You are on page 1of 40

Aralin 2:

WASTONG PARAAN NG
PAGLALABA AT
PAMAMALANTSA NG DAMIT
Quarter 3 – Week 2
PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga
sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang
tama sa patlang kung wasto ang ipinapahayag at
mali kung hindi wasto.
TAMA
__________ 1. Ihiwalay ang mga
puti sa may kulay na damit ganun
din ang mga kumukupas na damit.
MALI
__________ 2. Sabunin na kaagad
ang mga damit at hindi na kailangan
pang ibabad sa tubig
TAMA
__________ 3. Ibabad ang mga
puting damit na may pulbos na
sabon at ibilad sa init ng araw.
TAMA
__________ 4. Ulitin ang
pagbabanlaw hanggang tatlong
beses upang maalis ang bula nito.
MALI
__________ 5. Hindi na kailangang
baliktarin ang damit kung
isasampay na.
TAMA 6. Nakabatay sa uri ng
__________
damit na paplantsahin ang
temperatura ng iyong plantsa.
MALI
__________ 7. Hayaang iwanan ang
plantsa sa ibabaw ng kabayo o ironing
board.
TAMA 8. Plantsahin ang mga
__________
damit ayon sa paalalang nakalagay sa
etiketa nito.
TAMA
__________ 9. Tiyaking malinis
ang plantsa at walang kalawang.
MALI
__________ 10. Hayaang nakasaksak
ang plug sa kuryente kahit tapos nang
mamamlantsa.
BALIK-TANAW
Panuto: Sa nakaraang aralin napag-aralan mo ang tungkol
sa paraan ng pagpapanatiling malinis ang kasuotan. Isa dito
ang paraan ng pananahi ng sirang kasuotan. Alamin natin
kung natatandaan ninyo ang mga kagamitan sa pananahi.
A. WASTONG PARAAN
NG PAGLALABA NG
DAMIT
Ang paglalaba sa maruruming damit ay isang
paraan ng pangangalaga sa damit. Nasa paglalaba
nang maayos nakasalalay ang ikatatagal sa gamit ng
damit. Sa paglalaba, inaalis ang kumapit na dumi,
pawis, at alikabok na nagsasanhi ng pagkarupok sa
tela. Ang iyong sariling damit ay maaari mo nang
labhan dahil tama
na ang laki at bigat ng mga ito sa iyo.
PANGUNAHING PAGHAHANDA:
 Ihanda muna ang mga kagamitan na kakailanganin.
 Paghiwalayin ang maruruming damit na lalabhan.
Ihiwalay lahat ng puti sa may kulay ganun din ang
kumukupas na damit upang hindi mamantsahan ang
ibang damit.
 Tingnan ang mga bulsa ng damit at tanggalin kung
may laman na barya o papel.
 Kung may punit sulsihan muna at
 kung may mantsa alisin muna.
SUNDIN ANG GANITONG
PAGKAKASUNOD-SUNOD
NG PAGLALABA:
1. Basain at bahagyang
kusutin ang mga damit upang
maalis ang mga dumi.
2. Ibabad ang mga puting
damit sa pulbos na sabon
at ikula o ibilad sa init ng
araw.
3. Sabunin ang mga damit.
Kusuting mabuti ang mga bahaging
karaniwang kinakapitan ng dumi tulad
ng laylayan, kilikili, kwelyo, manggas
at harapan ng damit.
4. Banlawan ng tatlong
beses ang mga damit na
may kulay hanggang maalis
lahat ng bula.
5. Baliktarin at isampay ang
mga damit sa malilim na lugar
upang hindi kumupas ang mga
kulay nito.
6. Labhan ang nakababad
na mga puting damit at
sundin ang wastong paraan
ng paglalaba.
A. WASTONG PARAAN
NG PAMAMALANTSA
NG DAMIT
Ang pamamalantsa ay isang paraan ng
pangangalaga at pag-aayos ng damit upang
bumalik ang dating hugis at ayos nito. Hindi
magandang tingnan kung ang suot mong
damit ay gusot-gusot. Ang mga
damit na bagong laba ay gusot-
gusot kaya kailangang
plantsahin.
Ang kagandahan ng damit ay
nakasalalay kung paano ito
pinaplantsa dahil ang bagong
plantsang damit ay makinis, maayos
at walang gusot. Narito
ang wastong paraan ng
pamamalantsa ng damit.
1. Ihanda ang mga
paplantsahing damit.
2. Ihanda ang kabayo o plantsahan
(ironing board). Tiyaking malinis
ang sapin ng plantsahan. Kung nais
na makapal ang sapin maaaring
dagdagan.
3. Tiyaking malinis din ang plantsa
at walang nakadikit na anuman o
may kalawang. I-set ang
temperatura ng plantsa ayon sa uri
ng damit na uunahin mong
plantsahin.
4. Plantsahin ang mga damit
ayon sa paalalang nakalagay
sa etiketa nito.
5. Sa pagpaplantsa ng iba’t ibang damit gaya ng:
- baliktarin muna at
plantsahin ang bulsa,
kwelyo, balikat, at likod
at harap ng bestida,
manggas, at laylayan.
5. Sa pagpaplantsa ng iba’t ibang damit gaya ng:
- baliktarin para plantsahin
muna ang bulsa saka ibalik sa
karayagang bahagi at ayusin
ang pleats ayon sa tupi nito.
Plantsahin ito mula laylayan
pataas.
5. Sa pagpaplantsa ng iba’t ibang damit gaya ng:
- baliktarin at plantsahin
muna ang bulsa at ibalik sa
karayagang bahagi at
ayusin ang tupi saka
plantsahing muli ang
magkabilang bahagi.
6. Isabit sa hanger ang mga
naplantsang damit tulad ng
bestida, pantalon, polo, at
blusa.
7. Huwag iwanan ang plantsa sa ibaba
ng tela o sa ibabaw ng kabayo. Ilagay
ito sa bakal na lalagyan. Kung tapos na
sa pagpaplantsa, alisin ang plug sa
outlet ng kuryente. Palamigin ang
plantsa at langisan bago ito itago.
Itiklop ang plantsahan.
TANDAAN
Ang mga damit na naisuot na at narumihan ay kailangang labhan.
Naaalis mula sa paglalaba ang dumi at alikabok gayundin ang mga di
kanais-nais na amoy dulot ng pawis. Magaan at maginhawa ang
pakiramdam sa pagsusuot ng damit na bagong laba lalo na ang mga
damit panloob. Tumatagal ang gamit ng damit kapag nilalabhan kaya
dapat isagawa nang maayos ang paglalaba upang matiyak na malinis
at maayos ang mga ito.
TANDAAN
Ang pamamalantsa ay isang paraan ng pag-aalis ng mga
gusot sa damit na nakuha dahil sa paglalaba. Kailangang
plantsahin ang damit bago isuot upang maging malinis at
maayos itong tingnan. May mga wastong paraan ng
pamamalantsa na maaari nating sundin upang mas maging
maayos, tuwid at bumalik sa dating hugis at ayos ng ating
mga damit.

You might also like