You are on page 1of 19

Module 1 Lines, Textures, and Shapes

Days of Learning: September 24-Oct 8, 2021

Demonstrates understanding of lines, texture, shapes and depth, contrast (size, texture)
through drawing.

Creates an artwork of people in the province/region. On-the-spot sketching of plants trees,


or buildings and geometric line designs.

For this module, the following demonstrates a learning standard in which you will review
and check the column that describes your own learning.

Learning
Standards I understood and I I understood I could understand
could teach others and I could do it with the help of
others
Distinguishes the size of persons
in the drawing, to indicate its
distance from the viewer.
Show the illusion of space in
drawing the objects and persons
in different sizes
Describe the way of life of people
in the cultural community

Explain that artist create visual


textures by using a variety of
lines and colors

Discuss what foreground, middle


ground, and background, are all
about in the context of a
landscape
Create a geometric design by
contrasting two kinds of lines in
terms of type or size.
Sketch on-the-spot outside or

1|Page
near the school to draw a plant,
flowers or a tree showing the
different textures and shape of
each part, using only a pencil or
black crayon or ballpen
Design a view of the
province/region with houses and
buildings indicating the
foreground middle ground and
background by the size of the
objects.

Bago mo simulan ang iyong modyul, sumulat ka ng isang panalangin upang magabayan ka
sa pagsagot sa iyong mga gawain.

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Aralin 1 1 Iba’t ibang laki ng tao sa larawan

Ikaw ba ay batang mahilig sa mga kulay? O batang mahilig gumuhit? Tara na, samahan mo
akong palaguin ang iyong talent sa Sining.

Nakikita mo ba ang sarili mo sa mga batang nasa ibaba? Sila ay katulad mo na nag-aaral
din. Mga batang ang hilig ay pumasok at mag-aral. Masdan mo silang mabuti.

1. Sino-sino ang mga nasa larawan? Maaari mo ba silang bigyan ng pangalan?


__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2|Page
2. Base sa iyong pagtingin, paano mo ipapaliwanag ang distansya ng bawat bata?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Tayo naman ay tumungo kung paano natin mas papalawakin ang iyong kaisipan patungkol sa
iba’t ibang laki ng tao sa larawan.

Sa larawan, ang laki ng mga tao ay magkakaiba. Ipinakikita nito ang distansiya ng tumitingin.
Maliit tignan kung ito ay malayo sa tumitingin at Malaki naman kung ito ay malapit.
Tignan ang larawan sa ibaba.

Malaki ang larawan kapag malapit ang tumitingin.


Maliit ang larawan kapag malayo ang tumitingin.

Gawain

Lagyan ng tsek( /) ang loob ng kahon kung ang larawan sa bawat aytem ay nagpapakita ng
distansiya mula sa tumitingin at ekis (X) naman kung hindi.

3|Page
a

AARALIN 2 Ilusyon ng Espasyo

4|Page
Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan upang maging makabuluhan ang isang
likhang-sining sa pagguhit. Kailangang maiguhit nang malaki ang mga bagay na malapit sa
tumitingin at maliit naman kung ang mga ito ay malayo sa tumitingin

Masdang mabuti ang larawan. Tuklasin kung paano ito ginagamitan ang ilusyon ng espasyo.

Ip
inapakita ang ilusyon ng espasyo sa pagguhit ng mga bagay at mga tao na may iba’t ibang laki o
sukat. Ang paggamit nito ay isang paraan na matutuklasan mo upang ipakita ang layo o distansiya,
at lalim at lawak ng likhang-sining. Kung malayo sa tumitingin ang isang bagay, maliit itong
tingnan. Malaki naman kung ito’y malapit sa tumitingin. Sa pagguhit, nabibigyan halaga ito ng isang

Pagmasdang mabuti ang larawan ng mga punongkahoy na nasa itaas. Makikita sa


punongkahoy A ang distansiya hanggang sa punongkahoy D. Nagpapahiwatig ito na may iba’t ibang
distansiya ang mga punongkahoy. Matitiyak na malaki ang sukat ng distansiya mula sa
punongkahoy A hanggang punongkahoy B sapagkat ito’y malapit sa tumitingin. Katamtaman naman
ang distansiya ng punongkahoy B at C. Ito ay nangangahulugan na di masyadong malapit ang mga
ito sa tumitingin. Pinakamalayo naman ang distansiya ng punongkahoy D mula sa guhit ng
punongkahoy A.

