You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Tanauan City
District of Tanauan City North
PANTAY ELEMENTARY SCHOOL
Pantay Matanda, Tanauan City

IKAAPAT NA MAHABANG PAGSUSULIT SA MAPEH 5


SY 2016 2017

Pangalan: ______________________________________________ Petsa: __________________


Baitang at Seksyon: ____________________________________ Marka: _________________

I. MUSIC
A. Isulat ang simbolo ng bawat antas ng dynamics. (1-3)
______1. Cresendo
______2. Decresendo
______3. Katamtamang lakas sa pag-awit
______4. Mahinang pag-awit
______5. Malakas na pag-awit

B. Tukuyin ang elementong musikal ang ginamit sa bawat bilang.


A. dynamics C. moderato E. presto
B. largo D. Pandangguhan F. tempo
______6. Si Gerald ay umawit ng Ang Bayan Ko ng naaayon sa tamang paglakas at paghina nito.
______7. Ito ay ang elemento ng musika na tumutukoy sa bilis o dalang ng daloy o galaw ng ritmo at
melodiyang isang awit o tugtugin
______8. Sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay inawit ng mga mag-aaral sa Ikalimang Baitang Ang
Paru-parong Bukid ng may katamtamang bilis.
______9. Ang tempong mabilis na nagmamadali.
______10. Mabagal ngunit matatag ang tempong ginamit ni Aiza Seguerra sa awiting Sa Ugoy ng
Duyan
______11. Ang awiting may tempong vivace o tempong mas mabilis sa allegro.

C. Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B.


Hanay A Hanay B
______12. Ito ay mga harmony ang binubuo ng 3 nota A. do
______13. Ugat ito ng harmonyang tonic. B. so
______14. Ito ang ugat na nota ng dominant sa major scale. C. subdominant
______15. Ang ibang katawagan sa Roman numeral IV na triad D. triad

II. ARTS
Panuto: Isulat kung TAMA o MALI ang pahayag ukol sa paggawa ng paper beads, mobile o mache.
______16. Ang paper beads ay gawa mula sa bililot o inirolyo na maliliit na papel na kinulayan at
dinisenyuhan.
______17. Ang paggawa ng paper beads ay nagmula pa noong unang panahon sa bansang Tsina.
______18. Isang teknik sa paggawa ng paper beads ay ang pagsukat ng bibiluting papel upang
makagawa ng pare-parehong laki at hugis ng paper beads.
______19. Kinakailangan na matiyaga at masusi ang paggawa ng paper beads.
______20. Ang simpleng mobile ay gawa sa isa o dalawa bagay o disenyo na nakasabit sa
pamamagitan ng tali o lubid.
______21. Hindi na isinasaalang-alang na balanse ang mobile na ginawa dahil gagalaw din ito.
______22. Sa paggawa ng mobile kinakailangan ang tamang espasyo ng mga palamuting disenyo
upang magkaroon ng balance.
______23. Ang paper mache ay ginawa mula sa sa papel na inirolyo upang makabuo ng beads.
______24. Sa paraang paggamit ng pinilas na papel, mahalaga na magkaroon ng moldeng gawa sa
matigas na bagay tulad ng kahoy.
______25. Sa paggawa ng paper mache o taka mahalaga na hilaw ang gagamiting pandikit.

