You are on page 1of 20

4

EPP-ICT
Kwarter 0 – Modyul 10:
Tayo nang gumawa ng
dokumentong may larawan
(Tayo nang gumawa ng flyer o patalastas)
EPP-ICT Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Kwarter 0 – Modyul 10: Tayo nang gumawa ng dokumentong may larawan
(Tayo nang gumawa ng flyer o patalastas)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marivic B. Abawag
Editor: Jelly M. Flores
Tagasuri: Filip P. Cañas
Tagaguhit: Fatima Preciousa T. Cabug
Tagalapat: Fatima Preciousa T. Cabug, Antonio L. Morada
Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad - Regional Director, DepEd Region V
Francisco B. Bulalacao Jr. - CLMD Chief, DepEd Region V
Grace U. Rabelas - Regional EPS In-Charge of LRMS, Region V
Ma. Leilani R. Lorico - Regional ADM Coordinator, DepEd Region V
Lita T. Mijares - CID Chief, DepEd, Division of Camarines Sur
Salvador T. Pelingon, Division EPS In-Charge of LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region V

Office Address: _____________________________________________


_____________________________________________
Telefax: _____________________________________________

E-mail Address: _____________________________________________


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang EPP-ICT sa ika-apat na baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Tayo nang gumawa ng
dokumentong may larawan (Tayo nang gumawa ng flyer o patalastas).

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa EPP-ICT 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


ukol sa Tayo nang gumawa ng dokumentong may larawan (Tayo nang gumawa
ng flyer o patalastas).

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa modyul na ito ay inaasahang naisasagawa ng mag-aaral


ang mga sumusunod:
• nakagagamit ng mga basic features ng word processing
tools;
• nakagagawa ng isang produkto gamit ang word processor;
at
• nakapagbabahagi ng kaalaman sa paggamit ng word
processor sa iba.

1
Subukin

Kaya Mo Na Ba?
A. Gumawa ng isang flyer na nag-anunsyo gamit ang sumusunod
na detalye. Gawin ito sa isang buong malinis na bond paper.

B. Iguhit ang masayang mukha kung taglay mo na ang


sumusunod na kaalaman at kasanayan at malungkot na mukha
kung hindi pa.

Gamit ang word processor, kaya ko nang…

1. gamitin ang font tools para baguhin ang


hitsura ng font
2. maglagay ng larawan sa dokumento
3. gamitin ang basic formatting tools sa pag-
aayos ng hitsura ng larawan sa
dokumento gamit ang word processor,
kaya ko na…
4. gamitin ang angkop na alignment para sa
dokumento.
5. mag-save ng dokumento.

2
Aralin ICT: Tayo nang gumawa ng
dokumentong may larawan
10 (Tayo nang gumawa ng flyer o
patalastas)

Ano ang kadalasang makikita mo kapag ikaw ay nasa lugar ng


komersiyo tulad ng restaurant, malls, hotel at maging sa
paaralan?
May mga lugar na makikitaan natin ng mga isang pahina na
patalastas o anunsiyo. Bilang isang mag-aaral kaya mo kayang
gumawa nito?
Paano kaya gumawa ng isang dokumento na may kalakip na mga
larawan? Mas madali bang maunawaan ng mambabasa ang mga
ito kung may makulay na larawan?
Iyan ang ating bibigyang pansin sa modyul na ito.

3
Balikan

A. Pagtambalin ang nasa Hanay A at Hanay B. Isulat ang


titik sa patlang.
A B

_____1. a.MS Paint

_____2. b. drawing area

_____3. c. paint tool

_____4. d. ribbon

_____5. e. quick access toolbar

4
B. Bilugan ang angkop na salita sa loob ng panaklong.
6. Joint ________________ Experts Group (JPEG)
(Photographic, Photograph)
7. Portable _____________ Graphics (PNG)
(Netizen, Network)
8. _______________ Interchange Format (GIF)
(Graph, Graphics)
C. Tukuyin ang sumusunod na larawan.Isulat sa patlang ang
pangalan nito.

9. _____________

10. ______________

Tuklasin

Basahin ang trivia.


Alam mo ba?
Ang mga Kastila ang nagpakilala sa mga Pilipino ng
paglilimbag noong 1593. Ito ay pinangunahan ng mga samahan
ng mga Katolikong pari a nagmamay-ari ng mga limbagan sa
Pilipinas. Ang Doctrina Christina ang unang aklat na nalimbag
sa Pilipinas noong 1593. Si Tomas Pinpin ang unang Pilipinong
tagalimbag.
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Kailan unang nagkaroon ng limbagan sa Pilipinas?
2. Ano ang mabuting naidulot ng pagkakaroon ng limbagan?

5
3. Marunong ka bang gumawa ng maikling dokumento gamit
ang Word processor?

Suriin

Kung hindi ka pa marunong gumawa ng maikling dokumento


gamit ang word processor halika at pag-aralan natin. Sundan
lang ang mga hakbang sa ibaba.
1. Buksan ang MS Word. Magbukas ng bagong dokumento.
Pansinin na gaya ng spreadsheet application at graphic
software, ang word processing application ay mayroon ding
tools, ribbon at tabs.

I-click ang iba’t ibang tabs at tingnan ang tools sa nakapaloob


na ribbon.
2. Mag-type ng salita o mga kataga sa blangkong dokumento.

