You are on page 1of 12

EPP5

MODYUL 5
Paggamit ng Word Processing Tools

ENTREPRENEURSHIP AT INFORMATION
AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY(ICT)

1
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Baitang 5
Quarter 0–Modyul 5 : Paggamit ng Word Processing Tools

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist
in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other
things, impose as a condition the payment of royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.
Regional Director: Gilbert T. Sadsad
Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module

Writers: FRANSZHEL T. RAZO

RENE C. BAROLA

Editors: RENE C. BAROLA

Reviewers: RENE C. BAROLA

RODEL PANCHO

Illustrator:

Layout Artist:

2
PANIMULA
Malugod ka naming binabati sa iyong patuloy na pag-aaral ng
ENTREPRENEURSHIP AT INFORMATION AND
COMMUNICATIONS TECHNOLOGY(ICT). Ang
modyul na ito sa Paggamit ng Word Processing
Tool ay inihahandog sa iyo na mag-aaral sa ika-
limang baitang upang magsilbing gabay sa iyong
lubos na pagkatuto sa asignatura ng Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan 5 at maging
kabalikat sa pagtugon sa layunin ng K to 12
Enhanced Basic Education Program.
Sa paggamit ng modyul na ito, kailangan na
sagutin mo ang pre-test, aralin ang learning
activities at gawin ang tatlong pagsasanay. Kapag
naisagawa mo na ang mga nabanggit ay maari mo nang sagutin ang post- test
upang masukat ang iyong natutuhan na kaalaman at kasanayan sa araling ito.
Upang lalong mahasa ang iyong sarili, kailangang gawin mo rin and takdang
aralin na kalakip ng modyul na ito. Maraming salamat at hanggad ko ang iyong
tagumpay!

Layunin
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan sa iyo na nagagamit ang word
processing tool.

Talasalitaan
Upang lubos mo na maunawaan ang araling ito, pag-aralan ang mga
sumusunod na salita o lipon ng mga salita at kahulugan nito.
Diagram . Ito ay isang grapiko na nagpapahayag ng isang impormasyon,
konsepto o proseso. Ang Microsoft Words ay may aplikasyon na
tinatawag na SmartArt na magagamit upang makabuo ng isang
diagram direkta sa iyong dokumento.

Graphic Organizer.Ito ay isang uri ng larawan na nagpapakita ng


impormasyon sa loob ng dokumento.

3
Panimulang Pagtataya
Tama o Mali.

Panuto: Basahin ang bawat aytem na nagsasabi hinggil sa paggamit ng word


processing tool. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang ideya sa bawat
pangungusap at MALI kung hindi . Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Ang diagram ay isang plano,pagguhit o balangkas na idinisenyo upang


ipakita o ipaliwanag kung paano gumagana ang isang bagay o upang
linawin ang relasyon o kaugnayan sa pagitan ng mga bahagi ng isang
buo.

_____2. Ang Venn Diagram ay magagamit mo upang maipakita ang mga


posibleng lohikal na pagkakaiba at pagkakatulad ng mga bagay.

_____3. Ang MS Word,Word Perfect ,Text Maker,Corel Write,Google Docs,Kingsoft


Writer,Ability Write at Ragtime ay mga tipikal na halimbawa ng mga word
processing softwares.

____4. Gamitin ang cycle diagram upang maipakita ang pagkakasunod-sunod


na hakbangin o gawain na nagsasalarawan ng daloy ng trabaho o
proseso.

____5. Mas magiging epektibo ng paglalahad ng impormasyon,konsepto o


proseso tungkol sa pagnenegosyo kung alam natin gumawa ng isang
diagram.

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Basahin at pag-aralan.

Nakagamit ka na ba ng isang word processing tool?Pamilyar ka rin ba


sa ibat-ibang software na ginagamit para rito?

Ang MS Word,Word Perfect ,Text Maker,Corel Write,Google Docs,Kingsoft


Writer,Ability Write at Ragtime ay mga tipikal na halimbawa ng mga word
processing softwares na ginagamit ng mga tao.Ang Google Docs ay
magagamit mo kung ikaw ay mayroong Google account.

