You are on page 1of 23

8

FILIPINO 8
Unang Markahan – Modyul 5:
PANANALIKSIK-PANGWAKAS NA
GAWAIN
Filipino – Baitang 8
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Pangwakas na Gawain:
Pananaliksik Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang akdang pampanitikan tulad ng awit,kwento.tula at iba pa ay ginamit sa modyul na ito at


nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: MYLENE F.TANILONG
Editor: Name
Tagasuri: PATROCINIA T. ARIATE
Tagaguhit: Leilanie S. Yutiampo
Tagalapat: Brian Spencer Reyes,
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala
FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala
JUAN C. OBIERNA, Puno, CID
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
RODOLFO F. DE JESUS, Tagamasid Pansangay – FILIPINO

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division Office – Quezon City

Department of Education – National Capital Region


Office Address: 43 Nueva Ecija St. Bago Bantay, Quezon City
Telephone No. : 8352-6806/6809
Telefax: 3456-03-43
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
8

FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 5:

PANGWAKAS NA GAWAIN
PANANALIKSIK
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Pngwakas na Gawain: Pananaliksik

Ang modyul na ito ay idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa


pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


ukol sa Pagwakas na Gawain: Pananaliksik

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng pahina/modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan/sagot.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Ibalik ang modyul sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutan
lahat ng mga pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

iv
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
mang kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay para sa iyo. Naglalayon itong imulat ang iyong isipan sa mga
kaalaman sa pananaliksik. Makatutulong din ito upang maliwanagan ka sa mga
pamamaraan na makatutulong sa pagbuo nito.Lilinangin din sa modyul na ito ang
mga kaalaman sa gramatika na tatasa sa iyong kakayahan upang makalikha ng
maayos na kasanayang pangkomunikatibo sa pamamagitan ng mga gawain na
nakapaloob dito.

Ang Nilalaman ng Modyul na ito ay:


Aralin 6- Pangwakas na Gawain: Pananaliksik

Matapos mong maisagawa ang mga gawain sa Modyul na ito, inaasahang ikaw ay:
1. Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa
binasang datos
2. Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng mga datos una,
isa pa at iba pa
3. Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino

1
Subukin

Panuto: Hanapin sa kahon ang tinutukoy sa sumusunod.Isulat sa sagutang papel


ang letra ng tamang sagot.

A. Internet

B. Kaugnay nanLieratura

C. Pananaliksik

D. Sarbey
A
E. Pagtukoy sa Problema
F. Panimula

_______1. Isang mapanuring pagsisiyasat ng mga ideya,isyu,konsepto o anumang

bagay na nangangailangan ng ganap na paglilinaw


_______2. Ito ang unang hakbang sa proseso ng pananaliksik
_______3. Pinakamabilis at pinakamadaling paghanguan ng paksa dahil malawak
ang sakop o saklaw.
_______4. Paraan ng pangangalap ng datos sa sistematikong paraan.
_______5. Hakbang na magbibigay sa mananaliksik ng mga batayang kaalaman
hinggil sa paksa.

2
Aralin Pangwakas na Gawain
5 PANANALIKSIK

Balikan

Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng mga sumusunod sa pamamagitan ng pagsagot


sa crossword puzzle.

Ginawa sa https://puzzlemaker.biz

3
Tuklasin

Gawain1:

Panuto: Pagmasdan ang larawan at tukuyin ang katutubong kulturang


Pilipino na tinutukoy.

_____________________________ ______________________________

_____________________________ _____________________________

Pokus na Tanong

1. Bakit kailangang matutuhan ang mga hakbang sa paggawa ng


pananaliksik batay sa binasang datos?

2. Bakit kinakailangang makilala ang mga pahayag sa pagsunod-sunod ng


mga datos?

4
Suriin

Nararapat mo lamang tandaan na ang Kasingkahulugan ay tumutukoy sa kaparis,


katulad o kawangis na kahulugan ng isang salita .

Talasalitaan

Panuto: Salungguhitan ang salitang magkasingkahulugan na ginamit sa


mga sumusunod.

1. Noon,ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton


Isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan.

2. ang bawat paghakbang ay may patutunguhan


ang bawat paghakbang ay may mararating

3. ang kultura’y pinagyabong


ng may halong sigla at tuwa
nang may kasalong pagsubok at paghamon

4. kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali


at marangal na kilos

5. kulturang gagalang sa mga bata’t matanda


kulturang rerespeto sa mga babae’t may kapansanan

5
Unawain
Panuto: Basahin at. unawaing mabuti ang tula ni Ginoong Pat Villafuerte

KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay


ng Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte

NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,


isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan
gaano man ito kalapit, gaano man ito kalayo gaano man ito kakitid, gaano
man ito kalawak kaunti man o marami ang mga paang humahakbang
mabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy ang bawat
paghakbang ay may patutunguhan. ang bawat paghakbang ay may
mararating.
ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan.

hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan


paghakbang na pinuhunanan ng pawis, dugo at luha paghakbang na
kinamulatan ng maraming pagsubok, pangamba at panganib
mula pa sa panahon ng kawalang-malay
hanggang sa panahon ng walang humpay na pananakop,
digmaan at kasarinlan
at hanggang sa kontemporaryong panahon ng makinasyon
sumibol ang kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwa’t kamalayan
kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw,
may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo
at tangis ng pamamaalam.
ito ang ating tinalunton, ito ang bunga ng ating paghakbang:
ang kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan.

