You are on page 1of 5

Paglalaba ng Damit

Nasa paglalaba rin ang ikatatagal o ikahahaba sa gamit ng damit. May mga wastong paraan

ng pagkukusot na dapat sundin. Kailangan din ng pag-iingat. Sundin ang mga sumusunod.

1.. Thanda ang sabon, palanggana, tubig, eskoba (pang-alis ng makakapal na dumi sa

pantalon, hanger, at mga sipit ng damit.)

2.

Ihiwalay ang pinakamaruming damit, gayundin ihiwalay ang mga puti sa mga de-

kolor.

3.

Suriing isa-isa ang damit kung may mantsa o sira; tingnan din kung may laman ang

mga bulsa.

Basain isa-isa ang mga damit.

4.

Sabunin nang una ang mga puti at bigyang-pansin ang kuwelyo, kilikili, bulsa,

at mga laylayan.

Ikula ang mga puting nasabon na habang nilalabhan ang mga damit na di-gaanong

5.

6.

marumi at de-kolor.

7.

Banlawang mabuti ang mga

damit.

Ulitin ang pagsasabon sa mga puting damit kung kailangan.

Isampay gamit ang sipit o ihanger sa nasisikatan ng araw ang mga puting damit

at ang mga de-kolor sa di-gaanong nasisikatan ng araw upang hindi agad kumupas
ang kulay.

8.

9.

Paglalaba Gamit ang Washing Machine

1. Paghihiwalay

Puti sa de-kolor

Marumi sa di-gaanong marumi

Nangungupas

Panloob

2. Pagsisiyasat

Mga bulsa na maaaring may laman; pera, tisyu, o papel

Aspile o imperdibleng nakatutusok

damit

upang

hindi

mag-

3.

Isara ang zipper, fastener ng anumang damit at ayusin ang tali ng

kabuhol-buhol.

4. Lagyan ng tubig ang washing machine ayon sa dami ng damit na lalabhan.

5. Ibuhos ang sabong pang-washing machine ayon sa dami

ng

lalabhan.

6. Ilagay ang damit na lalabhan. Iwasang ma-overload ang washing machine.

7. Ilagay ang setting na angkop sa lalabhan.


8. Banlawang mabuti ang mga damit.

9.. Idagdag ang fabric conditioner (kung nais lamang na gumamit nito) sa huling banlaw.

10. Tuyuin ang mga damit sa spin dryer o patuyuin sa init ng araw o mahanging lugar.

Pagpapaputi ng Damit

Marami sa mag-aaral ang nagsusuot ng puting uniporme. Maganda at malinis itong tingnan

kapag matingkad ang pagkaputi.

Subalit kung minsan ay hindi na gaanong matingkad ang pagkaputi nito dahil hindi gaanong

nakukusot ang mantsa o kaya naman ay may kalumaan na ang damit.

Narito ang ilang paraan ng pagpapanatili ng kaputian ng damit:

Pagbababad ng damit na may sabon nang magdamag

1.

2.

Pagpapakulo ng damit na nilagyan ng suka

Pagbababad ng damit na may sukà at sabon nang tatlong oras

3.

Pag-aalmirol ng Damit

Sa kasalukuyan, ang mga damit ay gawa sa polyester. Pinaghalong cotton, at synthetic fiber

nylon, at seda. Ang ganitong materyales ay hindi nangangailangan ng almirol. Subalit ang mga

damit na yari sa bulak o cotton ay mas mainam na gamitan ng almirol upang maging makintab

at makinis ang habi ng tela at hindi madaling kapitan ng dumi.

Paghahanda ng almirol:

Tunawin ang ½ tasang gawgaw sa isang tasang tubig.

Magpakulo ng 8 tasang tubig.

1.

2.
3.

Ilagay ang tinunaw na gawgaw habang patuloy na hinahalo

4.

Haluing mabuti ang tubig at gawgaw na tinunaw.

Wastong Pag-aalmirol ng Damit:

Salain ang nilutong almirol sa supot ng katsa upang maiwasan ang buo-buong almirol.

1.

2.

Lagyan ng kaunting tina ang almirol upang lalong puputi ang damit na puti.

3.

Ilubog ang damit sa almirol at pantayin ang pagbasa sa damit. Unahin muna ang

puting damit.

4.

Pigaing mabuti ang nilabhan.

Ibilad sa init ng araw ang nilabhan/inalmirulan.

Pamamalantsa ng Damit

Nakakita ka na ba ng batang lukot-lukot ang kasuotan? Hindi ba't parang marumi o luma

itong tingnan kapag ganito?

Ang kagandahan ng damit ay nakasalalay kung paano ito pinaplantsa upang maibalik ang

dating hugis ng kasuotan. Narito ang mga paraan ng pagpaplantsa:

Ihanda ang mga paplantsahing damit.

Ihanda ang plantsahan (ironing board). Tiyakin na malinis ang sapin ng plantsahan.

Dagdagan ito ng sapin kung nais ng makapal.

Tiyakin din na malinis ang plantsa at walang kalawang. I-set ang temperatura ng

1.
2.

3.

plantsa ayon sa uri ng damit na paplantsahin.

4.

Plantsahin ang mga damit ayon sa paalalang taglay nito sa mga etiketa.

5.

Sa pamamalantsa ng ibang kasuotan gaya ng:

Bestida - Baliktarin muna at plantsahin ang bulsa, kuwelyo, balikat, at likod

at harap ng bestida, manggas, at laylayan.

124

Palda (may pleats) - Baliktarin para plantsahin ang bulsa. Ibalik sa karayagang

bahagi nito at ayusin ang pleats ayon sa tupi/tiklop nito. Plantsahin ito mula

laylayan pataas.

Pantalon – Baliktarin at plantsahin muna ang mga bulsa. Ibalik sa karayagang

bahagi; ayusin ang tupi at plantsahin ang magkabilang bahagi nito.

b.

c.

Magandang matuto ng pamamalantsa habang bata pa lamang. Malaking tulong ito sa iyong

mga magulang dahil napagagaan ang kanilang pang-araw-araw na gawain.

You might also like