6
3. I-highlight ang salita sa pamamagitan ng pag-click sa
unahang bahagi ng salita at i-drag ang mouse hanggang sa dulo
ng bahagi ng salita.

4. Palitan ang text style. I-click ang alinman sa tatlong button


na ito ang nagging pagbabago kung gagamitin ang
tatlong button ng text formatting na ito.
5. Baguhin ang kulay ng text sa pamamagitan ng pag-highlight
dito at i-click ang . Piliin ang nais na kulay.

6. Ipagpatuloy ang pagta-type ng mga pangungusap.

7. I-set ang alignment ng pangungusap sa pamamagitan ng


paglalagay ng cursor sa simula ng pangungusap at i-click ang
alinman sa buttons na ito
Ano ang nangyayari sa pag-click sa mga alignment button?

8. Mag-insert ng larawan sa pamamagitan ng pag-click sa


button na ito sa Insert Menu.

9. Kumuha ng larawan sa naka-save na file.

7
10. I-format ang larawan sa pamamagitan ng pag-double click
dito.

11. Narito ang picture tools na maaaring gamitin sa pag


edit ng larawan.

(Ang tool na ito ay makikita lamang sa MS Word


2007 at sa mas bagong bersiyon.)
12. Pumili ng angkop na format mula sa Picture Styles.
13. I-click ang text wrapping tool

14. Ipagpatuloy ang pagdiskubre sa word processor.

8
Pagyamanin

Handa ka na bang gumawa ng dokumento sa word processing


application gamit ang iyong kasanayan sa computer?
Basahin ang Talata.
Ang Pilipinas ay di lamang mayaman sa likas na yaman. Ito
rin ay mayaman sa masasarap a pagkain na talagang
maipagmamalaki natin sa ibang bansa.
Isa sa maaaring simulang negosyo ng isang batang
entrepreneur na katulad mo ay ang negosyo sa pagtitinda ng
pagkain. Gumawa ng isang flyer na nagpapakilala sa isang
negosyo.

Mula sa binasang talata gumawa ka ng isang flyer na


nagpapakilala sa iyong negosyo.
Sagutin ang sumusunod na tanong tungkol sa flyer
1. Anong pagkain ang iniaanunsiyo sa flyer?
2. Anong impormasyon ang makikita sa flyer?
3. Paano nagging epektibong manghihikayat ang flyer?

9
Isaisip

Isulat ang nawawalang salita sa bawat pangungusap upang


mabuo ang mga hakbang sa paggawa ng dokumento na may
larawan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

text
highlight
dokumento
kulay
Word

1. Buksan ang MS_________.


2. Mag-type ng salita o mga kataga sa blangkong __________.
3. I-________________ ang salita sa pamamagitan ng pag-click sa
unahang bahagi ng salita at i-drag ang mouse hanggang sa
dulo ng bahagi ng salita.
4. Palitan ang _______style.
5. Baguhin ang ____________ng text sa pamamagitan ng
paghighlight nito.

10
Isagawa

Gawin Natin!

Kung ikaw ay papasok sa mundo ng entrepreneur ano ang


pipiliin mong negosyo? Nais ko na gumawa ka ng isang simple
ngunit may kumpletong detalye ng isang flyer. Mamarkahan ito
gamit ang rubrics sa ibaba.

(10 puntos)
RUBRICS SA PAGGAWA NG FLYER
5 4 3
Kaakmaan ng Katangi-tangi Nakapagbigay ng Ordinaryo ang
nilalaman ang mga at mga larawan na mga larawang
impormasyong. nagpapakita ng inilagay at ang
larawan impormasyon impormasyon ay
ngunit may ilang hindi sapat
larawang upang
inilagay ng hindi makahikayat ng
makakhikayat sa mga mamimili
mamimili
Presentasyon Ang mga kulay May bahagi ng Hindi malinaw
ay angkop sa flyer na di ang kulay ng
negosyong napili madaling mga larawan
mabasa at
medyo malabo

11
Tayahin

Gawin Natin

Handa ka na bang gumawa ng flyer? Sundan ang mga


sumusunod na hakbang:
1. Kumuha ng larawan ng mga pagkain gamit ang inyong
cellphone o digital camera.
2. Magbukas ng bagong dokumento gamit ang word processing
application.
3. I-type ang pangalan ng inyong produckt at i-layout ito sa flyer
sa pamamagitan ng alignment tool.
4. Magdagdag ng isa pang impormasyon sa flyer.
5. Pagandahin ang mga larawan at i-layout ito sa flyer gamit ang
wrapping tool. I-save.

Karagdagang Gawain

Gumawa ng isang flyer tungkol sa isang Clean-Up Drive sa inyong


paaralan. Ilagay ang larawan ng iyong paaralan at kinakailangang
masagot ag mga tanong na sino? saan? kailan? at bakit?

12
Susi sa Pagwawasto

13
Sanggunian
Eden F. Samadan, Marlon L. Lalaguna, Virgilio L. Laggui, Marilou
E. Marta R. Benisano. 2015.Edukasyong pantahanan at
pangkabuhayan kagamitan ng mag-aaral. Pasig City Philippines
1600: Vibal Grou

14
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 1781288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like