You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

5
Zest for Progress
Z Peal of artnership

Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan


Kwarter 2 - Modyul 4:
Home Ekonomiks

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – 5
Alternative Delivery Mode
Kwarter 2 – Modyul 4: Pagbuo ng mga Kagamitang Pambahay Gamit ang Kamay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na : Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda ( kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark , palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang mga karapatang -aring
iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module


Developers: Clairol Cindy P. Montojo
Arlene F. Mariano
Editors: Allan Garcia, Ed.D.
James B. De Los Reyes, Ed.D.
Reviewers: Laarni V. Miranda, Ed.D.
Roselyn C. Toledo
Katherine T. Sepe
Illustrator: Gilbert B. Zamora
Layout Artist:
Management Team:
Roy C.Tuballa EMD.,JD,CESO V
Jay S. Montealto, CESO VI
Norma T. Francisco, DM
Mildred D. Dayao, Ed.D.
Laarni V. Miranda, Ed.D.
Aida Coyme, Ed.D.

Printed
Printedininthe
thePhilippines
Philippinesby ________________________
Department of Education – Region IX
Department of Education Region IX – Zamboanga Peninsula
Office Address: ____________________________________________
Office Address:
Telefax: Pres. Corazon C. Aquino Regional Government
____________________________________________
E-mail Address: Center, Balintawak, Pagadian City, Zamboanga del
____________________________________________
Sur Province 7016
Telefax: (062) 215-3753, 215-3751, 991-1907, 215-3789
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
ALAMIN

Binabati kita! Ang manwal na ito ay bahagi ng isang Learning Kit na ibinigay
sa mga mag-aaral at guro upang matulungan kang maging bihasa at may kakayahan
sa pagtahi at makilala ang mga bahagi at gamit ng makina..

Ang modyul ay tungkol sa: Pagbuo ng mga kagamitang pambahay gamit ang
kamay
Mga Resulta sa Pagkatuto Bilang 1: Pagbuo ng mga Kagamitang Pambahay Gamit
ang mga Kamay

Matapos ang pag-aaral sa modyul na ito, inaasahan mong:

1. Nasasabi ang mga kagamitan sa pananahi;


2. Natutukoy ang iba’t ibang kagamitan sa pananahi at gamit ng bawat isa;
3. Nakagagamit ng kamay sa pagbuo ng mga kagamitang- pambahay ;

SUBUKIN

PANUTO: Hanapin sa Hanay B ang sagot sa mga tanong mula sa Hanay A.


Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa papel.
_____1. Panggupit ng tela at sinulid A. Karayom

_____2. Matalas, matulis at may butas sa dulo para sa sinulid. B. Pin cushion

_____3. Matibay at hindi nangungupas. C. Panukat


May iba’t ibang kulay,uri at laki.
Inaangkop ang kulay sa telang tatahiin D. Gunting

_____4. Ito ay ginagamit na tusukan ng aspile at karayom. E. Sinulid

_____5. Kailangan ang wastong pagsusukat sa pananahi


Aralin
Pagbuo ng mga Kagamitang Pambahay
1 Gamit ang Kamay

Ikaw ba ay marunong manahi gamit lamang ang iyong mga kamay ? Paano
mo ito gagawin? Ano- ano nga ba ang kailangan?

Sa modyul na ito matutuklasan mo kung paano makabubuo ng mga


kagamitang -pambahay gamit ang mga kamay.

BALIKAN

Ang Makinang Panahi ay maaaring patakbuhin sa pamamagitan ng paa,


kamay, o kuryente. Sa makabagong teknolohiya, marami nang uri ng tela ang
maaaring matahi sa makina. Mayroon na ring pamburda at iba pang estilo ng
pananahi.

Maaring wala kayong makinang pantahi sa bahay kung kaya’t maaari mo itong
ayusin sa pamamagitan ng pagtatahi gamit ang iyong mga kamay.

Mga Pangunahing Kagamitan sa Pananahi

Kailangan ang kumpleto at tamang kagamitan sa pananahi. Importante na


ang mga kagamitang ito ay maayos at masuri upang maging kasiya-siya ang
pananahi. Maging matalino sa pagpili ng mga kagamitan. Pangalagaan nang mabuti
ang mga ito upang makatipid sa pera, panahon, at lakas.
1. Kahong Panahian- lalagyan ito ng mga kagamitan sa pananahi. Maaari itong
isang basket o kahon na matibay, magaan at may katamtamang lalim, laki at
partisyon para sa bawat uri ng kagamitan.

2. Mga panukat – Kailangan ang wastong pagsusukat sa pananahi.


Makatutulong ito sa pagkakaroon ng magandang yari ng isang damit.
Mga Pantabas- Maayos at matalim na pantabas ng tela ang kailangan. Kabilang
sa gawain ang mga gunting na may mataas na uri at yari . Malaking gunting ang
ginagamit para sa lana.Ang iba pang uri ay ang pinking shears para sa panzigzag
sa mga gilid at dugtungan.

