You are on page 1of 11

EPP 5

Quarter 3
Modyul
Pamagat
EPP – Ikalimang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 1: 1. Naipaliliwanag ang gamit ng diagram at word
processing tool.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rodolfo D. Garcia Jr
Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, OIC – Schools Division
Superintendent
Aurelio G. Alfonso, Ed. D., OIC - Assistant Schools Division
Superintendent
Victor M. Javeña, Ed. D. Chief – School Governance & Operations
Division & OIC – Chief Curriculum Implementation
Division
Education Program Supervisors
1. Librada L. Agon, Ed. D., EPP/TLE
2. Liza A. Alvarez, Science
3. Bernard R. Balitao, Araling Panlipunan
4. Joselito E. Calios, English
5. Norlyn D. Conde, Ed. D., MAPEH
6. Wilma Q. Del Rosario, LRMS
7. Ma. Teresita E. Herrera,Ed. D., Filipino
8. Perlita M. Ignacio, Ph. D., ESP/SPED
Department of Education – Dibisyon Ng Pasig City
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax:
E-mail Address:
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Modyul ukol sa
gamit ng diagram at word processing tool!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang
malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang Iyong matutuhan at naunawaan sa mga na
unang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito. 

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng
mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyan halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang psmpagkatuto
ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dto masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang matutukoy ang mga
angkop na search engine sa pangangalap ng impormasyon.

PAUNANG PAGSUBOK

Taglay mo na ang mga sumusunod na kaalaman at kasanayan? Lagyan ng tsek (/)


ang hanay ng thumbs up icon kung taglay mo na o sa thumbs up down kung hindi pa

Kasanayan/Kaalaman

1. Natutukoy ang gamit ng SmartART


2. Naipaliliwanag ang gamit ng word processing tool sa paggawa ng
diagram

3. Naisasaayos sa diagram ang lipon ng mga salita at impormasyon upang


mas lalo itong maintindihan

4. Nababago (edit) ang properties ng diagram upang mas maging Kaaya-


aya

5. Nakagagamit ng word processing tools sa paggawa ng diagram

Pakipalitan po sir ang topic po ninyo about search engine

Maari po kayo maglagay ng pictures ng iba’t ibang search engine


pahulaan mo sa bata kung alam nila o kilala nila search engine.
BALIK-ARAL

Anong paksa ang tinalakay natin sa nakaraang aralin?


Ano ang naitutulong ng paggamit g Electronic Spreadsheet?

Sir gumawa po kayo ng tanong using different type of test./ evaluation Na may

kinalaman sa last lesson.

ARALIN

 Nasubukan mo na bang gumawa ng isang diagram ng proseso gamit ang Word


Processing Tool?
 Ano nga ba ang diagram? Ano naman ang alam mong word processing tool?

ANG WORD PROCESSOR

Ang word processor o word processing application ay


isang software na tumutulong sa paglikha ng mga
tekstuwal na dokumento, sa pag-eedit at pag-save ng mga
ito sa computer file system. Higit pa ang nagagawa nito
kaysa sa isang makinilya. Dahil ito ay nakakompyuter,
nakapag-iimbak ito ng maraming impormasyon at
nakakapagsagawa ng tuloy-tuloy ayon sa ibinibigay na commands. Tulad ng
pagkakamali ng titik, nabubura ito sa pagpindot ng delete o backspace key. Ang
pagsasaayos din ng mga pangungusap sa isang dokumento ay naisasagawa sa
pamamagitan ng pag-highlight at drag sa lugar na nais mong isunod isulat. Maari
ring mapalitan ang uri ng titik o font at kulay na nais gamitin gayundin ang
pagkakaaayos nito. Gamit ang word processor, maaari ka ring maglagay mga hugis,
tsart ng talahanayan, larawan at diagram.

Ang word processor ay maraming gamitin sa pagnenegosyo, sa tahanan, sa


pag-aaral, sa pamamahayag, paglilimbag at mga sining literatura. Maraming
bentahe kapag napalago mo ang
kasanayan sa paggamit ng word
processor. Mas mapapadali nito ang
mga gawain mo sa iba’t-ibang larangan.
Sa tulong ng word processing tools,
maaari din nating isaayos ang hugis na
naglalaman ng mga impormasyon
hinggil sa isang bagay o proseso na
impormasyon sa pamamagitan ng
paggawa ng diagram. Isa sa mga
kilalang word processor software ay ang
Microsoft Word.

