You are on page 1of 17

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan 4
Ikaapat na
ICT AND ENTREPRENEURSHIP
Markahan
EPP-ICT/Entrepreneurship – Ikaapat na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 15: Pagguhit Gamit ang Drawing Tool o Graphic
Software
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Joey D. Gimeno
Editor: Merlita V. Franco
Tagasuri: Merlita V. Franco
Tagaguhit: Edison P. Clet/Arnel R. Ganados
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
EPP 4
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 15
Pagguhit Gamit ang Drawing Tool o
Graphic Software
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang EPP-ICT-Entrepreneurship 4 ng


Modyul 15 para sa araling Pagguhit Gamit ang Drawing Tool o Graphic Software!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa EPP-ICT-Entrepreneurship 4 Modyul 15 ukol sa


Pagguhit Gamit ang Drawing Tool o Graphic Software!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Ang paksang tatalakayin sa modyul na ito ay tungkol sa pagguhit gamit


ang drawing tool o graphic software.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at kasanayan? Iguhit


ang kung taglay mo na ang nasa pangungusap at naman
kung hindi pa.
1. ________ Matukoy ang command tools na ginagamit sa pagguhit.
2. ________ Gumamit ng kulay sa pagguhit.
3. ________ Burahin ang isang bahagi ng larawan gamit ang angkop na
tool.
4. ________ Maglagay nang text sa larawan.
5. ________ Mag-save nang file gamit ang angkop na format.

BALIK-ARAL
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na larawan, alin sa mga ito ang
maaaring i-attach sa pagpapadala ng email. Iguhit ang linya
papunta sa attachment.
ARALIN Mahilig ka bang gumuhit o magpinta?
Alam mo ba kung paano gamitin ang
drawing tool o graphic software sa
kompyuter, tablet o cellphone?
Magiging kasiya-siya ang mga
gawaing ito kapag iyong natutuhan.
Sa pag-aaral ng araling ito, malilinang
ang iyong kakayahan sa paggamit ng
kompyuter upang makaguhit nang
larawan.

Ang paggamit ng larawan ay isang mabisang paraan upang maipahayag


ang mensahe. Tingnan mo ang larawan sa itaas. Ano ang iyong napansin?

Ang Graphics Software ay isang uri ng software na maaaring magamit


upang lumikha, mag-edit, at pamahalaan ang 2D graphics computer. Ang mga
computer graphics na ito ay maaaring clip art, web graphics, mga logo, mga
heading, mga background, mga digital na larawan , o iba pang mga uri ng
mga digital na imahe.

Gaya ng nakagawiang paraan sa pagguhit at pagpipinta na hindi


gumagamit ng kompyuter, ang graphic software ay mayroong drawing area
na nagsisilbing canvas o papel sa isang pintor. Ang mga halimbawa nito ay
photoshop, canva at MS Paint.

Ang MS Paint o Microsoft Paint ay isang kompyuter


program na ginawa ng Microsoft. Ito ay isa lamang sa mga
drawing tool o graphic software sa kompyuter. Nilalayon
nito na makalikha, makapag-edit, at makapag-save sa
kompyuter. Ito rin ay isang program para sa pagdagdag
ng text sa isang image at i-save sa kompyuter. Ang ilan
sa mga tools na maaari mong magamit sa MS Paint ay ang
paint bucket, pencil, spray can, eraser, line and curved
line tools, multiple shape tools, text tools at cut out tool.
Sundan ang mga sumusunod na panuntunan sa paggamit at pagguhit ng Ms
Paint.

1. Sa iyong kompyuter, i-search ang MS Paint at buksan ito.

a. Paint Tool – naglalaman ng mga command tools na gagamitin sa


paggawa bago, pagbukas at pag-save ng file.
b. Ribbon – Naglalaman ng iba’t-ibang tools na maaaring gamitin sa
pagguhit, pagkulay, pag-edit ng larawan at iba pa.
c. Drawing Area – canvas kung saan maaaring gumuhit o mag-edit ng
larawan.
2. I-click ang pencil tool at Color 1. Pumili ng kulay sa color pallete sa
pamamagitan ng pag-click nito.
3. Pumili ng brush na nais mong gamitin, halimbawa ang brush icon na
crayon.

4. Maaring mag-set ng dalawang kulay gamit ang icon na Color 1 at Color 2.


Halimbawa kung ang nais mong kulay ay itim, i-click ang button na Color
1 at piliin ang kulay itim. Gumuhit sa canvas ng tatlong pahigang linya
gamit ang left click sa iyong mouse.

5. Para sa Color 2, i-click ang button na Color 2 at pagkatapos ay piliin ang


kulay na dilaw. Gumuhit sa canvas ng tatlong pahigang linya gamit ang
right click sa iyong mouse. Tandaan, ang left click ay para sa Color 1 at
ang right click ay para sa Color 2.
6. Maaari ka ring gumawa ng iba’t ibang hugis o shapes na matatagpuan sa
ribbon tool tulad ng mga halimbawa na nasa ibaba.

Maari ka ring pumili ng kulay na gusto mong ilagay sa loob ng mga


hugis o shapes. I-click ang button na brushes at pumili ng nais mong uri
nito. Pagkatapos ay pumili ng kulay na nais mong gamitin sa icon na Color
1 o Color 2.

7. Kung nais mong gumuhit sa canvas, i-click ang Pencil Tool icon at pumili
ng kulay na nais mong gamitin na matatagpuan sa Color 1 at Color 2.
8. Maari ka ring gumamit ng brush tool upang gumuhit.

Gamitin ang Eraser Tool kung nais mong burahin ang iyong naiguhit.

Pagkatapos gumuhit sa MS Paint, i-save ang dokumento gamit ang


sumusunod na hakbang.