3. Pangmarka- Ginagamit ang pangmarka sa pagsasalin ng marka ng batayang


padron sa mga telang tatahiin. Ang mga ito ay ang tailor’s chalk o tisa, carbon
paper at tracing wheel. Maari ding gumamit ng lapis.
4.

5. Iba pang kagamitan

a. Karayom – Mula 7 hanggang 10 ang sukat ng karayom. Piliin ang karayom


na may magandang uri at makinis ang pagkakagawa. Sa paggamit nito,
iangkop ang uri ng tela sa telang tatahiin.
b. Mga Aspile- mayroong tatlong uri ng aspile na ginagamit sa pananahi. Ang
bank pins ay ginagamit sa papel. Ang dressmaker pins ay katamtaman ang
laki at ginagamit sa mga karaniwang tela. Ang silk pins naman ay mga
balingkinitang aspile na may matulis na dulo at ginagamit sa mga pinong
tela.
c. Pin Cushion- Ito ay ginagamit na tusukan ng aspile at karayom upang
madaling makuha kung kailangan.
d. Sinulid- Sa pagpili ng sinulid, isaalang-alang ang kulay, sukat at hibla.
Ang higit na matibay na uri ay ang mercerized na makintab na klase ng
sinulid.
e. Didal-Isinusuot ito sa hinlalato upang makaiwas sa pagkatusok at
mapadali ang pagtulak ng karayom habang nananahi.
f. Needle Threader- Ginagamit ito upang mapadali ang paghihibla o pagsuot
ng sinulid sa karayom.
g. Crocket Hook- Ginagamit ito sa pagbabaliktad ng bagong tahing sinturon,
kuwelyo, at bow.
h. Tweezers- Ginagamit ito sa pag-aalis ng maliit na sinulid o iba pang dumi
sa loob ng lalagyan ng karete.
i. Pantastas o ripper- Ginagamit ito sa pagtatanggal ng sinulid sa tahing
tela kung dapat baguhin ang daan ng sinulid.

TUKLASIN

Paggawa ng Kagamitang Pambahay

Pot Holder

1. Pagpatung -patungin ang mga piraso ng telang retaso upang gawing palaman
sa loob ng pot holder. Gumawa ng dalawang padron na kasinghugis ng pot
holder na nais gawin. Dapat maliit ito ng isang sentimetro kaysa sa gagawing
pot holder. Maaari itong pabilog, pakuwadrado, o biluhaba.

2. Ayusin ang pinagpatong-patong na retaso ayon sa hugis sa isang patron.


Tiyakin na pantay-pantay ang pagkakabahagi ng mga retaso upang huwag
magkaroon ng manipis na bahagi o nagbubukul-bukol na bahagi.

3. Lagyan ang kabilang padron ng mga linya na may dalawang sentimetro ang
pagitan hanggang mapuno ito ng mga kuwadrado. Ipatong ang padron na ito
sa inaayos na mga retaso.

4. Ihilbana ang magkapatong na padron at retaso.

5. Tanggalin ang hilbana, tabasin ang mga gilid, at putulin ang mga himulmol
ng sinulid at tela. Putulin din ang mga papel na padron.

6. Tahiin ng overcasting ang mga gilid ng palaman upang malinis tingnan.

7. Kunin ang tinabas na tela para sa pot holder. Tupian ang mga tuwid na gilid
ng dalawang likurang bahagi ng pot holder. Ihilbana muna ito bago tahiin sa
makina.
8. Gumawa ng silo o loop na magiging sabitan ng pot holder. Tupiin nang
kalahating sentimetro ang magkabilang gilid ng gagawing silo. Tupiin ang tela
patungong gitna upang magdikit ang unang ginawang mga tupi. Ihilbana
muna ito bago tahiin.

9. Ilapat ang harapang bahagi ng pot holder sa mesa na nakaharap sa iyo ang
karayagan. Itupi ang ginawang silo at ihilbana ito sa gitna ng isang dulo ng
harapang piraso.

10. Ilagay ang mas malaking likurang piraso ng pot holder sa ibabaw ng harapang
bahaging nasa mesa. Dapat magkaharap ang mga karayagan ng dalawang
piraso.

11. Ilagay naman ang maliit na likurang piraso sa kabilang dulo ng harapang
bahagi. Tiyakin na nakalapat nang maayos ang tatlong piraso bago ito lagyan
ng aspili sa paligid.

12. Ihilbana ang paligid ng kalahating sentimetro mula sa mga gilid.

13. Tahiin sa makina ang paligid na may isang milimetro ang layo mula sa
hilbana. Padaanan nang ilang beses ang mga lugar na pinaglalagyan ng silo
at pinagpapatungan ng dalawang piraso ng likurang bahaging pot holder.