III. Health
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat katanungan.
_____26. Ano ang pangunahing layunin ng pangunang lunas?
A. Mabigyan ng agarang tulong ang biktima.
B. Upang maipagyabang sa mga kaibigan na magaling ka.
C. Upang magamot mo agad ang iyong sarili lamang.
D. Upang maiwasan ang sakuna.
_____27. Bakit kailangan matutunan natin ang pagbibigay ng pangunang lunas?
A. Upang maisalba ang buhay ng mga nangangailangan nito.
B. Upang maipagyabang sa mga kaibigan na magaling ka.
C. Upang maampat kaagad ang pagdurugo ng biktima.
D. Upang makatipid sa gastos at hindi na dalhin sa ospital ang biktima.
_____28. Sobrang init ng panahon, walang tigil ang pagpapaypay ng magkaklase sa silid-aralan sa
hindi inaasahang pangyayari ay dumugo ang ilong ni Rosita. Ano ang iyong gagawin?
A. huwag pansinin C. tawagin ang guro.
B. pasingahin D. tulungang maupo ng tuwid at isandal ang likod.
_____29. Naghihiwa ng sangkap para sa kanyang lulutuin ang iyong ate. Sa hindi inaasahang
pangyayari ay nahiwa niya ang kanyang daliri ng isang matalas na kutsilyo. Ano ang
pangunang lunas na pwede mong ilapat sa kanyang sugat?
A. hugasan ang kamay na nasugatan ng malinis na tubig at sabon.
B. takpan ang sugat ng bandage.
C. lagyan ng gamot o antibiotic ang sugat.
D. sipsipin ang dumurugong sugat.
_____30. Paano maiiwasan ang mga karaniwang pinsala o aksidente?
A. Pag-iingat at disiplina sa sarili
B. Padalos-dalos na kumilos.
C. Pabayaang nakakalat ang mga laruan pagkatapos gamitin.
D. Pabayaan na lamang ang nabasang sahig.
______31. Oras ng reses nagtatakbuhan ang mga bata, pinagkakaguluhan nila si Allan sapagkat siya
ay natapilok. Ano ang iyong gagawin?
A. tumawag ng maghihilot.
B. buhatin at iupo sa isang tabi.
C. lagyan ng balangkat ang bahaging napinsala.
D. ipahinga ang bahagi na may sprain o bali.
______32. Nabunggo ang isang lalaki ng humahagibis na motorsiklo, natumba ito at nawalan ng malay,
nagkagulo ang mga tao sa paligid. Nasaksihan ito ni Rommel kaya siya ay dali-daling
lumapit upang makatulong. Ano kaya ang unang ginawa ni Rommel paglapit niya sa
biktima?
A. Tiniyak muna niyang humihinga ang biktima kahit wala itong malay bago humingi ng tulong.
B. Pinaalis niyang isa-isa ang mga tao sa paligid.
C. Binuhat agad nila ang lalaki at itinakbo sa pinakamalapit na ospital.
D. Tinanong ang biktima kung anong pangalan at tagasaan.
______33. Sa BSP Encampment, nabalian ng braso ang isang batang iskawt habang nagsasagawa ng
isang gawain. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng kanyang mga kasama?
A. Iwanan ang biktima upang humingi ng saklolo
B. Usungin ang biktima pabalik sa kanilang tent.
C. Tumawag ng doctor upang masuri ang biktima.
D. Lagyan ng balangkat ang bahaging napinsala.
______34. Naglalaro sa parke ang magkapatid na Andi at Angel. Sa kanilang pagtatakbuhan, nadapa
si Andi sanhi ng pagkakaroon ng mahabang gasgas sa kanyang tuhod. Alin sa mga
sumusunod ang maaaring gawin ni Angel upang mabigyan ng pangunang lunas ang sugat
na natamo ng kanyang kapatid?
A. Maghanap ng dahon ng saging at katasin ito upang maipatak sa sugat ni Andi.
B. Hugasan ng malinis na tubig upang maalis ang mikrobyo.
C. Humingi ng alcohol upang maipanlinis sa sugat.
D. Punasan ng malinis na panyo upang maampat ang pagdurugo ng sugat.