Sa iyong pagsusuri masasabi mo ba na ang ilusyon ng espasyo ay mahalaga sa paggawa ng


sining na ikinaliligaya ng ating mga mata at lubha natin itong pahahalagahan?

Gamit ang larawan sa itaas, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Alin sa mga punongkahoy ang malayo sa paningin?


a. punongkahoy A b. punongkahoy C c. punongkahoy B C d. punongkahoy D

2. Alin sa mga punongkahoy ang malapit sa paningin?


a. punongkahoy A b. punongkahoy B c. punongkahoy C d. punongkahoy D

3. Bakit malaki ang guhit ng punongkahoy A?


a. malapit sa tumitingin b. malayo sa tumitingin
c. pinakamalayo sa tumitingin d. pinakamakitid sa tumitingin

5|Page
4. Kailan masasabi na malayo sa paningin ang isang guhit?
a. kapag ito ay malapit b. kapag ito ay pinakamalapit
c. kapag ito ay malayo. d. kapag ito ay katamtaman.

5. Paano masasabi na ang punongkahoy A ay malapit ang espasyo sa tumitingin.


a. iginuhit na maliit b. iginuhit na katamtaman
c. iginuhit na Malaki d. iginuhit na malayo

Gawain 1
Lagyan ng tsek( /) ang bawat bilang kung ang larawan sa bawat aytem ay nagpapakita ng
distansya mula sa tumitingin at ekis (X) naman kung hindi.

Gawain 2

Iguhit sa iyong sagutang papel ang mukhang masaya  kung ang larawan ay nagpapakita
ng ilusyon ng espasyo at mukhang malungkot 
naman kung ito ay hindi.

6|Page
1._____ 2._____

3._____ 4._____

5._____

Sa isang sining, maliit ang bagay kung malayo ang distansya sa paningin at malaki ang bagay kung
malapitan. Ito ay tinatawag na ilusyon ng espasyo.

7|Page
ARALIN 3 Paglinang sa tekstura ng larawan

Mayroong iba’t ibang paraan para lalong pagandahin ang paglikha ng isang larawan.
Epektibong nahuhubog ang paggayak sa larawan sa pamamagitan ng mga kasanayan sa pagguhit at
pagkulay.
Nakapagbibigay ng mas makatotohanang anyo sa larawan ang paglinang sa visual
texture. Ang tekstura ng larawan ay tumutukoy sa pang-ibabaw na kaanyuan na nagpapamalas ng
kapal o nipis ng anyo sa pamamagitan lamang ng pagtingin dito.
Ang tekstura ng larawan ay maaaring linangin sa paggamit ng linya, tuldok at mga kulay. Masining
na pinag-ekis-ekis ang patayo at pahalang na

Masining na pinag-ekis-ekis ang patayo at pahalang na


mga linya sa paggayak ng crosshatching. Kapag magkalapit
at makapal ang ginawang shading, ay mas mabigat na
tekstura ang naipapamalas.

Ginagamitan
ng mga tuldok ang pagdisenyo sa larawan sa paraang
pointillism. Kapag mas marami ang dami ng tuldok, ay
nakapagbibigay ng makapal na tekstura. Manipis
naman kapag madalang ang dami ng tuldok.

Nabibigyan naman ng makatotohanang kaanyuan ang


larawan kapag ginamitan ng angkop na mga kulay.
Naipapamalas ang kahusayan sa pagguhit sa
pamamagitan ng masining na paghalo ng kulay o color
blending.

