You are on page 1of 7

5

EDUKASYONG
PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN

ICT & Entrepreneurship

1
EPP - ICT and ENTREPRENEURSHIP 5

MODIFIED STRATEGIC INTERVENTION


MATERIAL
(SIM)

Module 4
Wastong Pakikipag-ugnayan
Gamit ang ICT

Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic Instructional Material

Manunulat : Melody B. Sta. Maria -Teacher I / San Francisco Elem. School, Lubao North District

Editor : Anna Liza Intal-Pineda / Public Schools District Supervisor

Tagalapat : Alzien S. Malonzo – MT-1 / Senior High School in Apalit (Stand Alone 1)
Michael Q. Manansala – Teacher I / Palimpe Elem. School, Masantol North District
Tagapamahala:
Zenia G. Mostoles, EdD, CESO-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T. Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Maria Carmen M. Evangelista – EPS – EPP/TLE/TVL/EsP
Ruby M. Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division 2 Coordinator
Alamin

Bawat negosyante ngayon ay gumagamit na ng ICT sa pakikipag-ugnayan sa


kanilang mga kliyente. Malaking tulong din ang social media upang maibahagi ang
kanilang mga produkto at madali na ngayon ang makipag-usap sa iba’t ibang tao
gamit ang ICT sa pamamagitan na pakikipag-chat o pagsali sa discussion forum.
Sa araling ito, matututunan ninyo ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion
forum at chat sa ligtas at responsableng pamamaraan.
Learning Competency:

 Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at chat.


 Nakasasali sa discussion forum at chat sa ligtas at responsableng pamamaraan.

Subukin

Panuto: Sagutan sa isang papel . Lagyan ng tsek (√) ang hanay na naaangkop sa
bawat pamantayan.

Hindi pa 2-5 beses Madalas


ginamit nang ginamit ginagamit

Facebook

Skype

Viber

FB Messenger

Zoom

Google Meet

imo

WhatsApp

3
Balikan
Ang pamamahagi at pagtanggap ng dokumento o media file ay ginagamitan
din ng internet at kinakailangan sumunod sa mga panuntunan ang bawat gagamit nito
upang maging ligtas sa anumang kapahamakan at maipagpatuloy nang maayos ang
negoyong nasimulan.

Tuklasin
Maaring makausap ang iba’t ibang kliyente kahit saang panig pa ng mundo at
kahit anong oras na nais sa pamamagitan ng Chat, Live o in real-time, at pagsali sa
Discussion Forum.

Suriin

Ang chat ay pakikipag-usap sa impormal na


paraan ng dalawa o higit pang tao sa pamamagitan
ng internet. Kailangan munang i-type ang nais mong
sabihin sa iyong kausap para matanggap niya ito.
Kaagad naman itong matanggap ng iyong kausap at
maaaring makapagbigay din kaagad ng kasagutan.
Live o in real-time na nangyayari ang pag-uusap dito.
Maraming pinaggagamitan ang chat. Ang mga
kabataan ay nahihilig dito para makausap nila ang
kanilang mga kaibigan. Nagagamit din nila ito para
makakuha ng mga bagong kakilala.
Maging maingat lamang sa pagtanggap ng
mga bagong kakilala at maging kaibigan kalaunan sa
mga nakikilala sa pamamagitan nito.
Ang mga nasa larangan ng pagnenegosyo ay gumagamit din ng chat upang
makausap ang kanilang mga tauhan o kapwa negosyante at maging ang kanilang
mga kliyente. Ang ibang kompanya naman ay may mga help desk o support staff para
makausap ang kanilang mga kostomer lalo na kung mayroon silang reklamo o
problema tungkol sa isang produkto o serbisyo.
Ang discussion forum ay nakatutulong naman sa mga
taong naghahanap ng kasagutan tulad ng paggamit ng
isang bagong computer o software.
Maaaring ang discussion forum na ito ay naganap
na. Kung ang tanong ay naiiba, maaari itong i-post sa
discussion forum para makakuha ng mga kasagutan,
opinyon, o solusyon mula sa mga makababasa nito.
4
May mga itinakdang panuntunan ang mga nangangasiwa ng discussion forum
o chat. Mahalagang sundin ang mga ito upang hindi mapahamak.
Pagsali sa Discussion Forum at Chat
1. Tiyaking importante at kung maaari ay kakilala ang mga ka-chat.

2. Gamitin ang chat sa makabuluhang usapan.

3. Maaari mo ring makita ang iyong ka-chat sa pamamagitan ng paggamit ninyo


pareho ng web camera o webcam.

4. Nakikita man o hindi ang kausap sa pamamagitan ng webcam, nararapat na


igalang ito.

5. Laging maging mahinahon sa pakikipag-chat.

6. Iwasang magbitiw ng masasamang salita, manigaw, at iba pang hindi


magandang asal.

