilalaman o
kasanayan ng aralin ay mapahusay ang iyong kakayanan sa
larangan ng pagguhit. Maaari itong maging dagdag sa iyong mga
kasanayan o talento na balang araw ay maaari mong magamit sa
iyong paglaki. Ang mga gawain sa araling ito ay maaring gawin
kasama ang mga mahal sa buhay na kasama sa bahay. Inayos ang
araling ito sa simpleng pamamaraan upang madali mo itong
matutunan.

Ang modyul ay tungkol sa:


Iba’t ibang laki ng mga tao sa larawan

Pagkatapos na pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


● distinguishes the size of persons in the drawing, to indicate its
distance from the viewer
● Name the different lines, shapes, and colors.
● Identify the size of a person in drawing to indicate its distance
from the viewer.
● Identify which picture of a person will be placed at the back
to show that it is far from the viewer likewise which will be
placed in front to show that it is near the viewer.
● Arrange the persons in drawing to indicate its distance from
the viewer.

City of Good Character 1

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Subukin

Tingnan ang mga larawan. Nakikita mo ba ang pagkakaiba-


iba ng laki nito? Ayusin ang mga larawan ng tao ayon sa distansya
nito sa tumitingin sa pamamagitan ng pagsulat ng titik A, B, C, D o E
sa kahon. Ang titik A ay para sa larawan na pinakamalapit sa
tumitingin. Tingnan ang mga kasunod na laki nito at isulat ang
kasunod na mga titik. Samantala, ang titik E naman ay para sa
pinakamalayo.

City of Good Character 2

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Balikan

Pagmasdan ang larawan.


A. Tanong:
1. Ano-ano ang mga nakikita mo sa larawan?
2. Saan kaya makikita ang ganitong senaryo o larawan sa
lungsod ng Marikina?
B. Ilarawan natin ito:
Ang Marikina ay may ilog. Sa tabi nito ay may mga
nakatanim na mga malalaking puno. Kung ihahambing ito sa dating
itsura nito ay malayo na ang pagkakaiba. Ang ilog ay naging malinis
at maayos na. Kaygandang pagmasdan ang mga waterlily na
dumadaloy sa agos ng tubig sa ilog.
Tuwing umaga at tuwing hapon ay maraming taong
namamasyal dito. Ang ilan ay nagdya-jogging sa umaga at
pagdating sa hapon ang ilan naman ay pinagmamasdan ang
tanawin sa ilog. Sa ganitong paraan ay gumiginhawa raw ang
kanilang pakiramdam. Kung kaya ay marapat lamang na iwasan
natin ang pagtatapon ng basura rito upang mapanatili ang ganda
ng tanawin.
● Pansinin kung paano iginuhit ang mga larawan, mayroon ka
bang nakikita na iba’t ibang guhit? Ano-anong mga guhit ito?
● Pansinin din ang mga iba’t ibang hugis? Ano-anong mga
hugis ang iyong nakita rito?

City of Good Character 3

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Tuklasin

Balikan natin ang iba’t ibang uri ng mga guhit at mga hugis.
Ito ay makatutulong sa iyong pagguhit ng mga larawan ng mga tao
na nagpapakita ng layo o distansya nito sa tumitingin.

Suriin

1. Tingnan muli ang larawan sa bahagi ng Balikan. Pansinin kung


paano iginuhit ang mga tao rito?
Ganito iginuhit ang mga tao sa larawan:

Ang mga tao ay iginuhit ayon sa distansiya o layo sa taong


tumitingin dito. Iginuguhit ang tao na malaki upang ipakita sa
tumitingin na ito ay malapit sa kanya. Habang papalayo ang

City of Good Character 4

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


distansya ng larawan ng mga tao, ito ay iginuguhit nang paliit nang
paliit. Kaya ang pinakamalayong tao ay iginuguhit nang
pinakamaliit.
Tandaan ang tamang puwesto ng mga larawang iguguhit.
Mas madaling makita ang distansiya ng mga larawan ng tao
kung ang posisyon ng mga larawan ay nakapahilig o nakapahilis,
tulad nito:

● Ang arow ( ) pataas na nakapahilig ay naglalarawan sa


distansiya o layo ng mga larawan ng tao sa tumitingin.
● Maari rin namang iguhit ang larawan ng mga tao sa diretsong
linya o hanay.
Ganito ang magiging itsura ng larawan ng mga tao kung ito
ay iguguhit sa diretsong linya o hanay.

City of Good Character 5

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Tandaan na ang pagguhit ng larawan ng mga tao ay
magsisimula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit. Maaring
gumamit ng mga iba’t ibang linya at mga hugis upang maiguhit ang
larawan ng tao.

Pagyamanin

Tingnan ang ayos ng mga larawan. Lagyan ng tsek (√ ) ang


kahon kung ang mga larawan ay nagpapakita ng tamang puwesto
ayon sa posisyon nito sa tumitingin. Ekis (X) kung hindi.
Note: Para sa ilustreytor, pakisuyo po iguhit ang katawan ng
mga bata ayon sa pwesto nito. No.1, 2, at 5.

