You are on page 1of 14

EPP5

MODYUL 4
Paggamit ng Electronic SpreadSheet

ENTREPRENEURSHIP AT INFORMATION
AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY(ICT)

1
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Baitang 5
Quarter 0–Modyul 5 : Paggamit ng Electronic Spreadsheet

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist
in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other
things, impose as a condition the payment of royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.
Regional Director: Gilbert T. Sadsad
Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

PANIMULA
Malugod ka naming binabati sa iyong patuloy na pag-aaral ng
ENTREPRENEURSHIP AT INFORMATION AND
COMMUNICATIONS TECHNOLOGY(ICT). Ang
modyul na ito sa Paggamit ng Electronic
SpreadSheet ay inihahandog sa iyo na mag-
aaral sa ika-limang baitang upang magsilbing
gabay sa iyong lubos na pagkatuto sa
asignatura ng Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 5 at maging kabalikat sa
pagtugon sa layunin ng K to 12 Enhanced Basic
Education Program.
Sa paggamit ng modyul na ito, kailangan
na sagutin mo ang pre-test, aralin ang learning activities at gawin ang tatlong
pagsasanay. Kapag naisagawa mo na ang mga nabanggit ay maari mo nang
sagutin ang post- test upang masukat ang iyong natutuhan na kaalaman at
kasanayan sa araling ito. Upang lalong mahasa ang iyong sarili, kailangang
gawin mo rin and takdang aralin na kalakip ng modyul na ito. Maraming
salamat at hanggad ko ang iyong tagumpay!

2
Layunin
Pagkatapos ng araling ito, inaasahan sa iyo na nakagagamit ng mga basic
functions at formula sa electronic spreadsheet upang malagom ang datos.

Talasalitaan
Upang lubos mo na maunawaan ang araling ito, pag-aralan ang mga
sumusunod na salita o lipon ng mga salita at kahulugan nito.

Spreadsheet. Ito ay isang office application na kung saan maaaring magtuos ng mga
kinakailangang datos
Cell. Ito ay tumutukoy sa bawat kahon na nakapaloob sa spreadsheet
Software. Ito naman ay isang programa sa kompyuter na kung saan maaaring gamitin
ang isang natatanging Gawain

Formula .Ito ay mga shortcut na equations na ginagamit upang madaling malagom ang
mga datos

Panimulang Pagtataya
Panuto: Gamit ang spreadsheet, punan ang mga bakanteng cell ng tamang sagot.

PRODUKTO 1ST QUARTER 2ND QUARTER 3RD QUARTER 4TH QUARTER AVERAGE INCOME
ISDA ₱ 51,550.00 ₱ 39,000.00 ₱ 45,000.00 ₱ 62,000.00
KARNE ₱ 55,000.00 ₱ 61,350.00 ₱ 52,000.00 ₱ 70,250.00
DAIRY PRODUCTS ₱ 38,000.00 ₱ 40,000.00 ₱ 21,000.00 ₱ 56,750.00
TOTAL

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO:


Basahin at pag-aralan.

Ang Spreassheet o Microsoft Excel ay ginagamit sa pagsusuri ng


impormasyon,paggawa ng mga talangguhit(graph at tsart),paggawa ng mga
formula para sa pagtutuos at pag-aayos ng mga impormasyon na nakalap
sa internet man o saan mang maaaring pagmulan ng impormasyon.Ito ay
malimit gamitin ng isang entrepreneur sa bookkeeping o sa pagtatala sa
aklat hinggil sa kalakal o kaya ay accounting o pagtutuos ng mga gastos at
pera na pumasok.

3
Ito ay binubuo ng maraming mga cells.Nahahati sa
column(hilera/patayong hilera) at row(hanay/pahigang hilera) Naglalaman
din ito ng maraming mga formula upang makamit ang iba pang
pakinabang nito.Maraming spreadsheet ang maaari mong i-download mula
sa internet na maaaring gamitin sa Windows Pc.Halimbawa nito ay ang
Kingsoft Spreadsheet,Accel Spreadsheet,Household Bufget Worksheet at
QT Calc Express.

