You are on page 1of 33

PAGSUSULISI NG

PUNIT NA DAMIT
Bakit kaya nasisira ang mga damit?
TATLONG URI NG PUNIT NG DAMIT:
1. TUWID
2. TATSULOK
3. PAHILIS
1. TUWID
2. TATSULOK
3. PAHILIS
1. Sa tulong ng lapis markahan ang
palibot ng punit. Tuldok- tuldok ang
gawin marka upang magkaroon lang ng
gabay. Ang gabay ay ½ sentimetro ang
layo sa punit.
2. Itusok sa kabaliktaran ang karayom at
ilabas sa kargayan. Tahiin nang paroo’t
parito ang punit. Tiyaking paroo’t pariot
ang pasalit salit na tahi sa bawat hanay
ng tutos hanggang sa katapusan ng
punit.
3. Tiyaking ang mga hanay ng tahing
patutos ay salisihan lalo ma kapag nasa
mismong punit na ang tahi. Ibig sabihin,
ang isang hany ay dapat nasa iababw ng
punit at ang susunod na hany ay nasa
ilalim. Sa ganitong paraan maisasara ang
punit.
4. Gawing magaan ang paghatak sa
karayom upang hindi maging mahigpit
ang tahi at maiwasang kumulubot.
PAGTATAGPI NG
BUTAS NG DAMIT
Ano ang gagawin kapag
ang butas ay malaki?
1. Sa kabaliktaran ng damit, markahan ng
lapis ang palibot ng butas. Ang bilog na
butas ay gawing parisukat. Parihaba
naman ang butas na pahaba.
2. Mula sa unang marka, sumukat ng ½
sentimetro palayo sa marka at markahan
muli ang kasuotan palibot.
3. Gupitin ang palibot ng butas na
sinusundan ang unang marka.
Bahagyang gupitin ang sulok upang
maibuka ang gilid ng butas.
4. Itupi ang mga gilid upang lumapat sa
kabaligtaran. Hiblahan ang lupi at
plantsahin.
5. Kailangang magdagdag ng 2 ½
sentimetroo sa sukat ng tatagpian. Itupi
ang palibot ng panagpi ng ½ sentimetro
papunta sa karagayan.hiblahan ang
itinuping gilid at plantsahin.
6. Paglapatin ang butas at panagpi
6. Paglapatin ang butas at panagpi, ilagay
ang panagpi sa kabaliktaran ng damit
nanag lapat sa butas.
7. Tiyaking lapat ang mga pagkakatagpi
ng panagapi sa butas.
8. Lagyan ng aspile at hilbanaan ang
palibot ng butas.
9. Lilipan ang palibot ng tagpi. Tiyaking
maayos na nakakakapit ang panagpi sa
gilid ng damit na tinatagpian. Gawing
pino ang lilip at sa karagayan.
10. Isagawa ang hakbang na nauna sa
panapi subalit sa kabaliktaran ang lilip.
Alisin ang mga hilbana at plantsahin ang
ginawa.
PAGPAPAIKLI
NG KASUOTAN
1. Tastasin ang lilip ng laylayan ng damit.
Ibukas ang lupi, plantsahin at markahan
ang damit ayon sa gustong ikli, at ilupi
mula sa marka. Lagyan ng aspile at
hilbana. Lilipin ang palibot ng lupi. Alisin
ang hilbana at plantsahin.
PAGBABAHABA
NG KASUOTAN
1. Tastasin ang laylayan ng kasuotan.
Kung malapad ang lupi ng laylayan at
sapat na sa gustong haba, markahan ang
sukat na gusto sa kasuotan. Itupi ang
laylayan ayon sa marking inilagay.
Laygan ng aspile at hilabana, lilipin ang
palibot hanggang matapos ang gawain.
“Bakit kailangan sulsihin agad ang
mga punit na damit? Ano ang
maaring mangyayari kapag pinatagal
pa ito?’

You might also like