1. Ang visual texture ay tumutukoy sa pang-ibabaw na kaanyuan ng larawan na nagpapamalas ng


kapal o nipis sa pamamagitan lamang ng pagtingin dito.
2. Ang tekstura ng larawan ay maaaring linangin sa paggamit ng linya, tuldok at mga kulay.
3. Masining na pinag-ekis-ekis ang patayo at pahalang na mga linya sa paggayak ng crosshatching.
4. Ginagamitan ng mga tuldok ang pagdisenyo sa larawan sa paraang pointillism.
5. Naipapamalas ang kahusayan sa pagguhit sa pamamagitan nang paghalo ng kulay o color
blending.

Gawain:
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

8|Page
1. Ang larawan na nasa itaas ay nagpapakita ng kaugaliang Pilipino na ____________.
a. Clean and Green c. Piyesta sa Bayan
b. Bayanihan d. Brigada Eskwela

2. Batay sa larawan na nasa itaas, ano-anong mga elemento ng visual texture ang nakikita?
a. tint, shade at contrast b. primary, secondary at tertiary colors
c. linya, tuldok at kulay d. parisukat, tatsulok at bilog

3. Ito ay tumutukoy sa pang-ibabaw na kaanyuan ng larawan na nagpapamalas ng kapal o nipis sa


pamamagitan lamang ng pagtingin dito.
a. logo c. landscape painting
b. visual texture d. variation

4. Anong uri ng disenyo ang makikita sa larawang banga?


a. cross hatching b. hatching
c. pointillism d. tint

5. Mas mabigat na tekstura ang nakikita kapag ang mga linya ay ____.
a. dikit-dikit at makapal c. malayo sa isa’t isa
b. manipis at madalang d. pahilis at pakurba

AARALIN 4 PAGKILALA SA BALANSE

Ang foreground ay bahagi ng larawan na mukhang nasa harap. Malaki ang pagkaguhit
nito upang malapit ito sa mata ng tumitingin.

9|Page
Kapag ang bahagi ng pagguhit na namamalagi sa pagitan ng foreground at background
ito ay tinatawag na middle ground. Ang background naman ay bahagi ng larawan na lilitaw at tila
nasa likuran. Maliit ang pagkaguhit nito upang dumistansiya sa tumitingin ng larawan.

Ang isang artist na katulad mo ay maaaring maipakita ang bagay na maging malaki o
maliit sa paggguhit depende sa paglalagay o posisyon ng foreground, middle ground, at
background.

Ang mga bagay sa foreground ay karaniwang malaki dahil nagpapakita sila ng bahaging
harap at pinakamalapit sa tumitingin nito habang ang mga bagay sa background ay lumilitaw na
maliit para malayo sa tumitingin nito. Ang mga bagay na nasa middle ground naman ay
matatagpuan sa pagitan ng background at foreground.

GAWAIN

Panuto: Suriin ang larawan sa pahinang ito. Tukuyin ang balanse ng landscape kung ito ay
foreground, middle ground o background nito.

ARALIN 5 PAMUMUHAY KULTURANG PAMAYANAN

Ang paglalarawan ng kulturang pamayanang pamumuhay ng mga Pilipino ay nakabatay sa


saganang likas na yaman na nasa isang pamayanan. Naihahalintulad din ang kultura ng isang
pamayanan ayon sa paraan ng pamumuhay ng mga tao.

10 | P a g e
Patunay rito ang sinasabing pinakapopular sa lahat ng mga pinta ni Fernando
Amorsolo, ang bantog na “Planting Rice”. Sa 3 obrang ito, makikita na masayang nagtatanim ng
palay ang mga magsasaka at hindi batid sa kanilang mga mukha ang pagod sa ilalim ng matinding
sikat ng araw.