May ibat-ibang katangian at kakayahan ang mga nabanggit na word


processing software gaya ng pag-layout ng pahina,pag-highlight ng

4
text,paglalagay ng watermark sa isang dokumento,pag-outline,mga kulay na
maaari mong pagpilian habang ginagawa mo ang isang dokumento,paglikha
ng mga label,pag-imprenta sa sobre at pag-edit ng isang dokumento.

Isa pa sa maganda at mahalagang katangian nito ay ang kakayahang


makalikha ng sari-saring diagram.Ito ay malaking tulong at ginhawa sa mga
taong ibig mag-ulat na may kasamang biswal ang itatanghal na ulat.

Ang word processing tools ay nakatutulong sa isang entrepreneur sa


paggawa ng mga ulat at mga liham.Ang isang ulat hinggil sa kalagayan ng
benta,puhunan,kita o lugi ay nagiging mas makahulugan pa kung lalagyan
ng digram.

Diagram

Ano ang diagram? Ang diagram ay isang plano,pagguhit o balangkas na


idinisenyo upang ipakita o ipaliwanag kung paano gumagana ang isang
bagay o upang linawin ang relasyon o kaugnayan sa pagitan ng mga bahagi
ng isang buo.

Nakatutulong ang diagram sa paggawa ng plano upang makita ang lahat


ng posibleng gawin,mga solusyon at mga alternatibong paraan.Bukod pa
rito,mas magiging epektibo ng paglalahad ng impormasyon,konsepto o
proseso tungkol sa pagnenegosyo kung alam natin gumawa ng isang
diagram.

Mga Diagram

1.Flow Chart
Ito ay isang uri ng diagram na nagpapakita ng sunod-sunod na
hakbangin o gawain na nagsasalarawan ng daloy ng trabaho o proseso.Ito
ay kalimitang ginagamit sa pagsusuri,pag-didisenyo,maging pamamahala ng
mga proseso o programa sa anumang larangan.

Halimbawa:

Diagram sa Paghuhugas ng Pinagkainan

5
2.Venn Diagram

Ito ay nagpapakita ng mga posibleng lohikal na pagkakaiba at


pagkakatulad ng mga bagay.Si John Venn ang unang nagpakilala ng diagram
na ito noong taong 1880.

Halimbawa:

Venn Diagram ng Balyena at Isda

3.Fishbone Diagram

Ito ay kilala rin bilang Ishikawa diagram.Ginagamit ito upang ipakita ang
sanhi at epekto ng isang pangyayari.Malaki ang tulong nito sa pagsusuri sa
mga naging ugat o dahilan ng problema.

Halimbawa:
Mga Sanhi
Fisbone Diagram ng Hindi

Sanhi

Hindi
gumagana
Epekto
ang
Computer

6
4.Cycle Diagram

Ito ay nagpapakita ng pagkakaugnay ng mga bagay sa isang paulit-ulit


na proseso.Ito ay kadalasang gumagamit ng mga circular arrows upang iugnay
ang isang yugto sa sususnod na yugto.

Cycle Diagram ng isang Proyekto

Plan the Implement


Project
the
Project

Evaluate

the
project

Paggawa ng Diagram Gamit ang Word Processor

a. Buksan ang iyong word processing tool application. Sa ribbon o


menu bar, hanapin at pindutin ang [Insert].

b. Pagkatapos pindutin naman ang “SmartArt”.

7
c. Pagkatapos pindutin ang SmartArt lalabas ang isang dialog box. Sa
kaliwang bahagi ng kahon. Maaring pumili ng uri ng diagram na
nais gawin. Halimbawa, nais mong gumawa ng diagram ng proseso
ng isang gawain, pindutin ang Process at lalabas naman ang mga
disensyo ng Process Diagram. Pumili ng disenyo at i- click ito.

d. Maaring magdagdag ng text sa loob ng mga kahon. Itapat ang


cursor sa loob ng kahon na nais lagyan ng text at i-type ang detalye
ng proseso na nais gawan ng diagram.

e. Kung nailagay na ang mga detalye o prosesong dapat daanan at


kinakailangang magdagdag ng mga kahon, i- click ang Design>Add
Shape.

f. Maaaring palitan ang disenyo ng mga kahon sa pamamagitan ng


pagclick sa Design> SmartArt Styles.

g. I- click ang Design> Change Colors kung gustong palitan ang kulay
ng diagram.

h. Maaaring magdagdag o magbago ng kulay ng text, outline at kulay


ng diagram gamit ang Format Tool/ Tab.