NGAYON, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,


binhing nakatanim ang maraming kulturang
nag-uumapaw sa ating diwa
nagbabanyos sa ating damdamin
nag-aakyat sa ating kaluluwa
sinubok ng maraming taon
inalay sa mga bagong sibol ng panahon
anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian
ang kultura’y pinayayabong
nang may halong sigla at tuwa,

6
nang may kasalong pagsubok at paghamon
kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na kilos
kulturang inihahain ng pagsamba’t prusisyon kulturang
sinasalamin ang pasko’t pistang-bayan kulturang pinaaawit ng
pasyon at pagsasabuhay ng Poon kulturang patuloy na sumisibol at
ipinapupunla ng tradisyon: pampamilya, pang-eskuwela,
pampolitika, panrehiyon at pambansa na dinilig ng maraming
pagpapaalala, paggabay at patnubay at pinayaman ng makukulay
na karanasan
kulturang inihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan
ito ang regalo ng kultura
regalo ng kasalukuyan.

BUKAS, ang kulturang itinudla ng nakaraan


at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan
at mananatiling repleksyon ng kabutihan kulturang gagalang sa
mga bata’t matanda kulturang rerespeto sa mga babae’t may
kapansanan kulturang luluklok ng pagbabayanihan at
pagkakapatiran kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw
katali ng pagsasadula’t pagbabalagtasan
diwang marangal ang ipupunla. kariringgan ng maraming wika
magkakapantay sa kalayaan at karapatan
magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan
habang patuloy na humahakbang upang galugarin pa
ang kulturang pagyayamanin ng ating lahi
ng lahing magiting
ng lahing kapuri-puri

ng lahing marangal.

Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Itala ang


iyong kasagutan sa nakalaang patlang.

1. Tungkol saan ang binasa?______________________________________________

2. Anong kaisipan ang nilalaman ng tula?_________________________________

3. Anong problema ang maaring mabuo sa iyong isipan habang binabasa ang
tula?______________________________________________________________

4. Batay sa tulang binasa isa-isahin ang katutubong kaugalian na nabanggit.


______________________________________________________________

7
5. Sa iyong palagay, makabubuo ka ba ng pananaliksik batay sa
mensaheng ipinaaabot ng tula? Ano ang maaring maging paksa ng iyong
pananaliksik?
__________________________________________________________________

ALAM MO BA………………..

Ang Pananaliksik ay isang akademikong sulatin na


nangangailangan ng kritikal,masukal,at lohikal na pag-iisip.Ayon kay
Vizcarra(2003) ang pananaliksik ay isang
sistematiko,kontrolado,empiriko at kritikal na pag-iimbestiga sa
haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon o ugnayan ng mga natural
na penomenon.

Hakbang sa mga Pananaliksik

1. Pumili ng Paksa

Pumili ng paksang kinagigiliwan at humahamon ng isang


malalim na pagsusuri.
Magpokus sa tiyak o hindi malawak na paksain.
Tandaan lamang na paksang pipiliin ay alam na alam mo.
Iwasan ang paksang masyadong teknikal o nangangailangan
ng mahabang pag-aaral.

2. Kumalap ng Impormasyon

Maaaring kumuha ng mga ideya at impormasyon mula sa Internet.


Habang kumakalap ng impormasyon kailangang isulat ang buong
impormasyon tungkol sa bibliyograpiya.
Tandaan na walang halaga ang anumang datos kung
hindi binabanggit ang pinaghanguan.

3. Bumuo ng Tesis na Pahayag


Ilahad ang iyong tesis sa isang buong pangungusap.
Gamitin ang tesis na pahayag bilang lunsaran sa pagpapaunlad
ng argumento.
Kailangang ang tesis na pahayag ay tiyak-kailangang
sakupin lamang nito ang mga bagay na tatalakayin sa iyong
papel at sinusuportahan ng katotohanan at katibayan.

4. Gumawa ng Isang Tentatibong Balangkas

Ang layunin sa pagbubuo ng isang balangkas ay upang makagawa


ng isang lohikal at kongretong pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa
bubuuing sulatin.
Tiyakin na naisali ang mahahalagang datos upang mapagtibay
Kailangang ilakip sa balangkas ang tatlong pangunahing bahagi
ng isang sulatin: Introduksyon,Katawan at Konklusyon.