Kilalanin ang mga bahagi ng Microsoft Word Interface


ANG DIAGRAM

Ang diagram ay mga hugis na naglalaman ng mga impormasyon hinggil sa isang


bagay o proseso. Ito rin ay tinatawag nating graph. Noon hindi pa uso ang paggamit
ng computer, ang mga diagram ay mano-manong nililikha, ngayong makabagong
panahon, maaari nang gamitin ang computer upang gumawa ng diagram gamit ang
word processing tool.

Ilan sa mga halimbawa ng diagram na maaring pagpilian at gawin gamit ang word
processing tool na matatagpuan sa insert tab-SmartArt ng Microsoft word
processor:

 List
 Process
 Cycle
 Hierarchy
 Relationship
 Matrix
 Pyramid
 Picture
 Office
List Diagram Process Diagram Cycle Diagram

Hierarchy Diagram Relationship Diagram MatrixDiagram

Pyramid Diagram Picture Diagram Office Diagram

MGA PAGSASANAY
Isulat sa patlang ang Tama kapag tama ang isinasaad ng pangungusap at Mali
kundi hindi.

_________1. Ang word processor ay ginagamit sa paglikha ng mga dokumento, sa


pag-eedit at pag-iimbak sa mga ito sa computer system.
_________2. Napapatagal ang paggawa ng mga gawain kapag gumamit ng word
processing application.
_________3. Hindi na mabubura ang mga maling titik sa dokumento kapag
gumamit ng word processor.
_________4. Maraming uri ng word processor at isa sa mga kilala ay ang Microsoft
Word.
_________5. Isa sa mga tampok na bahagi ng word processor ay ang diagram na
mahalaga sa pagsasalarawan ng mga bagay o proseso.

PAGLALAHAT

Ang diagram ay mga hugis na naglalaman ng mga impormasyon hinggil sa


isang bagay o proseso. Ang word prossesor o word processing application ay
isang software na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na dokumento, sa pag-
eedit at pag-save ng mga ito sa computer file system.

PAGPAPAHALAGA

Sa makabagong panahon, mahalaga na matutunan natin ang mga kasanayan sa


paggamit ng word processing application at paggawa ng mga diagram, hindi lang natin ito
magagamit sa ating mabilis na pag-unlad kundi magagamit rin natin ito upang mapabilis ang
ating mga gawain sa pagnenegosyo, sa tahanan, sa pag-aaral, sa pamamahayag,
paglilimbag, pag-iimbak ng impormasyon, paggawa ng mga sining literatura at marami pang
iba.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Piliin ang titik ng tamang sagot:


1. Ito ay mga hugis na naglalaman ng mga impormasyon hinggil sa isang bagay o proseso.
a. Chart b. Tools c. Diagram d. Speadsheet
2. Ito isang software na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na dokumento, sa pag-
eedit at pag-save ng mga ito sa computer file system.
a. Word Processor c. Spread Processor
b. Processing Tools d. Diagram

3. Word processing tool na ginagamit upang makagawa ng isang diagram o plano.


a. Smart Art b. Clip Art c. Diagram d. Graph

4. Ano ang magagawa kung i-click ang icon na ito sa insert tab?
a. Table b. Columns c. diagram d. Tsart

5. Anong diagram ang tawag dito ?


a. cycle b. Process c. List d. Hierarchy

SUSI SA PAGWAWASTO
1. B
2. A
3. C
4. D
5. E

Sanggunian
Evelyn Deliarte, Ann B. Ventura, Randy R. Emen-Makabuluhang Gawaing
Pantahanan at Pangkabuhayan, Adriana Publising Co. Inc, 776 Aurora Blvd.
Cubao, Quezon City
QUIPPERSCHOOL.COM
Computerhope.com
http://w.sunybroome.edu/basic-computer-
skills/functions/word_processing/1word_processing.html

You might also like