Maraming uri ng trabaho sa iba’t ibang lugar ng ating bansa. Ang bawat lugar ay
mayroong pangunahing mapagkukunang kita. Depende sa sitwasyong pantopograpiya, klima, at
kultura nito. Gaya ng pangingisda, ang pamayanang ito ay kadalasang nasa tabi ng dagat o ilog.
Ang pagsasaka, ito ay ang pagtatanim ng mga binhi at may aanihin sa darating na araw. Ang pag-
oopisina ay pagtatrabaho sa isang kompanya na kadalasan ay tungkol sa ika-uunlad ng negosyo.
Ang pagtitinda ay isa ring pangkabuhayang pangnegosyo na mapagkakakitaan. Ang
pagmimina naman ay isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga yamang mineral mula sa lupa.

Piliin ang sagot na nasa loob ng kahon kung anong uri ng pamumuhay ang ipinapahiwatig ng
bawat pangungusap. Isulat mo ang iyong sagot sa patlang.

Pagsasaka Pagmimina Pagtitinda Pangingisda

Pag-oopisina

__________1. “Sariwa at presko ang mga isdang kinakain namin na laging nahuhuli ni Tatay
Kardo sa ilog”, sabi ni Karla.
__________2. Maagang umalis si Gng. Reyes upang hindi mahuli sa pinapasukang bangko.
__________3. “Ang paghuhukay at pagkuha ng yamang-mineral sa lupa ay napakadelikadong
trabaho”, sabi ni Mang Andoy.
__________4. Masaya ang Pamilya Dela Cruz dahil malapit na ang anihan ng palay sa kanilang
bukirin.
__________5. Naglalako ng gulay si Linda sa aming lugar tuwing Biyernes.

Ang bayanihan ay kusang loob na pagtulong ng walang anumang kapalit.

Sa
panahon ng Kastila, ang bayanihan ay inilalarawan bilang ang paglilipat ng bahay na bubuhatin ng
mga kalalakihan at kasabay ng pag-aawit upang di gaano madama ang kabigatan nito. Isa ito sa
mga tradisyonal na kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang pagkakaisa at pagtutulungan.

11 | P a g e
Hindi pa rin nawawala ang kaugaliang ito sa ngayon gaya ng may masiraang sasakyan,
maaaring magtulungan sa pagtutulak upang mapaandar ito. Maraming paraan upang tayoý
makatulong sa kapwa maliit man o malaki. Ang taong taos pusong tumutulong sa kapwa ay siyang
may malasakit at dangal.

Gawain A

Isulat sa patlang ang tsek ( / ) kung ang pangungusap ay naglalahad ng pagtulong at ekis (X) kung
hindi.
_____1. Panahon ng magnakaw kung may pangyayaring sunog.
_____2. Nagbibigay donasyon sa mga nasalanta sa bagyo.
_____3. Nakakataba ng puso ang taos pusong pagtulong.
_____4. Humingi ng bayad o suhol sa pagtulong.
_____5. Ipinagdarasal ang mga nagiging biktima ng lindol.

Gawain B
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Dala-dala’y lambat, minsaý sumisisid. Kami ay ________.
a. mangangaso b. mangingisda c. minero d. magsasaka

2. Ano ang pinakapopular na pinta ni Fernando Amorsolo na naglalarawan ng kulturang pamayanang


pamumuhay?
a. Planting Corn b.Planting Rice c. Planting Fruits d. Planting Seeds

3. Bakit mahalagang alamin ang kulturang pamayanang pamumuhay?


a. Mahalaga ito dahil kinakailangan sa lipunan.
b. Mahalaga ito upang malaman ang estado ng buhay.
c. Mahalaga ito upang ikumpara ang sarili sa ibang tao.
d. Mahalaga ito dahil dito makikita ang ugali ng kulturang Pilipino ayon sa kanilang pamumuhay.