8
5. Pagsasaayos ng mga Tala
Ayusin ang lahat ng mga tala at impormasyong nakalap ayon sa
pagkakasunod-sunod.
Suriin kung ang datos ay wasto,tiyak at napapanahon.
Tiyaking naitala ang lahat ng mga datos sa sariling pananalita.
6. Isulat ang Unang Burador

Simulan sa unang paksa ayon sa ginawang tentatibong balangkas.


Markahan ang mahahalagang tala ayon sa pagkakasunod-sunod
ng
kaisipan.
Gumawa ng buod,hawig o sipi para sa bawat ideyang gagamitin sa
sanaysay.
7. Rebisahin ang Balangkas at ang Burador
Basahing muli ang iyong papel.
Suriin kung may makikita pang pagkakamali
Ayusin ang mga ideya ayon sa pagkakasunod-sunod sa balangkas
Kailangan lamang na laging isaalang-alang ang iyong layunin at
ang
mga mambabasa.
8. Pagsulat ng Pinal na Papel
Ganap nang ginamit ng mga mananaliksik ang batayang kaalaman
sa pagsulat ng pananaliksik.
Isinasaalang-alang na rito ang pinal na kabuuan ng sulatin katulad
ng paglalagay ng pahina,pamagat,paglalagay ng margin at
ang tamang balangkas ng isang sulating pananalisik
Mga Bahagi ng Pananaliksik
1. Suliranin at Kaligiran Nito
Nagsisilbing introduksyon, nagpapakilala ng halaga ng akda batay sa
konteksto o kaligiran nito. Nagbibigay ng mga layunin ng pananaliksik .

2. Mga Kaugnay na Literatura ng Pag-aaral

Dito ipinapakita ang mga pagsusuri, pag-aaral, literatura na may kaugnayan


at halaga sa kasalukuyang salik na gagawin.
3. Metodolohiya / Pamamaraan

Ipinaliliwanag ang disenyo at pamamaraan ng pananaliksik at


ang instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos.

4. Paglalahad at Pagpapakahulugan

Naglalaman ng mga tampok na bahagi ng presentasyon at pagsusuri ng


datos .

5. Konklusyon at Rekomendasyon

Lagom ng pangkalahatan at mahahalagang natuklasan ng pananaliksik.


Ang rekomendasyon ay binubuo batay sa mga natukoy na kongklusyon ng
pag-aaral

9
Pagyamanin

GRAMATIKA / WIKA
Mga Pahayag sa Pagkakasunod-sunod

Ang datos ang pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik.Inilalahad ang


mga ito,sinusuri at inihahambing sa mga nauna nang kaugnay na pananaliksik
at binibigyan ng interpretasyon.

Kailangang mailahad ang mga datos nang naaayon sa maayos na


pagkakasunod-sunod ng mga ito upang maging magaan at madaling
maunawaan ng mga babasa ang isinasagawang pananaliksik.

Narito ang tatlong uri ng pahayag ng pagkakasunod-sunod

1. SIKWENSYAL-Ang batayan ng order ay ang panahon o pagkakasunod-sunod na


pagkakaganap ng mga pangyayari.-Sikewensyal ang mga teksto kung ito ay
kinapapalooban ng serye ng pangyayari magkakaugnay sa isa’t-isa na
humahantong sa isang pangyayari na siyang pinakapaksa ng teksto.Karaniwang
ginagamitan ng salitang una,pangalawa,pangatlo at iba pa.

Hal. Ang paggawa ng talambuhay ng isang tao o kronolohikal na


pagkakasunod-sunod ng pangyayari.

2. KRONOLOHIKAL-Kronolohikal ang isang teksto kung ang paksa ay tao o kung


ano pa mang mga bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na
baryabol tulad ng edad, distansya, tindi, halaga,lokasyon, posisyon, bilang,
dami,at iba pa.

Hal: Rodrigo R.Duterte (2016-2022)

Benigno S.Aquino (2010-2016)

Gloria M.Arroyo ( 2001-2010)

Joseph E. Estrada ( 1998-2001)

3. PROSIDYURAL-Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto tungkol sa serye


ng mga gawain upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta.

Hal. Proseso ng pagluluto ng suman

10
Pagsasanay 1

Panuto:Isa-isahin ang mga bahagi ng pananaliksik ayon sa


pagkakasunod-sunod nito.

Step ladder. 5

Pagsasanay 2

Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng pananaliksik ang mga


sumusunod na mga pahayag.Piliin ang letra ng tamang sagot.