Mga Bahagi ng SpreadSheet


Cell.Ito ay nilalagyan ng mga datos o impormasyong tekstuwal o
numero.
Cell Address o Name Box.Ito ang titik at numero na nagbibigay ng
eksaktong lokasyon ng hilera at hanay ng cell sa isang spreadsheet.

Column.Ito ay tumutukoy sa hilera ng mga titik o letra sa itaas na


bahagi ng spreadsheet.

Exponentiation.Ito ay isang operasyon sa matematika.Halimbawa


ay 5.5

Formatting Toolbar.Ito ay karaniwang makikita sa itaas ng


workbook,nakatutulong ito sa pagsasaayos ng mga text tulad ng
pagpili ng font,pagpapalaki sa mga titik,gawing bold ang salita o
gawing italic,paglalagay ng linya sa ilalim ng salita,paggamit ng
justification,pagdaragdag ng indent,paglalagay ng border,pagpapalit
ng kulay ng mga titik at iba pa.

4
Formula.Ito ay nagpapakita ng relasyon ng ibat-ibang variable sa
isang mathematical equations(halimbawa,ang V=1*w*h ay may
variable na V=volume,l=length,w=width,h=height)

Formula Bar.Ito ay nagbabasa ng impormasyon na inilalagay sa


isang cell kung naka-highlight ang cell.

Menu Bar.Ito ay kadalasan na mayroong drop down menu kung


saan maaaring pumili ng file o application.

Merge Cell.Ginagamit ito sa pagsasama ng dalawa o higit pang


cell(kadalasan magkatatabi) upang maging isang cell.

Row.Ito ay hanay na may numero sa kaliwa.

Spreadsheet.Isang computer application program para sa maayos


na presentasyon ng impormasyon.Nakatutulong din sa pagsususri
ng nakalap na impormasyon.

Table.Ang pagkakaroon ng mga hanay at hilera ay nakatutulong


upang maging mas madali at mabilis gawin ang pagsusuri ng
impormasyon lalo na kung ito ay puro numero gaya ng pagkuha ng
kabuuang halaga o summation.

Task Pane. Isa itong tila maliit na bintana sa bandang kanan ng


Excel.Ang mga naka-display ay napaliliit depende sa ginagawang
dokumento.

Title Bar.Ito ay nasa gawing ibabaw .Dito nakikita ang pangalan ng


kasalukuyang aktibong dokumento.

Toolbars.Ito naman ay nasa gawing itaas ng spreadsheet na


kinalalagayan ng ibat-ibang button,icon,menu at iba pa.

Worksheet.Isa itong koleksiyon ng cell na kinalalagyan ng


impormasyon na maaaring suriin o manipulahin.

Workbook.Isa namn itong grupo ng spreadsheet na naka-save sa


isang file.Kadalasan ito ay may tatlong worksheet.
5
Paggamit ng Basic Functions at Formula sa Electronic
Spreadsheet

Malaki ang naitutulong ng electronic spreadsheet upang


mapabilis ang pagtutuos o pagkukuwenta ng mga benta o gastusin
ng isang negosyo.Sa pamamagitan ng mga basic function at
formula madali tayong makagagawa ng mga ulat ng kinita,ulat ng
pananalapi ,balance sheets at iba pa.

Ano-ano ang mga basic function at formula ng electronic


spreadsheet.Paano mo ito magagamit sa spreadsheet?

Ang formula ay nagpapakita ng relasyon ng ibat-ibang


variable sa isang mathematical expression.Sa electronic
spreadsheet,ang formula ay isang pahayag ng user sa kung paano
niya nais makuwenta ang mga datos sa worksheet.Ito ay
nagsisimula sa equal sign at kalimitang naglalaman ng values,cell
references,cell names at functions.

Halimbawa: A4=(A5+A6+A7)-A8

Ang functions ay formula na nakahanda na upang magamit sa


pagkukuwenta.Ito rin ay nagsisimula sa equal sign at naglalaman
ng function name at arguments.

Halimbawa: A4=SUM(A5:A7)

Ibat-ibang Basic Functions sa Spreadsheet


1.Sum Function-kinikuha nito ang kabuuang bilang ng mga
numerical na datos sa mga piling cells.