City of Good Character 6

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Isaisip

Iginuguhit ang larawan ng tao na malaki upang ipakita sa


tumitingin na ito ay malapit sa kanya. Kapag malayo ang distansya
ng larawan ng tao sa tumitingin, ito ay iginuguhit nang maliit.
Tandaan din ang tamang puwesto ng mga larawang iguguhit.
Maaaring iguhit ang larawan ng mga tao sa posisyong padahilig
upang maipakita nang mabuti ang distansiya ng mga tao sa isa’t isa.
Ngunit maaari rin namang iguhit nang padiretso.

Isagawa

Gupitin ang mga larawan upang maisaayos ang mga larawan ng


mga tao ayon sa distansya ng tumitingin. Idikit ang mga larawan sa
blangkong pahina kasunod nito.

City of Good Character 7

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Idikit dito ang mga larawan.

A.

B.

C.

D.

City of Good Character 8

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Tayahin

Tingnan ang mga larawan. Nakikita mo ba ang pagkakaiba-


iba ng laki nito? Ayusin ang mga larawan ng tao ayon sa distansya
nito sa tumitingin sa pamamagitan ng pagsulat ng titik A, B, C, D o E
sa kahon. Ang titik A ay para sa larawan na pinakamalapit sa
tumitinign. Tingnan ang mga kasunod na laki nito at isulat ang
kasunod na mga titk. Samantala, ang titk E naman ay para sa
pinakamalayo.

https://www.google.com/search?q=picture+of+a+boy+in++drawing+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwjJ5
LjKkefpAhVJ9pQKHTg-ArMQ2-
cCegQIABAA&oq=picture+of+a+boy+in++drawing+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQA1DRsAFYnuUBYLns
AWgBcAB4AYAB0gOIAeITkgEKMTAuNy4yLjAuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img
&ei=o1_YXomHBcns0wS4_IiYCw#imgrc=le5VRaTibWYILM&imgdii=ifdYoyCo7OUcGM

City of Good Character 9

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Karagdagang Gawain
Kumuha ng isang bond paper at gumuhit ng limang (5) larawan ng
tao na nagpapakita ng distansya sa tumitingin dito. Basahin ang
gawain.
Pagguhit ng Iba’t Ibang Tao sa Larawan
Mga Kagamitan: lapis, bond paper, krayola
Pamamaraan:
1. Umisip at gumuhit ng isang kalye malapit sa inyong bahay.
2. Dagdagan ito ng larawan ng mga tao na iba’t iba ang laki
ayon sa layo o distansya ng tumitingin.
3. Kulayan ang iyong iginuhit.
4. Lagyan ng angkop na pamagat ang iyong natapos na
likhang sining.
5. Ipakita mo ito sa iyong mga pamilya at isalaysay ang tungkol
sa iyong iginuhit na larawan.

Rubriks: Tingnan muli ang iyong likhang sining. Sagutin ang mga
tanong sa ibaba. Lagyan ng bituin ( ) kung ito ay iyong nagawa
at tatsulok ( ) naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

Pamantayan

1. Nakagawa ako ng iba’t ibang laki ng tao sa


komposisyon ayon sa distansiya o layo nito sa
tumitingin.

2. Nakagawa ako nang maayos at malinis.

3. Nalagyan ko ng angkop na pamagat ang


aking ginawa.

City of Good Character 10

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


4. Nakaramdam ako ng pagmamalaki at
kasiyahan habang ginagawa ko ito.

5. Nakatapos ako nang tama sa oras.

Susi sa Pagwawasto

D x C
B √ A
A √ E
C x B
E √ D
Tayahin Pagyamanin Subukin

Sanggunian
Mga Libro:
MAPEH 3 (ARTS) LM p. 117-118
MAPEH 3 (ARTS) TG
Mga Larawan:
https://www.google.com/search?q=picture+of+a+boy+in++drawing+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwjJ5
LjKkefpAhVJ9pQKHTg-ArMQ2-
cCegQIABAA&oq=picture+of+a+boy+in++drawing+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQA1DRsAFYnuUBYLns
AWgBcAB4AYAB0gOIAeITkgEKMTAuNy4yLjAuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img
&ei=o1_YXomHBcns0wS4_IiYCw#imgrc=le5VRaTibWYILM&imgdii=ifdYoyCo7OUcGM

https://www.google.com/search?q=picture+of+a+boy+in++drawing+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwjJ5
LjKkefpAhVJ9pQKHTg-ArMQ2-
cCegQIABAA&oq=picture+of+a+boy+in++drawing+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQA1DRsAFYnuUBYLns
AWgBcAB4AYAB0gOIAeITkgEKMTAuNy4yLjAuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img
&ei=o1_YXomHBcns0wS4_IiYCw#imgrc=le5VRaTibWYILM&imgdii=ifdYoyCo7OUcGM

City of Good Character 11

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Luthgarda P. Buhayo (MALES)


Editor: Noli L. Bragais (SEHS)
Tagasuri:
Tagaguhit: Mark P. Aruta (NES)
Tagalapat: Roxanne R. Tamayo (JDPNHS)
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe - CID
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Jovita Consorcia F. Mani


Superbisor sa MAPEH

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa LRMS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character 12

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like