A. Metodolohiya D. Paglalahad at Pagpapakahulugan

B. Konklusyon/Rekomendasyon E. Mga Kaugnay na Literatura o Pag-aaral

C. Suliranin at Kaligiran nito

_______ 1. Lagom ng pangkalahatan at mahahalagang natuklasan ng pananaliksik.


_______ 2. Nagsisilbing introduksyon, nagpapakilala ng halaga ng akda batay sa
konteksto o kaligiran nito.
3. Naglalaman ng mga tampok na bahagi ng presentasyon at pagsusuri ng
datos.

4. Dito ipinapakita ang mga pagsusuri, pag-aaral, lietratura na may


kaugnayan at halaga sa kasalukuyang salik na gawain.

5. Ipinaliliwanag ang disenyo at pamamaraaan ng pananaliksik at ang


instrumenting ginamit sa pangangalap ng datos.

11
Gawain 1:

Panuto: Bumuo ng talata batay sa kronolohikal na ayos ayon sa hakbang


sa pagsulat ng pananaliksik.Gumamit ng mga pahayag sa pagkakasunod-
sunod.Isulat ito sa kahon.

Paano Sumulat ng Pananaliksik?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
G_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Gawain 2:
Sagutin ang Pokus na Tanong!
1. Bakit kailangang matutuhan ang mga hakbang sa paggawa
ng pananaliksik batay sa binasang datos?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Bakit kinakailangang makilala ang mga pahayag sa pagsunod-sunod


ng mga datos?
________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

12
Isaisip

Panuto: Dugtungan mo nga……………………………………………..

Natuklasan ko na upang makabuo ng pananaliksik dapat ay…………………….

Nalaman ko na sa pagpapahayag dapat ay………………………………………………

Isagawa

Tayo ay Magsulat!

Ang iyong paaralan ay magkakaron ng patimpalak sa pagsulat ng


pananaliksik. Isa ka sa napiling mag-aaral para magsagawa ng isang
pananaliksik. Sa kasalukuyan unti-unti ng nagbabago ang mga kututubong
kaugalian na kinagisnan natin sa ating mga ninuno.Magsasagawa ka ng isang
pananaliksik na may kaugnayan sa pagpapahalaga sa katutubong kulturang
Pilipino.

Isaalang-alang ang mga isinasaad na pamantayang susundin.

13
Pamantayan sa Pagsulat ng Pananaliksik

Nilalaman………………………….25

Organisasyon………………………20

Paggamit ng Internet……………….15

Paggamit ng mga pahayag

Sa pag-aayos ng datos………………20

Orihinalidad…………………………20

Kabuoan…………………………….100

Pamagat ng Pananaliksik

Mananaliksik

Paaralan

Petsa ng Pagkakasulat

Panimula

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

14
Maikling Paglalarawan ng Pag-aaral:

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

Buod ng Natuklasan

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
________________________________________________

Konklusyon

______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

15
Tayahin

PANUTO: Tukuyin ang sinasaad ng mga sumusunod.Hanapin sa ibaba


ang kasagutan at isulat ang letra ng tamang sagot.

_____1. Ito ay proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na


humahantong sa
bagong kaalaman.

_____2. Ang batayan ng order ay ang panahon o pagkakasunod-sunod na


pagkakaganap ng mga pangyayari.

_____3. Mayroon itong proseso o magkakasunod na hakbang na dapat sundin


tungo sa pagtuklas sa kasagutan sa kung anumang layunin ng pananaliksik.

_____4. Ito ay isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo ang
inaasahang hangganan o resulta.

_____5. Ang mga datos na nakalap sa pananaliksik ay dapat suriin nang mabuti
upang hindi magkamali sa pag-iinterpret ang mananaliksik.

____6. Isang teksto kung ang paksa ay tao o kung ano pa mang mga bagay na
inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na baryabol tulad ng edad,
distansya, tindi, halaga,lokasyon, posisyon, bilang, dami,at iba pa.

____7. Lagom ng pangkalahatan at mahahalagang natuklasan ng pananaliksik.


Ang rekomendasyon ay binubuo batay sa mga natukoy na konklusyon ng pag-
aaral.

____8. Naglalaman ito ng mga tampok na bahagi ng presentasyon at pagsusuri ng


datos .

____9. Ipinaliliwanag ang disenyo at pamamaraan ng pananaliksik at ang


instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos.

___10. Dito ipinakikita ang mga pagsusuri, pag-aaral, literatura na may


kaugnayan at halaga sa kasalukuyang salik na gagawin.

A. Paglalahad at Pagpapakahulugan F. Sikwensyal


B. Kronolohikal G. Mapanuri
C. Kaugnay na Literatura sa Pag-aaral’ H. Konklusyon/Rekomendasyon

D. Sistematik I. Metodolohiya/Pamamaraan
E. Pananaliksik J. Prosidyural

16

You might also like