2.Average Function-kinukuha nito ang average o karaniwang


halaga ng mga piling numerical na datos.
6
3.Max Function-ibinibigay nito ang pinakamalaking bilang mula
sa mga pling numerical na datos.

4.Min Function-ibinibigay nito ang pinakamaliit na bilang mula sa


mga piling numerical na datos.

5.Count Function-ibinibigay nito ang bilang ng mga tinalang


halaga sa mga piling cells

Subukan mong gamitin ang formula at basic function sa


paggawa ng “Ulat ng Kinita sa isang Araw ni Kielle”.Sundin ang
mga sumusunod na hakbang.

1.Buksan ang electronic spreadsheet tool.

2.I-type ang tekstuwal at numerical na datos na makikita sa table


sa ibaba.I-format ang table upang mas maging kaaya-aya.

7
3.Upang makauha mo ang netong kita,kailangan ay makuha mo
muna ang kabuuang gastos(expenses).Upang makuha mo
ito,maaari mong gamitin ang basic function na SUM.
4.I-click ang cell C4.I-type ang basic function at cell range sa loob
ng saknong: =SUM(C5:C14),o kaya ay i-click ang Insert Function
button .Piliin mo ang SUM function at i-click ang
[OK].

5.Magbubukas ang Function Arguments dialog box.


6.I-highlight ang cell C5 hanggang C14.
7.I-press ang [Enter] sa keyboard.
8.Ngayon ay maaari mo nang malaman ang netong kita sa
pamamagitan ng pagbawas ng mga gastusin sa kabuuang kita.
9.I-click ang cell C15 at i-type ang formula (=C3-C4) upang makuha
ang netong kita.
10.I-save ang spreadsheet bilang income statement.

Subukan mo uli na gamitin ang basic function at formula sa electronic


spreadsheet upang malagom ang datos.Sundin ang mga hakbang sa ibaba .

1. Hanapin ang icon ng Excel at i- click ito. Pagkabukas, ganito ang


larawang lalabas:

8
b. I-type ang mga sumusunod na datos sa nakabukas na
Spreadsheet

c. Para tuusin ang Quarterly Average, maaaring gumamit ng


dalawang paraan. Una, maaaring i-click at i-drag lamang ang
mouse upang pagsama-samahin ang mga marka at i-click ang
Formula na matatagpuan sa itaas ng spreadsheet at i-click ang
Auto Sum > Average. Pagkatapos mapindot ang Average lalabas
na ang resulta.

d. Gawin ang parehong paraan upang tuusin ang Final Grade.

9
e. Ikalawa, maaaring gamitin ang mano-manong paggawa ng
formula sa isang cell sa pamamagitan ng pagta-type ng formula
na nag-uumpisa sa equal sign, pagkatapos ay sinusundan ito ng
parenthesis ( ). Sa loob ng parenthesis matatagpuan ang mga
cell na nais pagsama-samahin. Maaaring ilagay sa mga cell nang
manual o mano-mano ang datos o ilagay ito sa pamamagitan
ng pag-click sa cell na nais ilagay pagkatapos ay sundan ito ng
plus (+) sign. Kung higit sa dalawa ang cells na nais
pagsamahin, kailangang ilagay ang plus (+) sign sa pagitan ng
mga cell katulad ng ipinakikita sa larawan sa ibaba. Pagkatapos
ilagay ang mga cell, ilagay ang Division Sign na / para makuha
ang average. Pindutin lamang ang “Enter” o i-click lamang ang
mouse o cursor saan man sa spreadsheet at lalabas na ang
resulta. Maaaring magdagdag o magbago ng kulay ng text,
outline at kulay ng diagram gamit ang Format Tool/ Tab.

f. Ang ganitong uri ng paraan ng pagtutuos o paggamit ng function


at formula ay nag-iiba lamang sa gamit. Halimbawa, kung may
nais mag-subtract, gagamitin lamang ang minus (-) sign sa
pagitan ng mga cell na nais pagbawasin. Samantala, ginagamit
naman ang asterisk (*) kapag nais i-multiply ang dalawang
numero o higit pa.