______35. Habang naglalakad pauwi sa tahanan, biglang binalinguyngoy ang kaklase ni Macmac. Ano
ang dapat niyang gawin upang matulungan ito.
A. Paupuin ang kaklase na bahagyang nakayuko ang ulo.
B. Pasingahin ang kaklase ung lumabas lahat ng dugo.
C. Pisilin ng mga daliri ang ilong ng kaklase upang maampat ang pagdurugo.
D. Iwanan ang kaklase upang makahingi ng saklolo.
______36. Mahilig maggala si Ronald sa bahay ng kanyang mga kaibigan. Isang araw maaga siyang
pumunta kina Anthony at sa kasamaang palad ay hindi niya alam na nakawala ang aso ng
mga ito ay nakagat siya. Ano ang paunang lunas na pwede nating ilapat sa kanya.
A. Hugasan at sabunin ang sugat.
B. Dalahin kaagad sa pinakamalapit na ospital
C. Lagyan ng hot compress ang sugat nito.
D. Hayaang nakatayo ang pasyente
_____37. Nasa camping si Angela, kasalukuyan silang nasa gubat para sa isa nilang aktibidad bigla
lang nakaramdam ng pagkagat ng laywan sa kanyang braso. Ano ang paunang lunas na
pwedeng ibigay kay Angela?
A. Alisin ang stinger.
B. Lagyan ng hot compress.
C. Ipagwalang bahala.
D. Sipsipin ang bahaging nakagat ng insekto.
____38. Maagang nagising si Andrea at masigla siyang naglalaro sa kusina habang naghahanda ng
almusal ang kanyang nanay. Ngunit bigla nitong nasagi ang tasa na may lamang kape na
naging sanhi ng kanyang pagkapaso. Ano ang dapat unang gawin ng kanyang nanay?
A. Balutin ng malinis na damit o tela ang napaso.
B. Palamigin ang napasong bahagi ng katawan ng malamig na tubig.
C. Lagyan kaagad ng yelo ang bahaging napaso
D. Dalhin kaagad ang pasyente sa ospital.
____39. Ano ang unang dapat gawin kapag nawalan ng malay ang isang indibidwal?
A. Tanggalin ang nakabara sa lalamunan.
B. Alamin muna kung nakakahinga ng maayos at saka ilagay sa tamang pwesto.
C. Ihiga ang pasyente sa pwesto na nakaharap sa itaas.
D. Buhatin kaagad ang pasyente at dalahin sa ospital.
____40. Si Pedro ay masayang nagbibisekleta sa labas ng kanilang bakuran. Sa kasamaang palad ay
bigla natumba ang bisikleta na naging dahilan ng pagkakaroon niya ng bale sa binti. Ano ang
maaari mong gawin upang malapatan siya ng pangunang lunas?
A. Ipuwesto ang palapa sa lapad na sasakop sa mga kasukasuan sa itaas at ibaba ng
hinihinalang baling buto.
B. Lagyan ng palapa o splint ang bahaging apektado.
C. Tiyakin na hindi magagalaw ang lumisad na buto habang inaayos upang hindi mayugyog
ang katawan ng biktima.
D. Buhatin kaagad si Pedro upang mailipat nang puwesto

Inihanda nina:

MARILOU M. CASTILLO

MARICEL V. ALVAREZ
Mga Gurong Tagapayo sa Ikalimang
Baitang
Iwinasto ni:

JHOAN T. DE JESUS
Master Teacher I

Binigyang Pansin:

EDWIN M. CASTILLO
Gurong Katiwala
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Tanauan City
District of Tanauan City North
PANTAY ELEMENTARY SCHOOL
Pantay Matanda, Tanauan City

SUSI SA PAGWAWASTO
IKAAPAT NA MAHABANG PAGSUSULIT SA MAPEH 5
SY 2016 2017

Music Arts Health Physical Education


1. < 16. Tama 26. A 41-50.
2. > 17. Mali 27. A Batay sa pamantayan ng
3. mf 18. Tama 28. A guro
4. p 19. Tama 29. A
5. f 20. Mali 30. A
6. A 21. Mali 31. D
7. F 22. Tama 32. A
8. C 23. Tama 33. D
9. E 24. Mali 34. B
10. B 25. Tama 35. A
11. D 36. A
12. D 37. A
13. A 38. B
14. B 39. B
15. C 40. B

You might also like