14. Tanggalin ang mga tahing hibana. Tahian ng blanket stitch ang mga gilid
upang malinis at maayos itong tingnan.

15. Ilapat ang palaman sa natapos na pot holder bago ito baligtarin

SURIIN

Isa sa pangunahing pangangailangan ng tao ay mga kagamitang- pambahay.


Kung kayo ay may mga pira pirasong tela na hindi na ginagamit maari kayong
makabuo nito. Sa tingin mo alin ang mas madaling gawin? At alin dito ang meron
kayo nito sa bahay ? simple lamang ang pagmbuo nito kung kayo ay may mga
kompletong materyales kahit walang makina ,pwede pa rin kayong magtahi ng
ganito.

PAGYAMANIN
Mga kasiyahang Dulot ng Pananahi
Simple ngunit kapaki-pakinabang ang proyektong natahi ninyo sa makina o sa
kamay. Bagaman ang iba ay maaaring nahihirapan, siguradong iba ang inyong
naramdaman nang mayari ang proyekto . Nasiyahan ba kayo sa munti ninyong
tagumpay? Maaaring doble-doble ang kasiyahan ninyo dahil iba’t ibang kasanayan
ang naipakita ninyo. Sa pananahi ng proyektong potholder, nakagawa kayo ng
padron, nakapagtabas at nasanay din kayong kumuha ng sukat ng inyong katawan.

ISAISIP

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa papel ang
inyong sagot.

1. Anong paghahanda ang iyong gagawin sa paggawa ng mga kagamitang


pambahay ?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Bakit kailangang malaman ang mga kagamitan sa pananahi?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

ISAGAWA

Panuto: Basahin ang kaisipan. Ilagay ang tsek (/)sa bawat bilang kung ang mga
gawain ay nakadaragdag sa kasanayan ng pananahi at ekis naman (X) kung ito ay
hindi.

Oo Hindi
1.Nagsasanay akong manahi gamit ang kamay kahit walang
makina
2. Ginagamit ko ang aking ngipin sa pagputol ng sinulid

3.Pinagsisikapan kong maging tuwid ang takbo ng sinulid sa


tinatahi ko.
4.Ipinagpapatuloy ko ang pananahi kahit na alam kong hindi
pantay ang haba at ikli ng tahi.

5.Kompleto palagi ang kagamitan sa aking kahong panahian.

6. Mag-ingat palagi sa paggamit ng gunting.

7. Nanonood ng telebisyon habang nagtatahi.

8. Humingi ng tulong sa mga nakakatanda lalo na sa


paggamit ng matutulis na bagay.
9. Gupitin ang kurtina sa bahay na walang pahintulot sa
mga magulang.
10. Ilagay sa tamang lagayan ang mga ginamit na
kagamitang pantahi.

TAYAHIN

PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangunusap. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.
1. Sa paggawa ng kagamitang-pambahay tulad ng pot holder ano ang unang-
unang gamit ang kailangan?
A. chalk B. lapis C. ruler D. tela

2. Alin sa sumusunod ang tamang paliwanag sa paggawa ng pot holder?


A. Ihilbana ang magkapatong na padron
B. Pagpatung -patungin ang mga piraso ng telang retaso upang gawing
palaman sa loob ng pot holder.
C. Huwag ayusin ang pinagpatong patong na retaso ayon sa hugis sa isang
patron.
D. Lagyan ang kabilang padron ng mga linya na may tatlong sentimetro ang
pagitan hanggang mapuno ito ng mga kuwadrado.

3. Alin sa sumusunod na kagamitan ang nagpapabilis sa paggawa ng


kagamitang-pambahay?
A. gunting B. kamay C. karayom D. makina
4. Ito ay magkasamang ginagamit sa pananahi.
A. Didal at medida
B. Gunting at lapis
C. Karayom at sinulid
D. Pin Cushion at didal

5. Itinutusok dito ang karayom kapag hindi ginagamit upang hinde


kalawangin.
A. tweezer B. ripper C. pin cushion D. needle threader
Karagdagang Gawain

Panuto:
Maghanap ng limang (5) larawan na nagpapakita na puwedeng tahiin
gamit lamang ang mga kamay. Idikit sa sa loob ng box ang mga napiling
larawan.

Susi Pagwawasto
C 5.
C 5. 5.
B 4. C 4.
E 3. X 4. D 3.
3.
A 2. B 2.
D 1. X 2. D 1.
1.
Ang Kaalaman ko Pagtataya
ko
Anong magagawa

SANGGUNIAN
Peralta.G , Arsenue.R ,Ipolan.C, Quiambao.Y, De Guzman.J (2016) Kaalaman at
Kasanayan Tungo sa Kaunlaran Batayang Aklat 5, pp. 140-157

Eugenio.B , De Mesa M. K to 12 Learning Material EPP5, Department of Education.

Region IX : Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden


Land
Here the trees

And flowers bloom

Here the breezes gently

Blow,

Here the birds sing

Merrily,

The liberty forever

Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men
And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people

Abound,

Every valleys and Rale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

You might also like