1. I-click ang button na File. Piliin ang Save As at pumili ng format na


JPEG. Maaari ka ring pumili ng iba pang format na akma sa
pangangailangan na format.
• JPEG (Joint Photographic Expert Group)
Ang format na ito ay compatible sa halos lahat ng devices at
programs. Mas akmang gamitin ang format na ito, kung kailangan
mong i-display ang larawan online.
• PNG (Portable Network Graphics)
Ang format na ito ay akma sa graphic image file tulad ng logo,
infographics at maliliit na images. Hindi ito compatible sa lahat ng
software o applications.
• GIF (Graphics Interchange Format)
Ang format na ito ay akma sa maliliit na graphics tulad ng banners,
charts, at buttons.
2. Piliin kung saang location o file nais i-save ang iyong dokumento.
3. Lagyan ng File Name o pangalan ang dokumento. I-click ang arrow
down sa Save as Type space at piliin ang JPEG.

4. I- click ang button na Save. Hanapin ang iyong dokumento gamit ang
File na iyong ginamit upang masiguro na ito ay iyong nai-save.
MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Ito ay isang halimbawa ng drawing tools o graphic software na kung
saan ay nilalayon nito na makalikha ng picture files at makapag-edit ng
picture files at mai-save sa kompyuter.
A. MS Word C. MS Paint
B. MS Excel D. MS Drawing
2. Ito ay canvas kung saan maaaring gumuhit o mag-edit ng larawan.
A. Paint tool C. Drawing area
B. Ribbon D. Paint area
3. Kung nais mong i-save ang iyong larawan sa format na compatible sa
halos lahat ng devices at programs, anong format ang iyong pipiliin?
A. GIF C. JPEG
B. PNG D. TGIF
4. Nais ni Carla na gumuhit sa canvas o drawing area, anong button ang
dapat niyang i-click?
A. Shapes at Text C. Shapes at Brush tool
B. Pencil at Brush tool D. Text at Pencil Tool
5. Ito ang button na kung saan nilalagay ang pangalan ng iyong ginawang
larawan sa graphic tool.
A. File Application C. File Name
B. Format D. Application Name
Pagsasanay 2
Panuto: Kilalanin ang tinutukoy na mga tool bars na nasa larawan. Isulat
ang iyong sagot sa patlang.
2.____________________
1._______________ _
______________

3.____________________
4.____________________
_
_

5.____________________
_
Pagsasanay 3
Panuto: Ipakita ang iyong angking galing gamit ang MS Paint o anumang
drawing tool o graphic software. Gumuhit ng larawan na nagpapakita
ng malimit mong ginagawa sa loob ng tahanan kasama ang iyong
pamilya. Lagyan ito ng pamagat batay sa iyong kagustuhan. Ipadala
ito sa iyong guro gamit ang iyong messenger classroom.

PAGLALAHAT
Ang pagguhit ay hindi na lamang maaaring gawin sa papel. Ito ay
nagagawa na rin sa pamamagitan ng teknolohiya tulad ng drawing tool o
graphic software. Ngayong natutuhan mo na ang mga ito, iyong sagutin ang
mga sumusunod na katanungan sa ibaba.

1. Ano ang drawing tool o graphic software?

2. Paano nagagamit ang drawing tool o graphics software sa pagguhit?


PAGPAPAHALAGA
Bakit mahalagang matutuhan ang pagguhit o pag-drowing nang isang
tao? Ano ang kahalagahan ng pagguhit gamit ang drawing tool o graphic
software? Isulat ang iyong saloobin sa loob ng papel.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Ayusin ang pinaghalo-halong mga letra sa loob ng kahon upang


mabuo ang salitang tinutukoy sa bawat pangungusap. Ilagay ang
iyong sagot sa patlang.

tainp loot 1. Ito ay naglalaman ng mga command tools na


gagamitin sa paggawa bago, pagbukas at pag-save
ng file. _____________
serrae loto 2. Ang tool na kung saan maaari kang magtanggal o
magbura ng mga text, color at iba pang nasa drawing
area. _____________
bonrib Tolo 3. Naglalaman ng iba’t ibang tools na maaaring gamitin
sa pagguhit, pagkulay, pag-edit ng larawan.
_____________
bletapor worknet
parghics 4. Ang format na akma sa graphics image file tulad ng
logo, infographics at maliliit na images. _____________
parghics changeterin 5. Sa format na ___________________ ay nagiging akma
orftam ang maliliit na graphics tulad ng banners, charts, at
buttons.
Panapos na Pagsusulit Pagsasanay 3
1. Paint Tool Maaaring i-
2. Eraser Tool konsidera ang
3. Ribbon tool magkakaibang
4. Portable Network sagot ng mga bata
Graphics
5. Graphics interchange
format
Pagsasanay 2 Pagsasanay 1 Balik-Aral
1. Paint Tool 1. C • Larawan
2. Color Tool 2. C • Video
3. Brush Tool 3. C • Musika
4. Shape Tool 4. B • dokumento
5. Canvas Tool 5. C
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Aklat

Samadan, E. F. et. al., Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan.


Kagamitan ng Mag-aaral sa Ikaapat na Baitang, Vibal Group Inc. 2015 -
1253 G. Araneta Avenue Quezon City, Philippines

Online o Elektronikong Pinagmulan

“Soccer Ball”. Image. June 16, 2020


https://images.app.goo.gl/HpTaZDRxFX6YRB5G6
“Electric Fan”. Image. June 16, 2020
https://images.app.goo.gl/piM4rvj7wUMxao6y5
“Shoes”. Image. June 16, 2020
https://images.app.goo.gl/6Ruj5Mn4BxQSMCP17
“Desktop Computer”. Image. July 16, 2020
https://images.app.goo.gl/chaUeNeReuU5WCgK7

You might also like