8
PAGSASANAY 1

• Gumawa ng Process Diagram tungkol sa tamang paraan ng


pagbuburo ng mangga. E- save sa sa isang flash drive at ipasa sa
guro.

Pagbuburo ng Mangga
1. Talupan ang mangga at hiwain
2. Iagay ito sa planggana at paghauin sa asukal at asin
3. Ilagay ito sa garapon na may tubig at hintayin hanggang sa 5araw

PAGSASANAY 2
• Gumawa ng Hierarchy Diagram ng inyong paaralan. E- save sa sa
isang flash drive at ipasa sa guro.

PAGSASANAY 3
• Pumili at gumawa ng sariling SmartArt Graphic Diagram mula sa
menu ng SmartArt. . E- save sa sa isang flash drive at ipasa sa guro
. (Magbigay ng sariling datos)

Panapos na Pagtataya:
A. Tama o Mali.

Panuto: Basahin ang bawat aytem na nagsasabi hinggil sa paggamit ng


word processing tool. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang ideya sa
bawat pangungusap at MALI kung hindi . Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bilang.

_____1. Ang diagram ay isang plano,pagguhit o balangkas na idinisenyo


upang ipakita o ipaliwanag kung paano gumagana ang isang bagay o
upang linawin ang relasyon o kaugnayan sa pagitan ng mga bahagi
ng isang buo.

_____2. Ang Venn Diagram ay magagamit mo upang maipakitaa ng mga


posibleng lohikal na pagkakaiba at pagkakatulad ng mga bagay.
9
_____3. Ang MS Word,Word Perfect ,Text Maker,Corel Write,Google
Docs,Kingsoft Writer,Ability Write at Ragtime ay mga tipikal na
halimbawa ng mga word processing softwares.

____4. Gamitin ang cycle diagram upang maipakita ang pagkakasunod-


sunod na hakbangin o gawain na nagsasalarawan ng daloy ng
trabaho o proseso.Ito ay kalimitang ginagamit sa pagsusuri,pag-
didisenyo,maging pamamahala ng mga proseso o programa sa anumang
larangan.

____5. Mas magiging epektibo ng paglalahad ng impormasyon,konsepto o


proseso tungkol sa pagnenegosyo kung alam natin gumawa ng isang
diagram.

B. Paggamit ng Word Processing Tool


Panuto: Pagsunod- sunurin ang mga pangyayari sa kuwento. Gamitin at
piliin ang tamang SmartArt Graphic Diagram at e-save o e-print ito.

▪ Nakiusap ang kabayo na tulungan siya sa kanyang dala. Ngunit hindi


siya tinulungan nito.

▪ Nagsisi ang kabayo sapagkat hindi nya tinulungan ang kaibigan.

▪ Inipon ni Juan ang kanyang mga gamit upang maglakabay kasama


ang kanyang alagang
kabayo at kalabaw.

▪ Namatay ang kalabaw dahil sa sobrang hirap at init ng panahon.

▪ Pagkaraan ng ilang oras, nakaramdam ng panghihina ang kalabaw


dahil sa bigat ng dala
nito.

TAKDANG ARALIN
1. Ano ang maitutulong sa iyo ng kaalaman sa paggawa ng diagram?
2. Paano mo mapapalawig ang iyong kasanayan sa paggawa ng ibat-
ibang diagram?
3. Sa pamamagitan ng kaalaman sa paggawa ng diagram, paano mo ito
magagamit upang matulungan ang iba?

10
Sanggunian

Peralta, G.A, Arsenue, R. A., Ipolan, C.R, Quiambao, Y.L.& De Guzman,


J.D.(2016), Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran:
Batayang Aklat sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
5,VICARISH Publication and Trading,Inc.,Manila.

11
Susi sa Pagwawasto
Panimulang Pagtataya
1.TAMA
2.TAMA
3.TAMA
4.MALI
5.TAMA

Pagsasanay 1,2 at 3

Gamitin ang Scoring rubric.


5 Naisagawa lahat at tama

4 Naisagawa ang ilan at tama

3 Bahagyang naisagawa

2 Kailangan pang paunlarin

1 Hindi naisagawa

Panapos na Pagtataya

A. 1.TAMA
2.TAMA
3.TAMA
4.MALI
5.TAMA

B.

12

You might also like