10
I. PAGSASANAY 1
Paglalagom ng Datos gamit ang Auto Sum.
• Magbukas ng electronic spreadsheet at ipasok ang mga datos. Gamit
ang AUTOSUM kuhanin ang kabuuan ng score ng bawat mag-aaral. E-
save sa isang flash drive at i-print.

PAGSASANAY 2
Paglalagom ng datos gamit ang mano-manong paggawa ng formula.
• Kuhanin ang kabuuang kita ng 3 tindahan bawat araw gamit ang
mano-manong paggawa ng formula. E- save sa isang flash drive at i-
print.

PAGSASANAY 3

11
• Kunin kabuuan ng humigit kumulang na edad at timbang sa inyong pamilya.
Gawan ng spreadsheet batay sa format na nasa ibaba. E- save sa sa isang
flash drive bilang gawain 3. (Ang mga mag-aaral ang magbibigay ng sariling
datos)
MIYEMBERO NG PAMILYA EDAD TIMBANG
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
Average

RUBRICS
Puntos Batayan

Mahusay na natuos ang hinihingi sa bawat


4
pangkat gamit ang electronic spreadsheet.

May 1 pagkakamali sa pagkaktuos ang pangkat


3
pangkat gamit ang electronic spreadsheet

Walang natamang natuos ang pangkat gamit


2
ang electronic spreadsheet.

1 Hindi natapos ang gawain.

Panapos na Pagtataya
Panuto: Gamit ang spreadsheet, punan ang mga bakanteng cell ng tamang
sagot.
PRODUKTO 1ST QUARTER 2ND QUARTER 3RD QUARTER 4TH QUARTER AVERAGE INCOME
ISDA ₱ 51,550.00 ₱ 39,000.00 ₱ 45,000.00 ₱ 62,000.00
KARNE ₱ 55,000.00 ₱ 61,350.00 ₱ 52,000.00 ₱ 70,250.00
DAIRY PRODUCTS ₱ 38,000.00 ₱ 40,000.00 ₱ 21,000.00 ₱ 56,750.00
TOTAL

TAKDANG-ARALIN
1. Saan maaaring gamitin ang kaalaman sa paggawang spreadsheet?
2. Paano mo mapapalawig ang iyong kasanayan sa paggawa ng ibat-ibang
pagtutuos ng datos sa spreadsheet?
3. Sa pamamagitan ng kaalaman sa pagtutuos ng datos sa spreadsheet, papano
mo ito magagamit upang matulungan ang iba?

12
Sanggunian
Peralta, G.A, Arsenue, R. A., Ipolan, C.R, Quiambao, Y.L.& De Guzman,
J.D.(2016), Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran:
Batayang Aklat sa Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 5,VICARISH Publication
and Trading,Inc.,Manila.

13
Susi sa Pagwawasto
Panimula at Panapos na Pagtataya

PRODUKTO 1ST QUARTER 2ND QUARTER 3RD QUARTER 4TH QUARTER AVERAGE INCOME
ISDA ₱ 51,550.00 ₱ 39,000.00 ₱ 45,000.00 ₱ 62,000.00 ₱ 197,550.00
KARNE ₱ 55,000.00 ₱ 61,350.00 ₱ 52,000.00 ₱ 70,250.00 ₱ 238,600.00
DAIRY PRODUCTS ₱ 38,000.00 ₱ 40,000.00 ₱ 21,000.00 ₱ 56,750.00 ₱ 155,750.00
TOTAL ₱ 144,550.00 ₱ 140,350.00 ₱ 118,000.00 ₱ 189,000.00 ₱ 591,900.00

RUBRICS SA PAGSASANAY 1,2 AT 3

Puntos Batayan

Mahusay na natuos ang hinihingi gamit ang


4
electronic spreadsheet.

May 1 pagkakamali sa pagkaktuos gamit ang


3
electronic spreadsheet

Walang tamang natuos gamit ang electronic


2
spreadsheet.

1 Hindi natapos ang gawain.

14

You might also like