4. Bakit kailangan nating ibahagi ang talento sa iba gaya ng pagpipinta?


a. Mahalaga ito upang maipagmalaki ko ang aking sarili at ipakita na marunong ako sa lahat ng
bagay.
b. Mahalaga ito para maging tanyag ako sa aming lugar na ako’y marunong sa larangan ng
pagpipinta.
c. Mahalaga ito upang makatulong sa kapwa na mas pagbutihin ang ginagawa nila at maging
inspirasyon.
d. Mahalaga ito para matalbugan ko ang ibang pintor

5. Kung karamihan sa iyong pamayanan ay magsasaka, ikahihiya mo ba sila?


a. Oo, dahil madungis sila tingnan.
b. Oo, dahil hindi ko pinangarap na maging magsasaka.
c. Hindi, dahil wala silang halaga.
d. Hindi, dahil isa sa pinakamahalagang tao sa lipunan ang mga magsasaka. Kung walang
magsasaka wala tayong kakainin.

ARALIN 6 Panglikhang Geometrikong Disenyo


12 | P a g e
Ang geometrikong disenyo ay isang bahagi ng sining. Ito ay hindi puwedeng mahiwalay sa
sining. Nagbibigay ganda ito sa sining at likha.

Sa paglikha ng geometrikong disenyo, dito magagamit ang iba’t ibang uri ng linya at hugis.
Ang geometrikong disenyo ay walang ibig iparating na kahulugan dahil ito’y iyong sarili, libre, at
malayang likha.

Ang linya ay isa sa mga elemento ng sining. Ito ay itinuturing na pinakasimpleng paglikha ng biswal
na sining. May dalawang uri ng linya. Ito ay ang linyang tuwid at linyang pakurba.

Mga Linyang Tuwid

patayo pahiga pahilis pasigsag

Mga Linyang Pakurba

Pabalantok paikid paalun-alon

Sa paggamit ng linya ay marami kang magagawa o mabubuo na sining kagaya ng


geometrikong disenyo.

Gawain A

13 | P a g e
Buuin ang sumusunod na mga linya sa bawat bilang upang makabuo o makagawa ng isang
hugis. Iguhit ang iyong sagot sa espasyo na nasa ibaba.

GAWAIN B

Panuto: Tukuyin ang tamang uri ng linya sa sumusunod na salita.

1. kidlat - ____________________

2. alon- ______________________

3. ulan- ______________________

4. bola- ______________________

5. poste- ______________________

ARALIN 7 Pagpapakita tekstura Hugis

14 | P a g e
Ang pagguhit ay isang uri ng biswal na sining. Ito ay isang pamamaraan kung saan
naipapakita o naipapalabas ng tao ang kanyang saloobin o damdamin.
Sa pagguhit, unang nilikha ang linya upang makabuo ng porma at ito ay mas magiging
ekspresibo o makahulugan kung may tekstura at hugis.

Sketch
Ang sketching ay pinakamadali at simpleng paraan sa pagguhit ng saloobin o ideya.
Ginagamitan ito ng mga linya at mga hugis para makabuo ng sketch.
Maliban sa mga linya at mga hugis, magagamit rin ang mga tekstura sa paggawa ng sketch.
Ang tekstura ay isa ring elemento ng sining. Ito’y maaaring magaspang, makinis, malambot o
matigas.
Tingnan mo ulit ang larawan sa itaas at sagutin ang sumusunod na tanong.
● Ano ang hugis ng nasa larawan?
● Ano naman ang tekstura nito? Ito ba ay makinis o magaspang? Malambot o matigas?

Pagmasdan nang mabuti ang mga sketch sa susunod na pahina. Iba-iba ang hugis at tekstura
ng bawat larawan.
● Ano ang iyong napansin sa hugis at tekstura ng bato, apa, unan?
● Ang mga larawan ba ay nagpapakita ng iba’t ibang tekstura at hugis?