7. Ang Skype, Viber, FB Messenger, Zoom, Google Meet, imo, at WhatsApp ay mga
kilalang app sa pakikipag-chat.

8. Iwasan ang paggamit ng ALL CAPS (o nasa malaking titik) kapag nagsulat ng
mensahe. Tila naninigaw ang pakahulugan nito.

9. Iwasan ang labis na paggamit ng emoticons o smiley faces sa pagpapakita ng


mensahe sa email o maging sa pakikipag-chat, personal man o sa
pagnenegosyo. Nakabatay pa rin sa nilalaman ng mensahe ang paggamit ng
smiley faces o emoticons.

Ang pakikipag-chat ay maaaring maging isang


kapaki-pakinabang na kagamitan sa pagnenegosyo,
edukasyon, pamilya, at mga kaibigan.
Subalit ito rin ay maaaring makapagdulot ng
mapanganib na sitwasyon. Kaya nga may mga alituntunin
(netiquette, chat etiquette) na dapat isaalang-alang at
sundin upang matiyak ang kaligtasan ng bawat indibidwal.
Sa mga magulang o guardian, nararapat na
sinusubaybayan nila ang mga bata habang nakikipag-chat.
May mga taong madalas na mag-log in sa mga chat room na gumagamit ng
ibang pangalan upang kunin ang atensiyon ng mga mas batang gumagamit ng
internet.
Ang iba sa mga ito ay may masamang instensiyon tulad ng paggawa ng
pornograpiya gamit ang mga bata.
Kung hindi ginagamit nang maayos, ang pakikipag-chat ay maaaring
humantong sa pangingidnap, pagnanakaw, at iba pa.

5
Gayundin, magkaroon ng kamalayan sa ibang mga ka-chat na
sumusubok na mag- download o magpadala ng hindi nababasang mga
file na maaaring may nilalaman na computer virus. Maaaring masira nito
ang computer units.
Ibayong pag-iingat ang kailangan sa pagbibigay ng mga
personal na impormasyon. Hanggat maaari ay huwag ilagay
ang lahat ng detalye tungkol sa sarili.
Ang mga taong may mas mang instensiyon sa kapwa ay lagi nang
nakaabang sa kanilang mabibiktima sa pamamagitan ng online chat.

Pagyamanin
Magkaroon ng talakayan sa pamamagitan ng online forum na
pangungunahan ng inyong guro. Sundan ang ibibigay na URL address ng guro at
magregister o sumali.

Isaisip
 May mga alituntuning (netiquette o Internet etiquette, chat etiquette) dapat
sundin sa pakikipag-chat o paggamit ng discussion forum.
 Kahit hindi nakikita ang kausap, dapat bigyan pa rin ng paggalang.
 Iwasan ang paggamit ng mga salitang balbal (slang), pagmumura, o cyber
bullying.
 Huwag isulat sa ALL CAPS ang nais mong ipabatid; para ka ring naninigaw sa
ganitong paraan.
 Sumunod sa mga panuntunan na nilikha ng mga nangangasiwa sa chat o
discussion forum.
 Ang bilis ng komunikasyon sa pakikipag-chat, paggamit ng email at iba pang
paraan ay nakasalalay sa lakas ng network o internet.

Isagawa

Panuto: Ituloy ang unang talakayan at sagutin sa isang papel ang mga sumusunod na
tanong.

1. Naging madali ba ang pakikipagtalakayan gamit ang discussion forum at


group chat?
2. Ano ang isyu o naranasang problema habang isinasagawa ito kung mayroon
man?
3. Paano magiging ligtas at responsible sa paglahok sa mga online forum at
group chat?

6
Tayahin
A. Panuto: Ituloy ang unang talakayan at kayo ay bibgyan ng puntos ng inyong
guro ayon sa sumusunod na rubrik.

Puntos
Pamantayan 5 4 3 2 1
Pinaka Mahusay- Mahusay Hindi Kailangang
mahusay husay Mahusay Paunlarin

1. Nagagamit ang lahat ng


features ng online discussion
forum at chat.
2. Nakakasunod sa
panuntunan sa ligtas at
responsableng paggamit ng
online discussion forum at
chat.
3. Nakakpagpost ng mensahe
o sagot sa discussion thread.
4. Naipapakita ang
pagkakaroon ng netiquette o
chat etiquette habang
nakikipagtalakayan sa forum o
chat.
5. Nakapamamahagi ng
magandang ideya o diskurso
sa talakayan.

Mga Sanggunian
 https://ya-webdesign.com/imgdownload.html
 https://tinyurl.com/y799tbla
 https://tinyurl.com/yajznjep
 EPP Grade V Learmer’s Material Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran
 EPP Grade V Teacher’s Guide Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran

Susi sa Pagwawasto
Magkakaibang kasagutan ng mag-aaral ayon sa karanasan ng bawat isa.

You might also like