Ang sketching ay isang di-kompleto na sining na kadalasan ay kulang ng kulay at detalye.


Ito ay ginagamit na giya o gabay ng mga pintor sa paggawa ng kanilang mga obra maestro o
likhang-sining. Kailangan sa sketching ang mga hugis at tekstura upang ito ay mabuo na gamit ang
lapis, itim na krayola o bolpen.

Gawain A

Maghanap ng dalawang bagay na makikita sa loob ng inyong bahay at isulat ang kanilang
tekstura at hugis.

15 | P a g e
Pumili ng isa na iyong gustong gawan ng sketch.
Sumulat ng isa o dalawang pangungusap kung bakit ito ang napili mo.
Sabihin ang kahalagahan nito sa iyo.

Bagay Tekstura Hugis

Gawain B

Gumawa ng sketch ng mga bagay na makikita sa labas ng inyong bahay na nagpapakita ng


iba’t ibang uri ng tekstura at hugis gamit ang lapis o itim na krayola o bolpen. Bigyan ng puntos
ang iyong likhang-sining base sa sumusunod na rubrik.

Rubrik 3 2 1
Pinakama Mahusay Hindi
husay Mahusay
1. Naiguhit ang isang halimbawa ng likas na yaman na
nagpapakita ng hugis at tekstura na makikita sa
labas ng inyong bahay.
2. Nakagawa ng isang sketch na bagay na gusto bago
sa huling dibuho.

3. Klaro ang tekstura at hugis na iginuhit.

4. Naipahayag ang damdamin pagkatapos ng likhang-


sining.

Performance Task

Magkakaroon ng artwork exhibit sa inyong pamayanan. Bilang isang artist ay hinihikayat


ang mga kabataan na sumali sa nasabing gawain at ibahagi ang kanilang ideya at kultura.
Ikaw ay gaganap bilang isang Artist. Lumikha ng likhang-sining base sa mga natural na bagay na
makikita sa paligid. Ang mga batang mag-aaral sa ikatlong baitang na intrisado sa likhang-sining
ang titingin sa nasabing artwork. Ito ay tatayahin batay sa pamantayan.

16 | P a g e
Panuto: Gumihit ng likhang-sining base sa mga natural na bagay na makikita sa paligid.

Rubrik sa Likhang Sining


3 2 1
Pamantayan Napakahusay Mahusay Kailangang
Paunlarin

1. Nakagawa ng isang disenyo.

2. Naipamalas ang pagkamalikhain

3. Naisagawa sa takdang panahon ang likhang-disenyo

4. Sinikap maging malinis at maayos ang gawa.

5. Pinanatiling malinis ang kapaligiran habang


gumagawa.

17 | P a g eIKSPS
Bilang isang katutubong mag-aaral, sa paanong paraan mo masusukat ang malayo at
malapit na distansiya ng mga puno na nakapaligid sa inyong bahay?

______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

Magaling! Binabati kita iyong napagtagunpayan ang


module na ito.

Based on our lesson, what are your new learning and realizations as a child of God? In the
space below, write your lesson’s reflection. A related Bible verse is also provided below to
help and guide you more on the reflection you will formulate. Together, let us do things
toward His Holiness because we are precious in His eyes.

Hebreo 13:16
At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ng pagtulong sa kapwa, sapagkat
iyan ang alay ng Diyos.
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

We would like to ask for comments from you and your parents about this module.
You can provide suggestions. Write it inside the box below. Remember, we are
learning together so every suggestion that comes from you is important.

_______________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

For Parents / Guardians:

18 | P a g e Your observations are important to us. Write in the box your observations of your
child while answering this module.
Observations:____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
Questions:______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
Suggestions:____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
Cellphone Number:______________________________

Music, Arts, Physical Education and Health 3 Gabay ng Guro pp. 128-130 Music, Arts, Physical
Education and Health 3 Kagamitan ng Magaaral pp.120-123

19 | P a g e

You might also like